LuciferPov
After ng kasiyahan naganap sa bahay ay bumalik na kami sa Hospital, halos ayaw pauwiin nila Mama si Vanadey.
Nakikipag tug of war pa sila sa akin.
3 days after.
" Dude, 3 days for now birthday ni Vanadey."
Napatingin naman ako sa kanya.
" and?"
Bigla nalanh itong tumawa
" syempre iseselebrate natin birthday niya dito sa hospital... Ano ka ba? ginagawa naman natin sa ibang pasyente natin ang ganyan."
Nandito kasi ito sa office ko dahil ipinakita sa akin ang pasa sa mukha nito.
" teka nga ano ba kasi nangyari dyan sa mukha mo? "
Kanina pa kasi ito nakatingin sa salamin
" ang pinsan mo may gawa nito. "
" kaya pala markang marka kamao dyan sa pisngi mo.. Ha ha ha"
" lintik naman kasi... Umakyat ako ng ligaw kagabi sa kanya, binungad ba naman sa akin ang kamao niya, inabot ko lang naman sa kanya yung flowers."
" akala ko ba kilala mo pinsan ko. Alam mo ba na hindi siya mahilig sa bulaklak, kung binigyan mo siya ng Screw, metal gloves at electric wire baka halik ang isasalubong sayo."
" ewan ko dyan sa pinsan mo hindi siya babae, Tsk badtrip napagalitan tuloy ako ni mama dahil akala niya nakipag rambulan ako."
" dami dami kasing babae pinsan ko pa minahal mo." sabi ko habang nag sesearch ng pwedeng iregalo sa babae.
" eh sakanya tumibok puso ko eh... "
" ang dami mong alam... "
" teka sandali, kamusta pala pagpunta ni Vanadey sa inyo?... "
" ang saya saya niya nung nakita ko siya naglalaro. Halos ayaw pauwiin nila mama nga eh.."
" sayang wala ako doon... Di sana nakita ko din siya kung paano tumawa. "
Tinignan ko siya ng masama.
" grabe tingin mo sa akin, bawal ko ba siya makita o makasama? Ikaw napaghahalataan ka ha. "
" pinagsasabi mo? "
" wag ka nga magdeny dyan... Sabi saakin ni Ulan (Rain) kagabe sa extension niyo na ayaw mong dumidikit ang nga boys sa kanya. Umamin ka nga ugok... Tamado ka ba sa pasyente mo? "
" hindi ko alam... "
" punyetang sagot yan pareho kayo ng pinsan mo.. Makaalis na nga.. "
Natawa naman ako sa commento niya.
Nagkakagusto na ba ako sakanya?
Hindi niya alam kung ano ako?
Paano pag nakita na niya ang totoong ako?
Paano pag matakot siya saakin?
Vanadey pov
Nandito kami sa Park ni Mama Aeal dinalhan kasi niya ako ng bulaklak at tinapay na siya daw mismo gumawa.
Nakaupo kami sa swing ni Mama Aeal.
" alam mo anak may mga bagay sa mundo na kahit gawin natin lahat, nakukulangan pa din sila. Hindi naman tayo perpekto para maging tama ang lahat. Pero may tao na tatanggapin lahat ng kamalian mo, dahil sa kanyang paningin ay lahat perpekto sayo. Yan ang tinatawag True love.. "
" true love? "
" jinjeonghan salang"
-true love
" Sa angkan napatunay na ang pag ibig, hindi nasusukat sa pera, sa ganda, sa ganda ng kutis, sa tangos ng ilong, ganda ng labi, sa ugali dahil ang totoong pagmamahal ano man anyo ng taong yun. Titibok ang puso at makakaramdam ka ng safety.. Alam mo yun..? Yung bang pag kasama mo siya ligtas ka.. "
" gaya ni Lira.."
" ha? Lira?Sinong Lira?"
" sa encantadia Omma... Isang diwata si Lira.. pero tinaggap parin ni Anthony na immortal si Lira."
" nakakatuwa ka naman anak... Akalain mo koreana ka pero teleserye ng Pinas ang pinapanood mo."
" wala naman po kasi batayan ang pagmamahal ang pag ibig kusa itong mararamdaman sa taong nakalaan saatin. "
" tama ka dyan anak, Tignan mo saakin., naging bodyguard ko ang Papa Eros mo noon, halos magpatayan pa kami noon, dahil ayoko ng may bumubuntot saakin. Pero matigas ang panga ng Papa mo, hindi siya natatakot sa mga banta ko sa kanya. "
Tumawa naman kaming dalawa.
" pero matanong kita anak., Halimbawa Si Doc Lucifer ay immortal gaya ni Lira. Matatanggap mo din ba siya? "
" kung gaya din ni Doc ay bakit po hindi, napakabait po ni Doc Lucifer. Pinaparamdam niya saakin na ang buhay ay hindi dapat sayangin, na dapat araw araw masaya. Araw araw ay nakangiti ka.. Kung mamahalin ko man si Doc siguro ay hanggang ganun nalang dahil mawawala din ako dito sa mundong ito. Kahit si Lira ay hindi nakasama ng habang buhay si Anthony... Magagaya din siya kay Lira. "
Hinawakan ni Mama Aeal ang kamay ko.
" hindi natin hawak ang buhay natin anak, Pero pwede natin makasama ang taong mahal natin. Sabay mangarap, sabay magkaroon ng masayang pamilya. May hangganan ang buhay totoo yan, Pero ang pag ibig na wagas ay nangyayari yan sa taong may paniniwala sa Diyos... Magtiwala ka lang sa sarili mo anak. Mararanasan mo ang maging masaya kapiling ng anak ko. "
" hindi naman po ako mahal ni Doc Lucifer Omma tsaka hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya kung paghanga lang o pagmamahal na.. "
" naku ang anak ko.. Indenial pa hehehe hindi kita pipilitin sa nararamdaman mo.. Pero sigurado na ako na mahal ka ng anak ko... "
Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang kinakain kong tinapay.
Bakit sabi ni Doc ay hindi masarao ang pagkaing niluluto nila lola Katana, Mama Aeal...Masarap naman eh.
" halika na ihahatid na kita sa kwarto mo baka mamaya hanapin ka ng Doc mo. "
Napansin ko kay Mama Aeal na araw araw itong naka heels.
Papasok na kami ng tanungin ko siya.
" Omma... Hindi ba sumasakit ang paa mo sa mga heels mo? Napansin ko kasi na naka heels ka parati.. "
" well anak nasanay na ako. Ang mga Heels ko ang siyang kasiyahan ko araw araw maliban sa Papa Eros mo.."
" nakakatuwa ka naman Omma.. Hehehe"
" tsaka wala kasi akong tsinelas sa bahay. Mas madali kasi akong magtrabaho kapag naka heels ako."
Nakasalubong namin si Doc Jullian.
" Jusme Doc Jullian anong nangyari diyan sa mukha mo?!" nagulat pa ito sa nakita.
" si Aira tita.. sinapak niya ako kagabe"
"jaskeng batang yun.. Hayaan mo at pagsasabihan ko siya pero bakit ka ba niya sinapak?"
" Binigyan ko kasi siya ng flowers Tita... Ayun sapak ang binungad nita saakin sa extension."
Biglang tumawa ng malakas si Mama Aeal.
-_- Kami ni Doc Jullian
" ano ka ba naman Doc Jullian, sasapakin ka talaga nun kasi ayaw niya ng Flowers.. Batang talyer at Karpintero si Aira... hahaha mabuti nga sapak lang binigay sayo, yung unang umakyat ng ligaw sa kanya noon.. nadislocate ang spinal cord eh.."
" Ano po ba gagawin ko para magustuhan ako ni Aira tita?.. Nababaliw na ako eh. "
Nakikinig lang ako sa kanila dahil nakakatuwa ang itsura ni Doc.
" sparing kayo.. Yun ang gusto ni Aira. "
" tita naman alam mong pinaglihi siya kay pacman... Ano naman laban ko doon? "
" patulong ka kay Tito Eros at Tito Kiel mo... May secreto ang mga ugok na yun kaya kami natalo noon."
" good idea tita... Thank you tita... "
" oh siya at ihahatid ko na anak ko sa kwarto niya. "
" Sige po Tita... Vanadey magpahinga ka na pala kasi mamayang hapon gagawin ang ECG mo"
"sige po Doc."
Pagkahatid saakin ni Mama Aeal ay dadaanan pa daw niya si Doc.
" Vana... naayos ko na ang pangligo mo... Oh may bulaklak ka na naman... Si Doc Lucifer ba nagbigay?" tanong ni Manang galing sa Banyo.
" si Omma Aeal po... pati po itong tinapay. "
" alam mo Vana... sa tagal kong pag aalaga sayo kahit noong maliit ka pa, Ngayon ko lang nakita ang mga ngiti mong yan. "
" Manang talaga para kang si Omma Aeal. "
" dangsin-eun salanghaji anhseubnikka??
-Are you inlove?
" molla"
-I don't know
" neohui bumonim-eun eottae?"
-how about your parents?
" naneun Manang-eul dulyeowo"
-I'm scared Manang
" geudeul-eun dangsin-i saeng-il-e ol geos-ida?"
-they will come on you're birthday
Napabuntong hining nalang ako.
Birthday ko na aa susunod na araw. Pero bakit kinakabahan ako?
Ayaw nila akong mainlove dahil sa kalagayan ko. Kapag daw nasaktan ako lalala lang daw ang sakit ko.
FLASHBACK
Inatake ako noong nagka crush ako sa isang lalaki. Isa anak siya ng cook namin. Isang araw bago ang birthday ko ay may hinanda akong regalo para sa kanya.
Pumunta ako sa Pinagtratrabahuhan niya na restaurant.
Hawak hawak ang isang Sumbrero na galing pa sa New York, pinabili ko kina Appa.
Nasa labas palang ako ng makita ko na may kasama itong babae at nagpropropose ito sa harap ng babae.
Nabitawan ko dala dala ko tumakbo ako pauwi...
Napansin agad nilang umiiyak ako.
" jagiya museun il-iya?"
-baby what happen?
Tanong saakin ni Appa.
Umakyat agad ako sa kwarto ko.
Kinakatok ako nila Manang.. Pero hindi ko ito pinapanain.
Iyak lang ako ng iyak..
Minsan palang ako nagkagusto sa lalaki pero bakit sobrang sakit..
Biglang kumikirot ang dibdib ko.. Hanggang nahihirapan na akong huminga..
Nagising nalang ako nasa Hospital na naman ako.
" Vanadey" tawag saakin ni Omma.
" agileul eotteohge neukkinayo?" Appa
-how do you feel baby?
" apayo abeoji"
-it's hurt father
" uisaneun simjang-eul dasi gwanchalhagi wihae gamgeumhaeyahandago malhaessseubnida"
-your doctor told you need to confine to observe your heart again "
" Manang, Vanadeygai il-eul dasi neukkigehaeseoneun andoebnida. ulineun geunyeoui chilyobeob-eul chaj-eul geos-ibnida. ulineun ganeunghan ppalli simjang gijeungjaleul chaj-eul geos-ibnida"
-Manang, You should not let Vanadey to feel does this things again. We will find to make her cure. We will find heart donor as soon as possible.
" jagiya dasi geogjeonghaji masibsio. ulineun dangsin-eul pul su eobs-seubnida" - Appa
-baby, please. Don't make us worried again... We can't loose you baby..
"mianhe Appa..."
after ng test saakin. Nakahanap sila ng Hospital na pwepwede para saakin.
GRAZETER HOSPITAL...
End of flashback
" ayaw nilang mangyari saakin ang naranasan kong bigo noon Manang."
" paano pag hindi ka binigo ni Doc Lucifer?"
" hindi ko alam Manang...natatakot ako"
Parati nalang pagmalapit na birthday ko...may hindi magandang nangyayari saakin. Kaya halos Hospital ako nagseselebrate.