Kapag ba nalaman mo na yung akala mo taong sinaktan ka eh hindi naman pala sinasadyang saktan ka magiging madali ba sa iyo ang magpatawad? Tapos kapag ba nalaman mong mahal ka pa niya magiging madali ba ang lahat para sa inyo? Siguro sa iba magiging masaya sila kasi nga di ba there's still a chance for the both of you. Maybe yung iba they'll grab this chance. Pero bakit ako? Bakit parang ang bigat ng dibdib ko? Bakit kapag tinitingnan ko siya masakit pa rin kahit na nalaman kong hindi naman niya ginusto ang lahat. Na sabi nga niya naipit lang siya sa akin at sa pamilya niya. Bakit hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan? Ang tanga ko talaga! Natural alam ko ang rason. ,mahal ko pa siya kaya nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan ako kasi kung maaga niyang narealize na hindi niya kaya na wal

