Amanpulo, Palawan Dumating kami ng halos dalawang oras na ni Lucifer dito pero parang hindi pa din ako makapaniwala na nandito na ako sa lugar na ito. Ang Bahay ni Dare ay nakaharap sa isang infinity pool at dagat naman ang kinahaharapan ng Infinity Pool. Para akong nasa isang paraiso. Binuksan ko na naman ang camera ko at tinapat ko sa magandang tanawin na nasa harapan ko. "I prepared a food for us" Pero hindi ako lumingon kahit anong salita niya. Hindi naman sa ayokong kumain pero gustong-gusto ko talaga yung view na nakikita ko. "Put your camera down and let's eat. Our baby is hungry" narinig ko uling sabi niya. I rolled my eyeballs before I put down the camera tsaka siya sinunod sa paglakad. Maganda ang bahay ni Dare sa Amanpulo at hindi ko akalain na makakabili siya ng gantong kl

