My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 9 "Simple lang ang ipapagawa ko sa'yo. Nasa likuran lang natin si Marcus Orissis Patton. Kailangan mo lang makipagkuwentuhan sa kanya." ngising sabi ni Andreas, kitang-kita niya ang pagkagulat ni Hakeem, sa sinabi niya. Tatapusin na nga niya ang deal nila ngayong gabi. Alam niya na lahat sila ay kinakabahan sa mangyayari ngayong oras na ito. Hindi nila alam kung ano ang kakalabasan ng gagawin nilang ito. Matagal na nila itong pinag-usapan at pinagplanuhan silang apat na magkakaibigan na sila Ryker, Barett, Ludwick at siya. Walang alam si Hakeem, sa mangyayari ngayong gabi. "Seryoso ka ba dude?" gulat na tanong ni Hakeem, parang bigla yata siyang nawalan ng lakas ng marinig niya ang sinabi ni Andreas, sa kanya. Sa dami-dami ba naman na puwedeng ip

