Episode 4: Simon Sending A Flower

1275 Words
kinabukasan pagdating ni Michael sa office ay wala pa si Rhea. Naintindihan naman niya ito na pagod dahil sa dami ng niluto kahapon . May kumatok at pinagbuksan naman niya agad ito. “Good morning po sir! meron palang nagpapabigay ng flowers, and chocolate kay Miss, Rhea." Bigla naman dumating si Rodrick at biniro pa nito si Michael. “Iba talaga si Rhea ang ganda at dami pang admirer." Kinuha naman nito agad ang bulaklak, At binasa kung sino nagpapabigay. “From Simon," Napakunot noo nalang si Michael ng mabasa ang nagpadala ng sulat. “Hay naku! galing pala ito sa lalaking yun." Galit na sabi nito. “Uy.. nagseselos..!" kantyaw ni Rodrick kay Michael. “Hindi ah, itapon mo nga yan Rodrick ayaw kung maging close si Rhea sa lalaking iyan." Tinapon naman ni Rodrick ang bulalak at habang bitbit niya ito palabas ay nakita naman ni Rhea ang dala dala nitong bulaklak para itapon sa labas. Nagtanong naman ito kay Michael. “Sir ang aga naman ni Rodrick kung manligaw." nainis naman si Michael.sa tanong ni Rhea. “Yes, may date kasi siya kaya maaga rin bumili ng bulaklak," sagot nito na halatang inis na inis sa nagpadala ng bulaklak. “Swerte naman ng babae, Sana ako din makatangap ng ganyan." “Bakit Rhea wala pa bang nanliligaw sayo? Sa ganda mong yan wala nagkakainteres na manligaw sayo?" tanong ni Michael. “Mmmm.. meron naman sir, pero ayaw ng nanay kasi bata pa naman ako noong unang may nanligaw sa akin." “Buti naman." Nagtaka naman si Rhea parang ayaw nitong may manligaw sa kanya. “Rhea, pwede bang ipagtimpla mo ako ng kape?" “Yes sir." At pinagtimpla naman agad nito ni Rhea ng kape. “Sir ito na po ang kape niyo." “Salamat. Sarap mo talagang magtimpla ng kape." Sunod sunod ang tawag ni Danica pero ayaw niya itong sagutin. “Sir may tawag po kayo. “Hayaan mo siya. Ah...Rhea, Gusto ko sanang maligo sa beach. Gusto ko sanang tayo lang ni Rodrick, at ibang officemate ang sasama sa beach ng makapagrelax naman tayo at puro trabaho nalang inaatupag natin." “Si ma'am Danica pala sir, hindi mo isasama?" tanong ni Rhea na nagtataka kung bakit ayaw makasama ang kanyang nobya. “Nakakawala din kasi ng gana Rhea oag toxic ang girlfrien mo. Mas gusto ko pa nga kasama ang ibang tao kaysa sa kanya." Dahil nga araw ng sahod nagpunta agad ng mall si Rhea, at bumili ng swimsuit para magamit sa beach. Pagkatapos bumili nito ay bumalik agad sa office. Nagmessage naman si Michael sa kanya para ipaalam na lalabas siya kasama ang pamilya niya. “Rhea, maglalunch kami ng pamilya ko ngayon at baka matagalan kami ikaw na muna bahala sa office ha. At pag may tumawag basta hindi importante sabihin mo na nasa meeting ako," habilin nito. “Sige po sir." Bigla naman sumugod si Danica sa office. “Nasaan ang amo mo!?" tanong ng nobya nitong halatang inis na inis sa tuwing nakikita sya. “Naglunch po kasama ang family ni sir." sagot nito. “Ikaw ha namumuro ka na! parang sinasadya mong akitin si Michael." “Maam, wala po akong intensyon na ganyan. Ginagawa ko lang kung anong pinapagawa ni sir," sagot nito sa galit na nobya ng kanyang amo. “Mahirap akong kalaban Rhea. Hindi mo pa alam talaga ang ugali ko. Kaya kitang ipatanggal sa posisyon mo. katulad ng mga nagdaang mga secretary ni Michael." Siya din kasi ang dahilan kaya lahat ng dumadaan na secretary kay Michael ay nagreresign. “Makakasiguro po kayo ma'am." “Mabuti ng nalalaman mo ang lugar mo dito!" At umalis naman agad ito pumunta kung saan naglunch sina Michael. Alas tres na ng bumalik si Michael sa office at itinanong nga sa kanya kung may sinabi ba si Danica na masama sa kanya. Sinabi nalang nitong wala, para walang gulo. Sanabi din sa kanya ni Michael na hindi ipapaalam ang pagpunta nila ng beach, kahit sa kapatid nito na si Sivana. Bumisita nga si Sivana sa office at panay asar sa kapatid. “Kuya hiwalayan muna kaya si Danica hindi ko talaga gusto siya para sayo nakakaasar lang mabuti pang si Rhea ipalit mo sa kanya. Kasi parang di mayaman kung umasta. di ka pa ba nagsasawa sa ugali niya." Sabi naman ni Michael, “Darating din tayo dyan." “ Sige ka baka maunahan ka ni Simon," sabi ni Sivana. Sa oras na yun. Nasa Labas si Rhea kasi may binili. Kaya hindi nito narinig ang pag uusap ng dalawa, Bumalik ito agad at naabutan niya si Sivana. “Hi Rhea.., kumusta kana? magluto ka ulit sa bahay ha. Nakakamiss din kasi yong niluto mo. Okay lang ba?" sagot naman nito. “Yes ma'am, wala pong problema sa'kin." “Sge kuya aalis na ako baka naghihintay na si mom and dad sa lobby." Sabay kiss sa pisngi ni Michael, at Rhea. “Bukas ha, Rhea?" “Tuloy tayo overnight?" tanong nito kay Michael. “Pero may kwarto ka naman at yong ibang officemate lahat ng sasama may kanya kanyang partner bawat room. Pero okay lang kaya naman nagbayad ako ng separate na kwarto para paglilipasan ng gabi," pagpapaliwanag nito kay Rhea na walang mangyayari sa kanyang masama. 3pm sa Isla del Pilar tayo maliligo." “Sige po sir Michael. Noted po sir." Saktong pa out na sila nakaabang naman si Simon,at kumaway ito kay Rhea. Napansin agad nito ang gamit na kotse sa pagdalo sa party nilapitan naman agad nito si Rhea. “Hi, Rhea, pwede ba tayong magdinner?" tanong ni Simon. Saktong sakto din kasi nagugutom siya. Bigla naman dumating si Michael. “Teka muna, bakit ka ba nandito?" “Ano bang pake mo! boss ka lang ni Rhea. Bakit office hour pa ba ngayon?" “Madami pa siyang tatapusin na trabaho bukas," saisip naman ni Rhea na magbebeach lang naman sila at 3pm pa ito magsisimula. “Okay fine! hindi na muna ngayon Rhea ha? pero aasahan ko na magkaka oras din tayong dalawa yung tayo lang dalawa hindi kasama yang asungot mong amo. Gusto kitang makilala ng lubusan." “Anong asungot? umalis ka na!" galit na sabi ni Michael. Maraming nakatingin kay Simon. Dahil isa din itong sikat na modelo sa US ng mga klase klasing brand ng damit. At umalis agad ito. “Salamat naman at umalis na ang asungot! sya yata ang asungot at hindi ako wag ka talagang sasama sa lalaking yan kasi, playboy daw yan sa sabi nila. Rhea tayo nalang kaya ang magdinner. Pwede ba?" hindi naman ito tumanggi. Sa di kalayuan andun pala nakatanaw si Danica kasi nagpark ito sa medyo maykalayuan, at sinigurong hindi mahahalata. Pasimpleng sinundan sila. At parang asong nagmamasid sa labas. Sa isip nito “may oras din kayo malaman ko lang na may something sa dalawang ito di talaga ako magkakamali ipatanggal itong babaeng ito." Pumasok naman ito loob, at tinabihan si Rhea. “O, Bakit kayo natulala. Bakit panay ang kain ninyo sa labas? diba dapat Michael tayo ang nagdidate at hindi kayo." Hindi pinansin ni Michael si Danica. “Kumain kana Rhea pabayaan mo siya." Tapos magdinner lumabas sila, at nag uusok sa galit si Danica. Hinatid na ni Michael si Rhea. Habang nasa sasakyan sila hindi maiwasan ni Rhea mapatanong. “Ah, Sir.Bakit po ninyo iniwanan si Ma'am Danica?" Sagot naman nito, “Nakikita mo ba kung paano siya umasta na parang lahat nalang ng kilos ko binabantayan nito. Nakakasawa narin Rhea." At ng maihatid na nga niya si Rhea. Ay nagmessage naman naman ito kay Rhea. “Bukas sa beach 3pm ha, Slamat," paalala nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD