Jullian Pov
Jullian Fernandez po at your service hehehe
Bestfrien ko si Casfear, natatakot ako pag Lucifer tawag ko sa kanya eh. Minsan nga Dude nalang. Pero alam niyo mas nakakatakot siya tumingin as in.
Kilala ko angkan nila at kung anong klaseng nilalang sila. Hindi naman lingid ay marami na atang nakakaalam. Wala kasing nakakatalo sa kanila. Tanggap na sila ng lipunan hahaha
9 o'clock ng matapos operation na ginawa ko, binalak kong puntahan si Casfear para yayain mag kape ng nakasalubong ko itong tumatakbo...
" oh bakit!?" tanong ko sa kanya
" si Vanadey nawawala... Hindi alam ni Manang kung saan pumunta. Kaya hahanapin ko siya" tumakbo na ito.
" sama ako..!"
Hinanap namin dito sa buong hospital ngunit wala pa rin ito.
" Manang paano po siya nawawala? Pagkatapos ng ECG niya ay nagpahinga na ito." Casfear
" Oo. Iniwan ko siyang natutulog. Ako naman nakaidlip na din paggising ko ay wala na ito sa higaan niya."
" Hinahanap na ito sa CCTV... hintayin nalang natin tawag ng security. "
" Ang batang yun talaga, sumumpong na naman ito sa pagtakas.
" bakit Manang dati na ba itong tumatakas?" tanong ko.
" Oo ganun siya sa Korea., minsan nga magdamag itong wala. Nakikita nalang namin siya sa Forest niya, minsan sa Park. Pero kung gagawin niya dito ay wala naman siyang alam na lugar dito."
Napatigil bigla si Casfear sa paglakad. Bigla nalang itong tumakbo.
" saan punta nun? "
Biglang sumingit ang security.
" sir nakita na po namin si Mam Woo. Sir Lumabas po ito sa gate. Bandang 8:32pm."
" naku Doc... Baka ano na nangyari sa kanya.. Jusko!" naghehesterikal na si Manang.
Hinintay ko si Casfear para sabihin ang balita. Pero nadako ang paningin ko ang babaeng paparating.
AIRA napaka gandang babae sa aking paningin.
At biglang dumating si Casfear na hingal na hingal.
" dude lumabas daw ng gate si Vanadey."
".Tara...."yaya niya saakin.
" oh saan kayo pupunta? " tanong ni Aira.
" hanapin namin si Vanadey... Tumalas kasi ito at hindi nagpaalam" Casfear.
" saan ka naman nakakita ng tumakas na nagpaalam?" Aira
Sabi ko na nga sainyo kakaiba siyang babae.
" sumama ka na lang ang daming tanong.." sagot naman ni Casfear .
hinatak ko nalang bigla si Aira. Hindi naman ito nagreklamo, hi hi hi holding hands kaming dalawa.
Nakarating na kami dito sa centro ng bayan.
" dude kayong dalawa ni Aira dyan sa papuntang simbahan ako naman dito sa bandang 7/11. Tawagan niyo ako pag nahanap niyo na siya" utos nito sa amin. Sa lagay ni Casfear halatang nag aalala ito sa pasyente niya.
"teka nga kelangan talaga naka holding hands sa paghahanap?" Aira.
" baka kasi pati ikaw mawala... ayokong mangyari yun"
Toink!
Aray binatukan ako.
" aray...!" reklamo ko.
" paano ako mawawala dito eh tiga rito ako. Kahit naka pikit ako ay kabisado ko ang lugar na ito, tska pwede ba bitawan mo nga ako." tsaka winaksi ang kamay ko.
" Ayoko lang na mabastos ka dyan sa daan.. Alam mong maraming lasingero dito"
" talaga saakin mo pa sinabi yan ha.."
-_- Oo nga pala si Pacman ito.
" kahit na babae ka parin..." pagpipilit ko. Wala man lang kasing kaamor amor itong babaeng ito.
Nagtanong tanong kami sa mga naka open na store dito ngunit wala parin.
" Paano ba kasi nakatakas si Vanadey? "
" hindi ko alam... Si Casfear ang may toka doon hindi saakin"
"tsk.."
1 oras na ata kami naghahanap ng biglang ng ring ang phone ko.
CASFEAR calling...
" si Casfear tumatawag.."
"sagutin mo na dali..." sabat niya
"hello Dude naha--" naputol ang sasabihin ko ng..
"ulileul dowa jwo"
-help us
Ano daw?
"ano sabi?" tanong ni Aira myloves
" hindi ko maintindihan eh"
"akina nga yan... tangna!" ibagaw niya agad phone.
Salbahe ng myloves... Syeet!
"ulileul dowa jwo..." pinindot niya loudspeakers..
" s**t si Vanadey yan... Hello Vanadey si Aira ito asan kayo?"
Tae napahamak na ata sila.
"ulineun gongyeong-e"
-we're in trouble
" Vanadey asan kayo.. Please sabihin mo!" pasigaw niya. Nagagalit na ito.
" 7/11...jungjihasibsio" naririnig namin kung paano magmakaawa si Vanadey.
-stop it please
Mukhang alam ko na ang nagyayari.
"s**t .. Tara na! Baka naging halimaw na si Lucifer." agad itong tumakbo papuntang 7/11. Sana alam niyang kasama niya ako at phone ko ang tinangay niya.
Sumunod nalang ako sa kanya.
Kung rambulan man ito... Sana makaya ko. Hindi ako basagulerong tao.. Mapagmahal lang ako... Sana Aira iligtas mo ako...
Lucifer pov
Nakita ko si Vanadey sa harap ng 7/11. Pero hindi ito nag iisa. May mga lalaking pinagtritripn siya.
Damn! Not her please...
"Vanadey!" tawag ko sa kanya.
Umiiyak na ito..
Nag init agad ang ulo ko.
" Tol saamin si miss Koreana... Humanap ka nalang sayo." sabi ng lasengero 1.
Lumapit agad ako sa kanya at pinunta sa likod ko.
" Vanadey okey ka lang? Sinaktan ka ba nila? "
Umiling naman ito.
"please po... Wag naman po siya. May sakit siya kaya pabayaan niyo na siya. Nakikiusap na po ako"
" ngayon lang kami nakakita ng koreana.. Kaya umalis ka dyan.!" aakmang susugurin. Ako ng isang lasengero ng bigla ko itong sinuntok.
" Vanadey doon ka muna.. Tawagan mo si Doc Jullian dali." binigay ko sa kanya ang phone ko.
Agad nila akong sinugod ng mga hawak nilang tubo. s**t! hindi pwede ito.
Anim sila mag isa lang ako. Hindi ako nag training ng martial arts kaya dehado ako sa labanang ito. Hindi ko pa naramdaman ang dugong dumadaloy sa akin.
dahil sa pag iisip ko sa kalagayan ni Vanadey nakakatanggap ako ng hampas ng tubo sa likod at tiyan ko.
".... jungjihasibsio" sigaw ni Vanadey.
-stop it please
Bugbog sarado na ako sa kanila... Tinanggap ko lahat ng hampas at tadyak nila saakin. Basta wag lang nilang hahawakan si Vanadey.
Pero nagkamali ako.
Ang isa ang lumapit sa kanya at hinahawak ito..
"sondaeji ma..!"
-don't touch me..!
"Hanep ka miss butiful.. Magaganahan ako sa salita mo hahaha"
Aakmang hahaplusin niya ang hita nito ng nakaramdam ako ng galit sa katawan ko.
Tumayo ako bigla..
"sinabing wag niyo siyang hahawakan!"
Sa isang iglap lang ay na patumba ko ang tatlong may hawak na tubo.
Ang dalawa ay nagulat kaya napalayo sa akin.
" ha-halimaw ka! Bakit ganyan ang mata mo!" pautal na sabi ng isang lumayo.
Agad kong nilapitam ang nagtangkang humawak kay Vanadey!
Hinawakan ko agad ang balikat niya at pinisil ito. Na pa aray naman ito.
" nagkamali kayo ng kinalaban!" nawawala na ako sa sarili. Nag iba na ang tingin ko sa lalaking ito. Parang gusto kong marinig ang mga buto nitong napuputol. Marinig ang sakit na nagmumula sa kanya. Mga daing nito habang isa isa kong pinutol ang mga ugat nito.
Ibinalibag ko siya na parang kahon. Inapakan ang balikat na parang yosi na dinidiin sa semento. . ang mga sigaw niyang nasasaktan ay parang nasisiyahan pa ako.
bigla pumasok sa isip ko ang iyak at takot kanina ni Vanadey kaya halos nabuhay lalo ang galit sa aking dugo.
Inangat ko ang katawan niya gamit ang kanang kamay ko... Upang makatako ito.
" m-maawa ka. H-hindi ko-" pero pinutol ko ang sasabihin niya.
"naawa ka ba sa babaeng binastos mo? Gayong may sakit siya!"
Sinakal ko ito hanggang nahihirapan na itong huminga...
"Casfear!"
"Lucifer!"
tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinapansin..
Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kontrolado ang galit ko.
Alam ko ito... Ito ay dahil sa dugong taglay namin.
Mahirap kontrolin..
Mahirap iwasan..
Ngunit sa isang haplos at yakap nito.
..... agad na kumalma ang galit ko.
Nabitawan ko ang lalaki... inalalayan naman siya ng kasama niya at nagtatakbong umalis sa harapan namin.
Napaluhod ko... Tinignan ko ang mga palad ko. Ayokong pumatay ng tao...
At sinulyapan siya.
Vanadey ....