Denise Pakusot kusot pa ako ng mata nung magising ako na wala sa tabi ko si Shawn at nilibot ko ang tingin ko sa buong kuwarto namin pero wala na siya kaya tingin ko ay maaga siyang umalis. Dali dali akong bumangon sa kama nung mapagtanto ko kung anong araw at oras na ngayon. Ngayon nga pala naka schedule ‘yung visits niya sa isang school dito sa San Lorenzo at hiniling niya sa akin na samahan ko siya pero late ako nagising. Lumingon ako sa bed side table na katabi lang din ng kama namin pero wala ang cellphone ko do’n. Kaya nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at dali dali akong tumayo para hanapin kung saan ko naipatong ang cellphone ko para matawagan si Shawn at makamusta. Napahinto ako nung makita ko ang cellphopne ko sa table na malapit sa walk in closet namin kaya dali dali ako

