39

2429 Words
Lucifer pov Sumugod ako sa Hospital sina papa ang una kong nakita. " anak.." " Pa asan siya?" " anak paakyat na sila sa rooftop kasama si Taehzy..." " What? Pumayag kayo?" " Dahil yun din ang gusto ni Vanadey." Agad akong sumakay ng elevator paakyatsa Rooftop. Si Taehzy at Vanadey papasok sa helicopter.. " Vanadey! " Lumingon naman siya. Tinutukan ako ng baril ng mga tauhan nito. " please mahal ko wag mo akong iiwan! " " saakin na siya sasama saakin Lucifer. Hindi ba sabi ko sayo, magiging akin din siya." " hayop ka talaga!..." " hahaha hayop nga.. Halimaw ka naman. Tignan mo ang ginawa mo sa aking pinakamamahal na Vanadey... " Tinignan ko siyang nakatingin lang siya saakin. " Mahal ko wag please, sumama ka saakin wag mo siyang paniwalaan. Ako ang totoong mahal mo hindi ba? Magkakababy na tayo. " " hahaha baby niyo? Nakakasiguro ka ba na baby mo ang dinadala niya? Kung baby mo man, sa tingin mo bubuhayin ko pa ang paslit kung sayo yan? " " Anong ibig mong sabihin!? " " hindi ikaw ang ama ng dinadala niya... Kaya umalis ka na. Nakipagsundo ako sa mga lolo mo na ititigil ko na ang laban dahil sumama naman na sa akin si Vanadey. " Lumuhod ako sa harapan ni Vanadey. " wag mo naman gawin saakin ito Vanadey. Hindi ko kayang mabuhay na wala ka sa piling ko. P-please! " halos maubos na ang mga luha ko sa pag iiyak. " bitawan mo ako! " sabi nito " hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi saakin na hindi mo na ako mahal.. Na hindi mo na ako kailangan sa buhay mo! " Nakita ko kung paano tumulo ang liha niya sa semento. Inangat ko ang ulo ko para tignan ulit siya. " H-hindi na kita m-mahal Lu-lucifer kaya bitiwan mo na ako. Sasama na ako sa kanya. " Sa pagbitaw ng mga kamay namin. Siya naman bumuhos ang sakit na nararamdaman ko. Sa pagtingin sa babaeng sobra kong minahal na papalayo kasama ang lalaking kaaway ko. Ang paglipad ng helicopter ay halos nanikip ang dibdib ko sa sakit. Pati ang kalangitan ay nagluluksa din sa aking sakit. Bumuhos ang malakas na ulan sa aking katawan. Hindi pa din ako umaalis kung saan ako lumuhod sa harapan niya. Ang pangalan lang niya ang lumalabas na salita sa aking bibig. "Vanadey!" " mahal ko!" " bakit!?" Pagkagising ko ng umaga binisita ako nila Papa. " Anak, alam ko masakit sayo pagkawala ni Vanadey.. Pero siya mismo ang sumama kaya wala kaming nagawa." " Iwan niyo muna ako Pa. Ayoko munang may kausap!" Dito sa Hideout ako tumutuloy mula ng iwan niya ako. Nahanap nito ng matrace nila ako. " baby nag aalala ang mama mo sayo., ilang araw ka ng hindi kumakain... " " Para saan pa ba ang mga dahilan Ma? ni ang babaeng mahal ko ay iniwan na ako. " " lahat ng desisyon ay may rason anak.. Siguro may rason bakit siya sumama kay Taehzy." " Anong rason? Hindi ko maalala na may ginawa akong mali sa kanya.? Naniwala siya agad sa lalaking hindi pa niya nakakasama" " Anak, sa tingin mo hindi ba sayo ang baby?" Alam kong saakin ang bata sa sinapupunan niya. Dahil nararamdaman ko ang pitik at dugo nito. Hindi ko sila sinagot. Humiga lang ako sa kama at nagpanggap na inaantok. Nagluto si Mama bago sila umalis. " hindi ko alam kung anong rason mo Vanadey... Kung bakit ba kaya mong sabihin na hindi mo na ako mahal... kung totoo man yan ay tatanggapin ko. Maging safe lang kayo ng anak ko." Sa nagdaang tatlong buwan, bumalik ako sa Hospital para gampanan ang tungkulin ko, pero hindi na bumalik ang sigla sa aking mga mata. Siya lang kasi ang dahilan ng kasiyahan ko araw araw maliban sa pamilya ko. " Doc may pasyente pong nagwawala... Ayaw kumain." sabi ng isang nurse " ako ng bahala..." Vanadey pov Habang kinulong ako ni Taehzy sa kwarto, inaalala ko si Lucifer. Hawak ang tiyan ko na nakikita na ang pag umbok nito. " Baby,,, sorry kung inilayo kita sa Papa mo. Hindi ko na kasi alam gagawin ko para lang mabuhay ka at ang papa mo" Flashback Pagkalaman ko na buntis ako, agad agad kong sinabi kay Xuen. Ramdam ko ang saya sa aking labi. Magkakababy na kami ni Lucifer, tsak matutuwa ito.. Lalabas na sana ako ng banyo ng tumakip sa ilong ko kaya nawalan ako ng malay. Nagising ako na nasa Isang kwarto ako.,hindi pamilyar madumi na parang stock room " gising ka na pala my dear..." Sino ito? Yung lalaking Taehzy ang pangalan. " anong kailangan mo sa akin?" " ikaw Vanadey... Ikaw lang ang kailangan ko.!" " pakawalan mo na ako, maawa ka saakin. Buntis ako.!" " alam ko, nakita ko ang hawak ha wak mong PT., alam mo bang ayaw kong maging katulad ka niya tapos eto pa magkakaanak kayo ng halimaw na yun? Hindi na ako papayag Vanadey... Akin ka lang! " Lumapit ito para pagnasahan ako. Pumalag ako dahil hindi pwede... " jebal hajima! " iyak kong sabi. -please don't! Tumigil naman siya. " Vanadey ako ang dapat na mahal mo. Ako dapat... Ako dapat ang gagamot sayo noon eh, kapalit ng pagpapakasalan mo saakin. Pero ang lintik na Lucifer na yan, ginamot ka niya gamit ang bwisit niyang dugo!" Niyakap ko ang sarili ko. " Kapag hindi ka magiging akin.. Papatayin ko ang bata diyan sa sinapupunan mo kasama ang ama nito! Kaya mamili ka ngayon Vanadey! Ako o Ang halimaw!? " Hindi ako nakasagot kaagad. " Khloe! Ilabas mo ang aconite.. Kailangan mawala ang bata!" Lumabas ang babaeng hawak ang syringe. " No.. Please gagawin ko ang lahat wag lang ang anak ko.! "pagmamakaawa ko. " Mabuti kung ganun... Pababalikin kita sa kanya, hindi para makasama siya kundi para iwan at saktan siya." " Bakit hindi mo nalang ako patayin? " " gawin ko man sayo ay hindi pwede... Mahal kita Vanadey! Mas kaya ko pang patayin ang lalaking mahal mo kesa ikaw. " "... Kaya makinig kang mabuti. Ituturok ko sayo ang isang posion na tumatagal lang sa 24 hours, kapag hindi ka pa bumalik mawawala ang anak mo... aagos ang dugo, at mawawala na ito. " Ayoko mang saktan si Lucifer, ayoko din itong makitang mamatay kasama ang anak namin. Pumayag ako, sa pag inject ng posion saakin, lumabas ang mga pasa sa aking katawan. Pinainom nila ako ng pampatulog. At doon nawalan na ako ng malay. Nagising nalang ako na nasa hospital ako nila Lucifer. End of flashback " Mam kumain na daw po kayo para hindi kayo maghina pati ang baby." Siya ang nurse/katulong ko. Siya ang nag aalaga saakin ng tatlong buwan. " Ano na ang result ng check up ko sa baby ko?" " mam wala pa po sinabi ni Sir..." Kinukulong nila ako dito sa bahay na ito. Kung saan nasa gitna kami ng bundok. Si Yessa ang ang kasama ko parati kapag umaalis si Taehzy. " Mam kakaiba talaga ang paglaki ng tiyan niyo. " " napapansin mo din?" " Opo mam... mukhang gusto na niyang lumabas.." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Iniimagine ko kung kamukha nga ba niya si Lucifer kapag lumabas. " Samahan mo na ako kumain para mapadami ang kain ko... " Kinabukasan ay siyang balik ni Taehzy may dala dalang baby dress... na pang baby girl. " Ito tignan mo ito., bagay sa baby girl ang damit na ito." Mabait saakin si Taehzy hindi niya ako sinasaktan mula ng sumama ako sa kanya. Hindi din kami magkatabi sa kama, ang isa ikinasaya ko dahil hiwalay kami. " paano mo namang nasabi na baby girl ang anak ko!? " " Vana anak natin siya... " giit niya. Ayokong kontrahin baka magalit pa siya. Kapag kinokontra ko kasi siya noon at kinukumpera kay Lucifer ay umaalis ito. " Ang aga mo namang bumili, maliit pa naman ang tiyan ko. " " ang cucute kasing tignan ang mga damit ng baby sa Mall pagkadaan ko. Kaya bumili na din ako." " Salamat..." kusang lumabas sa bibig ko ang salitang iyon. Tinignan niya ako at lumapit para yakapin. " Natutuwa ako dahil sa salitang salamat na sinabi mo Vana... " Hindi ko siya niyakap. Sinamahan ko nalang ito mag ayos ng mga pinamili niya para saakin. Sa balconahe nakatanaw ako sa view, mga punong berdeng berde ang kulay at mga halaman ni Yessa sa hardin. " Bakit nandito ka pa sa labas baka malamigin ka" " wala gusto ko lang tignan ang tanawin... Naaalala ko kasi ang Forest ko sa Korea." " gusto mo bang bumalik sa Korea?" " hindi... Mas gusto ko na dito... tahimik." " Vana... iniisip mo pa din ba siya?" si Lucifer ang tinutukoy nito. " Pwede ba akong magkape? " pag iiba ko ng usapan. Ngumito naman ito. " Sandali at pagtitimpla kita ng kape... " Bumalik ito sa loob. Niyakap ko ang sarili ko. Kahit kailan ay hindi siya nawala sa isip at sa puso ko.. Bukod tanging si Lucifer lang ang mahal at mamahalin ng puso ko. " a-aray!" Sabay hawak sa puson ko. " Ahh... Argh...ahh..." nakaramdam ako ng likido sa aking pagitan. Tinignan ko ito.. Dugo? Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko para pumasok at humihingi ng saklolo. " Y-Yessa! T-taehzy!" " Vana!" " please ang baby ko!" " Yessa ang susi ng kotse dalian mo!" Pagkakarinig ko sa sigaw ni Taehzy ay nawalan na ako ng malay. Lucifer pov Napaka kulit talaga niya. Hindi daw siya kakain kapag hindi ako ang magpapakain sa kanya. Halos lahat kasi ay ayaw niya pati kay Jullian. " tinotopak na naman ang pasyente mo.. Kabaligtaran niya si Vanadey!" napatigil naman si Jullian sa pagkakasabi nito. " Sorry..." Mag iisang taon nadin na nawala si Vanadey. " Ok lang naka move on na ako." " Puntahan mo na pasyente mo.. Napaka arte, mas gwapo naman ako sayo" " Hoy Jullian, ano naman kalokohan mo? Pati chix ni Lucifer aagawin mo" Biglang singit ni Aira. " eto naman napaka selosa..." sabay halik kay Aira. " Umalis nga kayo sa harapan ko, gagawa na nga lang kayo ng baby sa harapan ko pa" " pinanganak na kaya niya baby niyo?" Si Aira naman ang nagsalita Hindi ako kumibo. " Sige maiwan ko--ahhh!" bigla akong napahawak sa dibdib ko. " dude ok ka lang? Anong masakit?" " dibdib mo ulit?" Aira. Napapadalas ang pananakit ng dibdib ko nitong nakaraang buwan hindi ko alam kung bakit. " mas masakit ngayon kesa nagdaang araw. " " kinakabahan ako sayo Casfear!" Tumayo ako ng tuwid. " Dude... " " Si Vana..." Aira "... Hindi kaya si Vanadey ang dahilan kung bakit ka nakakaramdam ng sakit diyan sa dibdib mo?" " konektado ang dugo niyong dalawa mula noong ginawa namin sainyo ni Lolo King. " Ano na kaya nagyayari sa kanya? Teahzy Pov " Kamusta na siya? " " Taehzy, humihina na ang katawan niya... " Nanlumo ako sa resulta., dalawang buwan na ng mailabas niya ang anak nito ay humina na ang katawan niya. " anong kailangan natin gawin para maging stable siya?" " Ang dugo ni Lucifer... " " alam mong ayokong maging katulad niya ang lalaking yun..." " ngunit magkadugtong ang dugo at ugat nilang dalawa... Kapag may nangyari kay Lucifer ay ganun din mangyayari kay Vanadey. " " paano ang baby.? " " the baby is fine.. malakas ang bata. mabuti nalang noong tinurukan mo siya ng Aconite ay agad nilabanan ng blood cells ang lason But Zy her body can make it if we wasting time. ". " Call Khloe... Gusto ko siyang makausap". " I'm telling you what is right Zy, I can't save her next time... " Pagkaalis nito ay dumating naman si Khloe. " mwo?" " jeon nampyeon-ege yeonlag hal su issseubnikka" -Can you contact your ex husband? " wae?" -why? "Vana-eun saengjon-eul wihae ingan-ui piga pilyohabnida - Vana need the human blood to survive " hwagsilhabnikka? " -are you sure? " yes" "Ok... ibabalik mo siya sa kanya?" " nope... ibabalik ko lang ang anak niya kapalit ang dugo nito para mabuhay si Vanadey." " too obsessed brother... Baka mamaya ikaw din ang masasaktan" " It won't happen..." Jullian pov Isang tawag ang natanggap ko mula kay Khloe. Bumalik na din pala sila. Nakikipag kita ito sa akin. Pero hindi ko alam kung paano ipaalam kay Aira. Nagdesisyon akong hindi magpaalam. Pinuntahan ko si Khloe sa Isang restaurant. " Nag order nalang ako ng meryenda dahil hindi naman tayo magtatagal." " anong kailangan mo saakin?" " Jullian si Vanadey... kailangan niya ng tulong..." " andito si Pilipinas si Vanadey?" " hindi sila sumama ni Kuya... Nasa malayo sila ng probinsya., pero Jullian kailangan niya ng dugo ni Lucifer. " " Bakit? " " I don't know how to explain dahil hindi ako doctor... Pero sabi ni Kuya. Para mabuhay si Vanadey ay kailangan niya ng dugo." " Ang anak nila ni Casfear? " " she's safe... " " Pwede ko ba siyang makita? " Tumango ito. After that ay sinama niya ako out of the province. Pero biniringan niya ang mata ko bago kami tumuloy sa lugar nila. Naramdaman ko na malubak ang daan.. higit 20 akong nakapiring bago tumigil ang saskayan. Hindi pa din nito inalis hanggang makapasok kami sa loob. Sa isang kwarto. Nakita ko ang itsura ni Vanadey., pumayat na ito at mapusyaw na. May oxygen din itong nakalagay sa ilong nito. " Ilang araw na siyang ganito?" " Ilang buwan na..." sagot ni Taehzy " Bakit hindi niyo siya pinatignan?" " Jullian may Doc siyang tumitingin sa kanya pero hindi niya kaya.. Kayo lang nakakaalam ang kalagayan nito" Khloe " kaya pala nakakaramdam din siya ng sakit.. Dahil sa kalagayan ni Vanadey." "what do you mean?" Taehzy " Magkakonektado ang ugat at dugo nilang dalawa.. Nakakaramdam sila sa isa't isa ng sakit kapag may nangyayari sa isa." "unbelievable..." Khloe " Can you give her a blood of yours Jullian?" " Hindi kami magkamatch ni Vanadey... Si Lucifer lang siya magkamatch..." Naglumo naman si Taehzy.. " only thing that can save her is bring back to Lucifer..." " No... I won't " Taehzy. Ayaw parin niyang pakawalan kahit nasa alanganin na ang buhay ni Vana. " How about the baby? " " I'll give the baby... but I need Lucifer's blood." chinek up ko muna si Vanadey bago tinignan ang baby. " she's strong like her Father." sambit ko. " I didn't give her yet a name dahil gusto ko si Vanadey ang magbibigay.. Kaso after birth ay hindi na sila nagsama...hindi pa din nito nasilayan ang baby niya." " I'll convince Casfear to do the Blood transfusion... " " thank you Jullian." " Can I take her a picture. "tukoy ko sa baby. Pumayag naman sila. Pagkahatid saakin ni Khloe sa bahay ko. " Wanted pa rin ba ako? " Natawa naman ako sa tanong niya. " Ofcoz. Hinahunting ka ng angkan ng asawa ko. " " ang dating asawa ko ay may asawa na... " " hindi legal ang kasal natin..." "yeah right... Bumaba ka na," " good to see you Khloe, sana magbago na kayo." " we can't... our bloods run illegal business.. And you know that" " careful then... Drive safe.!" Pagbungad ko sa pinto isang swipe knife ang sumalubong saakin. " saan ka nanggaling lalaki?" " Ano ka ba papatayin mo ba ako?" " tinatanong kita...!" " Myloves wait lang.. Mag eexplain ako." Isang suntok ang binigay niya saakin bago ako nawalan ng malay.. Ok Good night ?????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD