Lucifer Pov
" b-bakit po Doc?" tanong niya sa akin..
Ano bang nakain mo Casfear bakit hindi ka man lang kasi kumatok... Tsk
" a-ah k-kasi a-ano... i-ichecheck ko sana temperature mo... Pero babalik nalang ako after 20.minutes....sige.." nauutal ko pang sagot.. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at lumabas nalang ako agad.
Pagkasara ko ay siyang pagdaan ni Jullian.
" oh dude...nangyari sayo bakit namumula ka?"
" ha?... Wala naiinitan lang ako."
Kumunot noo ito na parang hindi siya naniniwala.
" Nacheck mo na alaga mo?" aakmang siyang papasok ng humarang ako...
" Patulog na siya... Wag mo ng istorbohin" hinatak ko siya paalis sa doon. Baka kasi sumilip ito eh nagbibihis si Vanadey
Bumili ng kape sa baba ni Jullian at nagbalak na maglakadlakad muna. 11pm na kaya tulog na din ang ibang pasyente namin.
" alam mo dude nakapag research ako about kay Vanadey...Putsa! Dude ang yaman pala nila. They even have their own plane... at hindi lang yan. Yung sinasabing Forest ni Vanadey ay napaka wow daw dude.. Akalain mo yun.."
" bakit ka naman nag stalk sa kanya? "
Nagstop ito at humarap sa akin.
" dude... Research ang tawag doon at hindi pag sstalk... "
" ano naman kaya pinagkaiba doon...?"
" alam mo napaka kontrabida mo... Kaya wala kang babae eh."
Natawa na lang ako.
" compare naman sayo...babaero..kaya nga ayaw sayo ng pinsan kong si Aira."
" amazona ang pinsan mo... hahamunin niya ako ng suntukan kapag daw natalo ko siya papayag siyang ligawan ko.. Kapag natalo naman ako.. Papatayin niya ako.. Hindi ba kagaguhan ang tawag doon. Tsk"
" dami mong reklamo eh mahal mo naman...."
"yun na nga ang point dude... Mahal ko ang amazona mong pinsan... Pero hindi pa ako timang na magpapakamatay makuha ko lang ang hinayupak niyang Oo.".
" Kaya nga ayaw ko ng lovelife eh.... Nakaka hinayupak hahahah"
" siraulo ka!" sabay tawa naming dalawa.
" oh si Vanadey at si Manang pala makakasalubong natin... Hayop ka sabi mo matutulog na siya"
" akala ko kasi" palusot ko.
Palapit na sina Vanadey.
" Goodevening Vanadey... Manang.." bati ni Jullian.
" Good evening din sainyo Doc.." sagot ni Manang.
" gabi na ah bakit hindi pa kayo nagpapahinga?" tanong ko.
" Gusto kasi ni Vana ng Ice cream isa sa mga paborito niya."
" Vanadey... napaka ganda mo pala pag gising ka." siniko ko si Jullian para ipaalam na tumigil siya.
" Salamat Doc." sagot naman niyo.
Nagkasalubong ang mga mata namin kaya biglang iwas ko. Naramdaman ko kasing uminit ang pisngi ko.
" Oo nga pala Vanadey base sa mga test mo ay ok sayo ang maarawan at makalanghap ng preskong hangin. Pwede ka namang mamasyal basta hindi ka masyadong mapagod."
Tumango lang ito.
" by the way.. Nakilala mo na si Tita Aeal?"
" Oo nagkakwentuhan na din kami kanina.. "nahihiyang sagot niya.
" si tita palang ang dumalaw sayo.. Asahan mo na meron pang darating" sabay tawa ni Jullian.
Loko to ah..
" May darating pa?" Vanadey
" hahaha iisa palang kasi nakilala mo... Wala pa ang buong angkan!"
" shut up Jul." banta ko sa kanya.
Biglang nag ring ang cp ni Manang... Kaya nag excuse muna ito.
" Doc Jullian... Emergency po patient 5254 po need po kayo. " tawag ng isang nurse.
Naiwan kami ni Vanadey na nakatayo..
Nag iwasan ng tingin..
" gusto mo bang maglakadlakad Vanadey?" tanong ko sa kanya.
" Sige.."
Naglakadlakad kami papunta sa park nitong hospital.
Pero wala pa rin kaming imikan. Patuloy parin itong kumakain ng ice cream atganun din ako sa aking kape.
" Sabi ni Manang may sarili ka daw forest? "pagsisimula ko.
Naglalakad kami patungo sa may swing.
" ne... Ginawan ako ni Appa, para daw hindi na ako tumatakas papunta sa gubat. Muntik na kasi akong mahulog sa bangin. "
" bakit forest ka pumupunta? "
" Bata palang ako noon, pinanood ni Manang saakin ang Encantadia... Mula noon nagustuhan ko ang gubat, hardin, tubig at hangin nagmumula sa kalikasan... Maliban sa apoy. "
" nakakatuwa naman... Dahil sa teleserye ng AMing bansa nagustuhan mo ang forest."
" Hindi lang naman yan.. Idolo ko rin si Gina Lopez.. G DIARIES... natutuwa ako dahil tinutulungan niyang gumanda ang mga yamang Lupa., inaalagaan niya ang likas yaman ng bansa niyo. "
" Good to hear that... "
" alam mo ba kung bakit salitang Pilipino ang inaral ko kesa English...."
" mas mabilis niyong isalita ang lengguwahe namin... Kesa English? "
Tumawa naman ito.
" dahil noong tinuruan ako ni Manang... kahit siya'y hindi rin niya natutunan at nahihirapan hahahah"
Doon na ito tumawa ng malakas.
Ang sarap pakinggan ang mga tawa niya.
Mga tawa na parang wala itong sakit.
Mga tawa na parang walang problema...
" at gusto kong magmahal ng Filipino."
Napatigil ako sa paglalakad.
Tumingin ito sa akin.
" kahit imposible gusto kong sumugal... kahit masakit. Maranasan ko lang magmahal."
Nakikita ko ang lungkot sa kanyanh mga mata.
" halika may ipapakita ako sayo"
Nagtaka naman ito.
Kinuha ko ang kamay niya at hinatak papunta sa aking secret park.
Vanadey Pov
Naglakad kami sa likod ng park ng hospital..
Hindi nagtagal ay may natatanaw akong..
Wow... Ang ganda!
Madilim ngunit napakagandang pagmasdan ang paligid.
Sana mag umaga na para makita ko kabuuan niya.
" Doc...."
Lumingon siya sa akin hawak hawak pa din niya ang kamay ko.
" Vanadey.... may problema."
napahinto kaming dalawa ng sabihin niya ang naka katawang linya.
" nakalimutan ko pala yung susi..."
Napakamot naman si Doc sa kanyang batok.
" mamayang umaga susunduin kita para ipakita sayo ulit ito.. Pangako!"
Ngumiti naman ako sa sinabi niya.
Ang bait naman ng Doctor ko?
Hinatid niya ako sa room ko hawak hawak pa din ang aking kamay.
" ah Doc papasok na po ako..."
" magpahinga ka kaagad at maaga kita ipapasyal mamayang umaga. "
" salamat Doc... Pero sana bitawan mo na kamay ko upang makapasok na ako."
Napatingin naman siya sa kamay namin.
" S-sorry... Sige..... Sweet dreams Vanadey"
At umalis na nga si Doc.
" saan ka ba nagsusuot bata ka. Hinanap kita kanina ay wala ka kahit sa parke."
" pinasyal lang ako ni Doc Lucifer Manang..." may ngiti ang aking labi habang nagsasalita.
" matulog na tayo...."
Zzzzzzzzz.... ???
Nagising ako ng may humaplos sa aking pisngi.
" wae?"
-why?
" shh.. Good morning.. Tara!?"
Oo nga pala pupunta ulit kami doon.
" 5 minutes... Hihintayin kita sa labas."
Dahan dahang siyang lumabas.
Agad akong ng toothbrush at nag ayos ng aking sarili.
Sinulyapan ko si Manang na mahimbing ang tulog nito.
Magtataka na naman ito.na wala ako sa aking higaan.
Pagkalabas ko ay agad na hinawakan ni Doc ang aking kamay.
son-eul jabgo
-holding hands
Tinitignan kami ng mga nakakasalubong sa amin pero hindi ito pinapansin ni Doc.
" bibili lang ako ng kape natin"
Tsaka lang niya binitawan ang aking kamay.
" wae geuleohge dalkomhan uisa ya?
-why are you so sweet doc?
Inabot niya sa akin ang kape..
At kinuha niya ulit ang aking kamay.
?
" sana magustuhan mo doon Vanadey."
Hindi ako umimik dahil nasisilayan ko na ang sinasabi niyang lugar.
Napatulala ako sa aking nakita.
" waahh. haleumdaun cheongug" sambit ko
-wahh a beautiful Paradise
" neoneun naega cheoeum on yeoja yeoss- eo"
-ikaw ang unang babaeng naipunta ko dito
" jeongmal?"
-really?
" ne..."
-yes
" gomawo uisa" ngumiti ako sa kanya.
" welcome...."
O NAE UISA
-OH MY DOCTOR
???