Note: Yung makikita niyo pong italics flashbacks po yun ha! Thanks po! -------------------- Kapwa tahimik kaming dalawa. Ako,hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. I never thought na ganun ang sitwasyon kung bakit nangyari ang lahat. Sa kabila ng nalaman ko hindi ko pa rin maiwasang magkaroon ng hinanakit sa kanya. He could have at least told me about his situation kasi maiintindihan ko naman ang lahat. Subalit sa halip na sabihin niya yun,mas pinili niyang saktan ako. Ipinakita niya sa akin na wala akong kwenta. Na kayang kaya niya akong palitan kahit sa isang kisapmata lang. Na kahit ibinigay ko na sa kanya ang lahat hindi pa rin sapat at kahit kailan hindi ako magiging sapat at karapat dapat para sa kanya. Pero sa kabila ng lahat hindi ako sumuko ng pag-intindi at pagmamahal

