4

1527 Words
Vanadey pov Hindi mo akalain na may ganitong lugar malapit sa hospital. " bakit meron kang ganito dito doc?" Nakaupo kami dito sa gilid para matanaw ang sun rise.. Nakakabilib ang lugar na ito. " dahil sa kakulitan ng Mama ko.. At ang mama ko ang pinaka maingay sa angkan namin.. Pinaka makulit... halos araw araw niya akong kinukulit makipag date sa mga babae. " " bakit hindi mo subukan?" " wala akong oras Vanadey... nakasalalay saakin ang mga buhay na nangangailangan para mabuhay. " " napakabait mo doc sa mga pasyente mo." " Ito ang pinili ko sa buhay konhindi ko tinanggap ang posisyon na dapat nakatakda akin sa aming angkan. " " posisyon?... " " negosyo ng pamilya... " " nagpapasalamat ako at hindi mo tinanggap yun, dahil kung hindi wala ka sa tabi ko upang ipakita ang mga nakikita ko ngayon doc. " Tumingin naman siya sa akin at ngumiti " alam mo ba kung bakit ito ang pinili ko? dahil gusto kong may nabubuhay mabigyan ng pag asa makita nila ang panibagong buhay sa mundong ito." " taliwas ang pangalan mo sa posisyong meron ka Doc. " " si Mama kasi baby Monster ang tawag sa kanya noon. Kahit dalaga na ito ay yun pa din ang pinapangalan sa kanya.. Pinagbubuntis palang niya ako ay pinangalanan na ako ng lola ko na LUCIFER..dinagdagan lang ni Papa ng Casfear. " " kakaiba sila magpangalan hehehe" " sana wag kang magtaka kapag susugod sila dito bigla at kukulitin ka nila Vanadey dahil kahit pigilan ko sila ay hindi din sila titigil." " Na excite naman akong makilala sila kung ganun. Dahil ako mula pagkabata dalawa lang kami ni Manang magkasama.. "biglang lungkot ko. Hinawaka naman ni Doc ang kamay ko. " dito sa hospital hindi namin pinaparamdam sa pasyente namin na nag iisa at nalulungkot dahil naghihina kami makita kayong ganyan. " meron nga itong lungkot sa kanyang mga mata. " Sa sakit kong ito hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa mundo... Pero pinipilit kong pasiglahin at kayanin para maranasang sumaya sa saglit na buhay meron ako. Alam mo Doc si Manang nalang ang isa sa mga nagpalakas saakin maliban sa mga magulang ko. Kahit hindi ko sila nakakasama ay nagpapasalamat pa din ako na hindi nila ako pinabayaan. Binibigay nila kung ano ang pangangailangan ko. " " Gusto mo bang mapalitan ang puso mo? ". " hindi....Ayokong palitan ang puso na ito dahil ayokong may buhay na magsasakripisyo para mabuhay ako. " Lucifer POv " hindi... Ayokong palitan ang puso na ito dahil ayokong may buhay na magsasakripisyo para mabuhay ako. " Tumingin ako sa kanya. " hindi lahat ay kikitilin ang buhay para maibigay nila ang puso nila... " " pero puso nila yun... Kasali yun kanyang pagkatao. Puso ang isa sa mga importante sa ng tao. " " Paano kapag kusa nilang ibigay ang puso nila sayo.?" Bumuntong hininga ito. " Sa korea may isang dalaga na nagmamakaawa na ibenta sa akin ang puso niya.. Nagmamakaawa siya kina Omma... dahil pilay ito ay hindi na ito makalakad, isasakripisyo niya ang buhay niya para may pera ang mga kapatid niya... Sinabi ko kina Appa na bigyan siya ng tulong para makalakad at mabigyan siya ng trabaho para may maipakain siya sa mga kapatid niya. " " Ikaw pa ang nagbigay ng tulong gayong ikaw ang nangangailangan ng tulong upang mabuhay. " " pareho kaming may deperensya... Ako sa puso.. Siya ay paa... Ang paa ay naooperahan... Ang akin ay kailangan palitan. Hindi ko kailangan ang puso kung buhay naman niya ang kapalit. " " naniniwala ka ba sa himala? " " ne... Dahil kung wala ay bata palang ako ay namatay na ako. Ilang beses na akong namatay. " " nalaman ko nga yan... Sa record mo. " " Kung may himala ulit... Sana ay yung mabuhay ako ng matagal... Gaya ni Lira hindi siya tumatanda at may walang hanggang buhay.... Kahit na may kapangyarihan siya at reyna ng Encantadia ay pinili pa rin niyang makasama ang lalaking mahal niya. " " so Gusto mong mabuhay para sa taong mahal mo? " " kung pagmamahal na tinutukoy mo ay lalaking mamahalin... Bakit hindi?. Isa naman sa buhay natin ay magsakripisyo at magpakaraya eh... " " hindi kita maintindihan.... " medyo magulo ang kanyang gusto. Ayaw niyang may magsakripisyo para sa kanya.. Pero gusto niyang magsakripisyo para sa taong mahal niya. " mas sasaya ako kung ako magbibigay ng kasiyahan sa taong mamahalin ko.... " Hindi ako nagsalita... Nagkwentuhan pa kami hanggang nag alarm na ang phone ko. " Oo nga pala Vanadey...Ibibigay ko sayo ang susi na ito. Kapag gusto mong pumunta dito welcome ka sa secret hide out ko" inabot ko sa kanya ang susi. " Salamat Doc.." Bumalik kami sa hospital dahil 8 ay on duty ulit ako. Nagbibihis ako ng biglang bumukas ang pintuan ko. " goodmorning my baby Lucifer..." Kilala niyo ba siya? Siya si Lola Katana.. 80 plus na ito. " good morning too lola... Napasugod kayo?" " well May dala akong Flowers para sa dalagang pasyente mo.." Tsk heto na ang simula... " ok lola..." " my Baby Lucifer... pwede ba naming yayain siya sa bahay?" " lola Please may sakit ang pasyente ko...." " baby naman... Alam ko namang may sakit siya.. Kasi andito siya tinanong ko naman kay Jullian, eh pwede naman daw itong mamaayal." " hmmmp ok basta ililista ko ang mga bawal sa kanya lola... mahirap na.." " thank you my baby Lucifer.... Gora na kami. .." " teka lola.. Anong kami?" " hahaha kami nila Mama mo, sina Fiva, Aiva, at mga girls don't worry wala pa amg mga boys dahil next dalaw naman sila... Ok bye my baby.." At doon na ito lumabas.. Halatang excited silang makita si Vanadey. Napangiti naman ako. Vanadey pov Katatapos kong maligo ng may biglang dumating.. Akala ko siya ulit. " Goodmorning my Princess ako nga pala ang maganda at sexy'ng lola ni Doc Lucifer. Ako so Katana Grazeter... At sila naman sina Aiva at ang anak niyang si Aira.. Si FiVa at anak niyang si Fairy.. Si Mama mo Aeal... si Tita mo Mac at Miller... Si lola Audrey mo, Si lola Aerea mo. " Wow as in andito nga sila. " yeoleobun annyeonghaseyo" -hello everyone " Naku koreana ka nga.. Sabi ni Jullian ay nakakaintindi at nakakapagsalita ka ng tagalog..." Lola Aerea. " ay naku eto pala ang bulaklak galing mismo sa harding namin.. At eto ang prutas bagong bili... Napakaganda mo talaga anak..." " Salamat po.. Siya nga po pala si Manang Tiffany... " " Hello po mam... " " naku wag ng mam ano ka ba... beshy nalang... "sagot ni lola Aerea. " after kang i check ni Doc Lucifer ay pinagpaalam ka namin na ipapasayal ka namin sa hardin namin. " " talaga po? " " Oo sabi kasi niya ay mahilig ka daw mga mga forest, flower... Ganern. " Tumango nalang ako. " Naku... Ang swerter ni Lucifer kay Vanadey... Ang bait at ang gandang bata. " lola Katana. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang sinasabi nila. Paalis na kami ng biglang humarurot ng takbo si Doc Lucifer papunta sa amin. " Ma... Lola... please! Ingatan niyo siya" " my baby Lucifer... Relax. We won't hurt her... And beside our daughter in law will be happy. Tsaka wag kang OA anak... Alam ko naman susunod ka sa amin. Bye!" Mama Aeal " tara na Manang naku... Matutuwa ang mga ibang girls." sambit ni lola Katana. "Vanadey!?..." tawag sa akin ni Doc. Lumapit ito saakin. " Mag enjoy ka sa amin pinadala ko kay Manang ang mga gamot mo wag kang magpapagod. Pwede mong gamitin ang kwarto ko para magpahinga.bSusunod ako At isa ang ipapakiusap ko sayo... wag mong kakainin ang luto nila lalo na si Lola Katana. Please...!" " Bakit? " " basta... Wag mo---" " anak akina nga si Vanadey... masyado kang possesive halika anak maiwan ka dito Lucifer. kaming bahala kina Vanadey... " At sumakay na nga kami ng sasakyan. " wag kang matakot sa amin anak... Hindi kami masamang tao...alam mo ganito lang talaga kami ka supportive sa mga anak namin kapag may babae silang pinapakilala saamin. "Mama Aeal " omma... "tawag ko kay Mama Aeal " ohhh ang saya saya ko tinatawag akong Omma..." " Si Doc Lucifer po may girlfriend na po ba siya?" Napatigil naman sila sa pagsasalita lalo na sa nasa likod. " Alam mo anak... kung alam mo lang kung paano ko ipagtulakan ang anak ko sa mga babae. Para sumaya naman siya, Kaso Ang tigas ng ulo. Sa edad niyang 28 wala pa siyang naging girlfriend." " Omma... Bakit siya mabait saakin?" Ngumiti naman saakin si Mama Aeal " hindi ko rin alam anak... ikaw ang kauna unahang babae na, trinato ng ganito alam ko na kailan ka lang dumating dito. Pero nagtataka ako kung bakit inaasikaso ka niya. Hindi siya tumatanggap ng pasyenteng dalaga mula noong naging doctor ang anak ko. Ikaw palang anak. Napaka swerte ng magiging anak ko Haay! Teka... Nagwagwapuhan ka ba kay Doc Lucifer anak? " Ngiti lang ang sagot ko. " hay..nakakakilig naman... Tsk ang anak kong yun nuknukan ng torpe.." dagdag pa niya. " my baby Vanadey..." tawag sa akin ni lola Aerea. " Sana mag enjoy ka sa surprise namin para sayo.."Lola Aerea. " Salamat sainyo Lola, Omma... " " kami din Vanadey.. may tulong din kami.. "sabi ng isa sa mga kasama nila lola. Nakarating kami dito sa isang malaking bahay... " welcome sa aming masayang bahay anak... " Mama Aeal.. Napakaganda naman ng bahay nila... Makikita mo ang malawak na harding.. Mga bulaklak.. Mga puno May bundok na makikita... Sana ganito araw araw.. " maligayang pag bisita anak...." Isang lalaki ang sumalubong sa akin... Doc Lucifer???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD