My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 20 Nakangiting pinagmamasdan ni Marcus, ang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama niya si Hakeem. Halata sa guwapong mukha nito ang sobrang pagod at kasakitan dahil sa ginawa nila kagabi ni Hakeem. "Akin ka lang Hakeem, walang nagmamay-ari sa'yo kundi ako at wala ng iba." ngising sabi ni Marcus, habang hinahaplos niya ang guwapong mukha ni Hakeem. Lalo siyang napangisi ng makita niya ang mga pulang markang ginawa niya sa leeg at sa ibang parte ng katawan ni Hakeem. Kararating lang nila ni Zubery, galing sa bahay ng mga Fargas. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng maalala niya na iniwan niyang nag-aaway sila Emily at Edmond. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Pinacancel niya lahat ang kanyang appointments ngayong araw na ito

