Chapter three

1703 Words
Nakapasok na ako't lahat sa kwarto ko ay hindi ko pa rin makalimutan ang kwento kanina ni Lucian hindi ko iyon maalis sa aking isipan kahit anong gawin ko. Umupo ako sa kama ko at napabuntong hininga, ang napakagandang bulaklak na iyon ay nakakalason ngunit napakaganda nito at iyon ang hindi ko mapaniwalaan. Nakapagtataka din kung bakit nakatanim pa iyon sa hardin nina lola kung may lason naman pala ito dapat nga ay binunot na iyon para hindi na ito makalason pa. Nag-alala ako paano kung wala doon si Lucian malamang ay natinik na ako at ang malala ay nalason ako, mayamaya pa ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan mula sa labas kaya napatayo ako at tumanaw sa bintana. Nakita ko na lumabas si Uncle Syle at lola mula sa sasakyan kaya nagdesisyon akong muling bumaba ng silid para salubungin sila. Inayos ko muna aking sarili at saka lumabas ng silid. Pagkababa ko ay nasa bungad na ng sala sina lola, kaya napatingin sila sa akin at halata ang gulat sa kanilang mga mata ng makita ako na nandito sa baba. Ngumiti lang ako at tuluyang lumapit sa kanila nakangiti din si Uncle Syle sa pagkakakita sa akin. "Oh apo, masaya ako at lumabas ka na sa silid mo akala ko ay nagbibiro lamang itong si Salve." Tumingin si lola kay manang na nagkibit balikat lang kaya napangiti ako. "Naiinip na po kasi ako lola, saka nakakahiya na po sa inyo." Sagot ko at saka yinakap ako ni lola na nagpaiyak na naman sa akin, napakaiyakin ko talaga sinuklian ko din ang yakap niya. "Masaya ako at unti-unti ka nang nakakarecover apo hindi mo alam kung gaano ako kasaya." Malambing na turan ni lola sa akin habang nakayakap pa rin siya. "Pwede ba akong makisali?" Natawa kami ni lola kay uncle at saka yumakap ng mahigpit sa amin, kahit wala na sina nanay at tatay ay mayroon pa rin akong mabait na lola at uncle na kahit kakikilala ko palang sa kanila ay magaan na agad ang loob ko sa kanila. Kahit papaano pala ay maswerte pa rin ako dahil may kamag-anak ako na naiwan sa akin ang mga magulang ko. Mamahalin ko din sila katulad ng kung paano ko minahal ang mga magulang ko, kung nasaan man sila ngayon ay sana masaya na rin sila dahil ako kahit medyo hindi ko pa tanggap ang pagkawala nila ay may naiwan pa rin sila sa akin at iyon ay sina Lola Isabelle at Uncle Syle. "Hay naku! ang mabuti pa ay tayo ng mananghalian para doon tayo makapag-usap." Masayang turan ni lola na ikinatango din ni Uncle Syle. Si Uncle Syle ang nagkwento tungkol dito sa Valle Verde matagal na daw silang nakatira dito at isa daw itong matandang siyudad. Noon pa na mga panahon ng kastila isa itong malawak at pribadong lupain na pagmamay-ari ng pamilyang hanggang sa ngayon ay naritito pa rin, ang mga Del Valle na nakatayo daw ang tahanan may dalawang kilometro ang layo mula dito sa mansion nina uncle. Dagdag pa ni lola ay mabubuting tao ang mga ito at matalik daw na kaibigan nina lolo at lola ang pamilya ng mga Del Valle. Nagtanong ako tungkol kay lolo na agad naman na sinagot ni uncle, si lolo ay pumanaw na daw noong nakaraang taon lang. Iyon lang ang sinabi ni uncle at halata ang pag-iwas niya ng usapan tungkol kay lolo na hindi ko gaanong binigyan ng pansin. Nalungkot ako dahil hindi ko man lang nakilala si lolo at ni minsan ay hindi sa akin nabanggit nina nanay at tatay ang tungkol doon, ang naalala ko ay noong nakaraang taon ay naging malungkutin si nanay samantalang ang paliwanag sa akin ni tatay ay nagkaroon lang sila ng hindi magandang pagkakaunawaan. Pero nawala din naman iyon makalipas ang ilang araw. Gusto kong mag-tanong kung bakit ngayon ko lang sila nakilala kung kailan nawala ang mga magulang ko, pero hindi ko narin itinuloy baka hindi pa ito ang tamang oras para itanong ko iyon. Pribado daw ang buong lupain na ito at hindi rin basta-bastang makakapasok ang mga taga-ibang bayan o ang mga taong gustong pumasok sa lupain may mga nakatira din dito na mamamayan, sila ang matagal ng mga naninirahan dito at karamihan sa kanila ay naninilbihan sa mga Del Valle, at sa aming pamilya. May sampung malalaking mansion dito kabilang itong mansion nina lola na may malawak na mga pagitan, at mayroong maliliit na kabahayan kung saan nakatira ang mga tao hindi kalayuan dito. Sa pinakasentro ng Valle Verde ay matatagpuan ang mga pamilihan at eskwelahan, mula Elementary, Highschool at College at sa kabilang bahagi naman ng lupain ay ang pinagtataniman ng mga produktong katulad ng palay, mga gulay, at mga prutas at sila rin daw ang mag-kakatulong na nagtatanim at nag-aalaga ng mga ito, kumbaga lahat ng pagkain nila sa araw-araw ay dito rin mismo nanggagaling pati mga alagang hayop na karaniwang makikita sa rancho ay mayroon din dito. Sa madaling salita lahat na ay nandito na sa lugar na ito. Hindi na nila kailangan pa na pumunta sa labas ng bayan para mamili ng mga pagkain ng mga pamilyang naninirahan dito. Marami pang naikwento si Uncle Syle kaya nakakatuwang malaman na sa lugar na ito din lumaki ang mga magulang ko, ang pamilya daw ni nanay ay matagal ng nilisan ang Valle Verde, si nanay ay naiwan para daw kay tatay napangiti ako sa bahaging iyon dahil sa wagas na pagmamahal ni nanay kay tatay ay mas pinili niyang maiwan dito kaysa sumama sa pamilya nito na matagal ng nilisan ang Valle Verde. Sabi pa ni uncle ay isa sa mga araw na ito ay ipapasyal niya ako sa buong bayan. Kaya nakangiti akong tumango. Bigla kong naalala ang tungkol sa bulaklak kanina n nakita ko kaya minabuti kong sabihin iyon kay lola at mag-tanong narin. "Lola may nakita po akong bulaklak kanina sabi nung lalaking nakilala ko ay Mia Rose daw po ang pangalan nito." Napatingin sila pareho sa akin at halata ang gulat sa mga mukha nila. "A..anong sinabi mo apo?" Gulat na tanong ni lola nagtaka ako kung bakit ganito ang reaksyon niya, kahit si uncle ay ganoon din. "Imposible dahil hindi naman yun namumulaklak." napatingin ako kay uncle na nakakuyom ang mga kamay. "Sino yung lalaking nakilala mo apo?" Muling tanong ni lola. "Lucian daw po pangalan niya." Napahinga ng malalim si uncle at saka nagkatinginan sila ni lola. "Kung ganoon ay namulaklak na ulit ang rosas na iyon, wag mong hahawakan ang bulaklak na iyon apo delikado ang tinik nun at nakakalason." Paalala sa akin ni lola kaya napatango ako totoo talaga ang sinabi ni Lucian kanina na nakakalason ang bulaklak na iyon. "Siya pala ang naghatid ng mga pataba kanina at nakilala mo siya?" Baling ni uncle sa akin kaya tumango ako. Gusto ko pa sanang mag-tanong tungkol sa alamat ng bulaklak na iyon pero hindi ko na lang itinuloy dahil tahimik na pareho sina lola at uncle. "Ang pangalan mo ay kinuha ng iyong ina doon sa bulaklak tinutulan ko iyon pero hindi ako sinunod ng iyong ina." Napatingin ako kay lola na may kaunting lungkot ang boses. "Ngayon lang po ako nakakita ng ganoong kagandang bulaklak lola napakaganda nito." napangiti si lola pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata na-guilty tuloy ako dahil sa lungkot na nakita ko kay lola maging si uncle ay napahilot na lang ng sentido. Matapos naming mananghalian ay nagpaalam na si lola na mag-papahinga na sa taas inihatid ko na lang sila ni uncle ng tingin at napatingin sa labas, muli akong napahakbang palabas ng kabahayan at napaupo na lang sa upuan na nasa gilid ng veranda. Napapaisip tuloy ako sa mga nalaman ko kanina ano kaya ang hiwagang bumabalot sa bulaklak na iyon dito sa Valle Verde at parang napakapamilyar din sakin ng lugar na ito, hindi ko nga lang iyon masyadong tinuunan ng pansin noong unang araw ko dito pero ngayon na medyo nagtatagal na ako dito ay may mga nalalaman na ako na kakaiba sa lugar na ito. At sina Lola ay walang sinasabi sakin dahilan para hindi ko mapigilan na hindi mag-duda kung ano ang tinatago nilang lihim. Napatingin ako sa bandang hardin at napabuntong hininga, saka ako tumingin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi ako makapaniwala na wala na talaga ang mga magulang ko. Sa isang iglap lang ay para naglaho lahat ng mga gusto pa naming gawin na mag-kakasama. May mga pangarap kami noon kapag nagtapos ako sa college ay mamasyal kami sa Italy at lilibutin namin ang buong bansa, madalas kaming mag-plano pero ni isa walang natutupad. Kung hindi ako nagkakasakit ay may kailangan na ayusin sa trabaho si tatay kaya madalas ay idinadaan na lang namin ito sa tawa. Sabi nga ng mga nakakakilala sa amin ay perpekto kaming tingnan, kahit simple lang ang buhay namin ay hindi iyon naging hadlang para hindi kami maging masaya. Minsan nga hindi ko maiwasan na mag-tanong kung bakit maaga silang kinuha sa akin, na para bang ipinahiram lang sila sa akin at muli ng binawi ng hindi man lang ako naging handa. Hindi namalayan na kusa na naman na tumulo ang luha sa mga mata ko at inis ko itong pinalis, nakakapagod din ang umiyak dahil masakit sa mata at para akong may sipon. "Nandito ka lang pala." Napatingin ako kay uncle ng tumabi siya sa akin ng upo. "Bakit po ganun uncle, bakit kailangan niyang kunin agad sa akin ang mga magulang ko?" Hindi ko mapigilan na hindi mag-tanong kay uncle. Kinabig niya ako sa kanya at inakbayan ako kaya napasandig ako sa kanya. "Lahat ng mga nangyayari sa buhay natin ay may dahilan Mia Rose. Minsan susubukin tayo kung hanggang saan ang kaya natin." Sandali siyang huminto at napabuntong hininga. "Ang kialangan mo lang ay maging malakas at matatag dahil kapag natapos ang pagsubok na ito ay may gantimpala ka sa huli." Patuloy niya at yinakap ako ng mahigpit, napatango ako sa kanya at pumikit. Kakayanin ko ito para sa mga magulang ko at pati kina lola at uncle dahil sila na lang ang natitira sa akin. Sana dumating din ang araw na masagot lahat ng mga katanungan ko at mag-hihintay ako hanggang dumating iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD