CHAPTER ONE
Elizabeth's Point of view...
Hi my name is Elizabeth Cruz, I'm 17 years old ulila na ako 8 years old pa lang ako ay nakatira na ako sa isang simpleng tahanan kasama si Aling Theresa na syang kumupkop at nag-alaga sa akin noong nakita nya ako siyam na taon na ang nakakalipas.
Ngayon papasok na ako sa Royal Academy. Ang Royal Academy ay isa sa pinakasikat na Academy sa buong mundo, dahil mga royals (maharlika) o mga mayayaman ang nag aaral dito pero hindi ako kasama doon.
Isa akong estudyante na walang kakayahang makapag-aral sa mga mamahaling paaralan. Pero isa ako sa masuwerte dahil every 4 years kasi ay nagpapa entrance exam sila ng mga estudyanteng kagaya ko pero ang dahilan kung bakit ako nagtitiyagang mag-aral ay para bigyan ng magandang buhay si Aling Theresa mas maganda pa sa buhay na ibinigay nya sa akin.
FIRST DAY OF SCHOOL
"Morning sunshine what a lovely day!" Bungad kong pananalita kay Aling Theresa saka sya niyakap ay hinalikan sa pisngi.
"Oo very lovely day dahil first day of school mo sa Royal Academy kaya magbihis kana at kumain pagkatapos." Sermon ni Aling Theresa pero mabait yan love ko yan.
"Thank You po Aling Theresa for everything sana kayo na lang naging magulang ko." Imik ko na syang dahilan ng pagyakap nya ng mahigpit sa akin at maluha luha pa.
"Huwag mong isipin yan dahil kahit hindi ako ang magulang mo tinuturing kitang anak." Sagot ni Aling Theresa habang pinupunasan ang kanyang luha na tumulo na ng tuluyan .
Papasok na ako ng main gate ng Academy ramdam ko na ang kaba dahil alam ko na dyan na naman at nag aantay ang mga taong nambubully sa akin ever since natanggap ako sa Academy.
At makalipas ang ilang minuto pumasok na ako ng Main Gate at binati ang security guard ng Academy.
"Magandang umaga!"
At naglakad na ako papunta ng classroom ko pero ang mga tao ay tinginan na sa akin with matching bulungan.
"Diba sya yung nerd and commoner?"
"Sya nga pero di sya nababagay dito!"
"I wish the King never agreed to have a commoner in our campus."
"Yeah your right, I wish that too."
Di ko na lang sila pinansin sabay na naman ako sa mga sina sabi nila pero mayamaya ay nagtilian na sila.
"OhmyGod! Prince Edward! He's so handsome talaga!"
"Oh Princess Eliza and Stephanie!"
"And Prince Christopher!"
"Kelan kaya natin makikita ulit si Princess Elizabeth?"
" I heard ilang taon na syang nawawala"
"Oh Your Highness!"
At dumaan ang mga Prinsipe at Prinsesa sa tapat ko kaya nag bow ako sa kanila at ngumiti naman si Princess Stephanie dahil siStephanie ay bestfriend ko pero ang napansin ko ay si Prince Edward kasama ng kapatid nya na si John ang gwapo talaga nila pero ang cold ni Prince Christopher sayang gwapo pa naman! Hmp!
Naglakad na ako at pumunta sa classroom ko. I'm in the highest section dito sa Academy kaya kinakabahan ako at natatakot dahil ang mga makakasama ko doon ay ang mga Prinsipe, Prinsesa, at mga nakakataas na tao sa iba't-ibang bansa na nag-aaral dito sa Royal Academy.
Pagpasok ko nakita ko ang mga taong nakatingin sa akin, hindi ko na lang sila pinansin at umupo na lang ako sa likod kung saan walang halos umuupo.
Habang naglalakad ako napadaan ako kay Princess Eliza nag bow ako pero hindi nya ako pinansin. Sabi sa akin ni Stephanie nagka ganyan daw si Princess Eliza simula ng mawala ang panganay nilang kapatid na si Princess Elizabeth ang Crown Princess ang nangunguna sa tagapagmana ng trono kaya sya nagkaganyan kasi close daw talaga sila.
Umupo na ako sa likod ng saktong dumating ang Professor.
"Good Morning class! I'm professor Lee and I will be your class adviser and your teacher in English."
"Good Morning Professor Lee,”
"Good Morning Princes and Prinsesses!" Imik ni Prof sabay bow sa mga nasa harap nya para magbigay ng galang. Actually wala ngang special treatment dito sadyang kailangan lang talaga namin na rumespeto sa kanila, pero when it comes to studies kailangan talaga nilang paghirapan yun. Dahil education is the key to our success.
Ringggg/Ringggg
"Okay class see you tomorrow and by the way we have a quiz tomorrow goodbye!"
Niligpit ko ang mga gamit ko at inintay makaalis ang mga kaklase ko pero nung palabas na ako nakita ko si Princess Stephanie.
"Ah, hello Princess Stephanie," Sambit ko at umaktong magbibigay galang sa kanya at agad nya naman akong tinawanan.
"Ikaw naman kala mo iba ka sakin miss na kita Elizabeth!" Sambit nya sabay yakap sa akin at ngumiti ng napakalapad na sadyang nagpapasaya sa akin kapag kasama sya.
"Teka hindi kaba sasabay sa mga Prinsipe at Prinsesa?" Tanong ko sabay bitaw sa pagkakayakap nya at hinarap sya para makausap ng mabuti.
"Actually I'm going with them sinabi ko lang na may kukunin ako para makita ka!" sigaw nya sabay yakap ulit sa akin at pinisil pa ang pisngi ko dahilan kung bakit napa aray ako.
Di ko talaga maintindihan tong kaibigan ko pag nasa harapan sya ng maraming tao she's so elegant, mahinhin, at mabait pero pag kasama ko yan she is so crazy kaya love ko yan eh, hindi sya takot ipakita kung ano talaga sya.
So iniwan na nya ako kasi tinawag na sya ng butler nya kaya ako ay naglakad na papunta ng Cafeteria. Pumila at umupo sa pinakadulo at siksik na lugar para di nila ako mapansin noh, mamaya laitin nanaman ako ng mga taong ito.
Yan ang hirap sa ibang mayayaman porket nasa kanila na ang lahat feeling nila pati buhay ng iba ay hawak na rin nila. Kaya kung ako magiging mayaman hindi ako gagaya sa iba na tumatapak sa ibang tao para lang umangat. Aangat ako dahil sa pagsisikap ko at tatanggapin ko lang ang mga bagay na nararapat para sa akin.
Pagkatapos kong kumain pumunta ako ng library. Mangheheram kasi ako ng libro to study for our quiz tomorrow syempre no room for errors tayo eh. I am claiming my spot for TOP 1!
Palabas na ako ng library ng may nabunggo akong tao.
"Ah! Sorry. Di ko sinasadya." Sabay pulot ng mga librong hiniram ko sa library at maingat na binalik sa mga braso ko.
"No! Its okay. I'm the one who bump into you!" Sabay tayo nya dahil sa boses nya ay napatingin ako sa kanya dahil di ako maaaring magkamali na sya yun.
"Your Highness, Prince John!" I said dahil sa gulat pero nag bow pa rin ako bilang pagpapakita ng paggalang sa kanya.
"What a kind lady, thank you." He said habang pinipigilan ang tawa dahil na rin siguro sa pagkatuliro ko. Nakukulitan sigurk sya sa akin.
"Oh, I have to go. See you around, and by the way you are?" Tanong nya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.
"My name is Elizabeth Cruz, but they call me here, nerd as always." Confident kong pagpapakilala kahit nakakahiya yung mga bansag ng mga estudyante sa akin.
"Ah! so you’re the only one who pass the entrance exam this year." Nakangiti nyang sambit ng marealize na ako lang yung kaisa-isang estudyante na nakapasa ngayon taon. Hay grabe! ang gwapo nya talaga lalo na kapag nakangiti.
"Ah yes, Your Highness," Tipid kong sagot pinipigilan ang sarili na magdaldal sa harapan nya.
"Prince John! we have to go. Prince Edward is waiting for you." Paalala nang butler nya na kanina pa sya hinihintay.
"Well, see you tomorrow sa classroom or anywhere." At naglakad na sila paalis ng butler nya para siguro puntahan na si Prince Edward.
Hay! pagkasuwerte ko nga naman nagpunta lang ako ng library para maghanap ng libro tapos nakakilala pa ako ng gwapong Prinsipe. Naglakad na ako palabas ng Academy para makauwi na sa bahay.