Hindi ko naman inaasahan na ganito pala ang kahihinatnan ng lahat ng ito. Siguro naninibago pa lang sila sa akin dahil hindi sila makapaniwala na ako pala ang nawawalang Prinsesa na matagal na nilang hinahanap at sabik na makita. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot na parang hindi sila nagahalak na ako ang taong matagal na nilang gustong makita. Siguro nga ay hindi talaga madaling makuntento ang mga taong kagaya namin. Hindi pa nga ako tumatagal sa katauhan na ipinagkait sa akin ay hindi ko nakikitaan ng kagalakan ang aking puso. Masaya ako na nakilala ko na ang tunay kong mga magulang pero may kulang pa rin sa puso ko na hindi ko maipaliwanag kung ano at kung paano ko ito mapupunan. Aaminin ko masayang malaman ang pagkatao ko lalo na at ilang taon din itong pinagkait sa

