Pagal kong ibinagsak ang aking katawan sa kama. Tiningnan ko ang aking mga anak na mahimbing na ang tulog. Magkayakap pa sila. Maghapon akong wala kaya sabi ni Ditas dito na sa kwarto ko natulog ang dalawa. Hinanap nila ako pero sinabi na lang daw niyang may importante akong lakad. Hindi naman kasi ako nagpaalam sa kanila,maaga akong umalis,nagtxt na lang ako may lalakarin lang ako. Niyakap ko ang aking mga anak. Alam ko hindi lang kina Ditas ako kailangang magpaliwanag kung saan ako nanggaling ngayon,maghapon ba naman akong wala alam ko namang mag-aalala sila. Kaya ko lang naman hindi sinabi kung saan ako pupunta kasi hindi ako sigurado kung magiging maayos ang pag-uusap namin. I sigh ng maalala ko ang napag-usapan namin tungkol sa kambal. Good thing nagkasundo kami na hayaan na muna

