Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Lucifer na hindi naman natuldukan ay mas pinili niya na matulog lang sa couch ng kwarto ko. Nakabaluktot siyang nakahiga doon. Huminga ako nang malalim kasi yun lang ang kaya kong magawa ngayon. Hindi ko din alam kung tama ba lahat nang sinabi ko sa kanya kanina kasi baka pagsisihan ko. Ayoko pa namang nang masyadong drama pero talagang kapag ang buhay ang sumulat ng drama talagang hindi ka makakawala. Napailing na lang ako tsaka ko inabot ang tubig sa gilid nang kama ko saktong pagbukas nang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Mommy. "Bakit gising ka?" mahina pero malinaw niyang sabi. Agad siyang lumapit sa akin pero sa paglapit niya doon naman ako biglang napaiyak. Niyakap kaagad ako ni Mommy "Bakit ka umiiyak?" Yinakap ko siya nang mas mahigpit "Sorr

