My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 2
"Fargas! Dude! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" tanong ni Barett, habang nakatingin siya kay Hakeem, na mukhang malalim ang iniisip nito.
"Huh? A-ano iyon? Dude?" naalala lang niya ang nangyari kagabi. Hindi niya akalain na magtatapat sa kanya si Ludwick, kagabi. Masasabi niya na iyon ang dahilan kung bakit siya natalo sa drag race kagabi. Noong sinabi ni Ludwick, na mahal siya nito ay lumingon siya at nakita niyang lumuluha na ito habang nakatingin sa kanya. Akala niya ay prank lang ang lahat ngunit mas nagulat na lang siya ng bigla itong lumapit sa kanya. Walang anu-ano ay bigla siya nitong hinalikan hindi isang simple halik lang iyon kundi isang mapusok na halik noong una ay hindi pa pumapasok sa kanyang isip kung ano ba ang nangyayari. Namalayan na lang niya na tumugon na lang siya sa halik sa kanya ni Ludwick.
"Pupunta tayo ngayon sa Altas Bar na ganyan ang itsura mo." masayang sabi ni Barett.
"Seryoso ka ba dude? Baka gusto mo makatikim sa akin ng isang suntok." inis na sabi ni Hakeem, hinding-hindi siya lalabas ng bahay na ganito ang itsura niya. Baka may makakilala pa sa kanya at pagkamalan pa siyang bakla.
"Sa ayaw at sa gusto mo ay aalis na tayo ngayon din." ngising sabi Barett, tumayo na siya sa kanyang pagkakaupo sa sofa. Nagsitayuan na rin ang iba pa niyang kaibigan.
"f**k! Dude! Hindi ako lalabas na ganito ang itsura ko!" sigaw na sabi ni Hakeem. Parang pinagtritripan na siya ng mga kaibigan niya.
"f**k you too! Ipapaalala ko lang na may pustahan tayo at ikaw ang natalo sa pustahan. Imbes na kunin namin sa'yo ang baby Lexus mo ay pumayag ka sa mga ipapagawa namin sa'yo. Nauna na si Ludwick, ang gusto niya ay maging babae ka ngayon gabi sa tulong ng kapatid nito na si Haelynn, ay naging mukhang babae ka nga. At si Barett, na ang susunod na may papagawa sa'yo. Uulitin ko lang ang gusto ni Barett, ay lalabas tayo ngayon at pupunta sa Altas Bar na ganyan ang itsura mo. Kung hindi ka kasusunod ay kukunin sa'yo ni Barett, ang pinakamamahal mong sports car na si Lexus!" gusto lang na linawin ni Andreas, ang lahat-lahat ng pinag-usapan nilang lima tungkol sa pustahan nila. Napakasimple nga lang ang pinapagawa nila kay Hakeem.
"Siguro naman dude malinaw na sa'yo lahat." ngiting sabi ni Ryker, nauna na siyang lumabas ng bahay para makapagyosi na siya. Habang naglalakad siya palabas ng bahay nila Ludwick, ay hawak-hawak na niya ang isang kaha ng sigarilyo na black mentol at isang mumurahin lighter na nabili niya kagabi dahil hindi niya alam kung saan niya nailagay ang kanyang blue lighter na lagi niyang ginagamit. Habang humihithit siya ng kanyang sigarilyo ay iniisip niya kung ano ang ipapagawa niya kay Hakeem, mamaya kapag nasa Altas Bar na sila. Hindi niya maitatanggi na napakaganda naman talaga ni Hakeem, ngayong gabi. Hindi niya akalain talaga na magmumukhang babae ito. Noon pa man ay napapansin na niya na mukhang babae ito. Sa sobrang amo ng mukha nito ay bibigyan o pahahabain lang ang buhok nito ay magmumukha na itong babae. Iniisip niya kung ano ang tawag sa lalaki na mukhang babae? Sa huling buga ng kanyang yosi ay nalalaman na niya ang salitang babagay kay Hakeem.
"Androgyny" sabi ni Ryker, sa kanyang sarili napangiti na lang siya ng makita niyang papalabas ang mga kaibigan niya kasama si Hakeem.
"H-hindi ba puwede na iba na lang ang ipagawa mo dude?" tinutukoy ni Hakeem, ay si Barett. Nag-aalala lang siya na baka may makakilala sa kanya at sabihin na bakla siya. Naalala na naman niya ang halikan nila ni Ludwick, kagabi. Napatingin siya sa kanyang kaibigan na si Ludwick, na seryosong nakatingin sa kanya.
"Tara na Hakeem, para matapos na ito." seryosong sabi ni Ludwick, hinawakan niya sa kamay si Hakeem, at sabay silang naglakad palabas ng bahay. Sinabihan niya ang mga kaibigan niya na sa kotse niya sasakay si Hakeem.
"Dude, para-paraan lang ah? Baka mamaya pumunta kayo sa motel." birong sabi ni Barett.
"Dahan-dahan lang virgin pa yan!" tukso ni Andreas, sumakay na siya sa kanyang kotse. Ayaw niyang marinig na murahin siya ni Ludwick, alam niyang madali itong mapikon.
"Inunahan mo ako dude! Sa akin na lang sasakay si Hakeem, este si Lualhati." natatawang sabi ni Barett.
"f**k you Barett!" seryosong sabi ni Ludwick, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ni Hakeem. Napalingon na lang siya ulit sa loob ng bahay dahil tinawag siya ng kanyang kapatid na babae na si Haelynn.
"Kuya Ludwick, wag niyo pababayaan si Lualhati." ngiting sabi ni Haelynn, gusto man niyang sumama ay sigurado siyang hindi siya papayagan ng kanyang Kuya Ludwick. Hinintay niyang makaalis ang mga ito bago siya pumasok ng bahay para iedit ang kanyang content video na ginawa niya kanina kasama ang Kuya Hakeem, niya.
Samantala sa loob ng kotse ni Ludwick, ay tahimik at nakatingin sa labas si Hakeem. Hindi siya kumportable na kasama niya si Ludwick, dito mismo sa kotse nito. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag na sumakay sa kotse nito. Naiwan sa bahay nila Ludwick, ang baby Lexus, niya.
"Hindi mo ba ako kakausapin? Galit ka ba dahil sa pinagawa ko sa'yo?" tanong ni Ludwick, habang nagdridrive siya ay pasulyap-sulyap siya sa kanyang kaibigan na si Hakeem. Kanina nang makita niya ang kanyang kaibigan na mukhang babae ay hindi na siya nagreact baka kung ano pa lumabas sa kanyang bibig. Aaminin niya sa kanyang sarili na nagandahan siya kay Hakeem. Hindi niya akalain na magmumukha talaga itong babae. Noon pa man ay napapansin na niya na mukhang babae ang kanyang kaibigan.
"Bakit?" tanong ni Hakeem, napatingin siya kay Ludwick, na abala sa pagdridrive.
"Anong bakit?" balik na tanong ni Ludwick, tumingin siya saglit kay Hakeem.
"Sinadya mo bang gawin iyon para matalo ako sa karera kagabi?" seryosong tanong ni Hakeem. Gusto lang niya malaman kung pinagtritripan ba siya ni Ludwick. Kagabi ay hindi siya nakatulog hindi dahil natalo siya kundi dahil iniisip niya ang halikan nilang dalawa ni Ludwick.
"Sinadya mo rin ba na tumugon sa halik ko sa'yo?" balik na tanong ni Ludwick, hindi na niya tinignan si Hakeem, dahil ramdam na niya ang pagkainis nito sa kanya.
"Ludwick, natalo ako dahil sa g-ginawa nating dalawa." hindi masabi ni Hakeem, ng diretso kay Ludwick, ang ginawa nilang dalawa kagabi dahil nahihiya siya dito. Kaninang umaga ay hindi sana siya pupunta sa bahay nito dahil wala siyang ihaharap na mukha kay Ludwick. Pero napaisip siya kung bakit siya mahihiya hindi naman siya ang nagtapat ngunit hindi niya nakontrol ang kanyang sarili na tumugon sa halik ni Ludwick, sa kanya. Hanggang ngayon ay ramdam pa niya ang lambot ng labi nito. Amoy pa rin niya ang mabangong hininga nito. Ang matamis na laway ni Ludwick, ay nalalasahan pa rin niya. Masasabi niya talagang tinamaan siya kagabi sa halikan nilang dalawa ni Ludwick.
"Sinisisi mo ko dahil natalo ka kagabi? Sinisisi mo ba ako kung bakit ganyan ang itsura mo ngayon Hakeem?" seryosong tanong ni Ludwick, narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa niya. Sinabihan niya si Hakeem, na kunin nito ang cellphone niya sa mismong bulsa niya dahil hindi niya ito makuha dahil nagdridrive siya ngayon.
"Ihinto mo muna ang kotse mo at kunin mo sa bulsa mo ang cellphone mo." inis na sabi ni Hakeem, ayaw niyang kunin ang cellphone nito sa bulsa ni Ludwick.
"Sige na Hakeem, kunin mo na hindi ko puwede ihinto ang kotse." pakiusap ni Ludwick, naramdaman na lang niya ang kamay ni Hakeem, sa kanyang bulsa at kinukuha ang cellphone niya.
"Oh! Heto na ang cellphone mo may tumatawag sa'yo." sabi ni Hakeem, wala na siyang nagawa kundi kunin ang cellphone ni Ludwick.
Kinuha ni Ludwick, ang cellphone niya na hawak ni Hakeem. Tinignan niya kung sino ang tumatawag. Parang may bumara sa kanyang lalamunan ng makita niya ang tumatawag sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya sinagot ang tawag.
"Hello?" sabi ni Ludwick
"Pinapatanong ni Capo kung kailan ba niya makukuha ang binibigay mo sa kanya?" _Zubery
"On the way to Altas Bar." seryosong sabi ni Ludwick, binaba na niya ang tawag. Napatingin siya kay Hakeem, na nakatingin sa kanya.
"Sino ang tumawag?" tanong ni Hakeem.
"Bakit gusto mo malaman? Nagseselos ka ba? Wag kang mag-alala hindi babae iyon." ngising sabi ni Ludwick, ibinalik na niya ang tingin niya sa daan baka maaksidente pa sila kung magtatagal pa ang tingin niya kay Hakeem.