Chapter one

1811 Words
Limang buwan na pala ang nakalipas mula ng mangyari ang masakit na aksidente kung saan namatay ang mga magulang ko muli kong pinahid ang luha sa mata ko na ayaw na yatang tumigil habang nakaupo ako dito sa harap ng puntod nila. "Mia, halika na hija kailangan na nating umalis." Napatingin ako kay lola na hinawakan ang balikat ko at hinaplos inalalayan pa niya akong makatayo mula sa pagkakaupo ko. Limang buwan na ang mabilis na lumipas mula ng mawala ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente, nagising ako dalawang buwan na ang lumipas dahil na comatose ako. Ayon kay lola na nakilala ko sa unang pagkakataon ay may nagligtas daw sakin noon na isang lalaki wala siyang pagkakakilanlan dahil hindi ito nagpakilala sa mga pulis na nag-imbestiga at saka madilim ang paligid sa lugar ng aksidente ito rin daw ang dahilan kung bakit nalapatan agad ako ng pangunahing lunas. Hindi ko masyadong binigyan ng pansin iyon dahil inisip ko na sana hinayaan na lang ako ng kung sino man na taong iyon na mamatay kaysa ang magising ako isang umaga na wala nang mga magulang. Hindi ko halos matanggap ang mga rebelasyon wala na sina tatay at nanay, sa isang iglap lang ng gabing iyon ng araw mismo ng graduation ko, nakauwi na kami ng gabi dahil kumain pa kami sa labas at nag-celebrate na rin hindi naman namin inaasahan na maaabutan kami ng malakas na ulan sa daan kaya wala din namang idea noon si tatay, na mangyayari ang aksidente ayon daw sa mga saksi at nakaligtas din ay may isang sasakyan daw ang nawalan ng break pero palaisipan na walang driver na nakita sa yuping sasakyan ayon sa imbestigasyon. May kasalanan pa rin yung driver na iyon dahil kinitil nito ang buhay ng mga magulang ko naiwan akong mag-isa sa araw mismo ng pinakamasayang araw ng buhay ko. Si Lola Isabella, ay dumating ng ika-limang araw ko sa hospital siya ang nag-asikaso sakin, at sa pagpapalibing kina tatay at nanay. Kasama niya si Uncle Syle ang kanyang anak at nakababatang kapatid ni tatay, hindi ko lubos na mapaniwalaan noong una na may pamilya pa pala si tatay pero nagpaliwang naman si uncle sakin na desisyon daw ni tatay na hindi sakin sabihin na may pamilya pa ito bagay na pinagtakhan ko. Ni minsan talaga ay walang binangit na anumang bagay tungkol sa pamilya niya si tatay maging si nanay na ang alam ko ay nasa ibang bansa ang pamilya niya pero hindi din naman naipakilala sakin. Kahit naman lumaki akong walang nakilalang kamag-anak nila ay hindi naman iyon naging hadlang, dahil sila lang ay naging sapat na kahit palipat-lipat din kami ng tirahan noon dahil sa trabaho ni tatay. At ngayon nga ay sa huling araw ko dito sa Manila, at sa pakiusap ko kina lola ay dinalaw ko ang puntod ng mga magulang ko, hindi ko maiwasang mag-tanong kung bakit hindi nila ako isinama sa kanila at kung bakit iniwan nila akong mag-isa. Inayos ko na ang damit ko at sa huling sulyap ay linisan namin ang puntod nila pero bago iyon ay may pangako ako na babalik ako. Inalalayan ko si lola na makapasok sa sasakyan namin at nasa likod ko si uncle, saka ako pumasok sa passenger seat katabi ni uncle na siyang magda-drive. Hindi pa rin ako makapaniwala na may natitira pa akong kamag-anak at kakaiba ang saya na nararamdaman ko ng makita ko sila noong unang beses na mag-pakilala sila sakin na parang matagal ko na silang kilala. "Mia, apo nandito na tayo." Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko, si lola pala napatingin ako sa paligid pero puro lamang ito ng mga naglalakihang puno nasa kagubatan kami pero pagtingin ko sa harap ay nakita ko ang isang napakalaking arko ang tumambad. Valle Verde... Kakaibang pangalan. Ito naba ang sinasabi ni lola na magiging bago kong tahanan isang liblib na lugar, at kagubatan. Nang makapasok na ang sasakyan namin sa lugar ay isang kakaiba at hindi maipaliwanag na damdamin ang nagsalimbayan sakin hindi ko maipaliwanag, pero parang tumatambol ang dibdib ko isang uri ng damdamin na nakakapanghina sa buo kong pagkatao. Bakit ganito anong meron sa lugar na ito. Parang napakapamilyar sakin ng lugar na ito nag-iinit din ang katawan ko at parang may gustong lumabas, napapikit na lang ako para pigilan ang damdamin na gustong lumabas sa buo kong pagkatao. Nakatanaw lang ako sa bintana ng kwarto ko habang linalaro ang kamay ko kanina pa ako naiinip napabuntong hininga na lang ako, nakaramdam din ako ng pagkabagot dahil mag-tatatlong linggo na rin mula ng dalhin ako ni Lola Isabella dito sa Valle Verde, isang tahimik na bayan malayo sa siyudad matatagpuan ito sa lalawigan ng Romblon. Nasa Luzon pa rin ang lugar na ito yun ang kwento ni lola, ayon pa sa kanya ay malayo nga ito sa pinakalalawigan ng Romblon, walang sino ma na ibang tao ang nakakaalam ng lugar na ito maliban lang sa mga nakatira dito hindi ko masyadong naintindihan ang bagay na iyon kaya hindi ko na binigyan pa ng pansin. Noong unang pagdating ko dito ay nakaramdam ako ng kakaibang damdamin na hindi ko maipaliwanag pero nawala din naman ito kaya napanatag ako kahit papaano, sa tatlong linggo ko dito ay lagi lang akong nasa silid ko nagluluksa, halos araw-araw akong umiiyak lagi ko kasing naalala sina nanay at tatay. Nauunawaan naman iyon ni lola kaya hinahayaan niya na lang muna ako kahit siya labis ding nasaktan sa pagkawala ng kanyang anak at manugang. Ina kasi siya at alam ko na labis din siyang nasaktan sa pagkawala ng mga magulang ko maging si uncle ay ganoon din kita ko din ang pagluluksa sa kanyang mga mata. Tumayo ako at naglakad papunta sa closet ko para mag-palit ng desenteng damit naka pajama lang ako at sportbra kakaligo ko lang kanina kaya mag-susuklay nalang ako, pagkabihis ko ay pumunta ako sa vanity table halos lahat yata ng gamit dito ay mga antique maging ang kama ay ganoon din pero may mga class parang yung mga furniture sa Europe na nakikita ko sa telebisyon. Nang makaharap ako sa salamin ay nakita ko ang isang babaeng walang buhay ang mga mata nanlalalim at pumayat din ako lalo dahil sa pagkaka-hospital ko at ang hindi minsanang pagkain, napipilitan lang ako dahil kailangan kong uminom ng gamot para mag-hilom ang mga sugat na natamo ko mula sa aksidente. Mayroon akong makapal at medyo kulot na buhok itim na itim ito at may kahabaan din, ang mga mata ko ay kulay amber, mayroon akong matangos na ilong at makipot na labi may balinkinitan akong katawan medyo nabawasan nga lang ako ng timbang kaya lalo akong pumayat, hindi naman ako kataasan at hindi rin naman mababa kung baga sakto lang. Sabi ng nakakakilala sakin ay mistisa ako at maganda iyon ay dahil ang mga magulang ko ay hindi purong pilipino. Mag-lalabing walong taong gulang na ako ilang buwan mula ngayon pero hindi ko alam kung paano ako magce-celebrate ngayon ngang wala na sina nanay at tatay. Parang gusto ko nanamang maiyak pero pinigilan ko ito na wag bumagsak ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at saka linagyan ko na din ng lip-gloss ang labi kong halos wala nang kulay dahil sa pamumutla. Nang matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas ako ng kwarto ko at tinahak ang pasilyo pababa ng hagdan nalula ako sa mahabang pasilyo, maraming kwarto ang dinaanan ko bago ko nakita ang hagdan pababa, mansion kasi ang tahanan ni lola. At bawat dinaanan ko ay may mga painting sa pader at sa pababa ng hagdan, napahinto ako at nakita ko ang portrait ni tatay noong kabataan niya may dalawa pa na lalaki siyang katabi ang lalaking katabi niya ay seryosong nakatingin marahil sa taong nagpinta ng portrait nila, at nasa gitna ay isang batang lalaki na alam kong si Unlce Syle dahil sa ngiti niya na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin, hindi ko ito napansin noong unang araw ko dito at hindi narin naman ako nakalabas pa ng silid ko mula noong kararating ko lang. Ngayong araw lang sa unang pagkakataon medyo kahawig ko pala si tatay noong kasing-tanda ko lang siya lalo na siguro kung naging lalaki ako, may mga portrait na hindi ko na kilala kaya nagpatuloy ako sa pagbaba sa huling baitang ko ay si lola at marahil ay siya si lolo mag-katabi sila at seryoso pareho ang buksa ng mga mukha sa painting may kakaiba akong naramdaman ng tumingin ako sa bilog na buwan sa likod nila kaya tuluyan na akong bumaba nagiwas ako ng tingin at saka tuluyang bumaba ng hagdan. Wala akong nakita sa pagkababa ko kaya linibot ko ang tingin ko sa paligid kahit pala dito sa sala ay mga antik din ang kagamitan pwera sa isang malaking platscreen tv na nakakabit sa dingding sa baba nito ay ang dvd at mga cd's may speaker din sa pagitan. "Oh hija mabuti at bumaba ka na kumusta na ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa likod ko ng may mag-salita isang may katandaan na babae marahil ay kasing edad lang siya ni lola, nakangiti siya sakin kaya ngumiti din ako pabalik. "Maayos na po ang pakiramdam ko, salamat po." Tipid kong tugon. "Ako nga pala si Salve ako ang mayordoma dito sa malaking bahay, natutuwa ako at lumabas ka na sa silid mo halika na sa kusina at makakain ka na ng agahan." Inaya ako ni Manang Salve sa hapag-kainan kaya sumunod ako di ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa bahay na ito maging ang hapag-kainan ay malaki din at puro antigo din ang mga kagamitan.. Umupo ako sa lamesa na mayroon ng nakahain na pagkain halos lahat ay paborito ko kaya napatingin ako kay Manang Salve. "Ipinagbilin ng lola mo na lutuin yung mga paborito mong pagkain ihahanda ko na nga sana para iakyat sayo, ito nga bumaba ka kaya kumain ka nang mabuti para magkalaman na yang katawan mo ang payat mo hija." Napatango na lang ako kay Manang Salve, nanalangin muna ako para sa pasasalamat ko sa umagang ito at para kay lola sa mga pagkain na nakahain at syempre kina nanay at tatay. "Nasaan po pala sina Lola?" tanong ko kay Manang Salve mayamaya. "Maaga silang pumunta ng bayan para bumili ng pataba sa manggahan hija." Sagot niya napatango akong muli, hacienda natatandaan ko noong unang araw ng pagdating ko dito may mga nadaanan kaming manggahan at maisan marahil ay doon iyon gagamitin. Sa umaga daw kasi ay abala sina lola at uncle sa farm, kaya ang naiiwan lang dito ay siya at ang iba pa niyang katulong na kasama nakita ko kanina ang ilan sa kanila na nakatingin sakin na parang namalikmata dahil nginitian ko ang mga ito. Mukhang mula sa araw na ito ay itong lugar na ito na ang magiging tahanan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD