Mara pov
Bakit iba ang halik saakin ni Lucifer?
Ilang araw ko ng iniisip ang nangyari saamin ni Lucifer. Kaya mas minabuti ko nalang munang balewalahin ang tungkol doon. Naka schedule ang pagpatay ko sa isa nilang membro ng kanilang Organization.
Henry Williams ang isa sa mga boardmembers ng kanilang Orga. Kailangan ko silang isa isahin bago ang mga halimaw.
Pagpatak ng 12am ay lumabas ako para sunduin siya sa paglabas niya sa Extension Club.
Naka black leggings lang ako at black fitted jacket with hood at Black mask. Nilagay ko sa boots ko ang isang maliit na dagger na siyang pagpatay ko sa kanya.
Nagtago ako sa may yellow Bush. Ang Extension club nila ang kakaiba sa lahat. Hindi pa ako nakapasok pero, ayon sa information ay hindi basta basta daw makakapasok ng hindi dumadaan ng signing.
Nakita ko na si Henry Williams na pasakay sa kanyang kotse. Kaya hinanda ko ang big bike ko. Kung tinatanong niyo kung saan ko kinuha ang big bike.. Later sasabihin ko.
Pinalayo ko muna ito sa Extension para hindi mahalata. Dahil sa layo layo ang mga bahay bahay dito sa lugar ay mapapadali ko lang itong patayin ng walang nakakaalam.
30 segundo pa bago makalampas sa kabahayan.
It's time!
Pinaharurot ko ang motor para maover take'n ito. Tinigil nito ang sasakyan bago niya ako mabunggo. Pero hindi pa man nakakalabas ay hinagis ko na sa kanya ang dagger ko patagos sa loob ng sasakyan niya.
Sakto sa leeg niya ang pagtama ng dagger. Kaya wala na akong gagawin pa sa kanya.
Aakmang aalis na ako ng may naghagis ng shuriken sa gulong ng sasakyan ko.
Bumaba agad ako para harapin ang gumawa.
Nagulat ako dahil si Aira ang gumawa nun.
" Anong karapatan mong patayin ang miyembro ko!?" tanong niya hawak ang isang swords.
Wala akong dalang swords pero kaya ko siyang matalo gamit ang mga kamay ko.
Ngumisi lang ako kahiy hindi niya nakikita.
" Karapatan kong ubusin kayo!"
" Wala ka sa posisyong sabihin yan dahil hindi mo kilala ang binabangga mo!"
" wala na akong panahon para kilalanin ang sinuman sa inyo."
" mapangahas ka! alam mo bang kaya ka naming patayin na kahit abo ay walang matitira sayo! "
Ni abo walang matitira??
" nagpapatawa ka! "
" saang salita ko ang nagpapatawa!? Isa sa miyembro ko ang pinatay mo.. At hindi ito nakakatawa! "
" masyado kang matalim magsalita! Bakit hindi natin paglabanan ang sinasabi mo!? " paghahamon ko.
Agad niya akong sinugod gamit ang swords niya. Sa pag atake nito malalaman mong malakas siya., ngunit mas malakas ako sa kanya..
Kamay at paa lang ang gamit kong sangga sa atake niya. Sa mga suntok ko sakanya ay parang wala lang ito. Malakas nga si Aira ang apo ng dating human healing na si Maliyah.
" may sandata ka na nga hindi mo pa ako kaya... Ano pa kung may hawak din ako? Saan ka kaya pupulutin!?"
Sa pagsabay na atake naming dalawa ay pareho kaming tumalsik sa kanya kanya naming dereksyon. Nabitawan niya ang swords nito
Sa galit naming dalawa... Uminit ang pareho kong mata.,sinyales na nag iba na naman ang kulay nito. Ang pag iba ay siyang hindi ko pagkontrol ng lakas at galit ko.
Tinignan ko ito at ang pinagtaka ko.
Bakit pati siya ay nag iba ang kanyang mata.
Kulay dugo ang isa at ang isa ay kulay Asul naman.
Paanong pareho kami ng mata?
" Human healing ka din!?" tanong niya saakin.
Hindi...hindi ako kagaya nila.
" Kahit kailan ay hindi ako kagaya niyo.!"
" pwes! Tapusin na natin ito!"
Umatake kaming dalawa., sa bilis at liksi namin ay walang sinumang nakaka puntos. Ang lakas niya ay katumbas ko.
Sa pag iisip ko hindi ko namalayan na nasa likod ko na ito.
Paanong!?
Isang suntok sa likod ang ginawa niya saakin.
" Kung sino ka man ay hindi ko mapapalampas ang ginawa mo kay Henry! Ngayon katapusan mo na!"
Nakita ko kung paano niya nilahad ang kamay at kung paano bumalik ang swords niya sa kanyang kamay.
" wala kang puwang sa lugar namin!"
Aakmang sasaksakin niya ako ng may bumaril sa kanya.
Nakita ko si Zy na naka motor ay agad niyang nilahad ang kamay para mapasakay ako.
" Ayos ka lang!?" tanong niya habamg papalayo kami kay Aira.
Nilingon ko ito, nakatayo na ito at mukhang may tinatawagan.
Sa bahay.
" Muntik ka na doon hon..kung hindi pa ako dumating ay baka napuruhan ka niya. "
Ngayon lang ako nasabit sa ganito. Kakaiba nga silang kalaban kesa sa mga dati kong mga pinatay na mga Mafia Assassin.
" Ang pinagtataka ko hon.. pareho kaming nag iba ng kulay ng mata. Kulay dugo at asul din gaya saakin. "
Napatigil naman ito sa paglalakad.
" Ang mga kalaban na kagaya nila ay mapanglinlang hon,. Bago pa nila malaman na may killer alam na nila ang kakayahan mo"
" Human healing lang sila, kaya nilang gamutin ang mga sugat nila, pero papaano nila nalaman ang kakayahan ko!? Ang pagbantaan na kaya nila akong patayin na kahit abo ay walang matitira saakin"
Nagdududa na din ako. Hindi rin kasi tagpi tagpi ang mga explanation niya bago ako pumunta dito.
Ang bigbike ko ay galing mismo sa tauhan niya na pinadala para magamit ko.
" hon, kaya nga kailangan mong mapatay si Lucifer at ang bata"
" yan isa pa yan sa iniisip ko Hon, bakit pati ang bata?"
" dahil siya ang isa sa mga nakakuha ng kakayahan ng dating Human healing na sina Maliyah at Maleficent. Hindi matatapos ito hanggat meron bagong henerasyon na papalit sa kanila kung isa sakanila ay magiging kakaiba sa lahat. ."
" alam mong hindi ko kayang pumatay ng mga bata hon. "
" but the President decision. We can't break it. "
" Hindi klaro saakin na bakit pati bata ay kasama dito. "
" Malalaman mo din yan sa takdang panahon.... You can take some rest hon."
Wala sa loob kong saktan si Aira. Sa igsi ng panahon na nakasama ko sila, napakagaan ang pakiramdam ko sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung bakit.
Aira. POV
HQ
" So tama nga ang hinala ko, ang Orga ang puntiryang ubusin ng killer. " Lolo King
" Lolo bakit ganun, pareho kami ng mata., ibig bang sabihin ay human healing din siya?"
Nandito din si Lucifer pero lutang ang isip niya.
" We need Head here know.. Hindi natin ito makakaya hangga't hindi niya nasasabi ang tungkol sa nalalaman niya. " Aim
" Kailangan natin bantayan ang mga bata dahil isa din sila sa kanilang plano." Rain.
" What?? Anong klase silang tao na pati ang mga bata ay idadamay sa away na walang hanggang!? "
" Lucifer! "tawag ni Lolo Bullet sa kanya.
Kung hindi pa siniko ni Jullian ay hindi pa ito sasagot.
" Ha!? "
" Lucifer... namatayan na tayo ng isang member ng Orga. Lutang ka parin diyan!? "
Naiinis na kasi ako. Ok sana na kami lang pero bakit pati ang mga bata.
" Caden ang nakaalam na pati ang huling generation natin ay papatayin para hindi na dumami ang kagaya natin. "
" that's insane! Animal lang ang makakagawa niyan! "
" My loves relax ka lang... wag kang magpapadalos sa galit mo." Pinakalma naman ako ng asawa ko.
" Lucifer... Ano iniisip mo!? " Lolo King
" Hindi ko alam kung.. Totoo yung nakita kong picture ni Mara at ang asawa niya. Rain's information is in complete. "
" and!? " ako
" Si Taehzy Shin ang asawa niya... "
" So sinasabi mong si Mara ang killer? " Aim
" I don't know... Ang hinala ko lang ay siya si Vanadey. "
" s**t! Hanggang kailan ba titigil ang lintik na Taehzy na yan...? "
" Aira pakalmahin mo ang sarili mo, hintayin natin si Head. " Lolo King.
" Ah lolo sabi ni Head complete attendance daw bago siya magpakilala, 9am daw dito sa Hq bukas. " Gayatari.
" Then mag si uwi na tayo para makiramay kay Henry... bukas ay kailangan na natin ng kasiguraduhan kung sino ang mga kalaban"
" Halika na myloves... humilom na ba tama mo?"
" Oo kanina pa..."
" Hoy Jullian, hindi uubra ang pagka Doctor mo kay Aira... kaya hindi ka makakatsansing sa kanya" Aim
-_-
" Pinagsasabi mo, hoy!"
Tinapik naman siya ni Lucifer
" Di ka makaka score dude... Kaya uwi na!"
Tinignan naman niya ng masama ang dalawa.
Sa bahay
" Myloves di ka pa ba nakamove on sa nangyari kanina?"
" hindi pa... iba kasi eh Jullian kanina nung magsagupa kami.. Ang lakas niya eh, kasing lakas ko siya. Mas lamang nga ako dahil may swords ako pero siya wala.... At ang mga mata niya bago mag iba ng kulay, pamilyar saakin. "
" kung ganun kaninong mata?"
" Mata ni Vanadey ang nakita ko"
" Posibleng Buhay si Vanadey pero hindi magagawa ni Vanadey ang pumatay."
" suspect na namin siya na siya ang killer.... Lahat ng info galing sa Satellite ay pareho kay Vanadey"
" Kung ganun paano natin siya kakalabanin? Mahal na mahal ni Casfear si Vanadey. Kahit si little Vana ay namimiss na niya ang ina nito."
" Hindi ko alam...."
Pero kailangan namin alamin dahil hindi madali para patayin ang konektado ng puso nito. Kapag namatay si Vanadey ay siya din kamatayan ni Lucifer... at madadamay ang bata.
Head's pov
Nagpa arrange ako ng meeting sa kanila para magpakilala na ako.
Kinandong ko ang aso ko..
" We need to clear this up, right!?" kausap ko sa aso.
" maybe this games must be ended in time of my plot. She can't hurt her daughter.... she can't ruin my Orga."
Niyakap ko ang aso.
" Kailangan na natin matulog para bukas... dahil kasama ka sa attendance! "
Tumahol naman ito.
Bago ako natulog nagpadala ako ng message sa kanya ulit.
The prettiest face... has the Outrageous action- H
Send......
Goodnight