My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 28
"Mama anong nangyari sa pisngi mo?" pag-aalalang tanong ni Hakeem, inulit niya ang tanong niya sa kanyang mama. Dahil hindi man siya nito sinasagot sa kanyang tanonh.
"Oo nga honey, anong nangyari sa pisngi mo? Bat nagkasugat?" kunwaring pag-aalalang tanong ni Edmond, lumapit siya sa kanyang asawa na si Emily, na nakakunot noo nakatingin sa kanya.
"Anong gusto mong palabasin Edmond?" ang tanong ni Emily, sa kanyang sarili. Hindi siya makapaniwala sa sinabi sa kanya ng kanyang asawa na si Edmond. Nagkunwari pa itong nag-aalala sa ginawang pagsampal sa kanya.
"Ah… Na…" hindi malaman ni Emily, kung ano ang magandang paliwanag sa katanungan ng kanyang anak. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya kay Hakeem, na sinampal siya ng sarili nitong ama? Baka magalit ito at mag-away pa ang mag-ama.
"Hay naku! Puwede bang itigil niyo na yang kadramahan ninyo. Emily, bat hindi mo na lang sabihin sa anak mo na sinampal ka ng asawa mong si Edmond. Ikaw naman Edmond, bakit hindi mo sabihin sa asawa mo na si Emily, at sa anak mong si Hakeem, na may lihim kayong relasyon ni Janica." ngising sabi ni Marcus, natutuwa siya sa kanyang nakikita ngayon na pagkagulat sa mga mukha nila Hakeem, Emily at Edmond. Hindi niya alam kung tanga ba si Hakeem? Para hindi nito malaman na sinampal ang ina nito. At halata naman niya na nagkukunwari si Edmond, sa pag-aalala sa asawa nito. Kanina naman ay alam na alam niyang kakatapos lang magkantutan sila Edmond at Janica. Nainis lang talaga siya sa sinabi ng ama ni Hakeem, na may gusto raw si Janica, kay Hakeem. Napabuntong hininga na lang siya. Umupo na muna siya sa may sofa at wala siyang magagawa kundi pakinggan at panuorin ang kadramahan ng pamilya ni Hakeem.
"Mama?! Papa?! Totoo ba?" gulat na tanong ni Hakeem, sa mga magulang niya. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ang mga taong nasa paligid niya. Lalo na ang kanyang mga magulang.
"H-hindi totoo 'yun anak." sabi ni Edmond, hahawakan na sana niya ang kanyang anak na si Hakeem, ngunit tinignan siya nito ng masama.
"Ang aling hindi totoo papa? Hindi mo sinampal si Mama? O w-wala kayong relasyon ni J-janica?" napapailing na lang si Hakeem, sa tanong niya. Tumingin siya sa kanyang ina na na umiiyak na ito ngayon. Agad niya itong nilapitan at niyakap. At doon ay bumuhos lalo ang luha nito.
"H-hakeem, a-anak ma-may babae ang papa mo!" umiiyak na sabi ni Emily, hindi na niya maitago sa kanyang anak ang sakit na pinagdaraanan niya ngayon. Masakit sa kanya na sa tagal ng pagsasama nila ni Edmond, ay nagawa na naman nitong mambabae.
"H-hindi totoo yan! Honey naman pagtatalunan na naman ba natin ito? H-hindi ko nga kilala 'yung Janica, na iyon." pagmamaang-maangan ni Edmond, nakatingin siya sa kanyang mag-ina. Ayaw niyang masira ang pamilya niya dahil lang sa kanyang kalokohan na ginagawa.
"Papa naman paano mo nasabi na hindi mo kilala si Janica? Kakagaling lang niya dito diba?!" galit na sabi ni Hakeem, biglang kumalas sa pagkakayakap ang ina niya at na bigla na lang siya ng bigla nitong sampalin ang papa niya.
"Mama!" gulat na sabi ni Hakeem, nakahawak siya sa balikat ng mama niya. Naawa siya ngayon sa nakikita niyang umiiyak ang mama niya. Ngayon lang niyang nakita na umiyak ang mama niya ng ganitong kasakit.
"H-honey naman! Sa sarili talaga nating bahay?! Pinapunta mo talaga ang babae mo sa bahay natin! Edmond, naman!" galit na galit na sabi ni Emily, hindi siya makapaniwala na pinapunta pa talaga ng asawa niya ang babae nito sa mismong pamamahay nila. Napapailing na lang siya sa kanyang naiisip na sigurado siyang may nangyari sa asawa niya at sa kabit nito.
"W-walang nangyari sa amin ni Janica. T-tsaka iyon lang ang unang beses ko siyang nakita. Nagdadalawang isip nga ako na papasukin iyon. Sinabi lang niya na hinahanap niya si Hakeem. At kaklase raw niya si Hakeem?" pilit na ngiti ang naipapakita ni Edmond, sa kanyang mag-ina. Dahil hindi niya magawang ngumiti ng natural dahil na rin sa sobrang kaba at takot. Tumingin siya kay Marcus, na naka de kuwatro itong nakaupo sa may wing chair sa sala. Nakangisi itong nakatingin sa kanya.
"Gago mo Marcus! Kung anu-ano ang kasinungalingan ang pinagsasabi mo sa pamilya ko!" galit na sabi ni Edmond.
"Edmond! Aminin mo na kasi! Aminin mong may relasyon kayo ng babae na iyon! E-edmond sa tagal nating pagsasama ngayon mo lang ako pinagbuhatan ng kamay. Dahil sa babae na iyon!" umiiyak na sabi ni Emily, para na siyang masisiraan ng bait sa nangyayari sa pamilya niya.
"Papa! Bat mo sinampal si Mama!" galit na sabi ni Hakeem, nakayukom na ang dalawang kamao niya at handa na siyang suntukin ang sarili nitong ama. Ngunit bigla na lang niyang naramdaman ang paghawak ng mama niya. Napatingin siya sa kanyang mama, na lumuluhang umiiling sa kanya.
"W-wag anak… K-kahit ano pang ginawa ng papa mo ay wag mong alisin sa sarili mo ang respeto sa kanya. Kahit anong mangyari ay ama mo pa rin siya." ayaw ni Emily, na kamuhian ni Hakeem, ang papa niya. Alam niya hindi sinasadya ng kanyang asawa na sampalin siya. Iniisip na lang niya na mali ang mga sinabi niya kay Edmond. Mali na sinisi niya ito sa pagkuha ni Marcus, kay Hakeem. Aaminin niyang mahal pa rin niya ang kanyang asawa na si Edmond. At hindi iyon magbabago kailanman.
"Mama naman! Ganyan ka na ba ka martir? Mama sinaktan ka ni papa pero ganyan pa rin ang sinasabi mo sa akin?" nanlulumo si Hakeem, sa sinabi ng kanyang mama. Masyado talaga nitong mahal ang papa niya. Napatingin siya ng masama sa kanyang ama.
"Papa bakit mo nagawa kay mama iyon? Bakit mo siya sinampal? Bakit ka nakipagrelasyon sa ibang babae? Nakipagrelasyon ka talaga sa kaklase kong babae na si Janica?" nanlulumo si Hakeem, sa mga nangyayari ngayon. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang tumayo para harapin ang lahat ng problema niya sa buhay. Sunod-sunod ang mga masasamang nangyari sa kanya. Una na ang kanyang mga tinuring na kaibigan na pinambayad siya kay Marcus, sa malaking pagkakautang ng mga magulang ni Ludwick. Ngayon naman heto siya hinaharap ang problema niya sa pamilya niya.
"S-sorry anak.. H-honey, h-hi-hindi ko sinasadyang saktan ka. Masyado lang siguro akong maraming iniisip k-kaya nagawa ko iyon?" napaluhod na lang si Edmond, at napaiyak dahil sa ginawa niyang pagsampal at pagkakaroon ng relasyon sa ibang babae.
Napaiyak na lang si Hakeem, sa kanyang nasasaksikan ngayon. Ito rin ang unang beses niyang nakitang umiyak ang papa niya. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung bakit nangyayari ito sa kanila?
"H-honey… " lumuhod si Emily, para yakapin ang kanyang asawa. Siguro ay tama si Edmond, sa sinabi nito. Kahit na nagkasala ito sa kanya ay pinapatawad na niya ito dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa.
Nanatili lang nakatayong na seryosong nakatingin si Hakeem, sa mga magulang niya ngayon na magkayakap na umiiyak. Masyadong mabilis magpatawad ang kanyang ina sa kasalanan ng kanyang ama.
"Ano ba yan!? Hindi pa ba tapos ang kadramahan niyo? Hakeem, itanong mo na sa mga magulang mo ang gusto mong itanong sa kanila. Para makauwi na tayo!" inaantok na si Marcus, dahil sa pinapanuod niyang live drama show. Ayaw na ayaw niya talaga ng drama.
Galit na napatingin si Hakeem, kay Marcus, na nakangising nakatingin sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Lumuluhang tumingin siya sa kanyang mga magulang.
"Mama… Papa totoo bang ibinigay ninyo ako kay Marcus?" natatakot si Hakeem, sa isasagot sa kanya ng mga magulang niya. Natatakot siya na baka hindi nga nagsisinunggaling si Marcus, sa kanya.
"Anak naman! Syempre hindi! Tsaka wag kang maniniwala sa sira ulong lalaking iyan." galit na sabi ni Emily,
"Nagsisinunggaling siya Hakeem." sabi ni Edmond. Nakita niyang tumayo si Marcus, sa kinauupuan niya. Tumayo na rin sila ng asawa niya na si Emily, sa pagkakaluhod.
"Hakeem… Hakeem… Sa kabila ng mga sinabi ko tungkol sa mga magulang mo ay hindi ka pa rin naniniwala sa akin?" ngising sabi ni Marcus, lumapit siya kay Hakeem, at niyakap niya sa beywang ang guwapong binata. Nagpupumiglas pa ito pero sa huli ay hinayaan na rin siya ni Hakeem, na nakaakap siya sa beywang niya.
"Wag kang maniwala sa kanya Hakeem! Hindi-hindi ka namin ipapamigay. Hindi pa kami nababaliw para ipamigay ka sa ibang tao lalo na sa gago na 'yan! Bitawan mo ang anak ko Marcus!" pagalit na tinuro ni Edmond, si Marcus, bigla siyang kinabahan kung paano yakapin ni Marcus, ang kanyang anak na si Hakeem, sa beywang. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng ginagawang pagyakap ni Marcus, kay Hakeem?
"Edmond, kakasabi ko lang na may kabit ka! Sinampal mo ang sarili mong asawa! Nagsinunggaling pa ba ako sa'yo? Inamin mo na diba?" ngising sabi ni Marcus, napatingin sa kanya si Hakeem. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagdadalawang isip nito kung maniniwala ba ito sa kanyang mga sinasabi tungkol sa mga magulang nito.
"Marcus puwede ba wag na muna sumabat sa usapan." inis na sabi ni Hakeem, tumingin siya sa kanyang mga magulang.
"Mama… Papa… m-meron ba kayong pinirmahan na legal documents?" pag-aalalang tanong ni Hakeem.
"Wala anak! K-kung meron man ipakita sa'yo si Marcus, na legal documents ay hindi iyon totoo. Kahit na may pirma pa namin iyon." pag-aalalang sabi ni Emily, alam niya ang tinutukoy ng kanyang anak. Ang legal documents of transferring custody. Lalapitan niya sana niya ang kanyang anak na si Hakeem. Ngunit pinigilan siya ni Marcus.
"Way kang lalapit kay Hakeem. Aalis na kami dahil gumagabi na." ma awtoridad na sabi ni Marcus, napatingin ng masama si Hakeem, sa kanya.
"Wala kang karapatan na sabihin iyon sa mama ko Marcus. Mabuti pa ay ikaw ang umalis sa bahay namin." seryosong sabi ni Hakeem, aalis na sana siya sa pagkakayakap sa kanya ni Marcus, sa beywang niya pero lalo nitong inilapit ang katawan niyo sa katawan niya.
"Inaasahan ko ng magmamatigas ka Hakeem. On the way na ang personal attorney ko na si Charloth Ballesteros. Ipapaliwanag niya sa'yo ang lahat-lahat." seryosong sabi ni Marcus, masyado siyang naiinis sa pagmamatigas ni Hakeem. Kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan si Zubery, na nasa labas lang ng bahay nila Hakeem.
"Zubery, pumasok na kayo dito!" ma awtoridad na utos ni Marcus, nakakunot noo lang nakatingin sa kanya si Hakeem. 'Di nagtagal ay may kumatok sa pintuan ng bahay nila Hakeem.
Nakakunot noo lang naglakad papunta sa may pintuan si Emily. Wala siyang inaasahan na bisita ngayon. Napatingin siya sa kanyang asawa na seryosong nakatingin sa kanya. Ibinalik niya ang tingin niya sa may pintuan. Sa pagbukas niya ay nakangiting nakatayo si Atty. Charloth Ballesteros, sa labas ng pintuan ng bahay nila.
"Good evening, Mrs. Emily Fargas. Asan si Marcus?" ngiting tanong ni Atty. Charloth.
"N-nasa loob…" nagtataka si Emily, kung bakit alam ni Atty. Charloth, ang bahay nila at kung bakit ang bilis naman nitong nakarating dito?
"Puwede ba ako pumasok?" ngiting tanong ni Atty. Charloth, tinawagan siya ni Zubery, kanina. Pinapapunta raw siya ni Marcus, sa bahay ng mga Fargas. Hindi niya alam kung anong meron sa loob kung bakit kailangan pa niya pumunta dito? Nakita niyang napatango si Emily, kaya pumasok na siya sa loob ng bahay. Sa pagpasok niya ay nakita niya agad ang katabi ni Marcus, na isang sobrang guwapong lalaki. Sa sobrang guwapo nito ay akala niya ay babae ito. Kung hindi lang maikli ang buhok nito at ang suot nitong white polo tshirt at white pants. Pati ang sapatos nito ay white sneakers shoes. Pagkakamalan talaga niya ito na babae si Hakeem. Alam na niya kung bakit baliw na baliw si Marcus, kay Hakeem Fargas.
"Atty Charloth, ipaliwanag mo nga dito sa lalaking ito ang pinirmahan ng mga magulang nito, na legal document of transferring custody." inis na sabi ni Marcus, gusto lang talaga niya matapos ang lahat ng ito. Para tuluyan na niyang makuha ang guwapong binatang katabi niya.
"T-transferring custody?" kunot noo sabi ni Hakeem, hindi siya familiar sa mga legal documents pero agad niyang naintindihan ang sinabi ni Marcus.
"So… Ikaw pala si Hakeem Fargas, ang kinababaliwan ngayon ni Marcus." ngising sabi ni Atty. Charloth, lumapit pa siya kay Hakeem, para tignan niya ito ng mabuti. Hindi niya maikakaila na sobrang guwapo ito lalo na sa malapitan.
Napaatras na lang si Hakeem, sa ginagawang pagtingin sa kanya ni Atty. Charloth. Akala mo ay tumitingin ito ng painting sa isang exhibit. Maliit na babae lang ito pero ramdam niya ang awra nito na may awtoridad.
"Atty. Charloth, pakigawa na lang ang inutos ko. Wag mo ng takutin si Hakeem." seryosong sabi ni Marcus, napapailing na lang siya dahil pinagmasdan talaga nito si Hakeem.
"Pasensya na. Masyado kang guwapo Mr. Hakeem Fargas. Kaya pala baliw na baliw sa'yo si Marcus." ngiting sabi ni Atty. Charloth. Kinuha niya sa kanyang hawak-hawak na brown enveloped ang legal documents of transferring custody. Ipinakita niya ito kay Hakeem, at ipinaliwanag niya ito sa guwapong binata kung ano ang nilalaman ng legal documents na pinakita niya.
"H-hakeem, anak wag kang maniwala sa sinasabi ng Atty. Charloth, na yan. Hindi namin pinirmahan yan!" sabi ni Edmond, lalapit sana siya kay Hakeem, ngunit tinignan siya ng masama na nagsasabing wag siyang lumapit sa sarili niyang anak.
"Tama ang papa mo anak! Hindi namin yan pinirmahan! Maniwala ka sa amin anak! Mahal na mahal ka namin! Hindi ka namin kaya na ipamigay sa ibang tao!" umiiyak na sabi ni Emily, umaasa siya na maniwala si Hakeem, sa sinasabi nila ni Edmond.
"Legal na pirma ang nandito. Hindi naman kayo siguro bulag para hindi ninyo makita itong mga pirma na ito sa legal documents na ito. Kayo mismo ang pumirma dito. Uunahan ko na kayo Emily at Edmond Fargas, kahit na umapela pa kayo sa higher court ay matatalo pa rin kayo dahil matibay ang ebidensya namin." seryosong sabi ni Atty. Charloth, sanay na sanay na siyang magsinunggaling kapag ganitong kailangan niyang magsinunggaling. Tumingin siya kay Hakeem, na nakatulalang nakatingin sa transferring custody na hawak nito.
"Mr. Hakeem Fargas, masakit man sabihin ay ibinigay na ng mga magulang mo ang karapatan ng mga ito sa client kong si Marcus Orissis Patton. Nasa kanya na ang custody mo kahit na nasa legal age ka pa." seryosong sabi ni Atty. Charloth, kinuha na niya ang papel na hawak ni Hakeem, at ibinalik na niya ito sa brown envelope baka masira pa ng guwapong binata ang papel.
"A-anak wag kang maniwala sa kanila!" umiiyak na sabi ni Emily, napayakap siya sa kanyang asawa na si Edmond.
"H-hakeem, anak nagsasabi kami ng totoo. Hindi namin pinirmahan yang transferring custody na yan. Nagsisinungaling lang sila Hakeem." sabi ni Edmond.
"Paano ba yan Hakeem, panalo ako sa deal natin. Hindi ako nagsisinungaling sa'yo. Tungkol sa mga kaibigan mo at sa mga magulang mo. Umuwi na tayo at pagod na ako sa kadramahan ninyong pamilya." seryosong sabi ni Marcus, hinawakan niya ang kamay ni Hakeem, para lumabas ng bahay. Ngunit agad nitong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay nito.
"H-hindi ako sasama sa'yo! Alam kong nagsasabi ng totoo ang mga magulang ko. Hinding-hindi nila ako ibibigay sa ibang tao lalo na sa'yo Marcus!" galit na galit na tumingin si Hakeem, kay Marcus, na seryosong nakatingin sa kanya.
"Excuse me Mr. Hakeem Fargas. Hindi nagsisinungaling ang client ko na si Marcus. Bukod sa pinakita kong sa'yo na legal documents of transferring custody. Meron pa kaming ebidensya." seryosong sabi ni Atty. Charloth, kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang chanel blue shoulder bag. Ipinakita niya ang isang video clip kay Hakeem, pati na rin sa mga magulang nito. Sa nasabing video clip ay may kausap sila Emily at Edmond, na isang lalaki. At kita sa video, na may pinirmahan ang mga ito na legal documents.
"A-ano yan?" takang tanong ni Hakeem.
Binuksan ulit ni Atty. Charloth, ang hawak nitong brown envelope at kinuha niya ang isang legal document kung saan nakasaad na tinanggap ng mga magulang ni Hakeem, ang ibinigay na pera ni Marcus.
"Malinaw na malinaw na pinirmahan ng mga magulang mo ang legal documents na yan. Tinanggap ng mga ito ang nagkakahalagang 500 million pesos kapalit ng ibibigay nila ang custody mo kay Marcus." seryosong sabi ni Atty. Charloth, naiinis nga siya kay Marcus, dahil masyadong rush na naman ang pinapagawa nito sa kanya. Kanina lang umaga ay tumawag ito sa kanya na itransfer ang 500 million sa bank account nila Emily at Edmond. Tig 250 million pesos ang mga magulang ni Hakeem. Kinasabwat niya ang isang bank teller para mabilisan na itransfer ang pera sa account nila Emily at Edmond. Nakakuha rin siya ng video clips ng cctv ng bangko kung saan may kausap ang mga magulang ni Hakeem.
"Hindi totoo yan! Kasinungalingan yan! M-marcus ganito ka ba kadesperado para makuha mo sa amin ang anak namin na si Hakeem?!" galit na sabi ni Emily, hindi siya makapaniwala na ganitong gumawa ng paraan si Marcus, para lang maukha ang gusto nito.
"Ang ipinakita sa'yo ni Atty. Chaloth, ay totoo. Totoong may kausap kami sa bangko hindi para kunin ang perang inaalok daw ni Marcus, samin. Kundi para mag-invest sa Chavez Company. Kinausap kami ng lalaking nakita mo sa video para mag-invest sa isang kumpanya para lalong lumaki ang pera natin sa bangko. Napili namin kumpanya ay Chavez Group of Company." pagpapaliwanag ni Edmond, sa kanyang anak.
"Anak totoo ang sinasabi ng papa mo." sabi ni Emily, nakatingin siya sa kanyang anak na nakaunot noo nakatingin sa kanila ni Edmond.
Naguguluhan na si Hakeem, hindi niya alam kung sino ba ang paniniwalaan niya? Dalawang ebidensya na ang naipapakita ni Marcus, sa kanya.
"Check your bankccount Mr. Edmond Fargas. Pati na rin sa'yo Mrs. Emily Fargas." seryosong sabi ni Atty. Charloth.
"Bat naman namin ichecheck ang account namin? Para ano? Puwede ba umalis na lang kayo sa pamamahay ko! Alis!" galit na sabi ni Edmond.
"Umalis na lang kayo Marcus! Baka sampahan pa namin kayo ng trespassing!" galit na sabi bi Emily.
"Oppsss… Hindi mo puwede gawin yan Mrs. Emily Fargas, dahil kusa ninyo kami pinapasok. Baka kayo ang sampahan namin ng kaso. Dahil lumalabag kayo sa pinirmahan ninyo na legal documents. Tignan niyo na lang ang bank account ninyo para magkaalaman na at para matapos na itong usapan na ito." seryosong sabi ni Atty. Charloth.
Nakakunot noo na lang si Emily, na tinignan ang bank account niya sa kanyang cellphone. Gamit ang mobile app ng bangko nila. Nagulat na lang siya dahil meron pumasok ng 250million pesos sa bank account niya.
"P-pa-paano nangyari ito?!" gulat na gulat si Emily, sa kanyang nakita. Nanginginig ang kamay niya habang nakatingin siya sa kanyang cellphone.
"Honey anong nangyari?!" pag-aalalang tanong ni Edmond, sa kanyang asawa.
"C-check mo ang bank account mo honey!" pag-aalalang sabi ni Emily, napatingin siya kay Marcus, na nakangising nakatingin sa kanya.
"B-bakit may ganitong kalaking halagang pera na pumasok sa bank account ko?!" gulat na tanong ni Edmond, hindi siya makapaniwala na magagawa ni Marcus, ang ganitong kaduming paraan para lang makuha nito anak niyang si Hakeem.
"Ngayon Hakeem, sabihin mong nagsisinungaling ako sa'yo?" ngising sabi ni Marcus.
"M-mama… P-papa b-ba-bakit?" umiiyak na sabi ni Hakeem, sa kanyang mga magulang.