Chapter 3

3179 Words
My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 3 "Dude bat ang tagal ninyo? Nagquick pa yata kayong dalawa?" pabirong sabi ni Barett, nandito na sila sa parking lot ng Altas Bar. Hindi na siya nagtataka na maraming mga luxury car na nakaparking ngayon dito dahil sikat ang Altas Bar sa mga mayayaman at maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado.  "Barett, dude puwede ba itigil mo nga ang bunganga mo! Nakakarindi kasi!" naiinis talaga si Ludwick, sa mga banat sa kanya ni Barett. Napatingin siya sa loob ng kotse niya at nandoon pa rin sa loob at away lumabas si Hakeem.  "Ikaw naman Ludwick, hindi ka mabiro." sabi ni Barett, napakamot na lang siya sa kanyang ulo dahil alam na niya na napikon na niya si Ludwick.  "Oh? Bat hindi pa lumalabas si Hakeem?" takang tanong ni Andreas, na nakatingin ngayon kay Hakeem, sa loob ng kotse ni Ludwick.  "Ikaw ba naman nakapangbihis na babae hindi ko na lang alam kung makalabas ka pa?" ngising sabi ni Barett.  "Hindi nga mahahalata na si Hakeem, yan eh! Parang babae talaga siya napakaganda niya." ngising sabi ni Ryker, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na purihin si Hakeem.  "Sinabi mo dude! Ganda niya! f**k! Kung hindi ko lang kaibigan si Hakeem, at kung hindi ko lang alam na lalake siya baka liligawan ko yan." natatawang sabi ni Andreas.  "Tangina ninyo! Naririnig ko kayong lahat! Parang wala ako dito kung pag-usapan at pantasyahan ninyo ako! Mga gago kayo!" galit na sabi ni Hakeem, lumabas na siya sa kotse ni Ludwick, at tumabi siya dito. Naiirita siya ngayon sa kanyang suot na gown at wig.  "Ayun lang! Wag lang bubuka ang bibig nito dahil babaha ng mura! Hahaha!" natatawang sabi ni Barett, nakipag-apir pa siya kay Ryker.  Narinig na naman ni Ludwick, na tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya na si Zubery, na naman ang tumatawag sa kanya. Lumayo na muna siya sa mga kaibigan niya bago niya sagutin ang tawag.  "Ano na pasok na tayo para makapagparty na tayo!" masayang sabi ni Ryker, napangiti na lang siya ng maisip niya ang gusto niyang ipagawa kay Hakeem.  "Dude, kilala kita kapag ganyan ang ngiti mo ay alam kong may kalokohan ka na naman naiisip na gawin." sigurado si Barett, sa kanyang sinabi dahil kabisado niya ang takbo ng utak ni Ryker.  "Gusto ko ngayong gabi ay magiging girlfriend ko si Hakeem." ngising sabi ni Ryker, habang titig na titig siya kay Hakeem.  "Gago mo! Ayoko!" kontra agad ni Hakeem. Nakita niya si Ludwick, na lumapit sa kanya at hinawakan nito ang kamay niya. Tapos na pala itong makipag-usap sa tumawag sa cellphone nito.  "Iba na lang ang pagawa mo sa kanya Ryker. Wag mong solohin ngayon gabi si Hakeem." seryosong sabi ni Ludwick, napatingin siya kay Hakeem, na nakatingin din sa kanya.  "Huh? Unfair naman yata yan dude!" inis na sabi ni Ryker, napansin niyang nakahawak ang kamay ni Ludwick, sa kamay ni Hakeem. Hindi niya alam pero ramdam niyang may inililihim ang dalawa sa kanila.  "Oh! baka mag-away pa kayo dito? Mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob. Tamang-tama may reservation ako ngayong gabi." ipinakita ni Andreas, ang gold card na membership ng Altas. Lahat sila ay meron nito pero gusto niya ay siya ang taya ngayong gabi. "Makakatipid pala ako ngayon gabi. Salamat dude!" ngiting sabi ni Barett, akala niya ay kanya-kanya na naman sila ngayong gabi. May pinag-iipunan lang siya ngayon kaya nagtitipid siya.  "Kuripot boy ka talaga Barett!" sabi ni Andreas. Inaya na niya ang mga kaibigan niya na pumunta sa VIP entrance ng Altas Bar.  Biglang kinabahan si Hakeem, hindi niya alam kung bakit? Parang may mangyayari na masama sa pagpasok niya sa Altas Bar. Naramdaman niya ang pagpisil ni Ludwick, sa kanyang kamay nakalimutan niyang nakahawak pala ito sa kamay niya. Hindi niya alam bat hinahayaan lang niya itong hawakan ang kamay niya.  "Nandito lang ako." seryosong sabi ni Ludwick. Hawak niya ang kamay ni Hakeem, habang naglalakad sila papunta sa VIP entrance ng Altas Bar.  "Anong meron sa holding hands na yan?" ngising tanong ni Andreas, inakbayan pa niya si Ludwick, na nakatanggap naman siya ng masamang tingin dito. Kaya naman agad niya inalis ang pagkakaakbay niya sa kanyang kaibigan.  "Nagtatanong lang naman ako." ngiting sabi ni Andreas.  "Wag mo na istorbuhin ang love birds." hirit ni Barett. Nagtataka lang siya kung bakit masyado yatang malapit sa isa't-isa ngayon sila Ludwick, at Hakeem.  "Ludwick, dude sinosolo mo si Hakeem." ngising sabi ni Ryker.  "Puwede ba manahimik na lang kayo. Anong masama kung magkahawak kamay kami? Sige mamaya hahawakan ko rin ang kamay ninyo." sabi ni Hakeem, dinaan na lang niya sa biro ang usapan nilang lima.  Sa pagpasok nila sa VIP entrance ay narinig agad nila ang malakas na tugtog na nagmumula sa malalaking speaker ng Altas Bar. Marami na naman ang mga tao ngayong gabi. Nakita nila ang mga tao na nagsisiksikan, nagsasayawan sa gitna ng dance floor. May second floor ang Altas Bar kung saan nandoon ang mga VIP na kay hawak na gold card. Ipinakit lang nila ang hawak nilang mga gold card sa dalawang malalaking katawan ng bouncer na nakaharang sa hagdanan papunta sa second floor. Sa pag-akyat nila ay nakita nila ng mabuti ang mga taong nagsisiksikan at nagsasayawan sa dance floor. Parang 'di mahulugan karayom ang dance floor.  "Whooo! Ang saya talaga dito! Maya-maya sayaw tayo sa dance floor!" masayang sabi ni Barett, nakatingin siya sa dance floor. Napapasayaw na lang siya sa sobrang ganda ng tugtog na naririnig niya. "Sige na! Mamaya kapag nakainom ka na!  Akyat ka na gusto na umupo at uminom." sabi ni Andreas, tinutulak na niya paakyat si Barett. Dahil nauuhaw na siya hindi sa tubig kundi sa alak.  Nakarating sila sa second floor agad silang naghanap ng mauupuan at nakita nga nila sa may bandang dulo ay wala pang nakaupo kay doon na sila pumuwesto. Sa second floor ng Altas Bar ay may sariling itong bar counter kung saan hindi na kailangan pa bumaba para umorder ng mga maiinum na alak. May lumapit sa kanila na isang lalaking waiter binigay sa kanila ang menu ng Altas Bar.  "Sapphire Martini para sa magandang binibining kasama namin ngayon." ngising sabi ni Ryker, napatingin siya sa kanyang katabi na si Hakeem.  "Sapphire Martini?" tanong ni Hakeem, sa tagal na niyang pumupunta dito sa Altas Bar ay alam niya kung ano ang sapphire martini. Ito ay isa sa pinakamahal na cocktail drink sa buong mundo. Natikman na niya ito at masasabi niyang napakasarap ng sapphire martini. Ngunit sa gabing ito ay wala siyang kondisyon na uminom. Gusto lang niyang umuwi sa bahay at matulog.  "Wag ka na kumontra! Last na binigay ko sa'yo iyon ay nagustuhan mo. Dahil kumontra si Ludwick, sa gusto kong ipagawa sa'yo. Nakaisip ako ng bagong ipapagawa ko sa'yo. Gusto kong kumilos at magsalita ka ng isang tunay na babae." ngiting sabi ni Ryker, sumang-ayon ang mga kaibigan niya.  "Mga putangina ninyo! Ito ang huling beses na makikipagpustahan ako sa inyo!" inis na sabi ni Hakeem. Wala talaga siya kawala sa mga kaibigan niya ngayong gabi. "Natatandaan niyo pa ba noong first year college tayo. Gumanap si Hakeem bilang sleeping beauty sa isang play. At si Ryker, ang prince diba?" naalala lang ni Barett, na gumanap palang sleeping beauty si Hakeem. At naalala niya rin na tawang-tawa silang magkakaibigan nang malaman nila na si Hakeem, ang gaganap na sleeping beauty ngunit natameme na lang sila noong makita nilang nakagown at nakasuot na mahabang buhok si Hakeem. Iyon ang unang beses nilang nasilayan ang ganda ni Hakeem, bilang isang babae. "Talagang pinapaalala mo talaga iyon Barett!" inis na sabi ni Hakeem, naalala na naman niya ang isang school event kung saan gumanap siya ng sleeping beauty. Sobrang inis na inis siya sa kanyang professor niya sa dinami-dami ba naman puwedeng maging sleeping beauty ay siya ang kinuha nito.  ________________________________ "May magandang balita ako sa inyong lahat." malawak ang ngiti ni Melinda Pascual, dahil nalalapit na ang isa sa mga pinakamalaking event sa Malaya University. At siya ang nakatoka sa isang play kung saan manonood lahat ang mga estudyante ng Malaya University. Meron na agad siyang naisip na play at sa section A-4 siya mamimili ng mga makakasali sa play. Sleeping beauty ang napili niyang play dahil classic story ito at mahal na mahal ng mga tao ang kuwentong sleeping beauty. Nakita niyang nagkakagulo na ang estudyante niya.  "Jusko ko po! Yang ngiti na yan Mam Melinda, alam na namin na may mangyayaring 'di namin magugustuhan." malakas na sabi ni Barret, naikinatawa ng mga kaklase niya.  "Hoy! Barret, tumigil ka nga dyan! Ikaw talaga manira ka ng mood." sita ni Melinda, pero natawa rin siya sa sinabi ni Barret. Alam na alam kasi ng mga estudyante na kapag ngumiti siya ng masayang-masaya ay alam na nila na may binabalak na naman siyang isang project na magpapahirap sa mga ito.  "Mam Melinda, sabihin niyo na ang gusto ninyo sabihin para hindi kami mabaliw sa kakaisip." ngising sabi ni Andreas, nakipag-apir siya kay Ludwick, isa sa mga kaibigan niya. Sumang-ayon ang mga kaklase niya sa sinabi niya.  "Bago ko sabihin sa inyo ang nais kong sabihin bakit hindi ninyo hulaan ang gusto kong sabihin. Ilang taon na tao magkakilala at alam kong kilala niyo na ako." ngiting sabi ni Melinda, nakita pa niyang napakamot sa ulo ang iba niyang mga estudyante. Ang iba naman ay nagbubulungan.  "Isang malaking school project." ang biglang sabi ni Hakeem, naikinatahimik ng mga kaklase niya. Seryosong napatingin naman sa kanya si Ludwick.  "School project?" kunot noo tanong ni Ludwick, na seryosong nakatingin kay Hakeem, na magkatabi lang silang dalawa ng upuan.  "Tama si Hakeem!" masayang sabi ni Melinda, isa si Hakeem, sa mga paborito niyang estudyante pati na rin ang iba pang kapwa professor niya sa Malaya University ay si Hakeem, ang gustong-gusto nilang estudyante.  Napangisi lang si Hakeem, sa sinabi ng kanyang professor. Hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng kanyang mga professor nung pumunta siya sa faculty ng Malaya University. Malapit na kasi ang foundation day ng university kaya nagplaplano na ang mga faculty gumawa ng mga activity sa school. At narinig nga niya na si Mam Melinda Pascual, ang nakatoka ngayon na gumawa ng isa sa mga highlights ng foundation day.  "Ok tama na yang kaguluhan na ito! Sasabihin ko na ang gusto ko sabihin." ngiting sabi ni Melinda, ipinaliwanag niya na sa kanya nakatoka ang isa nga sa mga highlights ng foundation day.  "Magkakaroon tayo ng play at dito sa klase ninyo ako kukuha ng mga gaganap sa play na sleeping beauty." malakawak ang ngiti ni Melinda, ng makita niyang parang hindi nagustuhan ng mga estudyante niya ang sinabi niya.  "Mam Melinda, puwede bang sa ibang class na lang kayo kukuha ng mga gaganap sa sleeping beauty na yan. Para kasi walang naging sumaya sa sinabi ninyo Mam Melinda." sabi ni Ryker, sa totoo lang ay bigla siyang kinakabahan sa sinabi ng kanyang professor. Parang may mangyayari ngayon na hindi niya magugustuhan.  "Tsk! Wag nga kayo umarte dyan! Wala na kayo magagawa kundi pumayag kung hindi kayo papayag ay alam niyo na ang mangyayari." ngising sabi ni Melinda, biglang tumahimik ang mga estudyante niya. Alam kasi nila na kapag naging seryoso na siya ay alam na ng mga ito na hindi siya nagbibiro. Sa malaking bag na dala niya ay kinuha na niya ang isang katamtaman na laki na crystal clear fish bowl na naglalaman ng mga tinuping maliliit na papel. Sa bawat papel na nakatupi ay mga pangalan ng mga estudyante niya. Sinabi nito na sasabihin niya bawat isa ang mga character sa sleeping beauty at bubunot siya ng isang papel sa fish bowl. Kung sino man ang mabunot niya ay siya ang gaganap sa character na sinabi niya.  "Ano game na ba kayo?!" masayang sabi ni Melinda, napakunot noo siya dahil wala man lang sumagot na "Game na!"  "Game ba na kayo?!" seryosong sabi ni Melinda, isang malakas na "Game na!" ang kanyang narinig sa mga estudyante niya. Nagsimula na siyang magbanggit ng mga character at bumunot ng pangalan sa fish bowl.  "Sa main character na tayo. Ikaw ang gaganap sa character ni Prince Phillip." pasuspense pa ang ginawa ni Melinda, sa pagbanggit sa pangalan na gaganap sa character ni Prince Phillip.  "Ryker Zale! Congratulation!" masayang sabi ni Melinda, tumingin agad siya sa direksyon ni Ryker, na parang nalugi sa negosyo ang mukha nito.  Hindi alam ni Ryker, kung matutuwa ba siya na siya ang nakakuha sa bidang lalaki sa sleeping beauty? Gulat na gulat siya nang marinig niya  sinabi ng kanilang professor ang kanyang buong pangalan. Asar siyang nakatanggap ng pang-aasar sa kanyang apat na kaibigan lalo na kay Barret, na kanina pa siya nito tinutukso na siya ang makakakuha sa character ni Prince Phillip.  "Sinabi ko na ikaw ang makakakuha dude! Congrats!" masayang sabi ni Barret, na natatawang nakatingin kay Ryker. Kanina pa nila pinag-uusapan kung sino ang makakakuha ng character ni Prince Phillip. Agad niyang tinukso ang kanyang kaibigan na si Ryker, na ito ang makakakuha sa character na iyon. Nakipagpustahan pa siya dito at malinaw na malinaw na siya ang nanalo sa pustahan. Makakatipid siya ng isang linggong lunch dahil ililibre siya ni Ryker, ng lunch. Iyon ang pustahan nilang dalawa kung sino ang manalo ay manlilibre ng isang linggong lunch.  "Dapat pala sumali ako sa pustahan ninyo." nanghihinayang na sabi ni Andreas, na ikinatawa naman ni Hakeem.  "Sayang din naman ang isang linggong lunch sa Rald's Box Café." ngising sabi ni Hakeem, kanina pa siya nakikinig sa usapan nila Barett at Ryker. Gusto rin sana niyang sumali sa pustahan ngunit natatakot siya na baka matalo siya dahil naisip niya na masyadong malabo na si Ryker, ang makakakuha sa character ni Prince Phillip, marami pa kasi hindi natatawag at isa na siya sa 'di pa natatawag. Kanina pa nga siya nagdarasal na wag siyang makuha sa play dahil sigurado siyang magiging abala ang makukuha sa play. Ayaw na ayaw pa naman niyang masyadong nagtatagal sa school. Mas gusto pa nga niya magroad trip o makipagkarera kaysa pumasok sa school.  "Oh!? Tama na muna ang chika minute ninyo dyan! Sasabihin ko na kung sino ang makakakuha sa character ni Princess Aurora." masayang sabi ni Melinda, pati siya ay excited na siya kung sino ang mabubunot niya. Bubunot na sana siya sa fish bowl ng pangalan ng biglang sumingit si Barett Lancheta, isa sa mga maingay at pasaway sa klase niya.  "Mam Melinda, paano kung lalaki ang nabunot mo?" tanong ni Barett.  "Edi kailangan niyang umarte bilang isang babae. Ikaw nga Barett, nakuha mo ay si Queen Leah, kaya kailangan mong umarte bilang isang babae. Ganun lang 'yun ka simple." ngiting sabi ni Melinda.  "Ok lang naman na ako si Queen Leah, maliit lang naman ang role na iyon. Pero diba Mam Melinda, kailangan halikan ni Prince Phillip, si Princess Aurora, para magising ito." sabi ni Barett, ngumising tumingin siya sa kanyang kaibigan na si Ryker. Nakatikim tuloy siya ng isang mahinang suntok sa braso sa kanyang kaibigan.  "Walang problema 'yun Barett, be professional. Kung lalaki man ang mabubunot ko ay kailangan niyang gampanan ang nakatoka sa kanya. Silang dalawa actually." ngiting sabi ni Melinda, nakita niyang inaasar si Ryker, ng mga kaklase nito. Lalo na ang mga kaibigan nito.  "Mam Melinda, puwede ba ako magback out? Ibibigay ko na lang sa iba ang character na Prince Phillip." sabi ni Ryker, hindi niya ma-imagine na hahalik siya sa kapwa lalaki niya.  "Sorry Ryker, touch move hindi na puwede magback out." sabi ni Melinda, ayaw niyang payagan si Ryker, sa kagustuhan nito. Kapag pinayagan niya ito sigurado siyang magsusunuran din ang mga iba pa nitong kaklase. At kung mangyayari iyon ay sigurado siyang sasakit ang ulo niya.  "Ah?! Mam Melinda, si Barett, po gusto po raw niya maging Prince Phillip." ngising sabi ni Ryker, kinukuha pa niya ang kamay ng kanyang kaibigan para siguraduhin niya na papayag ito.  "Gago mo dude! Hindi po mam!" agad na sabi ni Barett, pinagsusuntok niya sa braso si Ryker, na ikinahalakhak naman nito.  "Tumigil nga kayo dyan! Sasabihin ko na kung sino ang gaganap na Princess Aurora." seryosong sabi ni Melinda, bumunot na siya ng isang pirasong papel sa fish bowl. Tinignan at binasa na muna niya ito at laking gulat niya kung sino ang nabunot niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon ni Hakeem, na ikinakunot noo naman nito.  Napakunot noo na lang si Hakeem, ng makita niyang gulat na tumingin si Mam Melinda, sa kanya pati na rin ang lahat ng kanyang mga kaklase niya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng marealize niya na ang papel na nabunot ng kanilang professor ay ang pangalan niya.  "Hakeem Fargas, ikaw ang magiging Princess Aurora." masayang sabi ni Melinda Pascual.  _________________________________ "Proud na proud nga kami sa'yo noon." sabi naman ni Andreas.  "'Di ko nga nahalikan si Hakeem, dahil binantaan niya ako noon na susuntukin niya ako kapag hinalikan ko talaga siya." naalala nga ni Ryker, na siya ang naging prince at si Hakeem, naman ang naging sleeping beauty. "Oh?! Simulan mo na ang pinapagawa ko sa'yo. Nakakaturn off ka kapag nagsasalita ka at lalo na kapag nagmumura ka." natatawang sabi ni Ryker.  "Pasensya na Ryker." boses babae na ang ginamit ni Hakeem. Simula ngayong ay gagawin na niya ang pinapagawa ng mga kaibigan niya para matapos na lahat na ito.  "f**k! Hakeem! Babae ka na talaga! s**t!" hindi na naman napigilan ni Andreas, na mapamura sa narinig na boses ni Hakeem. Alam niyang marunong itong magboses babae narinig na niya ito noong gumanap itong sleeping beauty. Sa totoo lang ay inggit na inggit siya sa kaibigan niyang si Ryker, dahil nahalikan nito si Hakeem. Hindi nga niya alam bat nakaramdam siya ng inggit noon. Ilang araw nga siyang wala sa sarili. At ngayon nga ay nalaman niya mismo kay Ryker, na hindi pala nito nahalikan si Hakeem.  "Sino si Hakeem? Ako si Lualhati…. Tangina! Ano kasi binigay na pangalan sa akin ni Haelynn?" hindi napigilan ni Hakeem, na lumabas ang tunay na boses niyang lalaki. Narinig na lang niya ang malakas na tawanan ng mga kaibigan niya pati si Ludwick, ay napatawa rin. Napangiti na lang siya habang nakikita niyang tumatawa ito.  "Dude! Ok na sana kaso! Hahaha! Gago ka talaga Hakeem! Hahaha!" natatawang sabi ni Barett.  "Lualhati Canlas Datu, ang pangalan mo ngayon Hakeem! hahaha!" sabi ni Ryker.  "Babae na eh! Naging lalaki ulit!" natatawang sabi ni Andreas. Napansin niyang hindi pa pala sila nakakaorder kaya pala nandito pa rin ang waiter na naghihintay ng order nila. Nakita niya ang name plate nito.  "Loius, isang sapphire martini at 2 bottles of blue label. Thank you." ngiting sabi ni Andreas, ibinigay niya ang gold card niya kay Louis.  "Tawang-tawa talaga kayo sa akin!" sabi ni Hakeem. Inayos niya ang kanyang sarili at isang nakakabighaning ngiti ang nasa magandang mukha niya ngayon.  "My name is Lualhati Canlas Datu." ngiting sabi ni Hakeem, ginamit na niya ang boses babae. Kikilos din siya na parang tunay na babae. Naisip niyang bakit hindi na lang niya e-enjoy ang gabing ito bilang si Lualhati. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD