Prologue

1637 Words
Nakatayo ako sa isang bahagi ng gusali kung saan kitang-kita ko ang lawak ng buong lungsod. Manila, ang lugar na kanyang kinalalagyan isang maingay at magulong siyudad na kailanman ay hindi ko nanaising manirahan. Kaya siguro hindi nagtagal dito ang pamilya ng kanyang nakatatandang kapatid dahil maraming pagkakaiba ito sa lugar nila kung saan ay mayroong tahimik at mapayapang pamumuhay. Hindi niya rin lubusang maisip kung bakit at paano nagawang manirahan dito ng kapatid niya ng halos limang taon pinakamatagal na taon na itinagal ng kanilang uri sa ganitong lugar. Naalala ko pa noong unang beses akong makatapak dito sa siyudad mula ng makalaya ako sa pagkakabilango ko ng maraming taon na kahit saan ako mag-punta ay pawang mga busina ng mga sasakyan ang naririnig ko at dahil masyadong sensitibo ang pandinig ng mga uri namin ay masakit sa tenga, at gugustuhin mo na lang talaga na bumalik sa kagubatan. Doon ay tahimik at walang ingay tanging huni lang ng mga ibon ang maririnig mo at agos ng talon sa gitna ng kagubatan. "Sir, nakahanda na po ang mga gamit niyo aalis na ba tayo?" Tumingin ako sa aking assistant na nasa pinto at pumasok sa silid ko, huminga muna ako ng malalim at saka inayos nang marahan ang aking damit saka ko kinuha ang aking bagpack na naglalaman ng aking mahahalagang kagamitan. Bakit nga ba ako nandito? Isang trabaho ang dinaluhan ko dito tungkol sa isang taunang conference na dinadaluhan ng mga katulad kong negosyante. Kung hindi dahil sa pakiusap ng aking ama ay hindi ko nanaisin na pumunta dito, sa isa at huli ko pa na sulyap sa buong lungsod ay nauna akong lumabas na nakasunod si Levi. Hindi lingid sa akin ang mga mata ng mga taong lantaran kung tumingin sakin at kung hindi lang kasalanan ay kanina ko pa sila inangilan pero nagpakahinahon ako dahil wala naman akong mapapala kung papatulan ko pa ang mga ito. Pagkalabas namin ng building na isang five-star hotel ang tinuluyan ko. Tumingin ako sa paligid may mga taong abala sa kani-kanilang lakad at sa harap ay ang mga sasakyan na kaliwaan kung bumusina, napakaingay na mundo nakakairita sa aking sensitibong pandinig kaya kung pwede lang akong mag-teleport sa aming lugar ay kanina ko pa ginawa subalit walang ganoong mahika sa mundong ito kaya kailangan kong mag-tiis. Kung sana ay nandito lang ang eroplanong pag-mamayari ng aming pamilya ay hindi ako mag-titiis na bumyahe gamit ang sasakyan, dangan nga lang ay ginamit ito ng isa ko pang kapatid upang mag-hatid ng aming naging bisita na mula pa sa Romania kaya wala akong napagpilian kundi ang sumakay ng kotse. "Mukhang uulan pa papunta sa airport Sir." Sinundan ko ang tingin ni Levi na nakatingala sa kalangitan. Gusto kong mag-mura ng malutong dahil sa sama ng loob. "Great, just great. Kanina ay sobrang init pero ngayon naman ay mukhang may malakas na bagyo ang paparating." Naiirita kong bulong. "I-cansela mo ang flight natin dadaan tayo ng Batangas, doon muna tayo at hihintayin nating lumipas ang bagyo at magbabarko na lang tayo!" Inis kong utos sa kanya. Ayoko sa lahat ay babyahe ng may bagyo kaya dadaan kami ng Batangas at doon sasakay kami ng barko, pero bago yun ay hihintayin pa naming lumipas muna ang bagyo na madalas yata mangyari sa bansang ito. Sinunod ako ni Levi, at saka kami sumakay ng aking sasakyan. Nakakainis dahil ma-traffic papuntang norte kaya medyo nairita ako ito talaga ang ayoko sa lungsod. Nasa kahabaan na kami ng byahe ng may isang pagsabog sa hindi kalayuan ang aming nakita, dahil may kalakasan ang ulan ay maaaring aksidente ang madadaanan namin sanhi para magkaroon ng traffic sa pambihirang pagkakataon nga naman. Isang beses kana nga lang pumunta sa ganitong lugar sasadyain pa talaga na magkaroon ng ganitong trahedya. Sa pagkakaalam ko ay nasa bahagi pa lang kami ng Bulacan base sa nakita ko sa cellphone ko. "Isang banggaan po ng mga sasakyan ang nangyari sa unahan natin Sir." Tumingin ako sa rearview mirror kay Levi na napabuntong hininga nahilot ko na lang ang ulo ko na parang sumakit at mahinang nagmura. Pero nakaramdam ako ng kakaibang hindi ko maipaliwanag na damdamin kaya ipinikit ko ang mga mata ko, ang damdaming ito na matagal ko ding hindi naramdaman mula ng mawala siya. Pinakiramdaman ko ang paligid mga sampung sasakyan lang ang pagitan namin mula sa aksidente, may mga tunog ng serena na mula sa ambulansya ang naririnig ko, may mga nagmamadaling umapula ng sunog sa ilang sasakyan na nakasama sa aksidente, at may mga nag-iiyakan na tao pero isang tinig ang napansin ko isang boses na puno ng pagmamakaawa. 'Pakiusap sagipin niyo ang aking anak nagmamakaawa ako sa inyo diyos ko napakabata pa niya' Ayokong pakingan ang tinig pero dinig na dinig ko pa rin siya kaya wala akong inaksayang oras kundi buksan ang pinto ng kotse at bumaba hindi ko alintana ang ulan at ang pagtawag ni Levi, sa isang mabilis na kilos ay pumunta ako sa mismong lugar kung nasaan ang aksidente nakita ko ang mga taong nagmamadaling may maisalba sa mga biktima ng aksidente, isang pampasaherong bus at apat na kotse ang nagkarambola. Nakakaawa ang mga biktima mayroong hindi na nakaligtas at ang iba naman ay halos mag-agaw buhay na. Sinundan ko ang tinig ng isang babae na kanina ko pa naririnig sa isip ko at ang kakaibang pakiramdam na unti-unting bumabalot sa pagkatao ko may lumapit na pulis sakin may itinatanong siya pero hindi ko siya pinansin. Agad akong lumapit sa isang sasakyan na yuping-yupi ang unahan may mga bakas din ng dugo dinig ko ang impit na iyak ng isang babae sa di-kalayuan ng kotse agad akong pumunta sa kanya at nakita kong may hawak siyang isang batang babae marahil ay halos kasing tanda lang ito ng nakababata kong kapatid. 'Pa...pakiusap iligtas mo ang anak ko' Nagmamakaawang sambit ng isang babae na naramdaman ko agad na malapit na siyang bawian ng buhay base sa pulso niya na unti-unti ng nawawala, dahan-dahan kong kinuha sa kanyang bisig ang batang babae na walang malay may mga sugat siya sa katawan at may kaunting pulso din na pumipintig nang mahawakan ko siya, pero isang kuryente ang nanulay sa bawat himaymay ng aking katawan isang pambihirang damdamin na hindi ko kailanman naramdaman sa tanang buhay ko. "I...kaw na ang bahala sa aking anak, protektahan mo siya Alpha..." Nagulat man ako sa tinawag niya sakin ay tumango ako sa kanya at sa unti-unting pagkawala ng kanyang hininga ay bakas sa kanya ang hirap at sakit, napapikit ako ng mga mata dahil sa araw na ito ay nakasaksi ako ng isang taong nawalan mismo ng buhay sa aking harapan. May mga taong dumating sa kinaroroonan ko at may isang pulis ang nagtanong sakin tumango lang ako sa mga tanong niya wala akong masyadong naintindihan. Ayoko man na bitiwan ang dalagang nasa mga bisig ko ay alam ko na ito ang tamang gawin, hindi pa ito ang tamang panahon alam ko na may dadating na mga tao sa kanya. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siyang muli at ganito pang sitwasyon lumapit agad ako sa mga pulis sa di kalayuan at nakita ko na inilalabas nila ang stretcher kaya nagmamadali akong lumapit dito. "Iligtas niyo ang batang babae Sir, pakiusap wag niyo siyang pababayaan." Bago ko siya inilagay sa stretcher ng dahan-dahan nasa bingit narin siya ng kamatayan pero may isang bagay na pumipigil para hindi tuluyang huminto ang t***k ng puso niya ramdam na ramdam ko ang eratikong pintig nito na sinasabayan din ng aking pintig ng puso hinaplos ko ang mukha niya isang napakaamong mukha may mapulang mga labi may bahid ng dugo ang mukha niya pero hindi naging hadlang iyon para mabawasan ang kanyang gandang taglay. Hinalikan ko siya sa pisngi at saka bumulong, 'Ikaw ang nakatadhana para sakin gagawa uli ng pagkakataon ang moon goddess para mag-tagpo ulit ang mga landas natin.' Ayoko pa sana siyang bitawan pero kailangan na niyang madala sa ospital kaya binitiwan ko na siya binilinan ko ng mabuti ang paramedics na mag-dadala sa kanya sa ospital at agad naman itong tumango kahit nasa mukha nito ang pagtataka ay agad nitong inayos ang dalaga na walang malay, pinanood ko na lang na makaalis ang ambulansya alam ko na muli ko siyang makikita hindi man sa ngayon kundi sa mga susunod na araw. Bumalik ako sa sasakyan namin ni Levi na agad akong binigyan ng malinis na tuwalya, napahinga ako ng malalim at napapikit. "Naramdaman mo ba iyon Levi? sa wakas nakita ko na rin siya." Nakita ko na napatango siya. "Hindi nga lang naging maganda ang una niyong pagkikita Alpha." Sagot niya kaya ako napapikit. Mukhang itinago talaga siya ng pamilya niya sakin mula ng isilang siya kaya hindi ko agad nagawa ng paraan na hanapin siya. Kahit ang mga magulang ko ay tikom ang bibig nila, mukhang nabuhay siya bilang isang normal na tao sa mundong ito pero ngayon ay muki ko siyang nakita ay ako na mismo ang gagawa ng paraan para muli ko siyang makasama. Kinuha ang cellphone ko at may tinawagan ilang ring lang ay sumagot na agad ito. Sinabi ko sa kanya ang balitang alam ko na hindi niya makakayang tanggapin, isang malutong na mura ang narinig ko kasabay ng dial tone na lang. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa galit ako sa kanila dahil sa pagtago nila sa babaeng pinakamamahal ko. At ginusto ko noon na ibaon sila ng buhay sa hukay kasama ng mga ninuno nila pero dahil may natitira pa rin naman akong awa dito sa puso ko at pasasalamat sa kanila dahil ginawa nila ang lahat para muling maibalik sa mundong ito ang babaeng pinakamamahal ko. Kinalma ko ang sarili ko at pumikit ilang araw o linggo mula ngayon ay makikita na siyang muli kaya kailangan kong paghandaan ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD