bc

My Name Is Lualhati Canlas Datu

book_age18+
516
FOLLOW
2.5K
READ
billionaire
sex
dominant
CEO
twisted
daemon
campus
office/work place
abuse
mxm
like
intro-logo
Blurb

The story is about a guy who invloved himself into drag racing with his friends with each car as the bet. He lost and so that his sports car will not given to his friends, he asked them to just give him dares which he needs to accomplish. Unknown to him, his friends made a plan that will put him into much trouble

chap-preview
Free preview
Chapter 1
My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 1 Napapamura na lang si Hakeem, sa kanyang sarili habang nakatayo siya sa sala kung saan nasa harapan niya ang kanyang mga kaibigan na nakatulalang na nakatingin sa kanya habang nakaupo ang mga ito sa sofa. Naiirita siya sa kanyang suot na isang floral diamond ruffle gown na pinahiram ni Haelynn Laurel, na kapatid na babae ng kanyang kaibigan na si Ludwick Laurel. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo dahil hindi siya sanay na magsuot ng wig. Sapilitan na pinasuot sa kanya ni Haelynn, ang wig na madalas na ginagamit sa mga blog nito. Isang front lace wig ombre gray wavy hair ang pinasuot sa kanya ng kapatid na babae ni Ludwick.  "H-hakeem dude?! I-ikaw ba yan?" gulat na gulat si Ryker Zale, sa kanyang nakikita ngayon. Nakatayo sa kanilang harapan ang kaibigan nilang si Hakeem Fargas, na nakabihis at nakaayos na pangbabae. Hindi niya akalain na sobrang ganda pala nito kapag naging babae ito.  "f**k! Fargas! Sobrang ganda mo! f**k!" hindi mapigilan ni Barett, na magmura dahil hindi siya makapaniwala na napakaganda ng kanyang kaibigang lalaki na si Hakeem.  "Miss puwede ba ako manligaw sa'yo?" ngising sabi ni Andreas Fort, tumayo siya sa kanyang pagkakaupo para lapitan sana niya ang kanyang kaibigan na mukhang babae ngayon ngunit pinigilan siya ni Haelynn.  "Ooppzz! Dyan ka lang Kuya Andreas, wag kang lalapit kay Lualhati." mataray na sabi ni Haelynn, napatingin sa kanya si Hakeem, na katabi niya ngayon.  "Lualhati? Sino iyon?" kunot noo na tanong ni Hakeem.  "Sino pa ba edi ikaw Kuya Hakeem!" tinuro ni Haelynn, si Kuya Hakeem, niya para malaman nito kung sino si Lualhati. Bigla na lang niyang naisip na bigyan ng babaeng pangalan ang Kuya Hakeem, niya at Lualhati, agad ang pumasok sa kanyang isip.  "Tangina! Pang pokpok yang pangalan na Lualhati! Hahaha!" natatawang sabi ni Ryker.  "Kuya Ryker! Hindi pang pokpok ang pangalan na Lualhati. Lualhati, ay kahulugan ng isang dalisay na babae. Teka nga muna! Ipapakilala ko muna sa inyo ang isang magandang binibining nasa harapan ninyo. Siya si Lualhati Canlas Datu aka Hakeem Fargas!" proud na proud si Haelynn, sa kanyang sarili sa ginawang make over niya sa kaibigan ng kanyang Kuya Ludwick, na si Hakeem Fargas. Ayaw pa nga pumayag ng kaibigan ng kuya niya, na i blog niya ito habang inaayusan niya ito dahil sa taglay niyang makulit at mapilit ay wala na nagawa ang Kuya Hakeem, niya at na i blog na rin niya ito. Ultimo siya ay hindi makapaniwala sa kinalabasan ng kanyang ginawang pag-aayos sa Kuya Hakeem, niya. Hindi naman siya nahirapan na ayusan dahil may taglay na itong kagandahan. Mamaya-maya ay eedit na niya ang kanyang content na ginawa niya kanina sa pag-aayos sa Kuya Hakeem, niya. Sigurado siyang marami na naman manonood ng kanyang blog dahil parami nang parami na ang kanyang mga subscriber sa youtube account niya.   "Lualhati Canlas Datu! Maria Clara ka gurl?!" tukso ni Barett, kay Hakeem, lahat sila ay napatawa sa sinabi niya dahil nagboses babae pa siya para sabihin iyon sa kaibigan niyang si Hakeem.  "Sira ka talaga! Barett! Diba sobrang ganda ni Hakeem. Pinasuot ko sa kanya ang floral diamond ruffle gown na sinuot ko noong nagpictorial ako para sa debut ko. Buti na lang ay kasya at para hindi rin makita ang kanyang biceps. My god! Ang ganda mo talaga!" masayang sabi ni Haelynn, napansin niya ang kanyang Kuya Ludwick, na tahimik sa isang sulok kung saan nakatingin lang ito sa kaibigan nitong si Hakeem. Ayaw na lang niya itong pansinin dahil baka bad mood na naman ito. Ilang araw na niya itong napapansin ang pagiging mainitin ng ulo ng kanyang Kuya Ludwick.  "Hakeem, dude! Simula ngayon ay niligawan na kita basta nakasuot ka ng pambabae." sabi ni Andreas, hinawakan pa niya ang kamay ng kaibigan niyang si Hakeem, at isang matamis na halik ang binigay niya sa kamay ni Hakeem. "f**k dude! Bat may pahalik-halik ka pang nalalaman! Kainis ka naman!" inis na sabi ni Hakeem, pinunasan niya sa kanyang suot na damit ang kamay na hinalikan ni Andreas.  "Ayos talaga ang naisip mo Ludwick!" napatingin si Ryker, sa kaibigan niyang si Ludwick, na tahimik na nakaupo sa isang kulay puting wing chair kung saan animo ay isa itong hari nakaupo sa trono nito.  "Ano? Ok na ba? Nagawa ko na ang deal natin." inis na sabi ni Hakeem. Tatalikod na sana siya upang bumalik sa kuwarto ni Haelynn, para alisin na ang kanyang suot na wig, floral dress at lalo na ang make up na nilagay ni Haelynn, sa kanya.  "Sino nagsabi sa'yo na tapos na ang deal natin? Yan ang deal ni Ludwick, diba? Ako naman ang magsasabi kung ano naman ang gusto kong ipagawa sa'yo." ngising sabi ni Barett, titig na titig siya ngayon sa kanyang kaibigan na si Hakeem.  "A-akala ko ba ok na ito na magbibihis babae ako?" sabi ni Hakeem.  "Maraming namamatay sa maling akala Fargas. Nagka-amnesia ka yata dude. Tandaan mo bawat isa sa amin ay may ipapagawa sa'yo at susundin mo ito. Ano gusto mo gagawin mo ba ang sasabihin namin o mawawala sa'yo ang pinakamamahal mong baby lexus?" ngising sabi ni Barett. Alam niyang hindi makakatanggi si Hakeem, sa sasabihin niya dahil kukunin niya talaga ang sport car nito kung hindi nito gagawin ang pinapagawa niya.  Napayukom na lang ang kamao ni Hakeem, sa sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan na si Barett Lancheta. Ilang araw na ang nakakaraan natalo siya sa isang pustahan dahil natalo siya kagabi sa sinalihan niyang drug race.  ________________________ "Fargas! Galingan mo kundi baka mawala sa'yo yang baby mo." ngising sabi ni Barett Lancheta, tinutukoy niya ang pinakamamahal na kotse ng kanyang kaibigan na si Hakeem.  "Tangina mo! Hindi mangyayari yan! Kayo ang mawawalan ng mga kotse ngayong gabi dahil mananalo na naman ako ngayong gabi sa karera na ito." mataas ang kumpiyansa ni Hakeem, sa kanya sarili dahil hindi pa siya natatalo sa drug race na sinasalihan niya. Siya ang kinikilalang "king of drug race". Hinding-hindi niya hahayaan na matatalo siya dito sa karera na ito dahil nakapusta ang kanyang pinakamamahal niyang kotse na 2014 Lexus LS 600h na ginagamit niya palagi sa pangangarera. Hindi lang basta ito sport car para sa kanya. Dahil iniregalo ito ng kanyang mga magulang sa kanya kaya may sentimental value ito at lucky charm na rin ito para sa kanya. Samantalang ang apat naman niyang kaibigan na sila Ryker Zale, Ludwick Laurel, Barett Lancheta, at Andreas Fort, ay mga kotse rin nila ang ipinusta nila. Sa totoo lang ay hindi niya kailangan ng maraming kotse dahil ang baby Lexus LS 600h ay sapat na para sa kanya marami na rin silang pinagsamahan at kung saan-saan na sila nakapunta. Napatingin siya sa paligid marami-rami na rin mga taong nanunuod ngayong gabi. Alam niyang halos lahat ng mga taong nandito ngayon gabi ay mga taga Malaya University, kung saan siya at pati ang apat niyang kaibigan ay pumapasok dito. Napangisi na lang siya ng makita niya ang mga taga Eltas Fraternity, na nandito. Sa apat na taon niya sa Malaya University ay ilang beses na siyang inalok ng mga ito na sumali sa Eltas ngunit lagi niya itong tinatanggihan dahil para sa kanya ay kalokohan ang sumasali sa mga ganun na fraternity. Masaya na siya sa apat niyang mga gagong kaibigan.  "Nasaan si Ludwick? Kanina pa ako nagtetext sa kanya hindi man ito nagrereply." tanong ni Ryker Zale, ang usapan nila ay sabay-sabay sila pupunta dito sa likod ng Malaya University kung saan gaganapin ang drug race na sasalihan ni Hakeem.  "Tinatawagan ko naman siya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka tinopak na naman iyon." kilala ni Andreas Fort, si Ludwick, dahil sa limang magkakaibigan ay silang dalawa ang malapit sa isa't-isa dahil na rin magkababata silang dalawa. Alam niyang kapag ganitong tinatawagan niya ito at hindi sumasagot ay sigurado siyang may importanteng itong ginagawa.  "Baka nakapasok pa ang alaga nito kay Janella. Hahaha!" natatawang sabi ni Barett.  "Kala ko ba hiwalay na silang dalawa?" tanong ni Hakeem, alam naman nilang magkakaibigan na pakboy itong si Ludwick, pero baliw na baliw pa rin ito kay Janella Costales, na ilang taon din nitong naging karelasyon.  "Hayaan niyo nga siya ang mahalaga ay nandito tayong tatlo para panuorin na matalo este manalo ang kaibigan natin na si Fargas." birong sabi ni Barett, sa limang magkakaibigan ay siya ang pinakajoker sa kanilang lahat. Kaya natutuwa siya kapag nakikita niyang napipikon ang mga ito sa mga joke niya.  Sa pakikipagkuwentuhan ni Hakeem, ay naramdaman niyang nagvibrate ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Agad niya itong kinuha sa bulsa niya upang alamin kung sino ang tumatawag sa kanya. Napakunot noo na lang siya ng makita niyang si Ludwick, ang tumatawag sa kanya.  "Hello? Tangina dude saan ka na?" tanong agad ni Hakeem.  "Puwede ba na pumunta ka muna dito sa gym ng Malaya University may gusto lang sana ako sabihin sa'yo." _Ludwick Napakunot noo lalo si Hakeem, sa kanyang narinig mula sa kanyang kaibigan na si Ludwick. Narinig niya ang isang malalim na buntong hininga nito. Napatingin siya sa kanyang tatlong kaibigan na abala sa pakikipag-usap sa nakilala nilang mga babae kani-kanila lang. Napailing na lang siya sa mga kaibigan niya.  "Hello? Hakeem?" _Ludwick "Dude, seryoso ka ba sa sinasabi mo? Hindi ba puwede na mamaya mo na lang sasabihin yan kung ano man yan? Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang karera ko." sabi ni Hakeem, ayaw na ayaw niyang nakakaranas ng stress kapag malapit na siyang sumakay kay baby Lexus para sa drug race na sasalihan niya.  "Hakeem Fargas, please dude kailangan lang kita makausap ngayon." _Ludwick Sigurado na si Hakeem, na seryoso si Ludwick, sa sasabihin nito sa kanya dahil tinawag na siya nito sa buong pangalan niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito kaya napagdesisyunan na lang niya na pumunta sa gym ng Malaya University. Walking distance lang naman ito dahil nasa likuran lang sila ng university ngayon. Hindi na niya kailangan na umikot para pumunta sa mismong entrance ng Malaya University dahil tinatahak na niya ang isang short cut papunta sa gym. Hawak-hawak pa rin niya ang kanyang cellphone sa kanyang kamay na ginawa nitong flashlight dahil medyo madilim na ang nilalakaran niya. Hindi na siya nagpaalam pa sa tatlong kaibigan niya dahil   busy ang mga ito sa pakikipag-usap sa mga babaeng nakilala nila kanina. Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa gym ng Malaya University. Pagpasok niya ay nakita niyang nakabukas lahat ang mga ilaw ng gym kung saan nakaupo si Ludwick, sa bench habang nakatingin ito sa kanya.  "Dude! Ano bang sasabihin mo? Kailangan talaga na nandito tayo sa Gym?" inis na tanong ni Hakeem, pinuntahan na niya ito dahil hindi rin siya makakapagfocus sa karera niya kung hindi niya malalaman kung ano ang sasabihin ng kanyang kaibigan na si Ludwick. Gusto lang niyang magfocus sa kanyang karera ngayon at nasa harapan na siya ni Ludwick Laurel, isang sikat na basketball player ng Malaya University at isa sa mga kaibigan niya.  Tumayo sa pagkakaupo si Ludwick, mas matangkad siya kay Hakeem, kanina pa niya hinihintay itong dumating dito sa gym. Alam niyang pupunta ito dahil tinawag na niya ito sa buong pangalan nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya sabihin ang nais niyang sabihin kay Hakeem. Ilang araw na siyang hindi makatulog dahil sa kanyang dinadalang mabigat sa kanyang dibdib. Kailangan na niyang ilabas ito para makahinga na siya ng maluwag. Alam niyang hindi ito ang tamang panahon at oras para sabihin niya kay Hakeem, ang nais niyang sabihin. Ngunit hindi na niya kayang ipabukas pa ito. Mabuti na lang ay wala ang tatlo pa nilang kaibigan at silang dalawa lang ni Hakeem, ang nandito sa gym ayaw lang niya na may ibang makakarinig sa sasabihin niya ngayon.  "Dude! Ano na tulala ka lang dyan? Tangina sabihin mo na kung ano ang gusto mo sabihin!" sobra na naiinis si Hakeem, sa kanyang kaibigan na si Ludwick. Hindi pa kasi nito sabihin kung ano ang gusto nitong sabihin sa kanya. Napatingin siya sa kanyang suot na relo  Ilang minuto na lang talaga ay magsisimula na ang karera niya.  "H-hindi ko alam kung pa-paano ko sasahihin sa'yo ito." sobrang kinakabahan si Ludwick, ang kanyang puso ay kulang na lang ay lumabas sa kanyang dibdib dahil sobrang bilis ng t***k nito. "Dude ano na? Tangina! Ang dami mong paliguy-ligoy! Bahala ka nga dyan!" tumalikod na si Hakeem, upang umalis na sa lugar na ito dahil naiinis na siya kay Ludwick. Nasasayang ang kanyang oras sa wala naman kwentang bagay. Nakailang hakbang na siya ng marinig niyang magsalita ang kanyang kaibigan. Napatigil na lang siya sa kanyang paglalakad dahil sa sobrang pagkabigla niya sa sinabi ni Ludwick, sa kanya.  "Mahala kita Hakeem! Mahal kita Hakeem Fargas!" sigaw ni Ludwick. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.4K
bc

His Cheating Heart

read
41.8K
bc

NINONG II

read
620.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

OSCAR

read
227.9K
bc

SILENCE

read
381.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook