"Simbahan"
Isinulat ni: Gummy_Sunny
Nakasuot ako ng pajama. Kulay pink. At t-shirt na puti. Naka-tsinelas at wala na akong ibang dala.
Ilang linggo palang simula nung maghiwalay kami ng boyfriend— ex-boyfriend na pala. Pang-anim ko na syang boyfriend. Akala ko nga, sya na.
Nahuli ko kasi syang bumubili ng engagement ring. Nung una, excited pa ako kasi akala ko, ikakasal na ako. Yun naman pala, hindi para sa akin yung engagement ring.
Ayon, nakipag-break ako sa kanya, at ang mas nakakahiya pa, sa mismong araw na akala ko mag-po-propose sya, doon naman sya nakipag-hiwalay sa akin. At sa harap pa ng family & friends namin.
Pero okay lang, kasi 'di naman ako gusto ng Mommy nya. Ang magandang katangian lang naman nya, ay malaki ang batuta nya sa pantalon.
Sa gitna ng pagtitig ko sa altar, may nagsalita sa gilid ko. "Ayos ka lang ba?" Nilingon ko ito, at nakita ang isang madre.
Simpleng ngumiti ito sa akin at naupo sa tabi ko. Sabay kaming lumingon sa malaking altar, kung nasaan ang pigura ng puong maykapal.
"Ikaw ay nababagabag?" Tanong nito sa akin.
'Ang lalim naman nun, sister...'
"Opo..." Sagot ko. Di kami lumingon sa gawin ng isa't isa. Pareho lang naming nakatingin sa altar.
"Ano ba ang isinadya mo rito?" Tanong nito.
Hindi ako nakasagot. Maging ako, hindi ko din alam.
"May balak ka bang hindi maganda sa sarili mo?"
"Wala po, sister." Mabilis kong sagot sa tanong nya.
"Eh, ano ba ang isinadya mo rito sa kombento?" Tanong pa nya.
"H-Hindi ko rin po alam, sister..." Mahina kong sagot. Natahimik naman kami pareho.
"Sister, may tanong ako..."
"Ano iyon?" Kaagad nitong sagot.
"Bakit po kayo nag-madre?" Tanong ko.
"Bakit gusto mong malaman?"
Napalingon ako sa kanya at napanguso. "Sister naman, sagutin nyo naman po yung tanong ko. Wag nyo ko tanungin pabalik."
Mahina itong tumawa. Ngumito ito at lumingon sa akin. "Ito na nga, sasagutin na kita, binibini." Natatawang sagot nito.
"So, bakit nga po?"
"Nagmadre ako kasi..."
"Sister naman, pabitin..."
Lalo itong tumawa. "Nagmadre ako kasi ito ang misyon ko sa mundo. Ito ang misyon ko sa buhay ko. At ito ang misyon na ibinigay ng maykapal sa akin."
Sandali akong natahimik. "Paano nyo po nalaman na ito ang misyon nyo?"
"Simula kasi noong bata pa ako, gusto ko na mag-madre. Kaya simula noon, alam ko na kung ano ang misyon ko."
"Pero hindi po ba kayo nag-aral? Hindi po ba kayo nagkajowa? Hindi nyo po ba gusto magkapamilya?" Sunod-sunod kong tanong.
Ngumiti ito at bago sumagot. "Hindi naman sa pagmamayabang, pero marami akong manliligaw noon. Karamihan sa kanila, umalis din nang malamang magmamadre ako." Nakangiting kwento ito.
"May isang binata noon ang masugit manligaw sa akin." Biglang nawala ang ngiti nito. "Nakakalungkot lang na maaga syang kinuha ng panginoon sa akin." Malungkot na kwento nito.
"Sya po ba ang first love nyo, sister?" Tanong ko pa. Kahit ako nalungkot na din.
"Hindi." Sabi nya na ipinagtaka ko.
"Po? Hindi sya ang first love nyo?" Nagtataka kong tanong.
"Ang unang pag-ibig ko ay ang panginoon. Sumunod lamang sya."
"Ahh..." Napapatango-tango kong sabi.
"So, kaya po ba kayo nagmadre kasi maago pi syang namatay?"
"Hindi naman. Sabi ko nga, bata palang ako gisto ko na maging madre."
"Pero kung hindi po sya namatay, magmamadre parin po ba kayo?" Tanong ko. Tumingin naman ito sa altar at ngumiti.
"Oo." Nakangiti nitong sagot. "Dahil alam kong ito nga ang misyon ko, hindi sapat na dahilan na umibig ako para talikuran ko ang misyon ko." Dagdag pa nya.
Napaisip naman ako. 'Ako kaya, ano kaya ang misyon ko? Bakit si Sister, nahanap na si The One, namataya lang. Ako, naka-anim na, bokya parin. Malas ba talaga ko o baka magmadre nalang din ako?'
"Sister, magmadre nalang kaya ako?"
"Ano?" Gulat nitong sabi. "Hija, baka naman nabibigla ka lang?"
"Hindi po." Pilit ko. "Tingin ko, kaya hindi ko mahanap yung The One ko, kasi destined talaga ako maging madre." Sabi ko pa.
"Hija, hindi porque hindi mo pa nahahanap ang taong iibigin at iibig sayo ng tunay, ay magmamadre ka na. Malay mo, kaya hindi pa nya binibigay sayo ang hinihingi mo dahil may mga bagay ka pa na hindi nagagawa. Isipin mo, malay mo may gusto pa syang ipakita, ipaalam, at iparanas sa iyon para mahangad mo ang hiningi mo."
"Malay mo, nandyaan lang pala ang taong hinahanap mo. Maaaring nandyaan lang sya sa tabi mo. Ngunit dahil masyado kang nabubulag sa hinahangad mo, kaya hindi mo sya makita."
Lumingon ito sa akin at ngumiti. "Oh, sya. Makakaalis na ako." Sabi nito at umalis na.
Napatingin ako muli sa altar at nagdasal. 'Lord, kung sa tingin nyo po handa na akong makita sya, bigyan nyo po ako ng sign na sya na yun. Sa pagmulat po ng mata ko, sana makita ko sya, nakasuot ng jacket na blue— kahit anong kulay blue, basta blue. Nakasuot din ng uniform pang-office, may shoulder bag, at nakablack leather shoes. Kayo na po—'
"Alyana!" Gulat akong napatingin sa tumawag sa akin. Hinihingal at muhkang tumakbo.
"Alvin?" Taka kong tanong sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa. Anong ginagawa ng bestfriend ko dito? At bakit parang hingal na hingal naman sya?
"Kanina ka pa namin hinahanap. Nag-aalala na kami sayo." Sagot nito pero wala sa kanya ang atensyon ko. Nasa suot nya ngayon. Nakasuot ito ng deep blue na blazer, naka-pang-office na suot, may dalang shoulder bag, at nakablack leather shoes.
Nagsasalita pa ito pero hindi ko sya pinapansin, sa halip ay lumingon ako sa altar. 'Lord, sya na ba? Totoo na ba to? Si Alvin na ba?'
"Hoy!" Sigaw ni Alvin dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Ano bang nangyayari sayo? Bakit parang wala ka sa sarili mo?"
"Gusto kong magdate?" Wala sa sariling sabi ko.
"Huh? Nga-Ngayon na?" Gulat nyang tanong sa akin.
"Oo." Sagot ko. Umiwas ito ang tingin pero di nakawala sa akin ang pamumula ng pisnge nya. "Tara na. Umuwi ka muna. Magbihis ka." Sabi nito dahilan para mapatingin ako sa suot ko.
'Nakapajama nga pala ako.'
Tumayo ako at tumingin sa altar. 'Thank you, lord. The best ka.'
Inilahad sa akin ni Alvin ang kamay nya at malugod ko naman iyong tinanggap. Kung bakit naman kasi ngayon ko lang nalaman, na nasa tabi ko na pala si The One.
"Saan ko gusto mag-date?" Tanong nya sa akin.
"Hindi ko alam, ikaw bahala." Sabi ko. Tumango naman ito.
"Mcdo tayo?" Tanong nya. Ngumiti naman ako bago tumango. "Mcdo, it is."
Sabay kaming naglakad papalabas ng simbahan. Sa simbahan kung saan ako tumakbo para humanap ng sagot, ay ang simbahan kung saan ako sumagot, ng I Do kay Alvin. Sa simbahang nagpakita sa akin na, minsan, nandyaan lang pala ang hinahanap natin. Di lang natin napapansin kasi masyadong malayo ang tingin natin. Ang simbahan, bow.
- The End -