Chapter 6

3199 Words
Chapter 6 "Kace! You're here! You're here!" Sinalubong siya ni Harriet ng isang mahigpit na yakap. Nginitian naman siya ni Chellie. Hinagod ni Kace ang likod ni Harriet at pilit na nginitian ang kaibigang doktor. "Harriet, how do you feel?" He asked. "I missed you, Kace. I — I was looking for you. I missed you. I'm fine coz you're here now." Parang batang sagot nito. "I was surprised when she recalled some old memories about you. These past few months, Rione has been visiting Harriet. Simula nun, unti-unting bumuti ang kanyang lagay. She got worse before but surprisingly, she got better. I can't believe it." "When was the last neurological and cognitive tests? How about the lab tests? CT scan, MRI, PET?" "Last week. Oh Kace, you know me. Hindi ako pumapalya especially for Harriet. Don't worry about it." Nagtagis ang kanyang bagang. "Anyway, you never told me about my brother visiting Harriet. What's this, you're hiding a secret from me now?" Chellie sighed. "Kace, Rione changed. He must have learned his lessons already. Give him a chance." Kumalas sa kanya si Harriet kaya napatingin siya rito. "Rione.. Where is Rione? He always visits me. He is funny. I like him." Pilit na nginitian niya ang dalaga. "He's busy. By the way, do you take your meds on time?" Tumango ito. "Yes." "Good. What do you want for dinner? I'll prepare it for you." Ngumiti ito sa kanya. "Steak. You like steak and I like it too." "Steak it is." She remembered.. Hinawakan ni Harriet ang kanyang kamay at tiningnan iyon. Kumunot ang noo nito. "Kace.." "What is it?" "W-where is your ring? I — I still have my ring. See?" Ipinakita nito sa kanya ang suot na singsing. Natigilan siya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. He left it in New York! Hindi na niya iyon isinuot nang magdesisyon siyang layuan muna si Harriet para hindi mabaling ang atensyon ni Rione rito. s**t! Baka magdamdam siya! "I —" "Where is your ring? That was our promise ring. We promised each other that we'll get married right?" Lumungkot ang mga mata nito. Hinaplos niya ang makinis nitong pisngi. She even remembered that! How?! "I'm sorry. I took it off when I was working in the hospital and I forgot to wear it again. I left it in New York." Ngumiti ito at dinampian siya ng halik sa labi. Suddenly, he felt uncomfortable when their lips touched. It doesn't feel right. Nakuyom niya ang mga palad. Why is his heart beating so strangely? Hindi niya iyon maintindihan. "I was worried you lost it. When are we going back to New York?" Iniwas niya ang mga mata. "Harriet, stay with your doctor for a while. I'll prepare dinner with V, okay?" Tumango ito. "Okay!" Pumasok siya sa kusina kasama si V. Sinulyapan niya ang kaibigan at nakita niyang napailing ito. "Man, you looked stiff. Are you really in love with her? I'm starting to doubt it." She heaved a deep breath and sighed. "Shut it. She's important to me." Binuksan niya ang refrigerator para kunin ang mga lulutuin. "Help me prepare the steak." Ngumisi ito. "Sure." "I'll help." Si Warrior. Hindi niya namalayang pumasok pala ito ng kusina. "Man, you better choose that Angela girl. That Harriet is suspicious. It was stage five right? I am no doctor but I am not stupid." Tiningnan niya ng masama si Warrior. He doesn't know anything about Harriet. How can he say something like that about her! "You don't know anything." Napaisip siya. Naalala niyang sinabi sa kanya ni Chellie noon na umabot na sa stage 5 ang dementia ni Harriet. But looking at her now, parang nasa stage 2 or 3 lang ito. She even remembered him and their promise. No, baka nakatulong ang pagbisita ni Rione para maalala ako ni Harriet.. "No bro. I think you don't know anything. Huwag kang magbulag-bulagan. Anyway, it's your life. I'm just stating my opinion based on my observation. I just don't want you to regret your decisions coz it seems like you really have real feelings for that Angela girl.." Tinalikuran siya ni Warrior. Kumuha ito ng kutsilyo at spices. Tahimik lang siya habang tinutulongan siya ng mga kaibigan na magluto ng steak. V prepared the dining table habang sila naman ni Warrior ay patapos na sa pagluluto. Sinulyapan niya ang orasan. Mag-aalas otso na ng gabi. Nangako siya kay Angela na babalik ng alas nuebe pero sa tingin niya ay mahihirapan siyang umalis. "I don't see any movements from Rione. Maybe nagbago na siya?" Si Warrior. "He approached Angela." Warrior's lips formed 'o'. "That's not good. You'll be busy with your first love here. Paano kung —" "Angela is in V's suite." Nanlaki ang mga mata ni Warrior. "What the hell! Why there!" "Don't worry. Itinago niya ang mga gamit niya sa closet." "f**k you! My brothers are on their way there! Gunner and Killer!" "What the — why! Oh s**t!" NAPATITIG si Angela sa dalawang naggugwapohang lalake sa kanyang harapan. Parehong nakainom ang mga ito at nakaupo sa mahabang sofa sa salas. Hindi siya makakilos dahil natatakot siya sa mga ito. Gusto na sana niyang umalis nalang kaso naglabas ito ng baril kaya napaupo nalang siya sa pang-isahang sofa. Diyos ko. Sino ba ang mga ito. Bakit may mga baril sila? Masasamang tao ba sila? Pati rin ba sina Kace at V? Diyos ko, iligtas niyo po ako. Ayaw ko pang mamatay. "So, Ms. Angela.. Are you and Kace dating?" Mabilis na umiling siya. "Kill, don't scare her. Kace will kill you. By the way, I am Gun and this is my brother Kill. We are Kace's cousins. We're here for a vacation."  Napalunok siya at napatingin sa baril na hawak ng lalakeng nagngangalang Kill. Pati mga pangalan ng mga ito ay nakakatakot. Gusto na talaga niyang umalis! Bakit ba nagpapapasok ang hotel na 'to ng kung sinu-sino rito sa suite ng guest nito? At paano ba nakalusot ang mga baril nito! Isa iyong palaisipan sa kanya! "Can you hide that f*****g gun?" Galit na wika ni Gun kay Kill. "Shut up." "You're scaring her!" Tiningnan siya ni Kill. "I am a soldier. I have a license so I can carry a gun wherever I go. It's for protection." "And she doesn't care. f*****g hide it now!" Tumayo ito at naglakad patungo sa kama. Padapang humiga ito roon at itinago ang baril sa ilalim ng unan. "Why are you here, Ms. Angela?" Napatingin siya kay Gunner. Bakit ba ang gwapo nito! Kaygandang lahi! Sa isip niya. Lahat ba ng pinsan ni Kace ay ganito ka hot?! Hindi na niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa takot o dahil nagugwapohan siya sa mga ito! "Di-dinala niya ako rito kanina." Teka, nakakaintindi ba 'to ng Tagalog? Medyo nakakaintindi naman ako ng Ingles dahil kay Kace. Siguro naman hindi ako pahihirapan ng isang 'to. "I see. Is he coming back here tonight?" Tumango siya. "Alas nuebe." Tiningnan nito ang oras sa suot na mamahaling relo. "It's quarter to 9." "Pero — da-dahil nandito na kayo. Aalis nalang ako. Baka makaestorbo ako sa inyo rito e." Tama, ito na ang tsansa kong makaalis rito! "Uuwi na ako." Ngumiti ito sa kanya. "But I can't let you do that." Napaawang ang kanyang labi at nagsimula na namang siyang kabahan. Nangatog ang kanyang tuhod. Gwapo nga pero mukhang mapanganib talaga! Bakit hindi ito pumapayag na umalis siya? "Ba-bakit?" "Hmm.. Let's just say, it's dangerous to go outside right now. You'll be safe here. With us." Tumayo si Angela kahit na nangingig ang kanyang tuhod. "A-anong safe here? Pinapakitaan niyo 'ko ng baril tapos sasabihin mong safe ako rito? Tanga ka ba?! Mas delikado ako rito! Sino ba talaga kayo ha! Hindi ako naniniwalang mga sundalo kayo! Bakit may granada rito? Paano kapag bigla yang sumabog rito!" Bulyaw niya sa lalake. Diyos ko, bakit ko siya sinigawan? Gustong pagalitan ni Angela ang sarili dahil hindi niya napigilan ang kanyang bibig. Paano kapag nagalit ito sa kanya at barilin siya?! Nagsalubong ang kilay nito. "Grenade? Where?" Nanginginig ang kamay na itinuro niya iyon. Tumayo ito at napamura ng malakas. "Oh s**t! The pin is loose." Tumayo si Kill at umalis sa kama. Dinampot nito ang granada kaya napatakbo siya sa sulok sa takot na baka sumabog iyon. "Isa ka pa! Nababaliw ka na ba! Kung gusto mong magpakamatay huwag mo kaming dinadamay!" Galit na sigaw niya sa lalake. Nakagat ni Angela ang ibabang labi at lihim na pinagalitan ang sarili. Hindi na naman niya napigilan ang kanyang bunganga. Tumingin ito sa kanya. "Relax. I'll fix it and stop shouting. My head is aching." Sagot nito sa kanya. "I'll kill V." Si Gun. "Gusto ko ng umalis!" Sigaw ulit ni Angela. Natuptop niya ang bibig. Umiyak nalang kaya siya? "I can't let you go out, Ms. Angela. Kace brought you here for a reason." Sagot naman ni Gun. Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Kidnapping ito. Ipapapulis ko kayo." Tinawanan siya ni Kill ng mahina. "You came here with him so that's definitely not kidnapping. Ano yun, nagpaalam siyang kikidnapin ka tapos pumayag ka?" He chuckled. "Don't worry, we won't do anything. You are our cousin's girl." "Just wait for Kace here. Calm down and don't cry." Alo ni Gun sa kanya. Sabay na napatingin sila nang marinig ang mahinang pagkatok sa pinto. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Tumakas kaya siya? Sana pala nung nakita niya yung granada kanina ay tumakas na siya. Tanga-tanga talaga niya! Hinintay pa niya si Kace! Naglakad si Gun patungo sa pinto. Dahan-dahan naman siyang sumunod rito at hindi niya napansin na nakatingin pala sa kanya si Kill. Nang buksan nito ang pinto ay malakas na itinulak niya si Gun saka kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. Napangiwi siya nang bumangga siya sa matigas na dibdib ng isang lalake. Naramdaman niya ang mga braso nito na pumalibot sa kanyang balikat. "Oh s**t! Who is this woman!" "Kace's woman. Hold her. We can't let her escaped. Kace will surely lose his s**t if we let her go. He'll blow up this whole hotel." Si Kill. "Bitiwan mo 'ko! Tul—" Niyakap siya ng lalake at itinulak papasok ng kwarto. Mabilis na inilock naman ni Gun ang pinto. "The CCTV, Kill." Nanlaki ang kanyang mga mata. Nakita niyang inilabas ni Kill ang laptop mula sa dala nitong bag kanina. "Damn, you are a troublesome woman. I am drunk you know? I want to sleep! s**t! Now I have to tamper the CCTV footage." Iniupo siya ng bagong dating na lalake sa gilid ng kama. "I am Claude. Kace's cousin." Hindi siya sumagot na tiningnan ng masama ang gwapong lalake. Cousin na naman! Isa rin ba itong sundalo? "Ano yan? Baka may bomba diyan sa maletang yan?" Galit na tanong niya kay Claude. Umangat ang kilay nito. "How did you know? That's amazing. I have four C4 explosives, two —" Napaiyak si Angela sa sinabi nito. Oh my God.. Nagbibiro lang naman siya sa tanong niya. Pumagitna si Gun sa kanila. "Okay, that's too much information. We don't want her to die from shock. Ms. Angela, rest assured. We are not bad guys. Why don't you just lay down on the bed and sleep?" Pinukol niya ito ng nakamamatay na tingin. "Sa tingin mo makakatulog ako sa sitwasyong 'to? Tangina mo." "I like this woman. She's scared but still fierce." Si Claude. "Anyway, does she know?" Kumunot ang kanyang noo. "Ano?" "No, she doesn't so you better shut your mouth." Sabat ni Kill. Tumalikod si Claude at naglakad patungo sa mesa. "I'm hungry. Can I eat these? Oh, never mind. I'll eat it. God, I'm starving!" Napasimangot si Angela at gumapang sa uluhan ng kama. Sumandal siya sa headboard at niyakap ang unan. Nakita niya ang baril doon kaya naman pasimple niya iyong sinipa palayo. Paano kung bigla nalang yung pumutok at matamaan siya? Nang hindi pa rin siya mapakali ay kinuha niya iyon at maingat na inilapag sa sahig. Sinulyapan niya ang oras. Lampas alas nuebe na pero wala pa rin si Kace. Please.. Nasaan ka na? Gusto ko ng umalis rito. Aatakehin ako sa puso rito dahil sa mga pinsan mong weirdo! Bakit hindi mo 'ko tinatawagan? Napapitlag si Angela nang tumunog ang cellphone sa kanyang bulsa. May tumatawag at Warrior ang pangalan. Naalala niya ang lalakeng nakilala noon sa bahay ni Kace. Mabilis na sinagot niya iyon. "H-hello?" "Angela, it's me Kace. Are you okay?" Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. "Nasaan ka na? Lampas alas nuebe na. Sunduin mo na 'ko. Gusto ko ng umuwi." "I'm sorry, love. I can't go there now. Bukas ng umaga, susunduin kita diyan." Natigilan siya. Biglang nag-init ang kanyang ulo. "Kung hindi mo 'ko masusundo, sabihin mo nalang sa mga pinsan mo na palabasin nila ako rito!" Napatingin sa kanya ang tatlong lalake at wala siyang pakialam. "Sino ba talaga kayo ha! Ipapapulis ko kayo! Masasamang tao kayo noh! Bakit kayo may granada rito! Mga Baril!" Bulyaw niya sa kabilang linya. "What the— what the hell happened there?" Napahikbi siya. "Tinatakot nila ako! Gusto ko ng umuwi sa bahay ko!" "Angela, trust me. Hindi sila masasamang tao." Pinahid niya ang luha. "Paano ko paniniwalaan iyon kung ang isang pinsan mo ay nagpupunas ng baril sa harapan ko!" Si Kill ang tinutukoy niya. Inilabas kasi nito ang isa pang baril at nagsimulang pinunasan iyon habang nakatitig sa kanya. Mabilis na inagaw ni Claude ang baril at ipinasok iyon sa bag. "They won't hurt you. You'll be safe there dahil nandyan — what the hell was that sound!" Nanigas ang kanyang katawan nang biglang mabasag ang glass na door ng balkonahe. "Oh f**k! A sniper! What the hell!" Sigaw ni Claude. Hinila siya ni Claude paalis ng kama at dinala sa banyo. Pinatay naman ni Gun ang lahat ng ilaw sa kwarto. "Stay with Angela." Utos ni Gun kay Claude. Inagaw ni Claude sa kanya ang cellphone. "Got sniper. Don't worry, I'm here in the bathroom hiding with your girl. We'll keep her safe. Let me talk to Warrior." Bumuntong-hininga ito. "War, this is Claude. Code 101789. Can you check it right now? I'm with Killer and Gunner at V's hotel suite. We got sniper here." Tumayo ito. "Stay here, Angela, and don't move. It's dangerous." Hindi siya makasagot. Nanginginig ang kanyang kamay at tuhod sa takot at nanlalamig ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nawawalan siya ng lakas. Ipinikit niya ang mga mata at napadausdos sa tiles ng banyo. Diyos ko, bakit nangyayari sa 'kin 'to? Nagising si Angela dahil sa ingay ng TV. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Masakit ang kanyang ulo. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Anong nangyari at — "Good morning." Napaawang ang kanyang labi nang makita ang tatlong naggugwapohang lalake. Natuptop niya ang bibig. Bigla kasi niyang naaalala ang mga pangyayari kagabi. May sniper kaya dinala siya ni Claude sa loob ng banyo para magtago tapos hinimatay siya dahil sa stress at takot. "You passed out." Si Gun. "C'mon, we ordered breakfast. I'm sure you're hungry. It's past 9 in the morning." Bumaba ang tingin niya sa damit. Mukhang maayos naman iyon. Nabahala kasi siya na baka may ginawa ang mga ito sa kanya habang natutulog. "Kace went back to New York this morning. He had some urgent matters to attend to. He wanted you to have this." Ibinigay sa kanya ni Claude and isang sobre. Tiningnan niya iyon at nagulat siya nang makitang cheque iyon na nagkakahalaga ng sampung milyong piso! Pakiramdam niya ay may nagbara sa kanyang lalamunan kaya hindi siya makapagsalita. Hindi makapaniwalang napatitig si Angela sa cheque. Nangako itong susunduin siya ngayon tapos sasabihin lang ng mga ito na umalis ito patungong New York? Tapos nag-iwan pa ito ng sampung milyong piso sa kanya! Ano ang ibig sabihin nito? "We'll drive you back to your house. Let's eat first." Si Claude. Huminga siya ng malalim at tiningnan si Claude. "K-kailan raw ang balik niya?" "I don't know. He didn't tell us." Habang nasa loob ng kotse, nanatiling walang imik si Angela. Hindi siya makapaniwalang nagawa ito ni Kace sa kanya. Binabayaran ba siya nito sa panggugulo nito sa kanyang buhay? Haaa! Ten million! Urgent matters daw. Ganyan na ganyan din ang rason mo noon e! "We are being followed." Wika ni Kill na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Natampal ni Claude ang noo. "101789. Sorry, man. I thought I cleaned it up properly the other day. Didn't think they would come to find me." Bigla siyang kinabahan. "An-anong nangyayari? Anong 107999? Anong pinagsasabi mo." Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ni Gun. "Just drive, Kill. Out of the city. We can't make a scene here." "f**k you, Claude. I am on vacation, you piece of s**t! And you. Don't order me around." Angal ni Kill. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang iniliko nito ang sasakayan. Hindi na iyon ang direskyon patungo sa kanyang bahay. Napalingon siya kay Claude nang bigla nitong isuot sa kanya ang cap at itim na mask.  "Sorry but you need to wear this for a while."  Hindi siya makasagot at masama ang kanyang kutob. Nakita niyang inilabas ni Gun ang laptop at may tinawagan. Wala na siyang maintindihan sa pinagsasabi nito. Bahagya siyang napalundag nang makita ang baril na hawak ni Claude.  "An-anong.. Ba-bakit ka naglalabas ng baril?" "We have a problem. Don't worry, you'll be fine. We'll protect you." "One hour and a half drive, hmmm.. Alright, let's go to Batangas. They're tailing us but they won't make a move here. They will wait for the right place and time. Let's go there for now. I heard they got nice beaches there." "Teka! Batangas? Isasama niyo 'ko? Nababaliw na ba kayo? Idaan niyo muna ako sa bahay ko!" Nilingon siya ni Gun. "We can't. Someone is following us. If they saw you, you'll be targeted. You'll be killed. It's better to come with us." Tumingin siya kay Claude. "Bakit dinadamay niyo ko?" Gusto na naman niyang maiyak. Natatakot na siya. Bumuntong-hininga lang ang lalake at napailing. "You, do you love our cousin?" Seryosong tanong ni Kill sa kanya habang nagmamaneho. Natigilan si Angela. Mahal ba niya si Kace? Napayuko siya. Naiinis siya sa doktor pero minsan, masaya din naman itong kasama. Mapagbiro, maginoo pero medyo bastos at higit sa lahat, mabait at maalaga. Hindi ito mahirap magustuhan kaya nga palagi siyang bumibigay sa tuwing nilalambing o nilalandi siya nito. Pero may problema. Wala siyang masyadong alam tungkol sa lalake maliban sa doktor ito at negosyante. Ni minsan, hindi nito nababanggit ang tungkol sa pamilya pati na rin sa kapatid nito na pakiramdam niya ay tinagago nito. Kung hindi lang binanggit ni Rione noon na magkapatid pala ang dalawa, hindi niya iyon malalaman. Wala sa sariling napahawak si Angela sa dibdib. "M-misteryoso siya kaya hi-hindi ko masasabi kung mahal ko talaga siya. Hindi ko pa siya lubusang kilala." Mahinang sagot niya. Natahimik ang tatlong lalake. Ilang minuto ang lumipas ay muling nagsalita si Gun. "Don't worry, we'll keep you safe." Tumingin siya kay Gun. "Sa-salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD