Chapter four

1817 Words
Nakatanaw ako sa bintana ng kwarto ko ng bumukas ang pinto at tumambad ang nakasimangot na mukha ni mama, mukhang alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit napaakyat siya dito. "Ano na naman itong narinig ko na may pinaalis ka na namang isa sa mga katulong natin?" Halata ang stress sa mukha niya dahil nabawasan na naman ang kasama namin dito sa bahay. "Ayoko sa mga babaing harapan kung mang-akit mama kaya pinaalis ko na lang." Nakahalukipkip kong sagot kay mama. "At sinabi ko naman sa inyo na wag na wag kayong mag-papasok ng mga desperadang babae dito sa bahay." Patuloy ko pa kaya imbes na magalit siya ay napatawa na lang. "Anak hindi ka talaga tinatablan sa ibang babae." Umupo ako sa upuan at napabuntong-hininga. "Ayoko sa mga babae mama, isa lang ang gusto ko ang hinihintay ko at nasa malapit lang siya abot kamay ko na." Tumabi sakin si mama at saka hinawakan ang pisngi ko. "Mag-kaiba talaga kayo ng kapatid mo ang isang iyon napakababaero talaga." Nakasimangot niyang turan ang tinutukoy niya ay si Lucian ang kapatid ko sumunod sakin, napailing ako mag-kaiba naman talaga kami ng ugali isang iyon halos isang taon lang ang pagitan ng edad namin kaya pakiramdam namin ay walang matanda at bata saming dalawa. Mag-iisang taon pa lang kasi si Lucian ay nagbuntis na si mama sa'kin kaya naman para lang kaming kambal. Si Lucian sakit sa ulo ni mama at papa dahil sa kaliwa't kanan niyang pambababae minsan pa nga ay sa labas siya natutulog dahil sa galit ni mama, wala naman kaming magawa ni papa at ng mga kapatid ko dahil madadamay kami. Ang kaugali ko ay si Kuya Lukien stick to one ang isang iyon napakaloyal sa asawa niya, mula noon pa man na binata pa siya lalo na ngayon na may pamilya na siya at saka minana niya ang ugali ni papa, si Lily ang nag-iisa naming kapatid na babae ay ang referee samin malambing pero namana ang ugali ni mama na isa din istrikto na para bang mas matanda pa samin ng mga kuya niya. At si Lulien siya ang pinakasakit sa ulo namin mas malala pa kay Lucian kaya lagi siyang napapapagalitan ng mga magulang namin happy-go-lucky siya at laging tumatakas sa mga ensayo namin pero dahil bunso ay siya ang pinakamalambing kina mama at papa kaya hindi rin naman lubos na napapagalitan ng mga magulang namin. "Eh ako anak hindi mo rin ba ako gusto, si Lily?" Napatingin akong muli sa kanya. "Alam niyo naman na lagi kayong excemption diba." Nakangiti kong turan siguro kung mayroon mang isang bagay na ipinagmamalaki ko ay ang pagkakaroon ng napabuting ina. Si mama na laging nakikinig sa mga hinaing naming mag-kakapatid para narin namin siyang kaibigan na handang makinig at handang mag-bigay ng payo kung kami ay naguguluhan sa mga bagay-bagay na gumugulo sa mga isipan namin, isang napakabuting maybahay at ina sa aming mag-kakapatid kaya naman mahal na mahal ko siya. "Nasabi nga ni Lucian na nakita na niya si Mia Rose kahapon, anak magdahan-dahan ka muna wag mong biglain ang mga pangyayari nandito lang siya sa malapit at saka hindi pa namin nakakausap ng papa mo si Senyora Isabella at si Syle." Napatango ako kay mama at saka ko siya inakbayan papasikat pa lamang ang araw kaya sabay namin iyong tinanaw mula dito sa veranda ng aking silid. Kitang-kita mula dito ang papasikat na araw at dahil ang silid ko ay nasa pinaka-itaas na halos sakop ng silid ko ang buong thirdfloor, ito kasi ang gusto ko isang pribadong lugar kung saan ay mga ay aklatan at ang lugar kung saan ang pinaka-opisina ko. Ang trabaho ko ay sa kumpanya namin at ang pagiging pinuno ng Valle Verde, na ipinasa na sa akin ni papa lahat kaming mag-kakapatid ay may kanya-kanyang posisyon sa kumpanyang itinayo pa ng Great-granpa namin. Ako ang nasa ganitong posisyon dahil tinangihan ito ni Lucian at Kuya Lukien kaya napunta sa akin ang pagiging leader ng pack namin at buong puso ko naman itong tinangap, dahil sa nauunawaan ko ang mga kapatid ko gusto nila ng maayos na pamumuhay lalo si Kuya Lukien na may sarili ng pamilya. Hindi madaling mag-patakbo ng isang lipi ng mga lycans lalo na at nasa kalagitnaan ng krisis ang aming lahi dahil sa kasalukuyang digmaan sa pagitan ng mga kapwa namin lycans, bampira at demonyo. Matagal na naming naging kakampi ang mga bampira kaya kaming mga lycans ang nasa pagitan nila, masyadong sakim at gahaman ang ilan sa mga lahi ng mga demonyo kaya gusto nilang manakop dito sa mundo ng mga tao. Pero dahil ang lahi namin, at ang mga bampira at kasama ang mga puting mangkukulam na itinaya na ang mga buhay namin para lang ma-protektahan ang mga normal na tao dito sa mundo. Kaya nananatili pa rin kaming nakikipaglaban para sa kapayapaan. At isa pa ay kailangan naming maging handa sa lahat ng oras dahil hindi namin alam kung kailan aatake ang mga kalaban. Maswerte na lang kami dahil nandito kami sa Valle Verde dahil dito ay nananatili pa rin na ligtas ang mga buhay namin. "Bumaba na tayo at baka hinahanap na ako ng papa mo alam mo naman iyon masyadong paranoid kapag hindi ako makita sa umaga." Napatawa ako sa sinabi ni mama, sobrang mahal naman kasi ni papa si mama kaya nga kung mag-aasawa din ako at siya ang magiging luna ko ay mamahalin ko siya ng higit pa sa sarili ko katulad ng walang hangang pagmamahal ni papa para kay mama. Ang mga lahi namin ay iisa lang ang kailangan maging kabiyak habang nabubuhay kami dahil ito ang itinakda ng moon goddess. Hindi din naging madali ang mga nakaraang araw sa amin maraming mga rogue ang umaatake sa Romania. Kaya hindi ko muna pinapabalik sina papa at mama doon, sina lolo at lola ay nasa Japan at doon ay namumuhay na ng tahimik kaya malayo sila sa panganib pero hindi ang nakatatanda kong kapatid na si Kuya Lukien at ang pamilya niya kaya umalis muna sila ng Budapest para umiwas sa mga kaguluhan doon. Hindi narin kasi magawang pigilan ng ilang mga nakatatandang lycans ang patuloy na digmaan kaya mas humirap pa ang sitwasyon nila doon. Samantala ang beta ko ay pinadala ko doon kasama ng ilan naming mga sundalo upang tumulong narin sa mga kaalyado naming angkan, hindi narin maganda ang ugnayan namin sa ilang pamilya ng mga bampira na hindi nakikialam sa gulo ng aming mga kalahi kaya naging mahina ang pwersa namin. Napakuyom ako ng kamay dahil naging balewala ang lahat ng pinaghirapan ng mga kapwa ko Alpha, sa pagpapatupad ng katahimikan sa buong bansa. Mas lumalakas ang pwersa ng mga kalaban dahil sa itim na mangkukulam at sa anak ng demonyo na kumampi dito. Kaya mas maraming lycans ang kumakampi sa kanila, dahil sa kapangyarihan at ang mapabagsak ang labing-dalawang angkan ng mga lycans na siyang nagpapatupad ng katahimikan sa buong mundo. Kung noon ay nagtagumpay ang mangkukulam na iyon, pwes sisiguruduhin ko na hindi na muli pa siyang makakasira ng buhay, dahil hindi na ako makapapayag pa na muling mawala sa akin ang babaing pinakamamahal ko. Hindi ko na ulit pa na hahayaan na maulit ang nakaraan kaya naman gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang buong Valle Verde na tanging lugar na magiging ligtas ang luna ko at ang pamilya ko. "Aurora nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Salubong ni papa kay mama hindi man lang ako binati at agad na yinakap si mama napailing na lang ako at iniwan ang mga magulang ko na may sarili nang mundo, parang mga teenager pa rin sila dahil hindi nagbago ang pagmamahalan nila mula noon hanggang ngayon. Ito ang katangian naming mga Lycans ang magmahal ng walang hanggan at iisang babae lamang ang iibigin at aalayan ng walang hangang pag-ibig. Kaya kung ang isa sa kanila ang mamamatay ay hindi narin mabubuhay ang katulad namin or worse ay magiging rogue na lang isang walang buhay na lycan dahil ang kalahati ng kanilang buhay ay ang aming mga mate. Kaya ng mawala sa'kin noon si Mia Rose ay halos mawala ako sa sarili ko kung hindi dahil sa tulong ng pamilya ko ay matagal na akong naging rogue walang angkan at walang ibang gagawin na lang ay ang pumatay. Halos ilang taon din akong nakakulong at nakakadena sa dungeon ng araw na mamatay si Mia Rose, akala noon ay hindi na ako makakabalik sa dati at sa sarili ko dahil napakatagal na panahon bago siya naibalik dito ng kanyang mga magulang. Malaki ang galit ko sa pamilya niya dahil itinago nila si Mia Rose at binigyan ng tahimik na buhay, pero hindi din naman nagtagal iyon dahil kakamatay lang ng mga magulang niya at alam ko na hindi simpleng aksidente lang iyon. Kaya kailangan kong imbestigahan ang aksidente nila dahil alam ko na nalaman na ng kalaban na buhay pa siya kaya gusto nilang saktan ang dalaga. Nakita ko na papasok si Lucian sa pinto kaya linapitan ko siya. "Kung may ipaguutos ka kapatid spare me this time." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Please i want to rest for awhile." Dagdag niya pa mukhang may problema ang isang ito. "Wala pa naman siguro sa iba ko na lang ipapagawa ang trabaho mo." Seryoso kong turan sa kanya napakamot siya sa ulo niya. "Yeah do that..." Parang problemado talaga siya kaya di ko natiis na mag-tanong sa kanya. "Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin. "Ano ba iyong naramdaman mo noong unang beses na nakita mo si Mia Rose?" Tanong niya napailing ako sa kanya at mukhang alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. "Did you find your mate Lucian?" Deretso kong tanong sa kanya kaya napatingin siya sa'kin muli. "Yeah. But i really have a big problem brother." Sagot niya at napaupo na lang sa sahig at napasandal sa pader. Gusto ko siyang pagtawanan sa itsura niya dahil sa wakas ay nahanap na niya ang mate niya pero nagtataka ako kung bakit problemado pa rin siya. "Kung nahanap mo na siya bakit parang pasan mo ang daigdig ngayon?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "She's a baby Lucas. A new born baby." Nanghihina niyang sagot sakto na pumasok si Lulien at tumawa ng malakas sa narinig niya kaya sabay namin siyang sinamaan ng tingin. "Parusa iyan sa iyo Lucian, masyado ka kasing babaero." Sabi ko sa kanya sabay talikod at tinahak ko ang daan papuntang kusina. He really deserve it, masyado kasi siyang babaero kaya ayun binigay ng moon goddess sa kanya mag-hihintay lang naman siya ng ilang taon para mamarkahan ang mate niya. Katulad ko na ilang taon din na napurnada ang pag-marka sa luna ko dahil sa sumpang iyon. Pero ngayon na nandito na siya ay wala na akong oras na sasayangin, para lang makasama ko ang aking luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD