Chapter two

1639 Words
Magana na lang akong kumain ng agahan dahil masarap ang mga pagkain naninibago lang ako dahil kahit mag-isa lang ako ay higit pa sa apat ang nakahaing pagkain bukod pa na may mainit na chokolate, at sariwang gatas ng kalabaw, at may mga prutas din katulad ng saging, manga, papaya, at guyabano. Guyabano ang kinuha ko dahil ito ang paborito ko at isang slice ng mangga, napatingin ako sa paligid ang laki nitong kusina may mga kabinet na halatang antique na din katulad kanina sa sala nitong mansion, nakakalula ang ganda ng kagamitan halos lahat ay may class. Ang bahay namin na naiwan sa Bulacan ay simple lang may dalawang kwarto isang banyo at magkasama na ang kusina at sala pero masaya kami, kahit simple lang at ngayon ay halos hindi ko mailibot ng isang beses ang mga mata ko dahil sa laki ng kabahayan. "Kumain ka lang hija may gusto ka pa bang kainin?" Napatingin ako kay manang at nakangiting umiling. "Ang dami na po nito salamat po." Magalang kong turan sa kanya at tinitigan niya ako kaya nakaramdam ako ng hiya. "Alam mo kamukhang-kamukha ka ng iyong ama kung naging lalaki ka ay kasing-gwapo mo rin siya." May bahid ng lungkot sa boses ni manang ng mabangit niya ang ama ko. "Lumaki sila dito at noon napakasaya at napakaingay ng bahay na ito, pero ngayong dalawa na lang nakatira dito ang lola mo at si Syle ay nabawasan na ang sigla ng bahay na ito." May halong lungkot sa boses niya, wala akong masabi dahil wala akong alam sa bagay na iyon. Nakakalungkot nga lang na hindi na nakauwi dito si tatay, kasama ko sana sila dito ngayon kung sakali. Kung sana ay nagtanong ako sa kanila noon kung may lola pa ba ako baka nasabi sakin nina nanay na may lola pa ako at sana nakauwi pa dito si tatay. Napatingin ulit ako sa ibang pagkain na hindi ko nasalinan man lang. Noon kasi ay nasanay ako na dalawang putahe lang ang linuluto ni nanay kahit sa tanghalian siguro kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa ganitong tema, hindi naman kasi ako lumaki sa karangyaan at simple lang ang pamumuhay namin pero noon iyon nalungkot na naman ako sa naalala ko. Naalala ko din ang mga naging kaibigan ko sa highschool kahit na isang taon lang ako doon ay may mababait pa rin na kaibigan ang nakilala ko. Kumusta na kaya sina Abby at Alexa? huli silang bumisita noong nasa hospital pa ako. Maging sila ay nagulat sa biglaang pagkamatay ng mga magulang ko, at yung huling araw na nagpaalam ako sa kanila na sasama ako kay lola nangako naman ako sa kanila na tatawag ako o kaya pwede naman akong bumisita sa kanila at baka pwede rin naman silang bumisita dito, na mimiss ko na din sila pati nga cellphone ko ay nakalimutan ko narin na buksan. Mula kasi noong nasa hospital ako ay hindi ko na muli pang nagamit ang cellphone ko. Nandoon kasi ang mga alaala ko sa mga magulang ko kaya hirap ako na buksan iyon dahil malulungkot na naman ako. Medyo napadami ang kain ko dahil lahat masarap at isa pa gusto kong bumawi sa pagkain, gusto ko na makabalik ang katawan ko sa dati nahihiya nga ako kina lola dahil hindi ko nakakain masyado ang mga ipinapaluto niya kaya kailangan kong bumawi ngayon. Pagkatapos kong kumain ay nagpasalamat ako kay Manang Salve, at naglakad ako palabas ng bahay sabi niya ay maglakad-lakad daw muna ako dito sa garden para daw mainitan ako at mag-libot narin dito sa buong mansion para maging pamilyar na ako dito. Napakaganda ng buong kabahayan mayroong apat na sasakyan ang nakaparada sa parking area may isang bakante kaya marahil ay ito ang ginamit nina lola, pati ang garden ay maganda din napapalibutan ito ng iba't ibang uri ng bulaklak karamihan ay mga orchids at, rosas na humahalimuyak ang bango sa paligid may nakita akong hardinero na bumati sakin parang matagal na nila akong kilala kaya binati ko din ito nagti-trim siya ng mga halaman. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng may isang bagay na nakakuha ng atensiyon ko. Lumapit ako sa isang bulaklak na parang naiiba sa lahat pinagmasdan ko ito ng mabuti, isa rin naman itong uri ng rosas pero ang kulay niya ay kakaiba halos naging purong itim na at hindi katulad ng karaniwang kulay ng rosas na pula pero ang isang ito ay naghahalo ang itim at pulang kulay parang itim na siya kung titingnan sa malayo, pero sa malapitan ay saka mo lang makikita na mayroong itong pulang kulay napakagandang rosas ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase. Kinabahan ako sa pagtitig ko dito parang may gusto akong alalahanin sa bulaklak na ito pero hindi ko maarok sa isip ko. Akma ko na itong hahawakan ng may isang kamay din ang pumigil sakin kaya nagulat ako at napatingin sa gilid ko. "Kung balak mo na mamatay dahil sa poisonous ang tinik nito wag mo ng ituloy delikado ang bulaklak na iyan." Magaspang ang tonong wika ng lalaki na nakaharap na sakin. Napatingin ulit ako sa bulaklak at saka ko ibinalik ang tingin sa lalaki. "Pasensya na po hindi ko alam." Nahihiya kong turan sa kanya at inilagay sa gilid ko ang kamay ko. "Marahil ay ikaw ang apo ni Isabella tama?" Tumango ako sa kanya nagtaka ako kung bakit pangalan lang ang tawag niya kay lola, sa tingin ko naman hindi nalalayo ang edad niya sakin o kaya kay Uncle Syle. "Ako si Lucian naghatid ako ng mga pataba ng makita kita dito kung hindi kita nakita ay baka nalason ka na sa tinik ng bulaklak na ito." Seryoso niyang turan saka ibinalik ang tingin sa bulaklak. "Pasensya na po ulit." Muling hingi ko ng paumanhin sa kanya pero ngumiti lang siya ng bahagya sakin. Gwapo ang lalaking ito parang kasingtanda lang talaga siya ni Uncle Syle nakakaintimida din ang aura niya. "Ano na nga ang pangalan mo?" Mayamaya niyang tanong. "Mia Rose po." Nahihiya kong sagot tumingin siya sakin at ibinalik ang tingin sa bulaklak napahawak siya sa baba niya at muling tumingin sakin at saka ibinalik din ang tingin sa magandang bulaklak na ipinagtaka ko. "Alam mo ba na ang pangalan ng bulaklak na ito ay Mia Rose din marahil ay dito kinuha ng iyong ina ang pangalan mo." Napasinghap ako sa sinabi niya at muling tumingin sa bulaklak hindi ako makapaniwala na kapangalan ko pa pala ang bulaklak na ito. "Mia Rose is a curse flower in medieval legend it was white in color before. Mia Rose was pure, innocent and a beautiful young lady but things changed when she fell in love with a Wolf Prince, the dark witch cursed her because of jealousy because she fallen in love with the Wolf Prince too." Kwento niya habang nakatingin lang ako sa kanya bumuntong hininga siya at tumingin sa bulaklak may nakita akong kakaibang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa bulaklak, parang ang lungkot niya pero ng mapatingin siya sakin ay ngumiti siya na may suyo. "May gusto ang mangkukulam sa prinsipe, ng malaman niyang nagkakamabutihan na ang prinsipe at si Mia Rose, gumawa siya ng ipinagbabawal na sumpa kahit naging kapalit nun ay ang pagkamatay nito wag lang mag-karoon ng pagkakataon na mag-sama ang prinsipe at si Mia Rose, namatay si Mia Rose noong ika-labing walong taong kaarawan niya, many years had past and her soul became a poisonous rose, it's beautiful kung titingan mo pero oras na matinik ka ay nakakamatay." Nakatulala lang ako sa kwento niya hindi ko maiwasan ang hindi mamangha at kabahan rin dahil sa mga sinabi niya. "But that just a legend young lady don't worry, your a beautiful lady and i'm glad to know that you've grown up so well have a nice day!" Yumukod siya sakin at saka tumalikod paalis hindi ako nakakilos agad at nakatingin lang sa kanya papalayo muli akong napatingin sa bulaklak. Isang hindi maipaliwanag na damdamin ang lumukob sakin ng mga oras na iyon, pakiramdam ko ay may kaugnayan ako sa bulaklak na ito ngunit hindi ko alam kung ano. Muli akong naglakad-lakad pero ang nasa isip ko pa rin ang kwento ni Lucian, nang makabawi ako kanina sa pagkamangha sa kwento niya ay sinundan ko siya pero hindi ko na ito makita pa. Malawak ang buong hardin ng mansion ni lola kung tutuusin ay hindi ito basta malaking bahay lang dahil sa luma nitong estruktura, nakakakita lang ako ng ganitong lumang mansion sa mga palabas sa telebisyon marahil ay matagal na itong naitayo malayo din ito sa mga katabing malalaking bahay din na nadaanan namin papunta dito. Kahit iba ang umuukupa sa isip ko ay pinagpatuloy ko na lang ang paglibot sa buong hardin, at kahit papaano ay mawaglit sakin ang kakaibang bulaklak na iyon. Sa paglalakad ko ay nakita ko ang pinakagitnang bahagi ng hardin may gazebo at may maliit na fishpond umupo ako sa gilid nito at pinanood ang mga maliliit na isda na lumalangoy sa tubig. Tiningnan ko ang virgin mary na nasa gitna nito at pumikit kakaibang damdamin muli ang lumukod sakin habang nandito ako sa lugar na ito. Pagkatapos ng ilang minuto kong pag-upo dito sa harap ng gazebo ay tumayo na ako at napaunat ng kamay ko, nakita ko ulit ang hardinero na marahil ay tapos na sa ginagawa niya dahil naghuhugas na ito ng mga kamay. Ngumiti lang ako sa kanya ng makita niya ako at bumalik na sa loob ng kabahayan, paakyat na ako ng hagdan ng muli akong mapatingin sa painting nina lola at sa buwan sa likod nila ito nanaman ang kakaibang damdamin sa loob ko kaya nagpatuloy na lang ulit ako sa pag-akyat. Hindi yata mawala-wala ang kakaibang kaba dito sa puso ko kung mananatili pa akong nakatingin sa painting nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD