Lucifer pov
Sunday ngayon at andito ang anak ko kasama si Bright na tinutulungan akong mag bihis.
" Hoy bata sino nagbigay sayo ng pahintulot na pumunta dito?"
Toink! Binatukan ako ni Vana.
" daddy ako nagpapunta sa kanya dito para tulungan ka naming magbihis sa first date mo kay Mara." tulungan daw pero nakaupo lang ito.
Tinignan ko si Bright na kampante itong nakaupo sa sofa ng kwarto ko.
Aga aga na ligaw ha..
" Bright hindi ba ang gwapo ng daddy ko.,kasing gwapo mo siya? " Vana
" kung yan ang tingin mo ay Oo nalang ako. "
Aba! Matindi kung sumagot ang batang ito.
" see daddy... perfect talaga kayo ni Mara."
Inaayos ng anak ko ang kwelyo ng polo ko.
" Vana friendly date lang kami ni Mara, wag mong bigyan ng ibang meaning yun. "
" Still its a date daddy. "
Wag na kontrahin dahil magtatampo pa.
" Vana hindi dahil aalis ako ay pumapayag na akong maiwan kayong dalawa ni Bright dito."
" magsisimba kami daddy, kasama sina Mamita. "
" Duda ako sa Mamita mo, mamaya ay iwan kayo kung saan saan na naman. "
" As if papayag si Papayowh na maiwan kami. "
" Wag po kayong mag alala, Wala naman po akong balak diyan sa anak niyong si Vana Pearl, siya lang po ang may balak sa akin. "
-_-
" Anak usapang mag ama nga tayo"
Hinaharap ko ang anak ko.
" Vana utang na loob wag na wag mong gagayahin ang Mamita mo. Marami pa akong pangarap para sayo."
" Daddy wag ka nga praning diyan. Sabi mo nga bata pa kami. We know our limits and beside ano pa ang silbi ng pagtawag ng puppy love, kung hindi iaapply diba. Don't worry daddy, hindi ko pa siya liligawan diba Bright? "
Jusme anong pag iisip ba sumapi sa anak ko? Bakit nasobrahan ata siya ng matured na pag iisip?
" Tsaka diba daddy may deal tayo.. Nagpromise ako sayo. And Bright is a gentleman for me daddy so relax ka lang hindi pa ako mag aasawa! "
" Ok! Gets ko na pero pwede ba wag mong binabanggit ang salitang mag aasawa.. dahil baka hindi ako matantsa maihagis ko ang Bright mo sa labas. "
At ang dalawa tinawanan lang niya ako.
Teka nga sandali..
" Vana pwede ko bang makausap ang Bright mo?"
Kumunot noo lang ito. At si Bright kampante lang itong nakaupo.
" Ok sa kwarto lang muna ako, magreretouch"
? Hindi ko na alam kung saan talaga siya nagmana.
Naiwan kaming dalawa ni Bright.
" Ok Bright... Mag usap tayo lalaki sa lalaki... I'll go straight with you ha., kasi napapansin ko lahat ng sinasabi ng anak ko ay sinusunod mo. May hindi ba ako alam?"
" Tito gusto ko si Vana Pearl at alam ko bata pa kami masyado."
" Good to hear that "
" But Vana Pearl is a monster. "
?
" You know about her? "
" Yes tito aamin sana ako na crush ko siya ng inunahan niya ako ng feelings niya. Sinabi niya ang lahat lahat ang meron siya. Hindi ako naniwala ng nagpakita siya ng pruweba. "
" So natakot ka? "
" Hindi po.. Bakit ako matatakot sa kanya? "
" Tanggap mo ang anak ko kahit--"
" Opo.. "
" Eh bakit sinusunod mo siya? "
" sinusunod ko po siya kasi gusto ko siya... At masakit po manuntok ang anak niyo. "-_-
Tama siya masakit nga manuntok ang anak ko.
" Kilala naman po kayo dito sa atin na kakaiba.. "
Oo nga naman...
" Kaya sumasama ako sakanya kasi para mabantayan siya. Minsan kasi hindi na niya nakokontrol ang mga ginagawa niya. "
" Napipigilan mo ang galit niya?"
" Opo kung minsan... Minsan din hinahayaan ko nalang. "
-_- ok mabuti na ang ganun
" So can you promise me to look after her... "
" I always do tito... Kahit kasi ayokong sumama, napapasama niya ako. "
Ok anak ko nga yun...
" Ok... I'm looking forward.. "
" are you done talking!? " sulpot ni Vana
" Oo Vana... so I think I have to go na.. "
Sakto naman dumatong sina Mama.
" Good morning...! " boses palang alam na.
" Good morning son.. Oh gwapo natin ngayon ha" Papa
" Good morning pretty lady and You too Bright" Mama, napaghahalataan na botong boto siya kay Bright.
" Good morning din po" Bright
" Good morning Mamita.. Papayowh" anak ko.
" Ma Pa kayo ng bahala sa dalawang yan. And please Ma, please lang bata pa sila ha. Baka kasi nakalimutan niyo na."
Natawa naman si Papa.
" Umalis ka na baka mainip pa si Mara sayo.. Ako na bahala sa. Mga bagets"
Lumapit ako kay papa.
" Pa please... paki bantayan din si Mama."
Tinapik naman niya ako sa balikat bilang response niya sa sinabi ko.
Sinundo ko si Mara sa bahay niya. Pagkalabas niya nakita ko ang imahe ni Vanadey sa kanya. Parang slow motion itong naglalakad palapit saakin.
" Vanadey? " nabanggit ko ang pangalan niya.
" Ha?" sabi nito.
" ah hehe sabi ko ang ganda mo" muntik na yun ah.
" Thank you.."
Nakita ko ang imahe ni Vanadey sa kanya, mahilig kasi si Vanadey sa Pink dress na simpleng design lang. Pati pag ngiti niya ay kagaya sa kanya.
Bakit ko ba kinokompara siya kay Vanadey?
Niyaya ko muna itong magsimba para makasama sina Vana. Pagkayaya ko kasi sa kanya ay parang napilitan lang ito, di nagtagal ay pumayag naman ito. Naitanong ko nga sa kanya baka iba religion niya pero Catholic din daw ito.
Bakit parang takot siya?
After ng mass ay nagpaalam sina Mamamita na kakain sa labas. Sasama sana kami pero tumanggi sila dahil may date daw kami.
Sa isang Bario y' Cusina kami kumain.
" Ok lang ba sayo na dito? Baka may gusto kang restaurant na iba? Mukha kasing hindi ka sanay na magkamay?"
" Ok lang, madali naman atang gawin."
" Oo, tuturuan kita pero bago yan kailangan muna natin ng maghugas ng kamay."
Dito sa Bario y' Cusina.. Ang mga pagkain dito ay naka hain sa dahon ng saging. Dito nila ilalagay ang kanin at mga ulam.. Parang boodle fight minsan ang tawag sa ganito. Pero hindi halo halo ang mga ulam. Nakalagay lang ito sa dahon.
Tinuruan ko kung paano gamitin ang mga kamay para pagsubo. Una ay nahuhulog pa nito pero sa pangatlong try nito ay nakuha naman na niya.
Tuwang tuwa itong kumakain kaya naalala ko na naman si Vanadey. May mga bagay na madali itong napapasaya, sa simpleng bagay nga lang ay tuwang tuwa na siya.
Naubos namin dalawa ang pagkain.
" Wow ang sarap ng ulam..."
Parang nawala ang poise nito ng mag dighay siya.
" opps sorry!" sabay kaming tumawa.
" Mukhang napadami ang kain ah. Hahaha"
" Oo nga eh, sobrang sarap kasi ang mga pagkain."
" Next time ay isama natin sina Vana Pearl at Bright."
Napangiti naman ako habang nagsasalita ito. Habang tinitignan ko kaai siya ay lalo itong gumaganda sa paningin ko.
" Gusto mo ng Ice cream?"
" yah naneun aiseukeulim-i joh-a" biglang sabi nito
-yah I love Ice cream.
Nag salita ng Hangul? Korean language ang tawag sa salita nila. Kaya nagtaka ako. Paanong nakapagsalita ito kung sa Australia ito lumaki?
" Marunong kang mag korean?"
" ha? Nag korean ba ako?"
Hindi niya napansin?
" Yeah... nagsalita ka narinig ko"
Nagtaka naman ito.
" talaga?" kahit ito ay hindi makapaniwala.
" Hindi ba tiga Australia ka? Nagpunta ka na ba sa Korea?"
" Hindi pa..,"
Kung ganun bakit siya nagsalita ng hangul?
May tinatago ba siya saamin?
Hindi kaya...
" Ang sabi ng asawa ko ay Pinay ang aking Ina. At Australian ang aking Ama."
" hindi ka sigurado? "
Hindi na ito nagsalita pa. Kaya niyaya ko itong mag Ice cream nalang sa may park.
Park
" Manong dalawa po..."
Dirty Ice cream po ang binili namin. Dito sa aming lugar masarap ang dirty ice cream at mura lang ito kaya patok na patok dito sa park sa aming lugar.
" wow cookies and cream.. My favourite!"
Pareho talaga sila ni Vanadey ng paborito.
" So nag enjoy ka naman sa friendly date natin Mara?"
"Oo naman... nabusog ako. At itong ice cream da best talaga."
" mabuti naman kung ganun... Ay matanong ko nga pala. Ano pala business mo dito sa lugar namin?"
Napatigil naman ito sa pagkain ng ice-cream.
" Ah ano.. ah may cliente kasi ako para sa isang project namin sa Manila. At nandito daw ito., ang kaso nasa Ilocos pala ito sa susunod na araw pa ito luluwas. "
" Project? Sino naman? Kasi dito sa lugar namin ay kilala namin ang tiga rito"
" Ah kwan kasi c-confidential ito kaya hindi p-pwedeng sabibin" nauutal niyang sabi.
Bakit parang hindi ako naniniwala sa sagot niya?
Sino ka ba talaga Mara Lavigne?
Nagkwentuhan pa kami hanggang naabutan kami ng ulan sa park. Tumakbo kami papunta sa kotse.
" Grabe ang lakas ng ulan." Sabi nito.
Kinuha ko ang isang jacket sa likuran. Minsan kasi naglalagay ang anak ko ng extra towel or Jacket for emergency.
" thank you" nilagay ko. Sa kanya ang jacket sa balikat niya.
" Ihahatid na kita sa bahay mo."
" Sige..."
Pagkarating namin ay niyaya niya akong magkape. Tatanggi sana ako pero nagpumilit ito kaya sumama nalang ako.
Inabot niya saakin ang kape.
" Salamat..."
" saglit lang Lucifer.. Magshower lang ako saglit kasi naulanan ako. May hika pa naman ako"
Bakit ba ang dami nilang pagkakapareho ni Vanadey?
Iba na talaga ang hinala ko sa kanya.
Nagmasid masid ako sa buong bahay niya. Marami siyang halaman na nakapalibot. Nilapitan ko ang isang frame sa may side table malapit sa may tv.
Laking gulat ko nalag na si Taehzy Shin ang kasama niya sa picture.
Hindi kaya...?
" Bakit?" nagulat ako ng biglang itong nagsalita sa likuran ko.
" Sino yang kasama mo sa Picture!?"
" Ah ang asawa ko si Zy Lavigne. Bakit?"
Zy Lavigne??
" Ah w-wala... aalis na ako."
" Lucifer? Okey ka lang?"
Hindi ako Ok... Dahil nakita ko ang lalaking dahilan ng pagkakahiwalay namin ni Vanadey.
Nang hawakan niya ako bigla akong kumalma...
VANADEY
Pagkalingon ko ay mukha ni Vanadey ang nakita ko.
Kaya hindi ako nagdalawang isip na lapitan ito at hinawakan ko ang dalawang pisngi nito at agad hinalikan ng madiin. Na para bang sabik na sabik sa mga labi nito.
Noong una ay pumapalag siya pero pinagpatuloy ko parin siyang hinalikan. Tumutugon na din ito kaya napakalma ko ang sarili kong idiin ang mga halik.
Puro si Vanadey ang iniisip ko...
Na siya ang kasama ko,
Na siya ang nasa harapan ko,
Na siya ang hinahalikan ko ngayon.
Naghiwalay lang kami ng kailangan namin ng hangin.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako sa pananabik sa kanya.
Nagkatitigan kaming pareho...
" Vanadey..."
Pero biglang mukha ni Mara ang agad kong nakita.
" Geesh Mara I-Im s-sorry... Hindi ko sinasadya... I'm sorry"
Iniwan ko nalang ito. Nakakahiya dahil napagkamalan ko siya si Vanadey
.
Dumeretso ako sa HQ para hanapin si Rain.
" Rain pwede mo bang bigyan mo ako ng information tungkol kay Mara Lavigne?"
" Oh bakit? Yare sayo?"
" Hindi ko alam... Naguguluhan ako tungkol kay Mara."
" Anong ibig mong sabihin?"
" Kanina bigla itong nagsalita ng hangul,. Nagtaka din ito kung bakit siya nagsalita ng ganun.. At kanina sa bahay niya. Nakita ko ang picture frame nila ng asawa niya... Si Taehzy Shin ang kasama niya pero sabi niya Zy Lavigne daw ito. "
" Lucifer.. Sandali nga.. Huminahon ka nga... para kang nagmamadali natataranta? "
" Hindi ko namalayan na---" napahinto ako sa sasabihin.
" namalayan na ano?"
" Wala... gawin mo nalang sinasabi ko"
" Ok bukas ko nalang ibibigay."
Umuwi ako na hindi alam ang gagawin. Sumalubong ang anak ko saakin.
" Daddy....!" kinarga ko naman ito at niyakap.
Baby... Malapit na natin makasama ang mommy mo.
Sa pagnanabik ko kay Vanadey, hindi ko binitawan ang anak ko hanggang hindi ako huminahon sa pag iisip.