CHAPTER 22

692 Words
"Problema?...,tanong sa akin ni Alden.,"Kanina ka pa kasi namin tinitingnan,okay ka lang ba?. , "Y-yeah. ,i guess!. ,itinaas ko pa ang shot glass na hawak ko. Okay nga ba ako? Lahat ng plano ko para makuha siyang muli,nasira. "Is it about her?your queen?. ,tanong niyang muli. Nakita kong tumayo at palapit na rin sa amin si Richard at Zachary. Tumango ako sa sinabi niya. Ano bang dapat kong gawin para makasama siyang muli. Ano ba ang dapat kong gawin makausap ko lang siya,hihingi ako ng tawad sa kanya sa lahat ng nagawa ko noon at ipaliliwanag ko na rin sa kanya ang lahat kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. "She changed a lot. ,ani Richard matapos umupo sa harap ko. "Oo nga eh,hindi pa man namin siya matagal na nakakausap but i can sense na may nagbago talaga sa kanya. ,dugtong naman ni Zachary. Natahimik kaming lahat. Hindi ko maiwasang patuloy na sisihin ang sarili ko. Kung sana hindi ako naging mahina,kung sana hindi ako nagpadala sa takot na naramdaman ko noon marahil wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Mahal na mahal na mahal ko siya. Oo,bago ko siya nakilala puro kalokohan talaga ang alam ko pero ng nakilala ko siya doon ko nakita na hindi ako totoong hopeless katulad ng pagkakakilala ko sa sarili ko. She made me realize my self-worth. Ipinamukha niya sa akin na kaya nagiging masama ang tao kasi choice nila yun,they opted for it. Sabi niya sa buhay at sa bawat pangyayari sa buhay lagi ng may choices at nasa iyo na kung saan ka pupunta. Na sa bawat desisyon na gagawin mo sa buhay mo masama man o mabuti kailangan titimbangin mo muna at pag-iisipan bago ka magpasya. Kasi in the end whatever your choice will be there will always be consequences na kadalasan ay kakaharapin mo. And i guess minsan sa buhay ko simula ng makilala ko siya nagkamali ako ng desisyon. ,yun ang pakawalan siya. Pinilit kong itama ang lahat pero wala na siya,iniwan na niya ako. At ngayon na nandito na siya,ang hirap pala. Nag-iba na siya. Pero para sa akin siya lang ang nag-iisang babaing mamahalin ko. Siya lang habangbuhay. Kung pagkatapos ng lahat ng pagsusuyo ko sa kanya at hindi pa rin niya ako magawang patawarin,wala na akong magagawa kundi ang pakawalan siya,kahit na masakit,kahit na alam kong ikamamatay ko. ,gagawin ko makita ko lang siyang masaya. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking pisngi. Hindi ako nag-abalang punasan ang aking mga luha. Yumuko ako at humagulhol. Tahimik lang ang aking mga kaibigan. Palagi naman kasing ganito,pag tungkol talaga sa reyna ko madali akong mag-breakdown at hindi ko ikinakahiya sa mga kaibigan ko yun. Pagdating sa kanila hindi ko na kailangang magkunwaring hindi ako nasasaktan. Sa kanila ko lang ipinapakita ang side kong ito. Nakakapagod din kasing magkunwari. Hindi lang naman babae ang may karapatang masaktan. At hindi ko ikinakahiya kung sakaling ako ang kauna-unahang lalaking ganito kung masaktan. Nagmahal ako,nagkamali at pinagsisisihan ko na yun,matagal na akong nagdurusa sa mga maling desisyon na nagawa ko sa buhay ko. Gagawin ko ang lahat para maitama ang lahat ng yun. "Pain really changes a person. ,sana lang hindi ganun katindi ang pagbabago ni Cassy. I hope hindi pa huli ang lahat para sa inyong dalawa,Zeke. Kahit lalaki ako,nasasayangan kasi talaga ako sa inyong dalawa. ,you're both in love with each other yun nga lang ang dali niyong sumuko sa mga pagsubok at ang pinamasakit doon. ,tinapik ni Alden ang aking balikat. ,"ikaw ang unang sumuko,Pare! Ikaw na inaasahan kong siyang magiging malakas sa inyong dalawa. ,hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang pumayag ka sa lahat ng yun. ,i hear him sigh. ,"nakita ko kung paano si Cassy nasaktan at nagdusa sa mga desisyon mong yun kaya hindi ko siya masisisi kung kahit ang paglapit mo sa kanya ay ayaw din niya. ,you broke her,Pare. ,you broke your queen. ,mahaba niyang sabi sa akin. Napatango naman si Richard at Zachary. "Don't worry,Zeke. ,andito kami para sa iyo. Sabihin mo lang kung kailangan mo kami. ,sabi ni Zachary. Hindi ako makasagot sa kanya. Iniisip ko ang mga sinabi ni Alden. Tangina! Ang gago ko talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD