Chapter 7
"No, CCTV cameras and houses around the area. Do it now, Claude." Si Gunner. "Carmella will do the clearing later. She's coordinating with PH units and they are on their way here."
Tiningnan siya ni Claude habang nilalagyan ng bala ang RPG. "Stay low and don't look."
Natuptop ni Angela ang bibig at nanginig siya sa takot nang marinig na pinapaputukan sila ng baril ng sasakyang sumusunod sa kanila kanina pa. Dahil dun, naging magaspang ang pagmamaneho ni Kill at pakiramdam niya ay nagsisimula na siyang mahilo.
Walang hiya ka Kace! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nadadamay ngayon! Kapag namatay ako, mumultuhin kita at maghihiganti ako sayo!
"f*****g shoot them now you bastard! What are you waiting for?" Sigaw ni Kill.
"Anong hinihintay mo? Pasko? Gawin mo na at baka tayo pa ang maunahan! Napakabulok mo!" Nanginginig ang boses na bulyaw ni Angela sa katabing lalake. "Oh my God, baka matamaan tayo! Bilisan mo ang pagpapatakbo!" Sigaw naman niya kay Kill.
Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Gunner kaya agad na sinamaan niya ito ng tingin.
"Huwag kang tumatawa-tawa dyan! Walang nakakatawa sa sitwasyon natin!" Mangiyak-ngiyak na bulyaw niya sa lalake.
"Relax, Ms. Angela. We'll be fine. We are all pro." Tiningnan nito si Claude. "I'll cover you. One-shot, my man. Just one shot."
Ngumisi naman si Claude rito. "Sure. Kill, open the windows, bro." Tumingin ulit si Claude sa kanya. "Stay low and relax. Breathe."
Binuksan ni Kill ang dalawang bintana. Agad namang lumusot roon sina Gunner at Claude. Nakipagbarilan si Gunner sa mga sumusunod sa kanila habang si Claude naman ay pilit na itinututok ang RPG sa kalaban. Tinakpan ni Angela ang mga tainga at mariing ipinikit ang mga mata. Ilang segundo lang ay narinig niya ang malakas na pagsabog. Nawala na rin ang ingay ng baril at naging maayos na ang pagmamaneho ni Kill sa sasakyan. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.
"You can open your eyes now. It's all over." Boses iyon ni Claude. "Sit down properly."
Umayos siya ng upo at tumingin sa likod. Wasak na ang kotse at paliit na ng paliit iyon dahil lumalayo na sila. Sinulyapan niya si Claude. Muli nitong inilagay ang RPG sa isang hard case. Talaga bang mga sundalo ito pero parang hindi naman.
"Sino ba yung humahabol kanina?" Tanong niya kay Claude.
"Hmm, they're the real bad guys."
Nagdududang tiningnan niya ito pero tinawanan lang siya ng binata. Tumingin siya sa labas ng bintana at bumuntong-hininga. Pakiramdam niya ay stress na stress siya. Sumasakit ang kanyang ulo. Hinilot ni Angela sa sentido. Simula nang makilala niya si Kace, naging magulo na ang kanyang tahimik na buhay. Hindi niya akalaing makakaranas siya ng ganito. Sa TV lang naman nangyayari ang mga ganitong eksena e!
"You're a nice girl, Angela."
Tumaas ang kanyang kilay at nilingon ang katabi. Nakita niyang nakatitig si Claude sa kanya. Itinirik niya ang mga mata pagkatapos ay muling tumingin sa labas ng bintana.
"Huwag kang magkagusto sa 'kin. Kahit gwapo ka, hindi kita type. Magsasayang ka lang ng oras." Walang ganang sagot niya sa binata.
Tumawa ito ng malakas. "I like your confidence. Don't worry, hindi pa ako baliw para diskartehan ang girlfriend ng pinsan ko. For sure magagalit at magseselos yun. Damn! He's a very dangerous man."
Tiningnan ulit ni Angela ang katabi at kinunotan ito ng noo. "Gaano ka delikado?" At saka hindi niya ako girlfriend. Siya lang naman nagdesisyon nun e.
"Magtatanim iyon ng bomba sa loob bahay ko."
Natawa siya sa sinabi nito. "Kalokohan."
"I'm not joking."
Napailing nalang siya at hindi na sumagot. Itinuon niya ang mga mata sa labas ng bintana. Kung pwede lang sana ay bumaba nalang siya. Ayaw niyang sumama sa mga lalakeng ito at baka kung anong pa ang mangyari sa kanya. Sana panaginip lang ang lahat ng 'to. Ipinikit niya ang mga mata. She felt tired. Really really tired.
Nagising si Angela dahil sa mabangong amoy. Amoy pagkain. Kumalam ang kanyang tyan. Nagsalubong ang kanyang kilay nang mapagtantong nakahiga na pala siya sa malabot at malaking kama.
"You're awake. It's already 2 in the afternoon. You must be hungry. Get up and eat." Si Claude iyon at kumakain ito kasama sina Gun at Kill. Nakasuot lang ang mga ito ng shorts at walang pang-itaas. Mukhang kaliligo lang ng tatlo. Diyos ko. Bakit ang gugwapo nila. Hindi ko na alam kung pinaparusahan niyo 'ko o binibiyayaan. Tangina. Sa mga pandesal pa lang nila, nabubusog na 'ko.
"C'mon, baka ubusin lahat 'to ni Kill." Si Gunner.
Matalim na tiningnan ni Kill ang lalake. "f**k you."
Tumayo siya at dumulog sa mesa. Naupo siya sa tabi ni Claude at nagsimulang kumain.
"V is on his way here to pick you up. Siya na ang maghahatid sayo pabalik sa bahay mo."
Tumango si Angela. "Salamat. Sana ito ang huling beses na makikita ko ang mga pagmumukha niyo. Pakisabi na rin sa pinsan niyo na huwag na siyang magpapakita pa sa 'kin."
Tinitigan siya ni Kill kaya agad na sinamaan niya ito ng tingin.
"Huwag mo 'kong titigan ng ganyan." Saway niya rito.
"If you really don't love Kace, try pushing him away harder so he won't come back and piss you off." Sumandal ito sa upuan at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "But I think you love him. It's just that hindi mo iyon kayang tanggapin sa sarili mo."
Natigilan siya. Hindi. Hindi niya mahal si Kace. Wala itong ginawa kundi ang inisin siya, ang ipilit ang sarili nito sa kanya, ang guluhin ang buhay niya. Sex.. Iyon lang naman ang palaging nangyayari sa kanila kapag magkasama sila. Paano niya mamahalin ang lalakeng pakiramdam niya ay katawan lang ang habol sa kanya.
Noong gabing may nangyari sa kanila, she felt something special for him pero agad din iyong nawala nang umalis ito.
"Well, it's up to you woman." Tumayo si Kill at lumabas. Tinapik naman ni Claude ang kanyang balikat.
"Hey, if you don't like Kace then you can like me instead. Baby, I'll keep you and make you happy. Kalimutan mo na si Kace. Mahihirapan ka lang kung makikipagrelasyon ka sa kanya." Kinindatan siya nito at agad naman siyang kinilabutan. Sayang. Gwapo sana ito at macho pero presko. Katulad ni Kace.
"I'll shoot your dick." Si Gunner.
Itinaas ni Claude ang mga kamay at tumawa ng malakas. "Sorry boss. I was kidding."
NAPATITIG si Kace sa hawak na bote ng Whisky. Kasalukuyang nasa kanyang private plane siya kasama sina Chellie at Harriet at pabalik na sila ng New York. He didn't want to leave pero hindi niya gustong makita ni Harriet si Angela. Natatakot rin siya sa posibleng mangyari rito. Harriet is getting better at gusto niyang magtuloy-tuloy na iyon.
"So, this is your decision. Leaving Angela again huh. Man, you're such a d**k. You'll regret this."
"Angela will understand, War. Babalik naman ako e. It won't take long. Gusto ko lang iuwi si Harriet sa New York."
Napailing si Warrior. "Still. You will regret this."
"Kace? What's wrong? You've been drinking for two hours now. Harriet fell asleep pagkatapos ko siyang painumin ng gamot niya." Si Chellie.
Marahas na bumuntong-hininga si Kace at tinunga ang bote ng alak. "Nothing."
Chellie sat beside him and stared at him. "You look stressed."
Hindi siya umimik at patuloy lang sa pag-inom. Warrior is right. Ngayon, nagsisisi siyang umalis siya. Paano kung tuluyan ng magalit si Angela sa kanya? He sighed loudly. She's always angry. Paano kung hindi siya nito tatanggapin ulit? He never accepted me, to begin with. I was the only one assuming that we were dating. God, why is that woman so difficult? Hindi niya mapigilang maikompara ito kay Ysabella. Ysabella was difficult at first pero napapaamo pa rin ito ni Helium pero siya? Kahit anong gawin niya ay tinataboy pa rin siya ni Angela! Napakasadista nito!
"Is this about Harriet?"
Napatingin siya kay Chellie. "What?"
Kinuha nito ang bote sa kanyang kamay at tinunga iyon pagkatapos ay nginitian siya.
"That's mine."
Inilapit nito ang mukha sa kanya at naamoy niya rito ang alak na iniinom. He gulped. What the hell is this woman doing? Kace stilled when Chellie brushed her lips on his at bago paman siya makahuma ay tuluyan ng naglapat ang kanilang mga labi. She kissed him softly and teased his lips with her tongue. He felt her hand unbuttoned his shirt. Pinaglakbay naman nito ang mga labi sa kanyang panga pababa sa kanyang leeg at matipunong dibdib. Napapikit siya at mahinang natawa. Agad naman itong natigil sa ginagawa. He opened his eyes and looked at the woman beside him. Namumula ang mukha nito sa hiya.
"You want to me to f**k you hard like the last time?" Malamig na tanong niya sa kaibigang doktora.
"K-Kace.."
"I forgave you for drugging me back then because you are my friend, Chellie. What's this?"
Nagbaba ito ng tingin. "It's been years, Kace. I still love you. I know you love Harriet but I just can't forget you. P-please don't tell Harriet about this."
Tumayo siya at inagaw ang bote rito. "f**k! Dumadagdag ka pa sa mga problema ko!" Iniwan niya ang doktora at pumasok sa isa pang silid. Ang dami na niyang iniisip at napapagod na siya.
Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na kama at itinapon sa kung saan ang bote. Makalipas ang ilang minuto ay narinig niyang may pumasok. Agad na nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Harriet na nakasuot lang ng roba. Bumangon siya at marahas na napabuga ng hangin. f**k!
"Harriet, what are you doing here?"
Sumampa ito sa kama at tumabi sa kanya. Nanigas ang kanyang katawan nang yumakap ito sa kanya ng mahigpit. Wala siyang magawa kundi ang yakapin rin ito. Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan ito sa noo. "Sleep."
"You smell so good, Kace."
His body froze when he felt her soft lips on his neck. He gulped and held his breath. It's been years since the last time they shared a bed. He never thought that this would happen again. Kace's heart began to pound like the first time he met her. "Harriet.."
"Hmm?" She nipped his neck.
Hinaplos nito ang kanyang dibdib at pinagapang nito ang halik patungo sa kanya panga. Napapikit siya.
"Kace.." Kace!
Gulat na napamulat si Kace nang makita ang magandang mukha ni Angela sa kanyang isipan. Mabilis na lumayo siya kay Harriet at naupo sa kama. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib at pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. No..
Bumangon si Harriet at nagsalubong ang mga kilay nito. She looked shocked and there's something in her eyes that he couldn't fathom.
"Kace?"
"s**t!" Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. This is crazy. Why am I being like this? What the hell did you do to me, Angela..
"S-sorry. I'm tired."
Ngumiti ito sa kanya. "Let's sleep."
Tumango siya at muling nahiga sa kama. Yumakap ulit ito sa kanya. I'm sorry, Angela.
NAPANGITI si Angela nang makita ang punpon ng pink roses. Tinanggap niya iyon at inamoy. "Ang bango at ang ganda. Salamat."
"You're welcome. I'm glad you liked it and thank you dahil pinagbigyan mo na naman ako."
Umiling siya at nginitian ulit ang gwapong lalake. "Wala naman akong gagawin e. Uhm, tara na? Saang restaurant mo ba 'ko dadalhin?"
"You'll see."
Dalawang linggo na ang lumipas nang umalis si Kace. Dalawang linggo na rin siyang hindi pumapasok sa cafe. Bumili siya ng bagong cellphone para matawagan si Anjie. Ayaw niyang tumuntong sa cafe na iyon. Ayaw na niyang maalala si Kace. Kaya nagdesisyon siyang magpaalam sa kaibigang kahera sa pamamagitan ng tawag. Kinausap din niya ang iba pang staff tungkol sa pag a-awol niya at naiintindihan naman siya ng mga nito.
Noong nakaraang linggo, naghanap siya ng bagong trabaho at muling nagtagpo ang landas nila ni Rione. Ang kapatid ni Kace. Ayaw niyang makita ang mga bagay o taong makakapagpaalala sa kanya kay Kace pero gaya nito, makulit rin si Rione. Naisip niyang wala naman itong kasalanan sa kanya kaya hinayaan nalang niya ito. Ilang beses na silang kumain sa labas. Palagi siya nitong tinatawagan at kinukumusta sa text. Nung nakaraang araw, nagpadeliver ito ng bulaklak at chocolates sa bahay niya tapos ngayon binigyan na naman siya nito ng bulaklak. Gusto na niyang isiping nanliligaw ito sa kanya. Mabait naman ito at nagtataka siya kung bakit hindi magkasundo ang magkapatid.
Dinala siya ni Rione sa isang rooftop restaurant. Nayakap niya ang sarili dahil sa malamig na hangin. Agad na ipinalibot ni Rione ang coat nito sa kanyang balikat.
"Salamat."
Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila siya patungo sa bakanteng mesa. Ito na mismo ang nag-order ng pagkain para sa kanila.
"Do you like it here?" Tanong nito habang kumakain.
Tumango si Angela. "Oo."
Tumitig sa kanya ang binata at hindi niya mapigilang mailang. Napalunok siya. Bakit ang gwapo nito? Gwapo naman si Claude, Gunner, Kill, Warrior at V pero wala naman iyong epekto sa kanya. Wala sa sariling nakagat niya ang ibabang labi. Dahil ba kay Kace? Dahil ba may pagkakahawig ito sa doktor?
Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang maramdaman ang mainit nitong palad sa ibabaw ng kanyang kamay.
"Angela, I like you."
Hindi siya makasagot pero dahil sa sinabi nito, nagwawala ang kanyang puso! Diyos ko.. Bakit ang lapitin ko ng mga gwapo ngayon? Nakakatakot..
"K-kailan mo pa naramdaman yan?"
Ngumiti ito at pinisil ang kanyang kamay. "The first time i saw you in the mall. Kaya nang makita kita ulit, sinundan kita sa loob ng cafe. I didn't know na kilala mo rin pala ang kapatid ko."
Wala sa sariling napatango si Angela. "G-ganun ba."
"Angela, I know this is too fast but I still want to ask you this. Will you give me a chance to be your boyfriend?"
Nanlaki ang kanyang mga mata. Nanginig ang kanyang kamay at nanlalamig ang kanyang katawan dahil sa kabang nararamdamam.
"Since the first time i saw you, hindi ka na mawala sa isipan ko, Angela. Nang makita kita noong nakaraang linggo, napagtanto kong totoo ang nararamdaman ko para sayo. Na gusto talaga kita. You have no idea how happy i was when i saw you again a week ago. Hindi na ako nagpakita ulit sayo noon coz i thought you and my brother had a relationship."
Napatitig si Angela sa binata. Nararamdaman niya ang sinseridad sa boses nito. Kung bantay sarado siya kay Kace, natural lang na hindi siya nito lalapitan. Nakababata itong kapatid. Nirerespeto nito ang nakatatandang kapatid.
"P-pwede bang magtanong? Bakit hindi maganda ang relasyon niyo sa isa't-isa?"
Napansin niyang natigilan ito. Nagbaba ito ng tingin at binawi ang kamay na nakahawak sa kanyang kamay. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi nito.
"It started when I saw him having s*x with my girlfriend. Doon nagsimulang masira ang relasyon namin biglang magkapatid."
Natuptop niya ang bibig at nabitin ang kanyang paghinga. Ang walanghiya!
"But I forgave him already. Please, let's not talk about Ross."
Kumunot ang kanyang noo. Ross? "A-ano? Sinong Ross?"
Nagsalubong rin ang mga kilay nito. "What?"
"Sino si Ross?" Ulit niya.
"My brother. What — don't tell me you don't know his name?"
Angela felt a lump on her throat. Ross ang pangalan nito? Hindi Kace?
"H-hindi ba Kace ang pangalan niya?" Halos pabulong niyang tanong.
Umiling ito. "His name is Roshan Ainegel. His nickname is Ross. You might be wondering why his last name is Ainegel and not Morgan. He is the heir of the family and my mother's family is powerful both in the political and business world so he has to use my mother's family name. And me? I have to use my dad's coz I am no heir. I am just an average businessman."
Natigagal si Angela at nakuyom niya ang mga palad. Nagsinungaling ito sa kanya. Hindi totoong Kace ang pangalan nito! Pero paano ang ID na ipinakita nito sa kanya?
"D-doktor siya diba?"
Tumango ito. "Yes, he is a doctor. An anesthesiologist and a plastic surgeon pero isa talaga siyang businessman."
Napatitig si Angela sa kawalan. At least totoong doktor pala ito. Pagak na napatawa siya. Pero nagpagawa pa talaga siya ng pekeng I.D ah.
"Angela — did he lie to you about his name? I'm sorry. Our family is very strict, Angela. Well, at least not to me coz like I said, I am not an heir."
Huminga siya ng malalim at tinitigan si Rione. "Bakit siya bumalik ng New York?"
Saglit itong natahimik. "I will answer your question but please answer mine first."
"Si-sige."
Matiim na tinitigan siya nito. "Do you have feelings for me brother?"
Umiling siya. "W-wala. Wala."
"How did you met him? Parang malapit naman kayo sa isa't-isa."
Iniwas niya ang mga mata at nagkunwaring inaalala kung paano niya nakilala si Kace. "Hmm.. Waitress ako dati sa isang club. Nagkakilala kami doon at saka hindi kami close noh. Siya lang yung feeling close."
Natawa ito ng mahina. "I see. Well, can't blame my brother for making a move on you. You're beautiful and a nice woman, Angela."
Bahagya niyang nginitian ito. "Salamat."
"So, about your question. He left because of his girlfriend. Sinundo siya rito ng girlfriend niya two weeks ago."
Pakiramdam ni Angela ay tinadyakan ang kanyang puso. May girlfriend ito sa New York. Niloko lang talaga siya nito. Urgent matters huh..
Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ni Angela pero pilit na pinatatag niya ang sarili. Ayaw niyang makita siya ni Rione na lumuluha. Magdududa ito sa kanya.
LIHIM na napangiti si Rione habang nakatitig sa dalagang nasa harapan. She looked lost and broken. Kung alam lang nito kung anong klaseng ekpresyon ang pinapakita nito sa kanya ngayon. Damn, he is enjoying this. Seeing her beautiful pained face excites him. It's turning him on. He wants to see her cry. C'mon baby, cry.. I'd love to see and taste your tears..
"Angela." Tawag niya rito.
"Sinasagot na kita. Hindi mo na 'ko kailangang ligawan." Mabilis na wika nito.
Kumunot ang kanyang noo. "What?" What did she just say?
"Gusto mo akong maging girlfriend diba? Kaya tayo na."
Tumaas ang kanyang kilay pero agad din napangiti. Tumayo siya at itinayo rin ito. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Thank you, Angela. You won't regret your decision. I will make you happy." That way, Roshan will suffer.. Oh Ross, akala mo ba mapapaniwala mo pa 'ko na mahal mo si Harriet? You left coz you want to protect Angela from me. You did that a few years ago too. You left Harriet coz you wanted to protect her from me at naniwala ako. You can't make the same move twice, brother.