Episode 2: Sa Gitna ng madilim na daan.

1644 Words
Dahil nga ay natanggap siya sa trabaho ay agad nitong sinabi sa ina. “Yehey! Nay natangap po ako sa trabaho," sabi nito sa kanyang ina. “Talaga anak? mabuti naman anak kung ganun." Tuwang tuwa naman ang kanyang nanay ng marinig ang sinabi ng anak. “Kanina lang po ay nagsimula ako agad sa trabaho ko. Alam mo Nay, ang gwapo po ng aking boss. Kaya lang, mataray ,at eskandalosa ang nobya ni Sir," pagkukwento sa nanay nito tungkol aa kanyang trabaho. “Anak, kahit kailan huwag kang magkakainteres sa amo mo. Malayo ang agwat ng buhay natin sa pamumuhay nila," paalala ng kanyang ina. Natawa naman si Rhea sa mga narinig nito sa kanyang ina. “Inay naman, napakaseryuso mo naman po, hinding hindi po iyan mangyayari dahil alam ko po kung saan po ako lulugar nay," paliwanag nito sa kanyang ina. “Mabuti naman anak, Sige na kumain ka na. Alam kung gutom ka," Sabay kuha ng pinggan, at hinanda ang haponan ng anak. “Slamat po nay...!" Malambing na niyakap ang ina. Kinabukasan nang magtungo na ito sa kanyang trabaho ay nandun na si Michael. At nag-aalala parin na baka dumating ang nobya nito na demonyita. “Good morning po sir!" Sabay yuko sa kanyang ulo. “Good morning naman Rhea!" Pinagtimpla agad nito ng kape si Michael, at ng kanyang ilagay sa mesa ang kape ay aksidenteng natapon ang kape sa damit ni Michael, gawa narin ng kaba nito ay agad naman itong humingi ng pasensya sa nangyari. At ang reaksyon naman ni Michael sa nangyari ay parang wala lang hindi manlang ito nagalit sa kanya. “Okay lang yan Rhea, don't worry okay lang ako." Pinunasan naman agad ni Rhea ang damit, nito at medyo nagkalapit ang kanilang mukha. Namula naman ang mukha ni Rhea at nagkatitigan silang dalawa. Nang biglang may bumukas sa pinto, at naabotan sila ni Danica. Nagalit ito dahil sa nakita nito, pinagalitan naman agad si Rhea. “Ito ba ang bago mong secretary!" Galit na galit ito, at pinagtuturo si Rhea. “Are you flirting my boyfriend?!" “Hindi po maam, nagkakamali po kayo." Sa panahong iyon, ay grabe ang kaba na naramdaman ni Rhea. Dagdag ni Rhea, “Hindi ko po sinasadyang matapon ang kape kay sir Michael. Ma'am." Pagpapaliwanag nito sa eskandalosang girlfriend ng kanyang amo. Nagpaliwanag naman agad si Michael sa nangyari. “No need to explain Rhea, Hindi sinasadya ni Rhea na matapon yong kape, at pwede ba Danica huwag kang masyadong selosa nadadamay ang trabaho ko rito." “So... ako pa ang mali!?!" “Bakit alam mo ba ang totoong nanggyari? Wag kang ngang padalos-dalos, at umastang para ko ng asawa. At pwede ba umalis ka nga dito nagtatrabaho pa ako." Si Danica naman halos hindi mapakali at gusto pa nitong sabunutan si Rhea. “ Please get out of my office now!" Walang magawa si Danica kaya lumabas nalang ito. “Babalik ako Rhea tandaan mo yan! tandaan mo'yan! pagnakita ko pang inaakit mo ang boyfriend ko baka anong mangyari sa'yo! nagkakaintindihan ba tayo?!" “Opo Ma'am naiintindihan ko." Napayuko ulo nalang si Rhea sa subrang hiya. Six pm na nga at nag out na sila sa trabaho ng biglang umulan. Nadatnan naman ni Michael si Rhea na basang basa sa labas at bakas na bakas ang bra nito na makikita talaga ang porma, at hubog ng kanyang dibdib kaya naawa siya na baka pagtripan ito o bastusin sa labas kaya pinasakay niya nalang ito, at ipinahiram ang kanyang jacket. “Rhea suotin mo itong jacket ko. Mahirap na at baka mapagtripan ka pa hatid nalang kita. Saan ba sainyo?" “Sir huwag na po maputik sa amin ba ka madumihan po ang sasakyan niyo." “Huwag kang mag-alala Rhea, ako na ang bahala." Dahil madilim nga,at maulan at sa subrang putik ng daan ay nasiraan sila ng makina, at kailangan bumaba ni Michael para tingnan at ayusin ito. Basang basa na ito sa subrang pag aalala niya sa kanyang boss ay bumaba siya, at inilagay ang jacket sa ulo nito kahit paano ay hindi mabasa at malamigan si Michael. Kailangan ni Michael maghubad dahil matutuyo ang kanyang damit pang itaas. Si Rhea naman ay di makaiwas ang mapatingin sa pormadong mga abs nito na subrang nakadagdag sa atraction dagdag pa gwapo nitong mukha. “Rhea, okay ka lang?" "Opo sir," namula ang pisgi nilang pareho. “Good. Mahirap pala ang daan dito sainyo. Next time wag kanang uuwi ng ganito katagal baka pagtripan ka madilim dito sa daan niyo delikado. Tumawag ka or magtext sa akin pag may mangyari na ganun. Huwag naman sana." Tsaka nagsimula na naman itong magmaneho. “Hindi naman po sir matagal na po kami dito, at wala naman pong nangyari na ganyan. Slamat talaga sir ha." Sabay tingin kay Michael. “You're welcome!” “Dito na po aa amin sir." Sabay bukas sa sitbelt nito. “Ah, dito na ba. Sige see you tomorrow Rhea." “Thank you po ulit sir!" “Walang anuman yon." Sabay andar ng sasakyan at tuluyan ng umalis. Nang maihatid na niya si Rhea ay umuwi narin agad ito. Pagdating naman sa bahay nila ay naglinis ng katawan si Michael at humiga na agad ito. Ngunit bakit iniisip parin nito si Rhea at ini-imagine parin ang perpektong hubog ng katawan nito, at di maalis ang napakagandang nitong mukha sa kanya na tila gusto niyang nakawan ng halik. Ngumiti nalang ito sa mga iniisip, at tsaka natulog. Kinabukasan, ay binuksan niya ang kanyang cellphone at unang una niyang tinext. “Good morning Rhea kmusta kana?Okay kalang ba kagabi?" nagreply naman agad ito. “ Opo sir, kayo po kumusta?" “Ok naman ako. Mauna ka na sa office okay? Baka malate kasi ako may pupuntahan kami ni Danica may bibilhin daw siya nagpapasama." “Wala pong problema sir. Mag-iingat po kayo ni Ma'am." Nagtaka siya kung bakit ganun nalang ang pag aalala niya sa kanya. Lunch time na nga ng dumating si Michael sa office. Amoy na amoy parin nito ang bango ni Michael kahit tanghali na ay mabango parin at fresh na fresh ang mukha. “Pagpasensyahan muna yung nangyari kahapon sa mga inasal ni Danica ha. Lahat ng secretary ko ganyan din ang ginagawa niya. Kahit wala namang ginagawang masama pinag-iisipan niya ng hindi maganda." “Ah— yun ba sir. Wala po sa akin yon. Naiintidihan ko po si Ma'am." “Salamat, Rhea." At nag imbita nman ito ng lunch sa kanya. “Rhea, sumabay kana sa akin maglunch." “Ha, sir nakakahiya naman po." “Okay lang yan. Ako na ang bahala." Tumawag naman ang ama nito sa kabilang linya. “Hello Dad. Bakit napatawag po kayo?" Nasa US ito at nag aasikaso ng kanilang negosyo kasama ang kanyang mommy. Sabi ng kanyang ama sa kabilang linya. “Anak ,uuwi na kami diyan sa Pinas, gusto ko sana maykonting salo salo sa bahay dahil successful yong negotiation natin sa isang napakalaking company din dito sa US gusto nilang din pumunta ng Pinas at mag invest. “Ok Dad. No problem." Habang nasa lunch sila. Ikwenento ni Michael ang sinabi ng kanyang Daddy. Gusto sanang imbitahin niya si Rhea magluto para doon sa party. Dahil alam nitong HRM graduate ito. “Rhea, diba HRM graduate ka?" “Opo sir." “Gusto ko sana magpatulong sa'yo. Wala kadi yung cook namin. Hindi pa bumalik. Pwede ka ba magluto sa amin para sa welcome party sa bahay?" Hindi naman ito tumanggi si Rhea “Sige po sir.” “Sarapan mo Rhea ha. Aasahan kita. Pasensya na ikaw naisipan ko. Malapit na kasi umuwi sila mom, and dad mahirao maghanap at busy narin. Alam mo na." “Okay lang po. Wala pong problema sa'kin." “Salamat." Bumili naman ito ng magandang damit , At nakisuyo kay Rodrick na ibigay ang nabiling nitong regalo para kay Rhea." Nagkwento naman si Michael kay Rodrick. “Alam mo maganda ang bagong secretary, kung hindi lang talaga dahil kay Danica baka malamang ay ligawan ko nato si Rhea." Sabi pa ni Rodrick.,“Bakit naman kase nagtitiis ka sa nobya mo. Kung sa akin lang ha. Walang panama itong nobya mo sa ganda ni Rhea." “Kung hindi lang dahil kay mom, and dad matagal ko ng hiniwalayan si Danica. Gusto ko si Rhea She's beautiful yet very simple. Meron pala akong binili na regalo para sa kanya. Paki bigay naman ito sa kanya Rodrick." “Sige ba." Pumunta agad si Rodrick kay Rhea para ibigay ang regalo ni Michael para sa kanya. “O, Rhea may regalo sayo ang secret admirer mo. Iba ang beauty mo ha big time pa. May nagpapabigay sayo nito basahin mo." Binuksan naman agad ito ni Rhea. “Damit, ang ganda naman nito. Para saan daw to? At may sulat na kasama pa . From: sir Michael. Si sir talaga nagbigay." Binasa naman agad ito ni Rhea. “Hi, Rhea binili ko ito para sa Party bukas. Pagkatapos mong magluto magpalit ka ha welcome ang kuwarto ko para du'n ka magshower at magpalit. Dahil ipapakilala kita sa mommy at Daddy ko at pati narin sa kapatid ko. Slamat Rhea. See you tomorrow!” Pagkauwi nga ni Rhea ay sinukat naman agad agad ang damit na binili ni Michael at pinakita sa ina. “Nay, bagay po ba?" habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin suot ang bigay sa kanya na damit ni Michael. “Napakaganda mo naman anak... bagay na bagay sa'yo ang suot," sabi ng kanyang ina. “May party po kasi sa bahay ni Sir. At ako ang magluluto. Tapos ipapakilala daw ako ni sir sa parents niya at kapatid niya." “Sige matulog ka na ng makapagpahinga ka naman ng maaga. Nakakapagod naman yang trabaho mo anak. Akala ko secretary ka lang bakit kailangan mo pa magluto." “Ngayon lang po ito. Inay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD