Chapter 4

3230 Words
My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 4 "So Lualhati, ilang taon ka na?" tanong ni Ryker, na titig na titig kay Hakeem. Pinalipat pa niya si Barett, ng upuan para lang makatabi niya si Hakeem, buti na lang ay pumayag agad si Barett, sa kanyang gusto. Nakita niyang napakunot noo, si Hakeem, sa kanyang tanong.  "Bat may ganyan na tanong?" inis na tanong ni Hakeem, nagbalik sa boses lalaki ang kanyang boses na ikinatawa na naman ng kanyang mga kaibigan lalo na si Barett, kung makatawa ay wagas.  "Hakeem, naman dapat maging consistent ang pagiging Lualhati, mo. Hindi 'yung bigla ka na lang bumabalik sa dati mong ikaw." seryosong sabi ni Andreas, na ikinangisi naman ni Ludwick.  "Sa totoo lang ang hirap nitong pinapagawa ninyo. Pero kailangan kong matiis para kay Lexus." napabuntong hininga na lang si Hakeem, kailangan niyang panindigan ang mga pinapagawa ng mga kaibigan niya. Kung hindi wala siyang isang salita. Kailangan niyang tumupad sa kasunduan nilang magkakaibigan.  "Just enjoy being Lualhati. Diba hindi naman bago sa'yo ang magbihis babae. Remember ikaw ang nabunot ni Mam Melinda Pascual, para maging Princess Aurora, ay kinakailangan mong magbihis babae ng dalawang araw." sabi ni Ludwick, kailangan maging kampante si Hakeem, sa kung ano siya ngayon. Kaya tinutulungan niya ang kanyang kaibigan. Napatingin siya sa may bandang kaliwa kung saan kanina pa nandoon ang isang importanteng tao na nakangising nakatingin sa kanya habang umiinom ng mamahalin na alak. Kasama nito ang kausap niya kanina sa cellphone na si Zubery Arizabal.  "Ang swerte nga ni Ryker, dahil siya lang ang nakakita sa dalawang araw na pagbibihis na babae ni Hakeem."  sabi ni Barett, na nakangising nakatingin sa kanyang kaibigan na si Ryker, na binigyan siya ng isang mahinang suntok sa braso.  "Gago mo! Suwerte talaga ako! At naging Prince Phillip, ako sa play na iyon." pagmamayabang na sabi ni Ryker.  Isa na naman malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Hakeem, naalala na naman niya ang inutos noon ng kanyang professor na si Mam Melinda Pascual. Tama ang sinabi ni Ludwick, poker face ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Dalawang araw siyang naging babae para sa role na Princess Aurora. Sobra siyang nahirapan sa pinagawa na 'yun ng kanyang professor pero wala naman siyang magawa kundi sundin ang pinagpagawa ni Mam Melinda Pascual, sa kanya.  _____________________________ "Hakeem, kailangan mong gawin ang role ni Princess Aurora, ng maayos mahiya ka naman sa mga kaklase mo. Sila nga kahit labag sa kalooban ang mga role na nakuha nila ginagampanan nilang mabuti ang mga role nila." seryosong sabi ni Melinda Pascual, tatlong araw na sila nag-eensayo para sa play na sleeping beauty. Hanggang ngayon ay nahihirapan siya makumbinsi si Hakeem, na ayusin ang ginagawa nito at yakapin ang role na Princess Aurora. Kitang-kita naman niya sa kanyang dalawang mga mata na sobrang ayaw ni Hakeem, na siya ang maging Princess Aurora.  Napapalunok na lang sa sobrang inis si Hakeem, sa sinabi ng kanyang professor na si Melinda Pascual. Hindi siya galit sa professor niya galit siya dahil siya ang gaganap na Princess Aurora. Sobra-sobra siyang nahihirapan sa role niya bilang Princess Aurora. Akala niya ay madadaan niya sa mabuting usapan ang professor niya na alisin sa kanya ang role na Princess Aurora, at ibigay na lang sa iba niyang kaklaseng gustong maging sleeping beauty. Ngunit kahit anong pakiusap niya ay hindi siya pinayagan ni Mam Melinda.  "Ayoko talaga ang role ko Mam Melinda." inis na sabi ni Hakeem, naramdaman na lang may tumapik sa kanyang balikat. Nakangiting nakatayo sa kanyang likuran si Ryker.  "Hakeem, dude puwede ba tayo mag-usap?" seryosong sabi ni Ryker. Nagpaalam din siya kay Mam Melinda, na kakausapin lang niya saglit si Hakeem. Nandito sila ngayon sa Malaya Theater kung saan nagprapractice sila sa play na Sleeping Beauty. Ilang araw na niyang napapansin si Hakeem, na irita at wala sa mood. Dahil na rin sa nakuha nitong role na si Princess Aurora. Gusto niyang makausap ang kanyang kaibigan para maayos na nila ang practice nila ng Sleeping Beauty.  "Ano bang pag-uusapan natin dude?" kunot noo tanong ni Hakeem, inis na inis na siya sa nangyayari ngayon.  "Dude hindi lang ikaw ang nahihirapan kundi tayong lahat. Kaya ayusin mo na ang trabaho mo para na rin makauwi na tayo sa bahay natin." pagod na rin naman si Ryker, dahil sa paulit-ulit nilang pag-eensayo. Laging back to start ang practice nila dahil na rin kay Hakeem, na laging nagkakamali.  "Sorry, dude pero ayoko talaga nito." napapailing na lang si Hakeem, sa kanyang nararamdaman na stress ngayon. Gusto na niyang magwalk out ngayon mismo.  "Dude, hindi ka ba nahihiya sa mga kasama natin. Pagod na pagod na kami. Sa atin naman lahat ito eh. Kung magtatagumpay tayo sa play na ito ay wala na tayong final exam sa lahat ng subject natin pati major ay wala rin." seryosong sabi ni Ryker, pinapalakas lang niya ang kalooban ni Hakeem. Tinapik-tapik pa niya ang balikat ng kanyang kaibigan. Nakikita niyang napapailing na lang si Hakeem.  Napatingin si Hakeem, sa kanyang mga kaklase na nakaupo sa ibabaw ng stage. Ang iba ay nakahiga na at natutulog. Kitang-kita niya ang pagod sa mga mukha ng mga kaklase niya. Napatingin siya sa kanyang suot na relo na regalo sa kanya ni Ludwick, noong nakaraang pasko. Alas onse na pala ng gabi. Nakaramdam siya ng guilty ng marealize niya na masyado siyang nag-iinarte hindi na niya napansin na hindi lang siya ang kasama sa play kundi marami silang kasama sa play. Masyado siyang naging makasarili. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.  "Ok sige aayusin ko na ang role ko." pursigidong na si Hakeem, na ayusin na niya ang role na nakatoka sa kanya na ikinangiti ni Ryker. Napatingin sila sa harapan ng stage kung saan tinatawag ni Mam Melinda, ang mga kasali sa play na sleeping beauty. Sabay na silang pumunta sa kinaroroonan ni Mam Melinda, sa ibaba ng stage. Nandoon na rin ang mga iba nilang kasama sa play.  "Alam ko pagod na pagod na kayo sa practice natin. Walang pressure ito kailangan lang ninyo na maperfect ang play na ito. Dahil dito nakasalalay kung hindi na kayo magkakaroon ng final exam sa lahat ng subject ninyo." serysosong sabi ni Melinda, nakatingin siya sa mga estudyante niyang kasali sa play. Siya rin ay pagod niya at gusto na niya umuwi. Ngunit hindi naman niya puwede hayaan na lang basta-basta ang play na ito. Napatingin siya kay Hakeem, na kasama nito si Ryker.  "Ikaw Hakeem, dahil ikaw ang pinakamaraming mali paparusahan kita. Kailangan mong magtanda. Hindi biro-biro itong play na ito. Tandaan ninyo every year ay may play at lahat ng estudyante ng Malaya University ay manonood pati na rin ang familyang Malaya Family ay manonood." sabi ni Melinda, hindi niya pinapagalitan si Hakeem. Gusto lang niyang maging responsible si Hakeem, sa mga ginagawa nito. "I'm so sorry kung lagi ako nagkakamali. I'm so sorry kung hindi ko siniseryoso ang play na ito." sinserong sabi ni Hakeem, naramdaman na lang niya ang pagtapik ni Ryker, sa balikat niya.  "Hoping and praying na narealize mo na ang pagkakamali mo. Pero kailangan mo pa rin magtanda. Kailangan mong maging babae sa loob ng dalawang araw." seryosong sabi Melinda, nakita niya na nanlaki ang mga mata nito sa sobrang gulat.  "S-seryoso ba kayo dyan Mam Melinda?" tanong ni Hakeem, gulat na gulat siya sa sinabi ng kanyang professor. Kilala niya si Mam Melinda, kapag may inutos ito na gawin ay dapat gagawin ito kung hindi ay babagsak siya sa subject na hinahawakan nito. Kahit na minor subject lang ang hawak nito ay sobrang malaking impact ito sa kanyang transcript record kung babagsak siya. At sobrang magiging abala ito na baka hindi siya makagraduate sa taong ito.  "Kilala ninyo naman ako. Hindi ako basta-basta nagpaparusa sa isa o isang klase kung hindi kayo nakagawa o gumawa ng isang malaking pagkakamali na damay ang buong klase. Hakeem, masyado mo kami pinahirapan sa hindi mo siniseryoso ang play na ito. Kaya para nga magtanda ka ay kailangan mong maging babae para maramdaman mo ang character ni Princess Aurora, bilang isang babae." seryoso siyang nakatingin kay Hakeem, na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala sa sinabi niya. Alam niya na hindi lang siya ang excited na makitang nakabihis at nakaayos na pambabae si Hakeem, kundi lahat yata ng nakakakilala kay Hakeem, ay excited. Alam nila na sobrang magandang lalaki si Hakeem, kahit lalaki ito ay parang babae ito na sobrang ganda. Lalagyan lang ito ng mahabang buhok ay ok na. Parang hindi na nito kailangan ng make up dahil maganda na ang mukha nito. Natural ang kaguwapuhan at kagandahan nito  Androgyny ang magandang description para kay Hakeem Fargas. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na maraming humahanga dito.  "Mam Melinda, please aayusin ko na ang role ko bilang Princess Aurora, wag ko lang gawin iyon. Please." nagmamakaawang sabi ni Hakeem, ayaw niyang magbihis babae sa loob ng dalawang araw. Araw niyang makakuha siya ng maraming atensyon sa kapwa niya estudyante sa Malaya University. Bata pa lang siya ay alam niyang kakaiba na siya kumpara sa mga batang lalaking katulad niya. Dahil hindi lang siya basta guwapo kundi maganda rin siya. Kahit hindi pa man siya nagbibihis na pambabae ay nakakakuha na siya ng atensyon sa kapwa niya lalaki. Paano pa kaya kapag nagbihis babae na siya. Hindi niya maiwasan na mangamba sa paparating na foundation day dahil iyon ang araw na aarte na siya bilang si Princess Aurora.  "Kapag sinabi ko na ay wala ng bawian. Wag kang mag-alala dito ka lang naman magbibihis pambabae kapag may practice tayo. Kaya tayo-tayo lang naman ang makakakita kung gaano ba kaganda si Hakeem, kapag nagbihis babae na siya." ngiting sabi ni Melinda.  _______________________________ Bigla na lang naramdaman ni Hakeem, na may humawak sa kanyang kamay. Napatingin na lang siya sa kanyang kanan kamay na hawak-hawak ni Ludwick.  "Masyado yata malalim ang iniisip mo Lualhati?" tanong ni Ludwick, napansin na lang niya na biglang tumahimik si Hakeem. Kaya agad niyang hinawakan ang kamay nito para kunin ang atensyon nito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon. Sobrang ganda ni Hakeem, sa ayos nito ngayon. Kanina pa siya nagpipigil ng kanyang sarili na sunggaban ito. Kung puwede lang sana na wag na lang silang pumunta dito sa Altas Bar, at ikukulong na lang niya ito sa loob ng kanyang kuwarto ay gagawin niya. Ngunit hindi ito maari dahil kailangan na kailangan nilang pumunta sa Altas Bar para sa isang plano na pinag-isipan niya ng ilang linggo. Isang planong magbabago ang takbo ng mga buhay nilang lahat lalo na kay Hakeem, na kaibigan niya. Naalala na naman niya ang pagtatapat niya ng pag-ibig kay Hakeem. Alam niya sa kanyang sarili na ginawa niya iyon para madistract sa karera ang kanyang kaibigan. Pero alam din niya na may halong katotohanan ang kanyang sinabi.  "Pasensya na Ludwick, may naalala lang ako. Excuse me kailangan ko lang pumunta sa powder room." ngiting sabi ni Hakeem, nagboses babae na siya na ikinagulat ulit ng kanyang mga kaibigan. "Samahan na kita Hakeem, este Lualhati." tatayo na sana si Ryker, nang pigilan siya ni Barett. Nagtataka siyang napatingin sa kanyang kaibigan.  "Ako na ang sasama sa magandang dilag na yan. Dahil kanina ko pa napapansin na masyado yata ninyo sinolo ni Ludwick, si Lualhati. Paano naman kami ni Andreas?" ngising sabi ni Barett, tumayo na siya sa pagkakaupo. Titig na titig siya kay Hakeem, na sobra talaga siyang nagagandahan sa kanyang kaibigan. Napapakagat labi na lang siya na ikinakunot noo ni Hakeem.  "Barett, para kang manyak dyan. Wag mo nga ako tignan ng ganyan. May pakagat-kagat ka pa sa labi." natatawang sabi ni Hakeem, pinanindigan na niya ang pagiging Lualhati, ngayon. Masyado siyang tinamaan sa sinabi ni Andreas, kanina. Tama ang sinabi ng kanyang kaibigan na kailangan niyang maging consistent sa pagiging Lualhati.  "Pasensya na magandang dilag, dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapakagat labi dahil na rin sa sobrang nakakagigil ang kagandahan mo." ngising sabi ni Barett, hahawakan na sana niya ang kamay ng kanyang kaibigan ng biglang may humampas sa kanyang kamay.  "Dude! Walang hawakan ng kamay. Dapat maging gentleman tayo kay Lualhati. Ako na ang sasama sa kanya papunta sa powder room." ngiting sabi ni Andreas, napatingin siya kay Ludwick, na seryosong nakatingin sa kanya. Alam niyang gustong tumutol ang kanyang kaibigan at hinihintay lang niya iyon.  "Hindi mo naman siguro mamasamain ang pagsama ko sa kanya Ludwick?" tanong ni Andreas, hindi na niya hinintay pa ang pagsagot ni Ludwick. Inaya na niya si Hakeem, na pumunta sa comfort room. Hindi na nila kinakailangan na bumaba pa para lang pumunta sa comfort room. May comport room na sa VIP area sa second floor kung saan sila naroroon. Habang naglalakad sila papunta sa comfort room ay pasimple siyang napatingin sa dalawang taong seryosong nakatingin sa kanila lalo na sa kasama niyang si Hakeem.  Papasok na sana si Hakeem, sa cr ng pang lalaki ng bigla siyang pigilan ni Andreas. Kunot noo siyang tumingin sa kanyang kaibigan.  "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Lualhati?" seryosong tanong ni Andreas, na nakahawak sa braso ni Hakeem, na pinigilan nitong pumasok sa cr ng pang lalaki.  "Kailangan kong magbanyo Andreas, naiihi na ako." sabi ni Hakeem, boses babae pa rin siya kahit na si Andreas, lang ang kasama niya. Nagtaka lang siya kung bakit pinigilan siya ng kanyang kaibigan na wag pumasok sa cr ng pang lalaki? "Ikaw si Lualhati, hindi ikaw si Hakeem. Ibig sabihin ay sa comfort room ng pang babae ka papasok. Ano na lang ang sasabihin ng mga lalaki sa loob kung may makita silang may magandang dilag na iihi sa banyo nila?" tanong ni Andreas, na seryosong nakatingin kay Hakeem. Nakita niyang napabuntong hininga na lang ang kanyang kaibigan sa kanyang sinabi na tanda ng pagsuko nito.  "Remember Lualhati, consistent." pagpapaalala ni Andreas.  "Ok sige pasensya na Andreas, papasok na ako sa comfort room ng pang babae." mahinahon na sabi ni Hakeem, wala siyang magagawa kundi pumasok sa comfort room na pambabae. Sa pagpasok niya ay iilan lang ang mga babae na nasa loob ng comfort room. Abala ang mga ito sa paglalagay ng make up. Pumasok na siya sa cubicle na walang tao at agad niyang inangat ang kanyang suot na dress at inilabas ang kanyang alaga. Sa totoo lang ay kanina pa siya naiihi hindi lang siya makaalis kanina sa kinauupuan niya dahil sa kanyang mga kaibigan. Konting tiis na lang ay matatapos na ang parusa niyang ito. Nakaya nga niya magbihis babae sa loob ng dalawang araw at naging Princess Aurora, pa siya sa lahat ng mga mag-aaral ng Malaya University heto pa kaya na isang gabi lang. Kinakailangan lang talaga niyang gawin itong pustahan na ito para sa kanyang pinakamamahal niyang sport car na si Lexus.  Sa paglabas niya ng cubicle ay nakita niya ang dalawang magagandang babae na masayang nag-uusap.  "Gurl, ano sa tingin mo sa boyfriend kong si Braylon?" tanong ng isang matangkad at magandang babae, na masayang nakatingin sa kausap nitong babae na maliit.  "Oh my god! Penelope, napakahot ni Braylon. Hindi ko maiwasan na maimagine kung paano siya magperform sa ibabaw ng kama." kilig na kilig na sabi ng maliit na babae.  "Ah? Avery, paalala lang boyfriend ko si Braylon. Pero sasagutin ko yang imagination mo. Nakarating ako sa ikapitong langit." hindi mapigilan ni Penelope, na kiligin sa sinabi niya. Naagaw ang pansin niya ng makita niya ang isang magandang dilag na nakatingin sa kanila.  "Pasensya na gurl kung ganito kami mag-usap ng kaibigan kong si Avery. Hi! I'm Penelope Sanchez, heto naman ang kaibigan kong si Avery." ngiting sabi ni Penelope, nakipagbeso-beso pa siya sa magandang dilag. Ganun din ang ginawa ni Avery.  "I'm Lualhati Canlas Datu." ngiting sabi ni Hakeem, napapaisip siya kung hindi ba nahahalata o alam ng kausap niyang dalawang magandang dilag na hindi siya tunay na babae.  "Ooohhh! Old school ang name mo gurl." sabi ni Avery, na nakatanggap ng mahinang hampas sa braso mula sa kanyang kaibigan na si Penelope.  "Gurl bibig mo naman." pinanlakihan ng mata ni Penelope, ang kanyang kaibigan na si Avery. Ngumiting tumingin siya kay Lualhati.  "Hi! Lualhati, pagpasensyahan mo na itong kaibigan kong si Avery. Maganda nga ang pangalan mo parang mala Maria Clara. Correct me if mali ako. Ang ibig sabihin ng pangalan na Lualhati, ay dalisay na babae? Tama ba ako?" nakita ni Penelope, na napatango si Lualhati.  "Tama ka Penelope, dalisay na babae ang kahulugan ng pangalan ko." ngiting sabi ni Hakeem, lihim siyang natatawa sa kanyang sarili dahil hindi man lang nagtataka o nagdududa sa kanya ang mga kausap niyang dalawang magagandang dilag.  "Gurl, wag kang ma offend ah? Ang haggard-haggard mo na. Kailangan mo na magretouch. Pero sa tingin ko ay wala kang dalang make kit. At maganda naman ang suot mong dress pero masyadong formal. Nasa bar ka ngayon ng Altas." sabi ni Avery, hindi niya kinakaya ngayon ang itsura ni Lualhati. Hindi naman niya maitatanggi na napakaganda ni Lualhati, sabi nga niya ay masyado na itong haggard.  "Naku, ok lang naman. Sige na aalis na ako baka hinahanap na ako ng mga kasama ko." paalam na sabi ni Hakeem, pasimple siyang tumingin sa salamin at tama nga ang sinabi ni Avery, sa kanya. Magulo na ang kanyang suot na wig at ang make up nito ay nabasa na ng pawis. Tatalikod na sana siya ng bigla siyang pigilan ni Avery.  "Oooppzzz! Saan ka pupunta? May extra akong dress sa kotse ko at may make up kit na rin doon. Wait ka lang dyan kukunin ko lang ang mga iyon para marefresh ka." sabi ni Avery, nagpaalam na muna siya kay Penelope at Lualhati. Nagmadali siyang lumabas ng comfort room. Sa paglabas niya ay nagulat siya dahil may guwapong lalaking nakatayo  sa harapan ng pintuan ng comfort room na para bang may hinihintay ito. Pero hindi na niya ito pinansin agad na siyang naglakad papunta sa may exit ng Altas Bar. Hindi niya kinakaya ang itsura ni Lualhati, masyado na ito haggard. At hindi niya bet ang suot nitong dress.  Samantala sa loob ng comfort room ay masayang nag-uusap sila Penelope at Lualhati.  "Narinig ko ang pinag-uusapan ninyo ni Avery, kanina. May boyfriend ka na pala." usisa ni Hakeem, nakaharap siya ngayon kay Penelope. Sinabihan siya nito na hintayin na si Avery, na bumalik. Nakakahiya rin naman kung aalis na lang siya. Sayang naman ang effort ni Avery, sa pagpunta sa parking lot.  "Ah? 'Yun ba oo kasama ko siya ngayon. Ikaw may boyfriend ka na ba Lualhati?" tanong ni Penelope, hindi niya alam bat magaan ang loob niya sa kausap niya ngayon na magandang dilag na si Lualhati. Nakita niyang napatawa na lang ito sa kanyang tanong. "Single and ready to mingle." natatawang sabi ni Hakeem, hindi pa rin nawawala ang katauhan ni Lualhati, sa kanya. Naaliw siya sa pakikipag-usap niya kay Penelope, bilang Lualhati.  "Oohh! Go gurl! You know what kapag nakita mo na ang para sa'yo titigil ang mundo mo. Dahil siya at siya lang ang hahanapin mo araw-araw. Teka I'm sure nagkaroon ka na ng boyfriend." usisa ni Penelope, napakunot noo siya dahil nakita niyang umiling si Lualhati. Ibig sabihin hindi pa ito nagkakaboyfriend. Bigla niyang naisip na baka katulad din ito ng kanyang kaibigan na si Avery, na s*x-s*x lang ang gusto. Pero sa nakikita niya kay Lualhati, ay hindi ito ganun. Masyado itong mahinhin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD