Dahil sa hirap ng buhay naisipan ni Rhea na mag apply ng trabaho at kakagraduate lamang ng college nito sa kursong HRM sa San Fernando College University bilang isang Summa c*m laude, At sa kagustuhan naring makatulong sa magulang ay hindi ito nagdalawang isip na pumunta ng downtown at magbakasakaling makapag-apply ng kahit na anong trabaho na bakante. Subalit,dahil kulang nga ito sa experience ay nahirapan siya makapasok agad ng trabaho. Pero dahil sa sipag,at tiyaga narin ay may tumawag na isang kompanya sa kanya hindi bilang isang chef kundi, bilang isang secretary. Pagkauwi palang ng bahay galing sa pagpapasa ng resume niya, ay nagring agad ang cellphone nito agad naman niya naman itong sinagot.
“Hello?"
“Hi, is this Rhea Santiago?" sabi ng babae sa kabilang linya.
“Yes ma'am this is Rhea," sagot niya sa babaeng kausap.
“Okay, tomorrow 8 o'clock in the morning is your job interview for the position of secretary please wear a formal attire cause the CEO will be the one to conduct interview for this position."
“Okay Ma'am,Thank you!" Tsaka binaba ang cellphone na hawak nito.
Dahil nga kailangan niya ng trabaho hindi niya inisip kung related ba ito, o hindi sa sa kanyang kurso basta ang sa kanya ay makapasok agad ng trabaho. Sa subrang excited nito maaga itong natulog, at hinanda ang kanyang masusuot.
Maaga itong gumising,naligo at nag ayos sa sarili. Sa subrang ganda niya sa kanyang ayos ay halos hindi na ito makilala ng kanyang ina.
“Anak, saan ka pupunta? ang ganda mo naman anak bagay na bagay sayo ang suot mong damit," sabi ng kanyang Ina na hangang hanga sa kanya.
“ Talaga Nay Salamat po, kaya mahal na mahal kita nay!" Sabay yakap sa ina nito.
“Inay, ngayon po kasi ang aking interview sa trabaho dapat ay alas otso palang ng umaga ay nandoon na ako," dagdag na paliwanag sa Ina nito.
Sa subrang pagmamadali ay halos madulas dulas siya sa sa kanyang paglalakad gawa narin ng maputik nilang daan. At hindi talaga niya akalain na ilang hakbang pa nga lang sa kanyang paglalakad ay nadulas ito ng tuluyan, at nadumihan ang kanyang palda pati narin ang kanyang suot na sapatos. Bumalik ito sa bahay at nagpalit. At tuluyang na malate sa interview.
“Naku! late na yata ako nito." Nag-aalalang sabi nito sa sarili.
Dumating siya ng eight fifteen ng umaga nagmamadali na ito. At dahil hindi pa nga nito kabisado ang office ng CEO dahil sa subrang laki ng building ay napatanong nalang ito sa isang babae na kanyang nasalubong.
“Miss, Excuse me. Pwede bang magtanong?" tanong nito sa nakasalubong na babae.
“Ano po?" sagot ng babae.
“Alam mo ba kung saan ang office ng CEO?"
“ Ah—yes po, sa 15th floor po," sagot ng babae.
“Salamat po ha," sabi niya sa babaeng kausap.
Kumaripas ito ng takbo papuntang elevator. Nang makaabot ito sa fifteenfloor agad agad naman nitong pinuntahan ang office ng CEO. Nang makita niya na nga ito ay pumormal muna, at inayos ang sarili bago ito kumatok.
“Please come in!" boses lalaki ang
unang narinig nito na tila may kausap ito sa loob. Pinangunahan na nga ito ng kaba.
Pagkabukas ng pinto ay nakita agad ni Rhea ang napakaamong mukha ng nakaupo na lalaki, hindi niya mapigilan ang tumitig sa mukha ng lalaki dahil sa subrang pagkamangha sa napakaamo nitong mukha.
Pakilala naman ng isang lalaki, “Siya si Michael, anak ng may ari ng kompanyang ito at siya ang iyong magiging boss kung papalarin ka maswerte ka, at hindi pa siya nakapili sa mga applikante niya kanina kahit na late ka total maganda ka naman baka ikaw na ang hinahanap ni Michael, tama ikaw na nga!" dagdag pa nito.
“Sige Rodrick puro ka patawa." At nagtatawanan pa silang dalawa habang nakatayo parin si Rhea sa harap, at naghihintay na matapos sila.
“Iwanan mo muna kami Rodrick," sabi ni Michael.
“Okay, sabi mo." Tsaka ito lumabas.
At dahil nga sila ay close sa isa't isa kaya pangalan nalang ang tawag nito kay Rodrick kahit sa mga mahalagang okasyon, at gimik kasama niya na ito.
“Okay, let start. So...Rhea Santiago. Am I right?"
“Yes sir!" Kahit halatang kinakabahan ito ay inayos pa nito ang kanyang tindig.
“So, why are you late today?" Medyo kinabahan parin ito at hindi agad nakasagot.
"Rhea?" Natulala parin si Rhea dahil nga sa kagwapuhan nito. Na lahat nalang ng tipo nito sa isang lalaki ay nasa kanyang magiging boss na.Paulit ulit nitong tinawag ang ang kanyang pangalan.
“Rhea?" Tinawag na naman niya ito sa pangalawang beses.
“Rhea?" At tinawag na naman sa pangatlong beses bago ito nakasagot.
“Rhea, are you listening?" Napakamot ulo nalang si Michael.
“Ah—Yes sir. I'm sorry!" sagot nito sa malakas na boses.
“It's Okay, I think this is your first work tama ba ako?" tanong ni Michael.
.
“Yes sir, tama po kayo," sagot nito.
“Since I really need a secretary and I think you're qualified for this position is it ok for you to start as soon as possible?"
“Yes Sir syempre naman po. Talaga sir tanggap na ako?" Tumalon pa ito sa tuwa.
“Yes, tanggap ka na. Ayaw mo ba?"
“No Sir, gustong gusto po. Thank you po Sir ha!" Muntik pa niyang yakapin ang kanyang boss.
“Okay, magsimula ka na," sabi ng kanyang boss habang tinitingnan ang relo nito.
Sa subrang tuwa niya kaya paulit-ulit itong nagpasalamat.
“Salamat talaga sir...salamat po talaga!"
“Your welcome!" Napangiti nalang ito kay Rhea.
Nang biglang tumunog ang cellphone ni Michael, ay agad naman niya itong sinagot. Si Danica ang tumatawag sa kanya ang kanyang girlfriend nyang subrang maldita at selosa.
“O, Danica napatawag ka?" tanong nito sa babaeng kausap sa cellphone.
“Balita ko may nakuha ka na daw secretary mo," tanong nito sa nobyo.
“Yes and please... Danica I warn you wag na wag mong aawayin itong bago kung secretary. Dahil panglabing lima na itong pagkuha ko ng secretarya ko. Kung gagawin mo yan alam mo na ang mangyayari!" pagbibigay babala nito sa nobya.
Sagot naman ni Danica, “Gusto ko lang makita ang bago mong sekretarya yun lang!"
“Here we are again! ito lang ang sasabihin ko sayo Danica pag ito ay nagresign ikaw ang magiging kapalit niya." Galit na sabi ni Michael kay Danica.
Dahil nga inlove ito ky Michael ay nanahimik nalang ito isang dahilan din ay anak ito ng mayamang pamilya ng mga Salvacion at ayaw nitong magpaalila bossy type, at spoiled din si Danica.
“Ang bilis mo naman nalaman na may secretary na ako," sabi niya sa nobya.
“Nagtanong ako kay Rodrick." sagot nito.
“Rodrick talaga o yang pagkapraning mo na naman ang pinairal mo. Bye na nga may meeting pa ako." Tsaka ito tumayo.
“Ah—Rhea, I will go to my meeting muna ha, ikaw na ang bahala dito." Habang nakatingin sa relo si Michael.
Gusto sanang magbigay ng compliment ni Michael dahil nga ito ay napakaganda, at bagay sa kanya pagiging secretary niya. kaunang
-unahang secretary din kasi niya ito na parang over qualified dahil nga napakaganda at Summa c*m laude pa. Mas pinili nalang nitong manahimik, at umalis sa office.
Nagsimula na nga si Rhea sa trabaho. At, hindi parin mawala sa isip nito ang kanyang boss. Nang, may biglang kumatok. At pinagbuksan niya naman agad ito ng pinto.
“Good morning maam!" Habang nag aayos ng table ni Michael.
“Wala po si boss nasa meeting po Ma'am," sagot niya.
“I'm Michael's girlfriend soon to be wife," sabi nito. “Im just here to tell you, ayaw kung may nagpapapansin sa boyfriend ko. Nagkakaintindihan ba tayo? dont worry It's just a reminder. Hindi ako galit. I'm just trying to warn lahat ng secretary ng boyfriend ko. know your place!" Tsaka tinaasan ng kilay si Rhea.
“Yes Ma'am!" sagot naman ni Rhea sa galit na nobya ng kanyang amo.
“Okay, thats good! Mabuti, at nagkakaintindihan tayo." At tuluyan na nga itong umalis sa office.
Napaisip agad si Rhea, “ May girlfriend na pala ang amo ko. Sayang naman." Tsaka ito nagpatuloy sa ginagawa.
Sabi nito sa isip niya, “Mmmm hay naku wag kang ngang maging ilusyunada Rhea,at ikakasal na amg amo mo, swerte naman ni Ma'am." Napabuntong hininga nalang sa mga naiisip nito.
“Ganyan ba talaga siya sa mga sekretarya ni Sir, Michael. Kung kaya siguro walang nagtatagal sa posisyong ito." Nag-aalala habang iniisip niya kung magtatagal ba s'ya sa trabaho n'ya.
At dahil nga sa mga pangyayari sa unang trabaho niya. Hindi parin mawala sa isip ang mga negatibong bagay dahil nga ang mga secretary nito ay maagang nagreresign.
“Baka naman ay ganun din ang mangyari sa akin. Pero hindi ako magpapadala sa babaeng iyon kailangan ko itong trabahong ito kailangan kung magtiis. Parang okay naman ugali nitong si Sir, Michael mukhang ang magpapahirap lang sa trabaho ko ay itong nobya niyang ubod ng maldita. Bahala na nga!" Napabuntong hininga na naman ito.
(Abangan ang susunod na kabanata). .