Lucifer pov
" anak relax mahahanap natin si Vanadey.."
" Pa paano ako magrerelax magdamag na tayong naghahanap, hindi ko na alam ang gagawin ko."
Wala kahit sa cctv na nakita si Vanadey, last na nakita ay noong pumasok ito sa loob ng bahay nila Aim at hindi na ito nakita pa.
" ipapatrace natin siya kay Rain. " Mama
" Teka sandali... may napansin ako kagabi sa leeg niya.. namumula ito. " Ayvah
" bakit ngayon mo lang sinabi?" Tita Aiva
" Ma naman ang akala ko kasi love bite... Maliit lang naman siya pero dalawa."
Hindi kaya eto na yung side effect ng inject sa kanya?
" Kailangan natin makita si Vana baka mapapaano siya. " Xuen
" Hahanapin natin siya... " Jullian
" Jullian wala ka bang alam sa plano ng dati mong asawa? "tanong ko sakanya..
" wala eh, hindi sila nagsasabi saakin. Ikaw Xuen? "tanong niya sa kapatid nito.
Pero hindi agad siya nagsalita.
" Xuen may alam ka ba dito? "
" Xuen please magsalita ka naman.... Si Vanadey na ang nawawala"
" Kasi hindi ko alam kung totoo yung sinabi nila saakin noon."
"anong sinabi?" agad kong tanong
" Lucifer... gagamitin si Vanadey."
" gagamitin saan Xuen?!?" medyo galit na ako.
Kaya tinapik ako ni Jullian
" gagamitin nila para experimentohan ang katawan niya."
"Anong experimento? ANONG EXPERIMENTO XUEN!?"
natakot ata si Xuen kaya napayakap ito kay Aim.
" Lucas... Huminahon ka nga hindi nadadala sa galit ang problema!"
"huminahon?! Sa palagay mo ba kaya kong huminahon pagkalaman ko na gagamitin siya? f**k! Wala tayo sa biruan ngayon.. Buhay ng babaeng mahal ko ang nakataya dito!"
" Guys wag kayong mag away away...." pag aawat ni Papa.
" Xuen please.. Linawin mo ang sinasabi mo. " Mama
" Gagamitin nila ito para siya ang papatay sayo. Lucifer. "
" Ano!? Bakit ako? "
" ikaw daw ang dahilan bakit hindi natuloy ang dapat na kasal nila ni Vanadey. "
" Si Taehzy?"
" Obsess siya kay Vanadey. "
" Ano ang ibig sabihin ng ininject kay Vanadey noon tungkol sa Aconite? "
" ang alam ko lang doon ay.. Para malason ang dugo na meron siya ngayon... malaman kasi nila na ang dugo nito ay dugo mo"
" Balak niyang patayin si Vanadey kung ganun?"
" hindi.... Ang ininject niya ay may halong 50 percent na Aconite para malason lang ang dugong nito." Singit ni Lolo King.
"Lolo anong alam mo dito?"
" Ayaw nilang maging parte si Vanadey sa angkan natin.,nang nalaman niya na dugo mo ang bumuhay sa kanya... gumawa ito ng isang vaccine para matalo ang dugo sa katawan ni Vana... Mapaparalize muna ito ng ilang buwan at babalik ang dating dugo nito. "
" ALam niyo ang mangyayari sa kanya gnun ba lolo? "galit kong sabi.
Hindi ito sumagot.
" s**t! Sa nangyayari sa buhay natin alam niyo pala...lahat alam niyo!? bakit hindi niyo agad sinabi saakin na mangyayari ito sa kanya? Para ano lolo? "
" Lucifer wag mong iquestion yan sa lolo mo... you're lolo knows what is right!" Mama
" yeah right! They all knew.. Kahit mawala ang babaeng mahal ko ay OK lang sa inyo, dahil nga alam niyo naman lahat ang magaganap.! "
Winaksi ko ag kamay ni Jullian tsaka ako umalis.
Sa hospital ulit ako umuwi.
Halos basagin ko na lahat ng gamit sa office ko.
Maya maya ay lumabas ang galit sa aking mga mata., hindi ko ito macontrol. Mga kamay na nagngingit ngit na halos ibagsak ko ang mesa.
Anong nagyayari sa akin!?
Nagising ako na nakahiga sa floor, tinignan ko ang kabuuan ng office kk, mga basag na baso, computer mga sirang gamit.
Isang katok ang narinig ko mula sa labas. Hindi ko ito binuksan, umupo ako sa gilid para isandal ang sarili ko.
" Lucas!"
"Casfear!"
Pumasok sila na parang tumakbo ng napakalayo hingal na hingal.
" Dude! Nakita na si Vanadey!"
Pagkakasabi palang niya ito ay tumayo agad ako.
" asan siya!?"
Nagkatinginan pa ang dalawa.
" ANO? ASAN SIYA!?"
Sinundan ko nalang sila kung saan sila tutungo.
Teka?
E. R
"Anong ginagawa natin dito!?"
" dude... Nakita si Vanadey sa may bukid,. Walang damit, maraming siyang pasa sa katawan." Jullian
" anong ibig niyong sabihin? Ginahasa siya!?"
Hindi sila nagsalita.
" Hindi namin alam... malalaman mamaya kung ginahasa siya. "
Nanlumo ako sa binalita nila saakin. Halos gibahin ko ang pader sa kakasuntok sa sobrang galit ko.
" Aim imbestigahan niyo ang gumawa sa kanya nito...! Papatayin ko siya!"
Hinintay namin anh paglabas ng Doctor.
" Doc Lucifer... Doc Jullian... "Doc Akiko
" Doc how is she? "
" well medyo bugbog lang ang katawan niya., hindi siya narape ayon sa findings ko. But her bruises is so different from the normal bruises. I can't explain it dahil kapag pinapahidan namin siya ng iodine the more they spread."
" Doc can we handle her?" sabi ko.
" Sure Doc Lucifer... no problem. "
Pinaayos ko ang ang scrub suit namin para kami ang tumingin sa kanya.
Sa loob:
" kakaiba nga ang mga pasa niya Lucas.., "Aim
" maybe this is the effect of aconitum. " Jullian
" kaninang umaga tatanungin sana namin si Khloe about Vanadey pero... Nakatakas siya. " Jullian
" Nakatakas? How come? Mahigpit ang security natin sa HQ. "
" may nagpatakas sa kanya... " Aim
Tinignan ko si Jullian
" don't look at me like that Dude... hindi ako ang nagpatakas."
Pero hindi ko muna ito inisip pa. Nag focus ako kay Vanadey na nakahiga at nakatulog.
" Sa Laboratory ni Fairy natin ipunta si Vanadey..Para malaman kung ano ang nasa katawan niya" Aim
" not now Aim... Kailangan ko munang makasiguro ang kalagayan niya."
hahawakan ko sana ito ng pinigilan ako bigla ng kamay ni VANADEY.
???
" DON'T YOU DARE TOUCH ME!" bigla niyang sabi.
Bumangon ito, ang pagkabangon niya ay siya namang pagkawala ng mga pasa nito sa katawan
" Vanadey are you Ok!? "tanong ko
Tinignan niya ako ng masama. Ang dating masayang mukha ay kabaligtaran na ito sa nakikita ko. Walang ngiting nakalagay sa kanyang mga labi.
" Vana... Anong nangyari sayo? Bakit ka biglang nawala" Jullian
Naging poker face na siya. Bakit bigla akong kinabahan. Bakit bigla akong natakot sa mga tingin nito saakin.
" BAKIT MO PA AKO BINUHAY?"
Ang huling salitang nagpaiyak saakin. Ayaw niyang hinahawakan ko siya. Ayaw niyang katabi ako... ayaw niya akong kausap.
Hindi na siya nagsalita hanggang inuwi namin siya sa bahay ni Aira.
Gabi na ng dalawin namin sila Vanadey.
" Ai... Kamusta siya?"
" Ayaw niyang kumain Lucifer, ni ayaw niyang kausapin kami. Nasa kwarto nalang niya ito. Nakadungaw sa bintana." hawak hawak ang tray ng pagkain niya.
" This is trouble... paano natin sasabihin sa magulang niya ang nangya----" naputol ang saaabihin ni Aim ng makarinig kami ng basag at iyak aa kwarto nito.
Agad kaming umakyat para puntahan.
Bumungad saamin na may hawak na basag na baso si Vanadey at itinutok sa leeg nito.
Agad kong pinigilan ang kamay niya.
" Vanadey please bitawan mo yan!"
" Bitawan mo ako! Gusto ko ng mamatay"
Nataranta ang tatlo hindi na nila alam gagawin. Kaya si Aira tinawag sina mama.
" Lucas yakapin mo siya kukunin ko lang ang mga basag na baso." Aim
"Ano bang nagyayari sayo Mahal ko!" naiiyak na ako.
Umiiyak lang kasi ito na ayaw bitawan ang basag ng parte ng baso.
" anong ginawa mo saakin?! Bakit mo ako niloko?"
Niloko?
" Mahal ko hindi kita niloko.. Kahit kailan hindi kita lolokohin!" yakap yakap ko parin siya habang hawak ang kamay nito.
Hindi ko namalayan aa isang iglap lang nakawala ito at hinagis niya ako sa may pinto. Muntik ko ng madaganan si Jullian
" Argh.. M-mahal ko! "
Ang lakas nito...
" SINUNGALING KA! NAKITA KITA NOONG ISANG GABI... KAHALIKAN MO ANG ISANG BABAE SA TAAS!"
WTF!
Kailan pa ako may kahalikan?
" what do you mean Vana?" si Jullian na nagtanong habang iniinda ko pa din ang pagkakabagsak ko.
" Kitang kita ko sa dalawang mata ko na may kahalikan ka! Tinignan mo pa ako sa aking mga mata bago ulit siya hinalikan!"
"wala akong nalalaman sa sinasabi mo Mahal ko..."
" Wag kang magdeny! Ikaw ang gumawa saakin nito! Ikaw ang bumaboy sa katawan ko!"
Bumaboy?
" Vanadey nagkakamali ka.... kasama ko si Lucifer noong gabing iyon." Aim
Tinignan siya ni Vanadey.
"Oo magkasama nga kayo... magkasama kayong bumaboy sa akin. Kung ano anong ininject niyo saakin... Mga hayop kayo!"
Ano bang pinagsasabi niya?
" Hindi kami ang may gawa niyan sayo!" Aim
Hinubad ni Vanadey ang damit nito.. Kaya lumantad ang hubad niyang katawan.
Agad namang tumalikod ang dalawa.
Isang marka sa kanyang tiyan ang lumitaw..
Ang markang hindi kami pamilyar.
" Kayo ang naglagay nito sa katawan ko!.. Bakit Lucifer? Bakit mo ginawa ito saakin?"
Lumapit ako sa kanya. Napatingin siya sa gawi ng mesa na may nakita siyang cutter.
Nagkatinginan kami dahil alam ko na kukunin niya ito. Patakbo ko itong kunin ngunit tinadyakan lang niya ako kaya naihagis ako sa dalawang nakatalikod.
Napaaray naman ang dalawa.
" Aray!"
Bumangon agad ako.
"Wag kayong lilingon!" utos ko sa kanila.
Pagtingin ko kay Vanadey. Itinutok na niya sa leeg nito.
" BAKIT PA KITA MINAHAL?"
Napatigil ako sa paghakbang sa sinabi niya.
" Vanadey look kung ano man ang sinasabi mo na ginawa namin.. Hindi kami yun, hindi namin gagawin ang sisasabi mo."
" Please... Ibalik mo ako kay TAEHZY!"
ANONG SABI NIYA?
IBALIK KAY TAEHZY?
" ayoko na dito...!" umiiyak na siya.
Hinubad ko ang tshirt ko para idamit sa kanya.
" Vanadey... ibaba mo ang hawak mo.! Ibabalik kita sa kanya... Kaya pakiusap ibaba mo na yan" hindi ko alam bakit ko yun nasabi kahit masakit sa puso ko, pinili kong sabihin ang mga katagang iyon.
Dahan dahan ko itong nilapitan. Hinawakan ang kamay at kinuha ang cutter.
Hinagis ko ito at agad sinuot ang damit. Niyakap ko nalang ito ng mahigpit.
"pwede ng humarap?" Aim
Hindi ko sila sinagot. Dahil bigla itong nahimatay.
Pagdating nila Mama.
" hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya." Mama
" Ma nakita daw niya ako na may kahalikan... pero imposible yun dahil sina Jullian at Aim lang nakasama ko yung gabing yun."
" Alam ko baby... napapaisip ako hindi kaya ang wax face clone na naman ang ginamit para mapaniwala si Vanadey. "
" My Lady.. dapat sina Papa Bullet natin yan itanong. Matagal ng wala ang wax face clone na yan... "
" Tito ang sabi pa niya binaboy daw namin ang katawan niya... " Aim
" Sa record ng test hindi naman ito narape... " Mama
" May ininject daw kami... s**t! Ano bang laban ang meron ngayon? " Ako
" Padating na si Fairy at sina Papa " Papa Eros
" My lady.. Paki bantayan muna si Vanadey kami na muna mag uusap usap. Aira samahan mo tita mo"utos ni papa.
Pagkaakyat nila Mama.., dumating naman sina Lolo.
" Lolo Anong nagyayari sa kanya?" Tanong ko kay lolo King.
" They use Wax face clone... "
Tsk tama na ang hinala.
" Ano bang pakay talaga nila kay Vanadey?"
" Jullian ang kapatid mo ang nagpatakas kay Khloe." Lolo Bullet.
" what!?" Jullian
" so kakampi ni Xuen ang mga ugok na yun?" galit kong tanong
" Hindi Lucas... umamin saakin kanina si Xuen na pinatakas niya ito kapalit ang gusto nito.."
" Anong kapalit!? "
Biglang simupot si Xuen sa pintuan.
" kapalit nito ay ang buhay ko Lucifer. "
" KAPALIT? PERO SI VANADEY ANG DEHADO DITO.! NAKITA MO BA ANG SARILI NIYA NANG MATAGPUAN SIYA!? NAKITA MO BA KUNG PAANO NILA BABUYIN ANG KAIBIGAN MO!? BAKIT NAPAKAMAKASARILI MO XUEN!?"
"ginawa ko yun upang mabuhay Lucifer...takot akong mamatay!"
" s**t! Eh si VANADEY? Siya ang kapalit mo ganun? Na kung ano ano na ang iniinject sa katawan niya? Damn it XUEN! ANONG KLASE KANG KAIBIGAN!?"
Humarang si Aim para protectahan niya ito.
" Lucas wag! Pakinggan mo si Xuen... "
" papakinggan ko pa ba yang traidor mong asawa? "
" Lucifer! " tawag saakin ni Lolo Bullet.
" Apo... wag mong pairalin ang galit mo! Paano natin maililigtas ngayon si Vanadey kung kayo kayo ang nag aaway.!" Lolo King
" Lucifer... Buntis si Vanadey. " Xuen
" Ano!? " lahat kami.
" Anong buntis?"
" Noong gabing bago nangyari yun, nagkausap kami ni Vana na hindi siya nadatnan.. Kaya bumili daw siya noon ng pregnancy test. Habang nagsasayawan ang lahat pumunta siya sa banyo para umihi upang gawin ang.. Alam niyo na....tumawag ako dahil tinatamad akong umakyat at busy naman ako nag aasikaso kina Papa. Biglang sabi nito dalawang guhit... Masayang masaya siya... kaya sabi ko bumaba ka na at i announce natin para double celebration. Nawala sa isip ko si Vanadey. At ayun bigla siyang nawala at pinaghahanap na natin. Pero Lucifer maniwala ka... Hindi ko pinapahamak ang besrfriend ko. "
" Fairy paki test si Vana. tatawagin ko si Doc Lia para matignan siya. "
" Apo makakasama sa bata ang aconite sa katawan niya. " Lolo King
" lolo I want them safe... " yun nalang nasabi ko.
Pinalitan ko sina Mama na magbantay kay Vanadey.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay nito.
" I'm so sorry mahal ko, napakahina kong tao dahil hindi man lang kita kayang bantayan at alagaan. Mas lalo akong nanghina dahil sa kalagayan mo ngayon. Binigyan mo ako ng anghel ngunit hindi ko alam kung makakasama pa natin siya. Pero gagawin ko ang lahat mabuhay lang kayong dalawa. "
"... hilingin mo na lahat mahal ko, wag lang ang ibigay kita sa kanya. Mamamatay ang puso ko kapag nangyari yun. "
"... hindi ako magpapatalo sa kanya. Ibibigay ko lahat wag lang ikaw. Mahal na mahal kita Vanadey.. Higit pa sa buhay na meron ako... Higit pa anong klaseng halimaw ako.. ikaw ang buhay ko. Hindi ko kayang mawala ka pa sa akin. " umiiyak na lang ang nagawa ko habang katabi ang mahal ko.
Kinaumagahan:
Nakaramdam ako ng yakap sa aking dibdib. Nagmulat ako ngunit wala na ito sa tabi ko.
" Vanadey! "
Bumaba ako para hanapin.
Si Aira ang unang nakita ko.
" Ai si Vanadey.!?"
Hindi ito makatingin saakin.
Biglang sulpot ni Jullian.
" dude... Sinugod ulit ito sa Hospital"
"...... Kasama si TAEHZY"
SHIT!