40

3212 Words
Lucifer pov Hindi ko inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa pasyente ko na si Celine Bartollome. Napaka spoiled nito at happy go lucky. Makulit siya kaya halos araw araw akong kinukulit. " Dude bakit nawala ka kahapon? Saan ka pumunta?" tanong ko kay Jullian " Dude... nahanap ko na si Vana--" Pinutol ko ang sasabihin niya. " Aalis na ako" Pero pinigilan niya ako. " Dude... Kailangan ka niya." " Kailangan?? Bakit?? Pagkatapos niyang sumama sa lalaking yun? Kakailanganin niya ako? Anong kalokohan yan Jullian" " She needs you and your daughter..." Napatigil ako sa paghakbang ng banggitin niya tungkol sa anak ko. " Jullian hindi ko alam kung anong gusto mong ipahiwatig... Pero wala na akong pakealam, kung ano man yan ay hindi ko siya tutulungan.." Mag iisang taon na mula mawala siya., ako ba inisip niya? Tapos ngayon ay hihingi siya ng tulong? Iniwan ko si Jullian sa canteen at dumeretso sa Room ni Celine. " Ikaw pala Doc.. " " bukas ay madidischarge ka na, wag mo ng balaking magpakamatay ha." " wala ng rason dahil nakilala na kita" paglalandi niya. Maganda naman siya, lahat ata ng gusto ay gusto nitong makuha. " Doc may gagawin ka ba this saturday.. Date tayo.." Natawa naman ako sa sinabi niya. " bakit? Anong nakakatawa sa sinabi ko?" " straight forward ka talaga..." " sige na..." " Ok I'll pick you up... sabihin mo kung saan ang bahay niyo" " talaga?" Tumango lang ako. Siguro nga panahon na para sarili ko naman ang uunahin ko. Imuwi ako sa bahay pero ni isa ay wala akong nadatnan. Maliban kay Casper. Saakin iniwan ni Xuen ang aso ni Vanadey dahil sa bahay na siya ni Aim tumira. Si Jullian ay sa sariling bahay ni Aira.. " Asan sila Casper?" Ngunit kahit ito ay hindi ako pinansin. Kinabukasan ay papasok na sana ako kotse ng dumating sila Mama. " Ma saan kayo nanggaling.?" Dumeretso lang ito at nilampasan niya ako. " Pa? Anong nangyari kay Mama?" Ibubuka pa sana ni Papa ang bibig ng sumigaw si Mama " VALENTINE! SUBUKAN MONG SABIHIN MALILINTIKAN KA SAAKIN!" " what the hell... Pa anong nangyayari kay Mama bakit galit na galit..!?" " pumasok ka na sa hospital... " bakit parang ilang sila sa akin? Saakin ba galit si Mama? Sa hospital inayos ko ang record ni Celine dahil uuwi na ito mamaya. Napadaan ako sa office ni Jullian pero sarado ito. " Excuse me..Wala pa ba si Doc Jullian? " " Naka leave po siya kahapon Doc. may out door patient siya." " Who?" " hindi sinabi ni Doc Jullian.. Doc eh. Pero ang dami niyang gamit na hiniram." Nagtataka naman ako. Dati ay pinapaalam naman niya saakin kapag magleleave ito. Hindi ko nalang sila inisip dahil may ooperahan ako mamaya. Kapapasok ko palang sa office ko ng biglang sumakit na naman ang dibdib ko. Pangalan niya ang unang pumasok sa isip ko. VANADEY Umupo ako upang hindi ito sumakit. Bakit parati nalang nangyayari ito saakin? Tama kaya ang sinabi saakin ni Jullian? Kailangan ako ng mag ina ko? Aeal pov Kadarating lang namin dito sa Rest house ni Taehzy para tignan sina Vanadey at ang apo ko. Kasama ko sina Aira, Jullian, Xuen, Aim, Papa Bullet at Tito King at si Fairy. " Iho kamusta na kalagayan niya?" tanong ko. Sinulyapan ko sina Aira na hawak hawak si Vana Pearl. " Nagiging Ok na po siya., pero hindi po tumatagal ang dugo na isinalin sa kanya." " Tito King ano ang dapat gawin sa kanya para bumalik siya sa dati? " " Iisa lang naman ang 100 percent, ang dugo ni Lucifer." " pero lolo ayaw niyang tulungan si Vana. " " sorry sainyo kung hindi sa lason na itinurok ko sa kanya ay hindi sana mangyayari ito sa kanya. " " Iho.. hindi mo kasalanan. Dahil kahit hindi mo nilason ang dugo na nasa katawan ni Vana ay mangyayari din sa kanya ito. Kay Mommy ay nangyari din ito sa kanya noong pinagbubuntis niya ako. Habang tumatagal ay lumalakas ang baby sa sinapupunan. Nadadamaged ang ibang parte ng katawan kaya nagiging delikado ang buhay ng Ina gaya kay Vana. " sagot ko. " akala ko ba ay mahal na mahal niya si Vanadey? Bakit pinapabayan niya ito pati ang baby? " Xuen Hindi namin nasagot dahil kahit kami ay nagtataka din. " Iho yung dugo ni lola Reishel ay nasa cooler., 3 bag lang ito dahil hindi naman pwedeng ma drain si Lola. " " Salamat po... iaayos ko lang po ito sa freezer. " pagkaalis ni Taehzy biglang lumapit saakin si Eros. " mapagkakatiwalan kaya natin siya?" bulong nito saakin. " Siguro.. hindi niya sasaktan si Vana at si Pearl. Kaya ayos lang saakin." " Tita paano kaya kung hilingin natin kay Vanadey na saatin si baby Vana Pearl?" Sasagot na sana ako ng makita ko si Vanadey na nasa pintuan pilit nitong humahakbang. " My gosh anak.. Bakit ka bumangon!? " inalalayan namin ito upang umupo. " G-Gusto ko pong mahawakan ang b-baby ko" Ibinigay naman ni Aira si Baby. " Napakaganda ng baby ko.," sambit nito hawak hawak ang maliliit na kamay ni Baby. Napaluha naman ako sa nakita ko. Ito daw ang kauna unahang hinawakan niya ang anak nito. " N-narinig ko po na g-gusto niyo siyang k-kunin..." " Anak, Kung pumapayag ka. Pwede ba? " " P-pumapayag po ako. Pero isang l-linggo lang po. Ipapadala ko siya sa K-korea. Upang siya ang m-maging kapalit ko kina M-mama." Lumapit ako at niyakap ang mag apo ko at si Vanadey. " Walang problema anak.. ang isang linggo ay napakatagal na makasama namin siya. " " Anak... kailangan mong magpakalakas para makasama mo si Baby. " Eros " A-Appa? Si L-Lucifer? G-gusto ba din niyang m-makita at m-makasama ang baby namin?" bigla niyang tanong. Nagkatinginan kaming lahat. " Girl ano ka ba... Syempre sabik na sabik na siyang makita si Baby Vana. " Xuen. " Oo nga anak, busy lang ito dahil may operation siyang nakalinya. Alam mo naman ang mga Doctor diba? " Pinandilatan naman ako ni Papa Bullet sabay tingin kay Jullian. Shit Doctor din pala si Jullian nakalimutan ko. Tinignan din niya si Jullian. " ah kasi A-ano Vana nakaleave ako, dahil nagbabalak kaming maghoneymoon ni Aira. " pagsisinungaling niya. Kay baby man ito naka focus alam ko na hindi siya naniniwala. " Baby paglaki mo, B-Bantayan mo ang d-daddy mo ha, Sabihin mo parati kung gaano ko siya k-kamahal.. " Doon naging emosyonal kami sa mga sinabi niya. Hindi kinaya ng katawan ni Vanadey na pinagdadalang tao nito si baby., lalo pa itong nanghina ng pinanganak niya ito. Kung sana ay hindi nalason ang dugo nito ay makakaya pa siguro na maghilom ang mga nasirang parte ng katawan nito dinulot ni baby. " Apo wag mong sabihin yan... makakasama mo si baby." Lolo Bullet na halos naiyak iyak na ito. " Apo andito lang kami para sayo..." Lolo King. " Magbabake pa kaya tayo ng cake." Fairy. " Omma... P-pwede ba akong h-humiling..?" " ano yun anak?" " K-kapag bumibigay na ang k-katawan ko., p-pwede niyo bang ilayo niyo ang a-anak ko sa tabi ko? at manatili f-forest habang mawalan ako ng b-buhay? G-gusto kong tumira doon ng habang b-buhay" kahit nahihirapan na siyang magsalita ay pinipigilan din nitong lumuha. " mygosh anak...!" yun nalang nasabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit. " P-pwede niyo na po s-siyang kunin.." binigay niya saakin si Baby. Binuhat siya ni Taehzy pabalik ng kwarto nito. Nagpaalam kami sa kanila. " Iho.. Babalik kami sa susunod na araw para dalhan siya ng dugo." Lolo Bullet " salamat po..." " Salamat at pumayag ka din ipahiram si Baby saamin" Eros " May karapatan po kayo sa kanya..." " Kung may mangyari man ay tawagan mo ako o isa saamin" Aim " Babalik ako dito bukas." Jullian Kami nila Aira Xuen at fairy ay abala sa pagaayos ng gamit ni baby. Pagdating namin sa bahay nadatnan namin ang anak kong si Lucifer. " Ma ano yang dala dala niyo?" Tinignan ko siya ng masama. " anong ano? Nakikita mong baby ang hawak ko LUCIFER... at hindi ito isang bagay para itanong mo yan saakin.!" gakit kong sagot. " My lady... Relax baka magising si Baby." Eros. " bakit andito kapa? Hindi ba sa hospital ka nakatira?" " Ma ano bang nangyayari sayo? At sino naman yang baby na hawak mo? " Sarap hagisan ng kunai ang anak kong ito. " ANG HAWAK KONG ITO AY ANG NAG IISANG APO KO...! " ? mukha nito " Anak, siya si Baby Vana Pearl ang anak niyo ni Vanadey. " Lumapit ito sa amin ngunit inilayo ko ito sa kanya. " Sa tingin ko ay wala kang pakealam sa kanya... kaya iaakyat ko na siya sa kwarto.. Eros dalhin mo ang mga gamit ni baby." utos ko sa asawa ko. Galit na galit ako sa anak ko.,dahil sa sinasapit ngayon ni Vanadey. Naawa ako sa batang yun, halos madurog ang puso ko sa kalagayan niya. Lucifer pov " Vana Pearl?? " sambit ko. Nakakasama nila si Vanadey? Tinawagan ko si Jullian upang itanong sa kanya tungkol kay Vanadey. Pero hindi niya ito sinasagot. Hindi ako nakatulog dahil gusto kong makita ang anak ko. Ayaw talaga ipakita ni Mama saakin. Kinabukasan natanaw ko sina Mama na nilalaro ang anak ko. Masayang masaya sila habang kandong kandong si baby. Minabuti ko nalang umalis, sinundo ko si Celine para sa request nitong date. Sinundo ko ito kumain sa korean restaurant at namasyal kami sa park. Gusto ko sanang liwanagin sa kanya na paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya at hanggang doon lang. " Celine, may mahal na ako sana wag mong lagyan ng malisya ang pakikitungo ko sayo" Naglalakad kami patungo sa hideout ko. Mula ng makapasok sila mama dito ay pumapayag na akong magdala dito ng taong gusto kong dalhin. " Pero gusto kita Lucifer.." pag aamin niya saakin. " May anak na kami Celine... matagal man kaming nagkahiwalay ay hindi parin siya nawala sa puso ko" Nakikinig lang siya saakin. " ang ganda naman dito... Napakaswerte naman niya dahil may isang katulad mo na nilalandi na pero faithful pa din." Natawa naman ako sa sinabi niya. " Mas maswerte ako Celine dahil hindi lang ang babaeng mahal ko ang mwron saakin,.. Meron pa akong anak na makakasama. " " Sana all nalang ang isasagot ko diyan. Hahaha" Nagkwentuhan kami habang hinihintay ang sundo nito. Aalis na pala sila pauwi ng Manila. Sa park ng Hospital kami nagpaalam. Niyakap niya ako " Thank you so much Doc Lucifer for taking good care for me. At I'll put into my mind ang lahat ng advice mo saakin. Maybe someday magcrocross ang landas natin kasama ang mga mahal natin sa buhay." Niyakap ko din siya. " be a good girl... Kilalanin ang lalaking mamahalin mo... Ok!? " Siya na ang bumitaw sa pagkakayakap. " dito na sundo ko... Bye Doc.. TAKE CARE... " at nag flying kiss pa ito. Sana nga makakasama ko na sila.... Vanadey pov " Taehzy..." tawag ko sa kanya. " Ano yun Vana? " " S-samahan mo naman ako..." " Saan?" " G-gusto kong silipin si Lucifer bago ako m-mawala... P-Please pagbigyan mo naman ako. Sa huling p-pagkakataon m-masilayan ko siya." " sasaglit lang tayo... hindi ka pwedeng magpakita sa kanya. " " p-angako.. " Nagbiyahe kami upang ibigay niya ang kahilingan ko. Nakita ko siya na may kasamang babae papunta sa kanyang Hideout. Napasukyap ako sa hawak hawak kong susi... Ang susi ng kanyang hideout. Sinundan ko sila sa di kalayuan. Ang saya nilang tignan., " Tama ang narinig ko kahapon, wala ka na nga talagang pake saamin ng anak mo. Kahit magsinungaling pa sila para gumaan ang loob, duda pa din ako." ang mga luhang kanina pa pumapatak ay bumuhos na ito. " masaya ako dahil masaya ka na sa piling niya... Sana wag mong pababayaan si Vana Pearl. " Hinintay ko silang makalabas sa hideout. " Aalis na tayo? " " s-sandali nalang Taehzy... " Nakita kong pagawi sila sa Park. Bumaba ako at nagtago sa isang puno. Sobra akong nasaktan ng makitang nagyakapan silang dalawa at nag flying kiss pa ito kay Lucifer. " Lucifer... Paalam! Mahal na mahal kita... pero kailangan na kitang pakawalan... mahal ko patawad!" Nanghihina na ang tuhod ko, halos mabuwal na ako sa pagkakatayo ng masalo ako ni Taehzy " Umuwi na tayo..." Jullian pov Isang tawag ang nagpagising saakin. Zy calling " hello Zy bakit? ANO?! sige papunta na ako... salinan mo agad sila ng dugo.. Sige sige.. " Ginising ko si Aira para ipaalam sa kanya. " Sabihin mo nalang kina tita.. Kelangan na ako doon.." " sige mag iingat ka tumawag ka pagkarating mo, i update mo ako sa kalagayan niya susunod kami" Halos paliparin ko na ang sasakyan makarating lang sa rest house nila. " Zy nasalin mo na?" " Oo pero walang nangyayari... hindi pa ito nagigising mula ng inatake ito ng sakit" Tsinek ko ang vital sign nito, mahina na ang pulse nito. " Bakit hindi na gumagana ang dugo sa kanya?" tanong niya sakin. Biglang nagsalita si Vana... nag iba na ang boses nito at napakahina na. Nilapit ni Zy ang tenga nito uoang marinig. " Anong sabi?" "gusto na niyang umuwi sa Korea at mag stay sa forest niya." " tatawagin ko ang mga magulang niya... as soon as posible kailangan na natin siyang dalhin." saad ko. Hinintay namin sina Tita. Hawak hawak ni Zy ang kamay ni Vana. " Jullian!" tawag ni tita. Dumating na sila " Hindi na tinatanggap ng katawan niya ang dugo tita... At nagpapa uwi na ito sa korea. " Doon na ang iiyak si tita at inaakay naman siya ni Tito. " Ipapaalam ba natin kay Lucifer?" tanong ni Aira. " Ayaw niyang ipaalam... Yan ang binilin daw ni Vana. " " dadalhin ba natin ang baby? " " wag muna... maiiwan muna siya dito. Tsaka lang iuuwi kapag --" " Jullian!" tawag sa akin ni Zy. Agad akong tumakbo sa kwarto. " please Jullian dalhin na natin siya sa Forest niya mahinang mahina na siya.! " Wala akong nagawa kaya pinaayos ko agad ang ticket pauwi ng korea. Naghintay kami ng 1 oras ng pagdating ng Hecky (helicopter). Ako ang makakasama nila sa pagbiyahe papuntnag korea. Dahil wala ng available na ticket sa araw na ito. Hinatid kami nila tita hanggang Airport. " Jullian magmessage kayo saamin, nakapag book na kami para bukas." Eros " Yes tito..." Hinarap ko ang asawa ko. " My loves... Sundin nalang natin ang hilingin ni Vana. wag mong sasabihin sa kanya." " Pero --" "please my loves.." Tumango naman siya., nagpaalam ba ako at hinalikan siya. Sinalubong kami ng mga magulang ni Vanadey. Nagalit ang ama nito sa sinapit ng kanyang anak. Sinisisi niya si Lucifer... pero di nagtagal ay naintindihan na din nila ang nangyari. Nalaman nilang may apo na sila kaya lungkot at saya ang naramdaman nilang mag asawa. Kinabukasan Pinagpasyahan na dalhin si Vanadey sa kanyang Forest upang makalanghap siya ng sariwang hangin. Nakawheelchair ito at pinamamasyan niya ang kanyang napakagandang forest. Dumating sina Tita Tito Aim Xuen at si Aira. Hindi daw nakasama dahil hindi maganda ang pakiramdam nila lolo. At si lolo Bullet naman ay inaalagaan si lola Aeal dahil sa nalaman niyang kalagayan ni Vanadey kaya inatake siya. Hawak hawak ni Xuen si baby Vana Pearl. Lumapit kami kay Vana. " anak andito na kami..." Lumingon ito saamin at ngumiti. Makikita mong hindi ang totoong ngiti ni Vanadey ang pinukol niya saamin. Hindi na ito nagsalita at bumaling ulit iti sa mga puno. Ang mga magulang naman niya ay iyak ng iyak habang katabi nila ang apo nila. " T-Taehzy... ina - aantok na ako.. G-gusto ko ng magpahinga. P-pagod na pagod na a-ako" . Mas lalo kaming naawa sa kanya ng sabihin niya itong pagod na. Binuhat naman ni Taehzy si Vana. " Omma... Appa... Mianhe! deo isang cham-eul su eobs-eo" -Mama Papa sorry, I can't take it anymore. " nae ttal-eul dol bwajwo ... naneun geunyeoleul neomu saranghae" -Take care of my daughter...I love her so much " Vana nal tteona jima" Taehzy -Vana don't leave me. " jeoleul sarang haejwoseo gomabgo, dasi saranghaji moshaeseo mianhe seo" -Thank you for loving me, and I'm so sorry for not loving you back. "dangsin-eul saranghaneun geos-eun gwaenchanhseubnida" -it's ok loving you is my pleasure to make. Hinawakan ni Vanadet ang mukha ni Taehzy bago ito pumikit. Pagkapikit nito ay siyang paghulog ng kanyang kamay. Hindi nakita ni Lucifer ang pagkawala ni Vanadey. May inis akong nararamdam sa kanya., pero wala kaming magawa dahil isa kasi yun ang hiling ni Vana. Hindi kami nagtagal sa korea. Pagkawala niya crinamate si Vana at inilibing sa kanyang sariling Forest. Pinalagyan nila ng.. VANADEY' FOREST Dalawang araw kami nagstay para makasama si Baby Vana Pearl dahil sa pangangalaga ng magulang nito nakahabilin ang bata. Mugto kaming umuwi ng Pilipinas. Nag alay kami ng dasal sa bahay nila tita si Vana. Na siyang pinagtaka ni Lucifer. " Ano bang nangyayari dito?" Hindi na ako nakatiis kaya tumayo ako at hinarap siya. " Galing kami sa Korea... sa burol mismo ni Vanadey... Pinagdarasal namin siya." seryoso kong sagot. " burol? Pinagloloko niyo ba ako?" " sa tingin mo Lucas kalokohan ba ang ginagawa namin ngayon? sino ba saamin ang tumatawa?" Aim " Ma Pa...!" " Noong Martes nawalan ng buhay si Vanadey anak... andoon kami sa tabi nito ng mawala siya." Tito Eros Napaupo ito sa sofa. " Bakit hindi niyo man lang sinabi saakin? Asan ang anak ko!? " " Sinabi namin sayo noon ang kalagayan niya. Humingi ako ng tulong sayo kung naaalala mo. Pero tinanggihan mo lang. Casfear hindi kinaya ni Vanadey ang pagbubuntis nito at ang panganganak nita sa anak niyo kaya nanghina ito. Wala na ang dugo mo sa katawan niya kaya siya nanghihina. " Tumayo si tita at hinarap din ito. " Kaya kami parating wala dahil dinadalhan namin siya ng dugo mula sa dugo ng lola Reishel mo... hindi pa din ito sapat dahil ang dugo mo lang ang pwedeng tanggapin ng katawan niya, pero anong ginawa mo anak? Alam mo na kung nasaan ang mag ina mo pero hindi mo man sila pinuntahan... ngayon sasabihin mo yan saamin?. Kaya wag kang magtaka na pati anak mo ay ayaw sayo. " tsaka nag walk out si Tita. Nagsi alisan ang ibang angkan. Umiiyak siya sa harapan ko. " Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya.. " " alam mo yan Casfear... Dahil ang sakit na nararamdaman ni Vana sa puso ay siya din nararamdaman mo. " Tinignan niya ako. " Hindi mo lang kayang harapin ang mag ina mo dahil nasaktan ka. Pero alam mo ang totoo Dude... Iniwan ka niya, hindi dahil hindi ka na niya mahal.. Iniwan ka niya para mabuhay ang anak niyo, at ang kaligtasan mo. Mas pinili niyang sumama kay Taehzy para mabuhay kayo ng ng anak mo. " " alam mong malambot si Vanadey, kaya hindi niya alam na meron pang paraan para hindi ka niya iwan ngunit mas pinili pa din niya ang desisyon yon dahil ayaw ka niyang nakikitang nasasaktan. " " halos pangalan mo ang sinasambit niya kapag nasasalinan siya ng dugo....ang mga kirot at hapdi ay siyang pagbigkas ng pangalan mo para palakasin niya ang loob nito. DUDE AKO MISMO NAKAKITA ANG MGA SINAPIT NI VANA... NA SIYA DAPAT AY IKAW ANG HUMAHAWAK SA KAMAY NIYA AT HINDI SI TAEHZY. " "..... Nagmahal lang si TAEHZY. PERO KITANG KITA KO KUNG PAANO NIYA ALAGAAN ANG ANAK MO AT SI VANADEY. NA HINDI MO KAYANG GAWIN SA KANILA...! NARARAPAT LANG TALAGA NA INIWAN KA NIYA. IPINAKITA MO LANG SA KANYA NA... HINDI IKAW PARA SA KANYA HANGGANG SA HULING HININGAN NIYA. " Pagkatapos ko itong sabihin ay iniwan ko na din siya. Tama lang na malaman niya ang lahat. Wala naman na si Vanadey. Ano pa ba ang silbi ang paglalaban niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD