May 27 – Saturday – 7:08 AM – Aira’s Dorm Room Pagmulat pa lang ng mata ni Aira, naamoy na niya agad ang masarap na aroma ng butter at egg. Pagsulyap niya sa gilid ng kama… nandoon si Calix. Nakangiti, hawak ang tray ng breakfast—may scrambled egg, toasted bread, orange slices, at iced coffee. May maliit ding sticky note: > Happy 3rd Monthsary, Love.💗 I wanted you to start your day full—ng pagkain, at ng pagmamahal ko. “Calix…” she said in a sleepy laugh. “Paano ka nakapasok?” “Sinundo ko sa baba ‘yung spare key sa’yo kay Nhene kagabi pa,” he grinned. “Mission accomplished.” “Hindi ka talaga nagbago. Mahilig ka pa rin manggulat,” she said, sitting up. “Surprise breakfast dapat ‘to. Gusto kong simulan ‘tong araw natin sa ganito. Chill lang, walang madaliang lakad. Just us.” Air

