Episode 3: At the party

1486 Words
Kinabukasan nga ay maaga syang gumising, at tumawag naman si Michael. (Phone ringing...) agad na sinagot ang tawag. “Hello, Sir?" “Good morning Rhea. Susunduin sana kita mamaya kung ok lang? mag ready ka na mga bandang 10am." “Sige po sir walang problema, maghihintay nalang ako sa bahay," sagot nito. Tamang tama kasi hindi maulan kaya hindi maputik ang daan. Simply lng ang kanyang suot, kasi mamaya pa naman ang party nila. Eksaktong alas dyes na nga, ay dumating na si Michael para sunduin siya nito, at pagkababa palang nito ay kitang kita agad ang napakaaliwalas nitong mukha, pati ang mga kapitbahay ay nagtinginan narin sa bisita ni Rhea. Pinagbuksan naman agad ni Michael ng pinto ng sasakyan si Rhea, inalalayan ito na parang prinsesa. “Rhea, nakahanda na lahat ng gagamitin mo sa pagluluto. Ikaw na din ang bahala kung anong lulutuin mo. May mga tutulong naman sayo sa pagluluto. Kasi ang cook namin umuwi muna sa kanila, at hanggang ngayon hindi parin bumabalik. Kung kaya malaking pasasalamat ko sayo na hindi mo tinanggihan itong pakiusap ko," pagliwanag nito kay Rhea. “Okay lang yun sir, basta po kayo." Sabi pa nito, “Don't worry, doble naman yong sahod mo for this month. Nang dumating na sa bahay nila si Rhea, Nalula naman ito sa subrang laki ng bahay ng mga Amorsolo. Hindi siya makapaniwala na subrang yaman talaga ng amo niya. Una naman nitong itinuro sa kanga ang kusina. “ l'll show you the kitchen, pagkatapos ay maliligo muna ako ha? kasi sumama ako sa pamimili ng lahat ng ito at pawis na pawis ako," pagpapaliwag ni Michael. Hindi maarte si Michael kahit ito ay anak ng mayaman. Simply parin ito. Kumikilos din sya sa ibang gawain sa bahay, at close sa lahat ng kanyang mga katulong. Dagdag pa niya, “Six pm pa naman magsisimula ang event. Kaya may oras kapa para magpahinga, may guest room kami, at kung nahihiya ka naman ay sa kwarto ka nalang magpalit ng masusuot mo. Pwede din naman doon sa guest room kung ayaw mo sa kwarto ko." Nagsimula na nga si Rhea magluto. Madami syang kayang lutuin, bihasa itong magluto kahit anong klaseng luto ay kaya nito. kahit sa pamimixing ng mga inumin ay alam din ni Rhea. Bumalik naman si Michael na nakatowel lang at sila lang sa kusina ni Rhea. At halatang kinakabahan ito habang papalapit sa kanya si Michael. “Rhea, pwede bang tikman ang luto mo?" paalam nito kay Rhea. “Yes sir, pwedeng pwede po." Lumapit ito kay Rhea, at na amoy na naman ni Rhea ang bango nito kasama pa ang perfume na ginagamit nito pag nasa office. Tila sinasadya pa nito ang paglapit sa kanya. Nagbigay naman agad ng possitive comment si Michael sa luto nito. “Ang sarap! ngayon palang ako nakatikim ng luto na ganito ha. Ang swerte ng mapapangasawa mo Rhea di kalang maganda, masarap kapa magluto," sabi nito sa kanya. Mag aalas kwatro na ng matapos siyang magluto, at nagtungo na nga ito sa guest room para maidlip muna. Isang oras siyang nakatulog, at naligo ulit ito Nagpaganda, at isunuot ang damit na bigay sa kanya ni Michael. Napakaganda niya sa kanyang damit at klarong klaro ang hubog ng katawan nito hindi nagkamali si Michael sa pagpili ng damit na babagay ka kanya. Biglang may kumatok sa pinto at pagbukas niya si Michael nga ito. Natulala naman si Michael ng makita na si Rhea sa ayos nito, sa subrang ganda ni Rhea napamangha naman si Michael. “Rhea, handa kana ba? punta na tayo sa party." At hinawakan na nga nito ang kamay ni Rhea, at hinatid sa upuan hindi maiwasan ng mga guest ang mapatingin kay Rhea parang sentro ng atraksyon para bang isang celebrity sya sa party. Hangang hanga talaga si Michael sa ganda nito. Pagkatapos maupo ni Rhea. Ay umalis saglit ito at pinuntahan ang ibang guest. Lumapit naman si Michael sa isang lalaki na medyo may edad narin, may magandang babae na katabi naman ito, at babae na medyo may ka edaran narin. Napatanong ang kanyang Dad kung sino nagluto ng mga pagkain. kasi nasarapan ang mga guest nila. “Michael, sino ba ang nagluto ng mga ito? kasi yong mga bisita natin nasarapan talaga sila sa mga handa," tanong nito sa anak. “Tamang tama Dad, ipapakilala ko sainyo si Rhea ang mga naghanda ng lahat ng ito." "Sige son, dalhin mo sya dito." Tsaka umalis si Michael para tawagin si Rhea. “Rhea, halika ipapakilala kita sa aking pamilya." Tumayo naman agad si Rhea. “Mom, Dad,and Sivana. This is Rhea. My Secretary, and Chef at the same time." Pinuri naman ito ng kanyang daddy, at kapatid. “She's beautiful ,at napakatalented na binibini," sabi ng kanyang Daddy dumagdag naman ng pagpupuri ang kanyang kapatid. “Kuya maganda siya mas maganda pa nga kay Danica magaling pang magluto," sabi ng kanyang bunsong kapatid na napamangha rin sa ganda ni Rhea. Ngumiti naman ang ina ni Michael na medyo plastikan nga lang ang ngiti nito sa kanya. “By the way son, nasaan ba si Danica?"Tanong ng ina nito na napansin agad bakit hindi si Danica ang kasama ng kanyang anak, bakit ang secretary niya. “She's on the the way na po mommy," sagot nito sa kanyang ina. “Mom, ihahatid ko muna si Rhea sa kanyang inuopuan" Nagpasalamat naman sa kanya si Don Luisito at Sivana. Habang ang kanyang ina ay wala talagang pakialam sa kasama ni Michael. “Rhea dito ka muna ha kasi ayaw kung bastusin ka ni Danica, alam mo naman ang ugali nun," pakiusap sa kanya ni Michael. “Okay lang po Sir." Grabe ang mga bisita dumalo, at hindi basta basta ang mga bisitang nila Michael, may mga sikat na mga panauhin,katukad ng anak ng Gobernador, at sikat na mga businesman . Halos hindi naman makakilos si Rhea dahil mahiyain kasi ito, at hindi sanay dumalo sa mga salo-salo ng mga mayayaman. Dumating na nga si Danica at nagtataka ito kung bakit nandoon din ang sekretary nitong si Rhea. At naitanong nga niya kay Michael . "Why she's here?" “Danica si Rhea ang nagprepare ng mga pagkain nakiusap ako sa kanya n sya ang magluto." sagot naman nito, “Baka hindi yan Chef cook, baka cheap cook." Tsaka tumawa ito ng malakas. Pati mommy nito ay napatawa narin. “Danica dahan dahan ka sa pananalita mo maraming tao," paalala ni Mechael sa nobya. Nang biglang nagpatugtog ng music at may lumapit naman ky Rhea isang negosyante na galing sa America para yayain syang sumayaw, at may kagwapuhan din naman ito. Nakaramdam ng selos si Michael na parang gustong gusto niyang upakan ang lalake. Pero sa isip lang naman niya ito, at pigil na pigil sya sa kanyang sarili na gawin yun. Sabi pa ng lalaki na nagpakilalang Simon, " Hi, can I dance with you?" “Yes pwede naman po." Tumayo naman si Rhea at dahan dahan inalalayan ng nagpakilalang lalaki. Lahat naman ay nakatingin kay Rhea na manghang mangha rin sa ganda nito. Napatingin nalang si Michael at walang magawa. Sabi naman ng Kanyang kapatid. “Kuya siya nga pala si Simon yan ay anak din may ari ng malalaking kompanya sa US na balak na magtayo sana ng negosyo dito at kilalang kilala sila. Business partner ni Dad ang ama nito," pakukwento nito sa kanyang kuya. Sabi naman ni Michael na mukhang inis na inis, “Wala akong pake sa Simon na yan." Tsaka ininom ang isang basong wine na hawak nito. Nakakahalata si Danica na parang iba ang tono nito. “Michael, nahahalata na kita." “Danica puro kana isyu! Pwede mag enjoy ka nalang!" Natapos na nga ang party. At mukhang gusto pa ni Simon ihatid si Rhea. Kinabig agad ni Michael ang kamay ni Rhea. “Rhea, bakit ka sasama sa Simon na yan? ngayon mo palang siya nakilala ako ang maghahatid sayo dahil kung may mangyari sayo ako mananagot sa magulang mo." Hindi nga ito sumama sa lalaki. Pinuntahan naman agad ni Danica silang dalawa. “kaya pala Michael iba ang napapansin ko sainyo." “Danica pinagpaalam ko si Rhea sa kanyang ina. Kung sasama siya sa Simon na yan tapos maghanap ang mga magulang ni Rhea, anong sasabihin ko? pinasama ko sa lalaking ngayon lang niya lang nakilala. Nakakaintindi ka ba Danica?” “Okay! ano bang meron sa babaeng yan Grrrr!!!" naiinis parin ito na halatang nagseselos. “Bumalik ka sa loob, at ihahatid ko muna si Rhea." Utos nito kay Danica. Pinasakay na nga niya si Rhea. Habang nasa sasakyan siya pinagalitan niya ito. “Ano ka ba Rhea, sasama kaba sa Simon na yun? Hindi mo pa yun lubusang kilala. Huwag na huwag mo ng uulitin yan ha?" “ Opo Sir." “Mabuti ng nagkakaintindihan tayo." Nagtaka lang si Rhea kung bakit ito galit na wala naman ginagawa si Simon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD