Aim pov
Ano bang problema ng babaeng yun? Bakit bigla bigla siyang nagagalit?
Pinagbawalan ko lang naman siya ng mag short dahil lutang na lutang mga hita niya.
Pagkaalis nilang tatlo, kinausap ako ni Lucas.
" bakit ba nag aaway na naman kayong dalawa ang aga aga!?"
" hindi ko alam, tinatanong ko lang kung saan lakad niya, sinungitan niya ako. Pinagbawalan ko siyang magsuot ng short kasi sobrang igsi. Ano bang mali sa mga sinabi ko?"
" Baka may mens siya."
" mens? Sinong mens? "
" mens means Period, menstruation period ng mga babae buwan buwan. "
" Nakapa. ARTE naman mood nila"
" Ano ka ba!, ganyan sila sa kultura nila. tsaka bagay naman sa kanya ang mag short."
" Lucas nasa ka ignorantehan tayong lugar. Pagpipiyestahan lang sila sa palengke."
" hahaha di sana sumama ka,"
" hindi na... Ano ba daw niya ako.? Eh hindi naman daw niya ako tatay at lalong hindi daw boyfriend.. Eh ano niya ako? Tangna naman eh,"
" hindi kaya nagselos siya kanina? "
" pinagsasabi mo diyan? "
Humiga ito sa isang sofa.
" kanina habang pinag uusapan natin si bunny bigla siyang nagdabog, "
Napatingin ako sa kanya.
" bakit naman siya magseselos eh si bunny isang stuff toys lang naman"
" bakit alam ba niya na stuff toys si bunny?"
lumipat ako sa sofa nito. Tsaka siya niyugyog sa balikat.
" anong gagawin ko Lucas?"
" bahala ka diyan.. Inaantok ako Aim."
" napaka supportive mo Lucas leche ka.!"
" kasalanan mo yan, kinidnap kidnap mo tapos aawayin mo, ni hindi pa kita nakitang naging sweet sa kanya. Anong klase kang nilalang ARISTOTLE IMRE tsk"
Sasakalin ko itong lalaking ito eh,
" di ikaw na ang sweet kay Vanadey."
" I surprise mo nalang siya para maalis yung galit niya. Tsaka Tae ka! nakakatakot pala siya magalit."
" paano ako magiging sweet doon, puro pabalang kung sumagot., daig pa niya si Mama."
" di maganda, sanay ka na kay tita.. kaya ok sayo si Xuen hahaha"
" hindi ka nakakatulong Lucas."
" umalis ka nga diyan matutulog ako."
" akala ko ba natulog ka kanina, bakit mukhang puyat ka."
" may morning exercise kami ni Vanadey ko.."
-_- paka landi nito.
" Sabi ko na nga ba eh, hindi tulog ang ang gusto mo dito.. Simpleng manyak ka din ano. "
Sumasagot ito na nakapikit.
" inggit ka lang...kasi kami ng mahal ko nakailan na.. Kayo dalawa palang ata hahaha"
" sakaling kita diyan makita mo!"
" hahaha bumawi ka nalang, dahil mamaya ipagluluto tayo nila Vanadey."
" Paano ako babawi?"
" Di haranahin mo... Patulong ka kay Jude.,"
Oo nga noh! Si Jude magaling magguitara.
" Galing mo Lucas..!"
"tatawagan ko ito..."
" sa labas mo siya kausapin...inaantok ako!"
Bwisit na to..
Mamaya ko nalang yun kakausapin. Natulog na din ako sa isang sofa.
Hindi ko namalayan na nagluluto na ang dalawa. Sumilip ako para makita si Xuen, nakabusangot ang mukha hahaha galit pa din kaya ito.
Bumalik ako sa pagtulog.
Nagising ako ng sampalin ako ni Hattie sa mukha.
" Aray ko naman!"
" gumising na kayo, sabi ng dalawa at kakain na." Hattie
" daldalhin ko lang ito kay Ate Aira.. Tsk lagot ka badmood si Xuen, magbabae ka pa ha. baka bukas iwanan ka na niya"
Bumangon naman ako.
" hindi niya gagawin yun saakin."
" ewan ko lang.. Sige na nagshower lang yung dalawa."
Binato ko ng unan si Lucas para magising.
" Ano ba Aim, istorbo ka talaga"
"kakain na daw,"
Bumangon na di ito. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Jude.
" Hoy Jude!"
" tangna na ka Imre, bakit?"
" patulong naman ako"
" ano naman!?"
" nag away kami ni Xuen, mukhang nag selos kay bunny.. gusto ko sanang haranahin siya"
" magkano lagay?" tanong niya. Kahit kailan talaga ito mukhang pera.
" grabe ka naman, magkano agad agad"
" mahal ang TF ko Imre, tsaka bakit ako pa naisipan mong tumulong sayo, andyan naman sa tabi mo si Lucifer."
" ayaw niya eh, busy siya sa kalandian niya. Sige na tulungan mo na ako"
" Sige,pero ilakad mo din ako kay Gayatari."
" Oo na... so ok na?"
Nakita ko silang pababa na. Umiwas ako ng tingin baka makahalata ito.
" hoy Aim, kakain na! " tawag saakin Lucifer.
" tapos 10 thousand para sa props,."
" sure sige sige,.. Kita nalang tayo after dinner.. Ingat ka hahaha ok ikaw pa malakas ka saakin eh" sabi ko sa kanya.
" pinagsasabi mo nababading ka na.. Hahaha" sabat naman nito sa kabilang linya. May patawa tawa pa ako.
Sinadya ko ito dahil nakatingin siya sa gawi ko.
Tumayo na ako at umupo. Wow yung paborito kong ulam pa niluto nila.
" Galing mo pala magluto Vana.. " sabi ko kay Vana
Tinignan siya ni Vana. Hahaha
" ah hehehe hindi naman ako nagluto niyang sinigang. Si Xuen nagluto, ako lang gumawa ng Vegetables salad at coffee jelly."
Alam ko naman siya ang nagluto. Niloloko ko lang ito para tignan reacksyon niya kaso. Mukhang nalungkot siya sa sinabi ko.
" kain na tayo! " Lucifer
Sina Vana at Lucifer parang nananadya,, kay pasubo subo pa sila sa harapan namin. Tinignan ko ito ng pasimple. Nakasimangot ito.
.
Aalis ako para magawa ang plano para sa kanya. Hahaha maghintay ka Xuen, mas sweet ang gagawin ko sayo bukas.
Binilisan ko kumain para magawa agad ang surprise ko. Dahil mamaya ay balik na kami sa HQ.
" tapos na ako... hindi na ako kakain ng leche flan.. Vana galing mo gumawa ng coffee jelly ah.. The best!"
" Oh saan ka pupunta?" tanong ni Lucifer saakin. Ayokong sabihin sa kanya dahil sasabihin niya kay Vana.
" may pupuntahan ako eh, kita nalang tayo sa HQ mamaya... Sige alis na ako.. Bye Vana goodnight! "paalam ko kay Vana. Hindi ko soya pinansin. Wala lang trip ko lang. Hahaha kunyari galit galitan din.
Nagmessage saakin si Lucas.
Nawalan na daw ng gana si Xuen kumain at umakyat na din daw ito taas. Hindi ko ito nireplyan.
" eto na yung pera.,ano ba kakantahin ko?"
Binigay niya saakin yung lyrics.
" ah alam ko ito.. Tara praktis tayo."
Nagptaktis kme ng dalawang oras., 30minutes lang ang pag plano ng venue. Syempre dapat romantic ang place...
HQ:
Isang batok ang binungad ni. Lucas saakin
" bakit na naman?"
" nag iiyak si Xuen sa kwarto niya. Gago ka talaga. Alam mo namang si Xuen ang nagluto ng sinigang mo, pero anong ginawa ko?" Lucas
" epek ko lang yun para matapos agad akong kumain dahil ngpraktis kami ni Jude para sa surprise namin bukas kay Xuen. "
" ah ganun ba yun. "
" ayaw mo kasi akong tulungan eh. "
" Ano naman kasi alam ko diyan"
"yan! Wala daw alam, pero makadikit kay Vana alam na alam... Tsk!"
" Iba si Vanadey eh"
"Trabaho na nga tayo.."
Kinuhanan kami nila lolo ng dugo, hindi namin alam kung para saan yun.
Halos madaling araw na kami natatapos sa pag aayos ng plano.
" tara na Lucas, uwi na tayo." yaya ko sakanya.
" Aim at Lucifer maiwan muna kayo may sasabihin pa kami sa inyo. Boys yung bilin ko, mag assign kayo ng mga bantay sa mga extension, lalo na mga shop ng mga girls." Lolo King.
Pumasok kami sa lab.
" bakit po lolo? "
" kayong dalawa ang nagka match sa dugo sa Kryptonite. "Lolo Bullet
" para saan lolo? " Aim
" kayong dalawa ang kailangan naming I transform para lumakas. Dahil hindi basta bastang tao ang kalaban natin. Ang ibang kryptonite ay ninakaw na nila. Ang naiwan nalang ay yung nasa bahay. "Lolo King.
" Kailan gagawin lolo? " Lolo Bullet.
" after ng Event sa. PRINCESS ORPHAN.. "lolo Bullet
May kung ano ano pang sinabi nila Lolo saamin, napatingin ako sa relo. 8am na ng umaga.
Kinakabahan ako dahil baka naghihintay na ang dalawa sa amin ni Lucas.
Pagdating namin sa bahay ni Aira.
" Aira sila Vanadey? "tanong ni Lucas.
" kanina pa sila umalis ah.. Bakit hindi niyo ba alam?"
" Ano!? "sabay namin ni Lucas.
" eh pumunta na sila sa Ecija. "
" anak ng--ang bilin namin ay sasama kami sa kanila. Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng yun. "
" Wala naman ako alam kasi sa usapan niyo. "
Kinuha ko phone ko, doon ako lalong nainis dahil drain na pala ito.
" pahiram ng phone Lucas.. "
Triple kill! Low bat din siya.
" yan kasi pinapairal ang ka artehan, may pa acting acting ka pa diyan. Ayan tuloy natakasan tayo"
" inasikaso ko nga yung surprise ko sa kanya."
" uwi na tayo nasa bahay charger ko...kokontakin kita kapag natawagan na sila."
Hinatid ko na ito sa bahay nila. Ako deretso na din umuwi. Puyat na puyat ako halos. Maghiwalay na kaluluwa ko at utak ko.
" Hon, bakit hindi ko makontak sina Vana at Xuen? Sasabihin ko pa man sana na damihan nila ng chocolate flavor ang mga cake bukas ng hapon. Hindi kasi ako makakapunta sa kanila dahil busy naman ako."
" Hindi ko din sila makontak Ma."
" asan ba sila nagpunta! "
" Ecija ma, sa lola ni Xuen. " sagot ko
" What!? At hindi niyo sila sinamahan?
Nagalit pa sa akin si Mama ng sinabi ko na nag away kaming dalawa.
Ano na nangyari sainyo Xuen... kinakabahan na ako.