26

2013 Words
Xuen pov Pababa na ako ng marinig kong nag uusap ang dalawa.. " kasi nga baka magselos daw si Xuen... Kilala mo naman ako Lucas, hindi ako makatulog kapag hindi siya ang katabi ko." Sino naman yun? " tama naman si Tita eh, ano nalang masasabi ni Xuen kapag kahiga mo pa si Bunny mo " Letche sino si Bunny? "Mula pa noon, siya na nakakatabi ko. Mahirap iwasan. Kasalanan naman din nila, sinanay nila ako na siya ang katabi." Two timer talaga ito froglots na ito. " sa tagal niyong magkatabi ni Bunny, hindi pa ba kayo nagsasawa sa isa't isa?" " siraulo ka ba? Bakit naman ako magsasawa sa kanya, eh kalahati siya ng buhay ko" Humanda ka saakin... " sino pipiliin mo na katabi si Xuen o si Bunny!?" Lalo akong lumapit para marinig ang isasagit nito. " hirap naman ng tanong mo----" Bwisit! binato ko ang hawak kong suklay sa sobrang inis ko. " Hoy babae nagdadabog ka!? " tanong niya. Nagulat ata sila. " Nahulog lang yung dustpan.. " Dustpan pa talaga nasabi ko. Tinignan niya akong nakashort at sandal. " Saan lakad niyo? "Tanong ulit niya. " pake mo!? " sagot ko sa kanya. So dalawa pala kami ang kinakama mo, tignan natin kung hanggang saan pagtitiis mo. Hinding hindi kita tatabihan. Nagbubulungan pa silang dalawa. " sige Xuen, sa taas muna ako. " paalam ni Lucifer. Tumango lang ako. Pinulot ang suklay tsaka umupo sa sofa. " hoy babae saan ang lakad niyo? Lalabas ka ng ganyan kaigsi ang short mo?" " ano naman pakealam mo sa suot ko?" " hindi pwede ang ganyang short dito.. Baka nakakalimutan mo nasa probinsya ka.. gusto mo ba pagpantasyahan ka ng mga nakakakita sayo." Pinagpatuloy ko lang ang pagsuklay sa mahaba kong buhok. " nakikinig ka ba saakin Xuen!? " aba siya pa may ganang magalit ngayon. " Ano gusto mong isuot ko? PAJAMA!?. pwede ba Froglots, wag mo akong pinapakealaman sa suot ko dahil hindi naman kita tatay at mas lalong hindi kita BOYFRIEND!" Natahimik naman siya sa sinabi ko, bakit!? Totoo naman ah hindi ko pa siya boyfriend para pagbawalan ako. Biglang bumaba sina Lucifer at Vanadey. " Nag aaway na naman kayo!? " tanong ni Vanadey. " oh see, pareho kami ni Vanadeyna maigsi ang short bakit hindi pinagbabawalan ni Lucifer si Vanadey?" Hindi pa din ito nagsalita. Umurong ata ang dila. " ano ba pinag aawayan niyong dalawa?" Lucifer " WALA! " sabaypa naming sabi. ~_^ ako ~_~ siya. -_- Lucifer at Vana " andito na pala si Hattie eh, "Lucifer Dumating si Hattie na nakashort din. " Oh kita mo pati si Hattie naka short din... " " LQ kayo!? " Hattie " HINDI! " sabay na naman kami. -_- Hattie " let's go na nga lang, nakaka badmood talaga ang isang froglots! " walkout ko. Nakakainis! Bakit ba siya ganun saakin? Bakit pa niya ako hinanap? Bakit pa niya ako inuwi dito kung may Bunny din pala siya. Padabog akong naglalakad at humabol naman ang dalawa. " girl ano bang nangyari sayo!? " Vana " init ng ulo mo Xuen, yare ba? LQ kayo ke aga aga" Hattie " wala, wag niyo nalang akong intindihin., Hattie nasayo ang listahan diba!?" " yap.. Eto oh.!" pinakita niya ang lahat ng bibilhin namin. " Alam mo girl napaghahalataan ka eh" "museun soli ya?" -what are you talking about? " dangsin-eun jiltu?" -are you jealous? "ani" sagot ko. " wag naman kayong mag salita ng salita niyo na O-OP ako eh" Hattie "mianhe" sabay namin ni Vana " ito kasing si Froglots may ibang babae, narinig ko kanina nag uusap sila ni Lucifer." " Ha?" Hattie " Tsk wag na nating pag usapan. Mamili nalang tayo" " Itutuloy pa ba natin ito, eh mukhang LQ naman kayong dalawa." Vana " ituloy na, sayang effort natin na nag isip ng iluluto. Tsaka kung may iba siya bahala siya, wag siyang kakain!" Plano pa naman namin na ipagluto sila dahil alam namin na pagod sila sa trabaho nila. tapos maririnig ko magkatabi pala sila magdamag ang bunny niya. Bakit si Lucifer tumabi kay Vana, samantalang siya pinili niya ang kabit niya. WtF! Kabit talaga? So ako ang legal?? s**t talaga. Palengke: Halos pinagtitinginan na nila kaming tatlo na namimili. " Hattie, ganito ba talaga dito.?" "ang aling Xuen?" " para silang paparazzi eh, ganito na ba kami kahalata na hindi alam pasikot sikot dito sa market?" " Oo nga naiilang tuloy ako." Vana " Iilan lang kasi dumadayo na ibang lahi dito sa amin. Wag niyo nalang sila pansinin., mamili nalang tayo para maaga tayong makapagluto ng dinner"Hattie Ipagluluto namin ang mga boys ng Pilipino dish., After naming namalengke nadatnan parin namin ang dalawa na nakatulog aa sofa. " Kawawa naman ang Lucifer ko, pagod na pagod" Vana " sanay na yan si Lucifer, nakakaya nga niyang hindi natutulog ng tatlong araw kapag nasa hospital siya eh" Hattie " tara na sa kusina." " Si Aira kaya,." " Hayaan niyo na siya, ganun talaga si Ate Aira. gabi na umuuwi tsaka baka dederetso kay kuya Jullian." Hattie " Ah Hattie, ikaw nalang mag saing, kami na bahala sa ulam." " sure , pero pwede bang after ko mag saing uwi saglit ako sa bahay,kunin ko lang yung charger ko. " " sige,. " " excited kayong ipagluto yung dalawa ano!? " tukso pa niya saamin. " Si Vana lang exxited, ako nawalan na ng gana-_-" sagot ko. Totoo naman eh, dahil sa lecheng Bunny niya. Pagkaalis ni Hattie,nagkaproblema kami sa ihahanda. " yung listahan!? " Vana " ha? Wala saakin, akala ko nasasaiyo?!" " wala din saakin eh" Vana Patay na kay Hattie " paano tayo,magluluto eh Sinigang ito. Ano naman alam ko sa ulam na ito" saad ko. " di mag google tayo.. Teka" Kinuha niya phone nito at nagsimulang magsearch. " oh eto na oh.." pinakita niya saakin. " sus ang dali lang pala." tsk easy! Ako ang nag chop ng karne si Vana naman ang nagprepare ng bawang sibuyas, kamatis at yung gulay nito. " ok simulan na natin" ginawa namin ang mga hakbamg na naka lagay sa recipe. Natapos na din ito. Ang next ay vegetables salad..eto alam namin gawin hahaha Si Vana naman gumawa ito ng Jelly coffee.. AT ako. Isang malaking LECHE FLAN para kay Aim. ? Pagdating ni Hattie ay natapos na namin lahat. Sabi niya sasaglit lang yun pala ilang oras. " wow ang galing niyo ah... Nakakabilib naman." " yeah.. magshoshower lang kami. paki gising na ang dalawa. Oo nga pala pwede bang padala ito kay Aira sa talyer...dinner nila ni Doc Jullian." Vana Kahit kailan talaga napakabait ni Vana., pinabaunan niya sina Aira at Jullian ng pagkain. " Sige, no problem ihahatid ko na para sakto pagdating ko mamaya kakain na tayo " parang bata din si Hattie kung titignan After namin nagshower isang simpleng dresa lang ang sinuot ko. Baka kasi kapag nag gown ako baka ano na naman masabi ni Aim Sabay kaming bumaba ni Vana. Nakita naming gising na ang dalawa. Si Aim may kausap sa phone, si Lucifer naman kandong si Casper. " wala pa ba si Hattie?" tanong ni Vana. " nag text siya na hindi siya makikidinner kasi may dumating siyang bisita." Lucifer Pumunta ako sa table para maglagay ng plates, si Vana naman nilagay na ang mga ulam sa mesa. " wow! nagluto kayo!?" Lucifer " yap.. pinagluto namin kayo dahil alam naming pagod na pagod na kayo sa work niyo." Vana Hindi ako tinignan ni Aim. Busy pa din ito sa kausap. " hoy Aim, kakain na! " tawag ni Lucifer sa kanya. At binaba na din nito. " sure sige sige,.. Kita nalang tayo after dinner.. Ingat ka hahaha ok ikaw pa malakas ka saakin eh"sagot niya sa kausap. What? Aalis siya after dinner? Saan naman ito pupunta? Tumayo na ito at umupo na. " Galing mo pala magluto Vana.. " sabi niya kay Vana Tinignan ako ni Vana. " ah hehehe hindi naman ako nagluto niyang sinigang. Si Xuen nagluto, ako lang gumawa ng Vegetables salad at coffee jelly." Tinignan niya lang ako at binalik sa pagkain. " kain na tayo! " Lucifer Sina Vana at Lucifer panay ang subo sa isa't isa samantalang ako kumakain. Si Aim naman binibilisan ang pagkain. Excited makipag meet sa babae niya.. Maya maya ay... " tapos na ako... hindi na ako kakain ng leche flan.. Vana galing mo gumawa ng coffee jelly ah.. The best!" " Oh saan ka pupunta?" tanong ni Lucifer sa kanya dahil tumayo na ito. " may pupuntahan ako eh, kita nalang tayo sa HQ mamaya... Sige alis na ako.. Bye Vana goodnight! "paalam niya kay Vana. So. Ako? Hangin ganun? . Pagkaalis niya ay biglang tumahimik ang dalawa. Tinapos ko ang kinakain ko at.. " tapos na din ako.. Akyat na ako, bigla kasing sumakit ang ulo ko. " Magsasalita pa sana ang dalawa ng umakyat na ako. Bwisit! nakakainis! nag eefort akong nagluto hindi man lang niya pinuri., si Vana lang ang pinuri niya. Naiiyak na ako. First time lang akong nabalewala ng ganun. Pinahid ko ang luha ko. " sino ba siya para iyakan ko? Tsk eh ano kung hindi niya ako pinuri sa niluto ko... Ako si Xuen Go... kahit kailan hindi umiyak sa lalaki. Balewala ako sa kanya? FINE. Ipaparamdam ko sa kanya ang salitang BALEWALA!" Biglang may kumatok., alam ko na si Vana at Lucifer. " Girl, ok ka lang ba? " Hindi ako sumagot. Humiga lang ako at nagtalukbong. " aalis na si Lucifer.. " " Xuen, aalis na ako. Salamat sa niluto mo. Ang galing mo na talaga magluto. Niluto mo pa pala ang paborito ni Aim., sana mauliy ulit nabusog kasi ako. " Linta ni Lucifer Tsk paborito niya ang sinigang!? Hindi pa din ako sumagot, maya maya ay wala na akong narinig mula sa labas.. Kakasenti ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan: Bumaba ako ng makita ko si Vana, Aira at Fairy. " goodmorning Xuen!" sabay sabay pa nilang tatlo " goodmorning too girls.. Bakit yan!?" tukoy ko bagay na hawak ni Vana. " ano ka ba girl, hindi mo ba alam ito?" " alam ko, pero tinatanong ko bakit meron ganyan diyan!?" " oh aga aga nagsusungit ka!? Bakit nag away kayo ni Aristotle?" Aira. " Halata ata kasi mugto mata niya" Fiary. Si Fairy pangalawa palang namin magkasama pero super close na kami. Nakakabikib kasi ito. Puro formula ang sinasabi niya... May pagka kikay din minsan pero more on nerdy siya. " busog lang sa tulog... Teka bakit ba kasi yan?" " Pinadala ni Tita Aeal," " Pagbake ng cake. Gusto kasi nila tayong maga girls ang magbabake ng cake at cup cake para sa mga bata sa Princess Orphan." "Kelan naman!?" Tanong ko. " sa susunod na araw... pero sabi ni Vana ay aalis kayo papuntang Ecija.". "Yah.. Dadalawin ko sina lola." " Sayang sama sana kami kaso daming gagawin sa lab. eh." " nextime nalang Fairy. isang araw lang naman kami." " mag iingat kayo" Aira. " salamat..." Tumayo si Aira dala ang kape nito at pumunta sa garahe, si Fairy nagpaalam na din kasi inutusan lang siya. Nang maiwan kami ni Vana. " Hihintayin pa ba natin sina Lucifer? Hindi pa kasi sila ng memessage eh" " Wag na tayo nalang pumunta.. Alam ko naman papunta doon... Gayak ka na dahil mainit sa daan kapag naabutan tayo ng tanghali sa daan.. Init init pa naman" " sure ka?,baka kasi pagalitan nila tayo." " Ano ka ba naman.. isang araw lang natin hindi sila kasama... Come on girl... let's get away and enjoy." After ng breakfast ay naggayak na kami. Nagpaalam kami kay Aira. Hindi alam ni Aira na dapat kasama namin ang dalawa... Ayoko ko din makasama si Aim. Nababadtrip pa rin ako sa kanya. At lalo akong nabadtrip ng sabihin ni Vana na hindi niya makontak ang dalawang lalaki. " akina na nga phone mo" inagaw ko ito at inooff ang phone niya. " wag mo munang isipin ang dalawa.....tsaka paano mo maeenjoy ang biyahe.. Tumingin ka sa labas ng bus. Hindi ba napaka ganda ng daan. Napaka aliwalas sa mata ang kulay green." " wow napaka ganda nga nila Xuen., namiss ko tuloy ang forest ko. Hay! ang sarap nilang tignan. Mga bundok, puno " yan ang bilis niyang inaliw ang sarili samantalang ako... Bad mood pa din. Pinatay ko din ang phone ko para walang makapag kontak sa amin. " Girl... hindi natin pwedeng i onn ang phone in 1 day. Ok!? " " ha? Paano si Lucifer baka mag alala yun?! " "alam naman nilang pupunta tayo kina lola... Tsaka busy sila hindi ba!?" "pero..." "deo isang-eun anijiman..." -no more but "joh-a" -fine Tignan natin ang galing niyo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD