Chapter five

1656 Words
Nagising ako na walang kahit ano man na masasamang panaginip, tuloy-tuloy na rin ang tulog ko at pakiramdam ko ay napakapayapang umaga ang nakaabang sa pag gising ko. Tumayo ako at pumunta sa bintana at itinaas ang blinds nito binuksan ko ito at sumalubong sa akin ang nagbubukang liwayway na araw, at may kalamigang hangin ang tumama sa pisngi ko kaya napapikit ako at nagpasalamat sa isang napakagandang umaga. Muli akong bumalik sa kama ko at inayos ang tinulugan ko at saka pumunta ng closet para kumuha ng damit at pumasok sa banyo para maligo. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo, habang nagsasabon ako ng katawan ko ay may nakapa ako sa may bandang tagiliran ko kaya lumapit ako sa may salamin at sinipat ito, nagulat ako sa nakita ko isang balat na parang inukit sa katawan ko. Isang hugis rosas ang nakaukit sinipat ko pa ito ng mabuti, paano kaya ako nagkaroon ng ganito wala akong natatandaan na nagpatatoo ako. Hanggang sa makalabas ako ng banyo at nakapagbihis ay iniisip ko pa rin ang balat sa tagiliran ko, ang wirdo lang kinakabahan na tuloy ako sa mga nangyayari. Pwede naman siguro akong mag-tanong kay lola dahil sa mga nangyayari, mula ng mapunta ako dito ay may kakaiba na talagang nangyayari sa akin. Lumabas na lang ako ng kwarto ko at inalis ang mga alalahanin ko. Pababa na ako ng may nakita akong lalaking nasa bungad ng pinto na papasok, napatingin siya sa akin at halatang gulat ang nakikita ko sa kanya bumaba na ako ng tuluyan hindi pa rin inaalis ng lalaki ang tingin sa akin kaya medyo nailang ako. "Lulien nandito ka na pala." Napatingin ako kay Uncle Syle, na papalapit sa lalaki at saka siya napatingin sa akin kaya tinapik niya ang balikat ng lalaking tinawag ni uncle na Lulien. "Mia gising ka na pala ito pala si Lulien, isa siya sa mga estudyante ko." Pakilala ni Uncle Syle sa lalaki at saka siya tumikhim. "Hi! you really Mia Rose? Wow! you are more prettier in person." Medyo nailang ako sa sinabi niya kaya napayuko ako. "It's really good to see again..." Dagdag pa niya pero humina ang boses niya at nalungkot ang mukha nagtataka man ay napatango na lang ako. "Ikaw talaga Lulien, Mia punta ka na sa hapag-kainan nandoon na si mama." Tumango na lang ako kay uncle saka ko ulit tiningnan si Lulien na nakangiti na nagbago na ang aura niya kumaway pa siya sakin bago siya hilahin palabas ni uncle. Nang makapasok ako sa dining area ay nakita ko agad si lola na nakaupo na sa kabisera at nagbabasa ng dyaryo, napatingin siya sa akin at ngumiti. "Good morning po lola." Humalik ako sa pisngi niya at masuyo niya akong nginitian kaya napangiti din ako sa kanya at saka umupo sa kaliwang bahagi ng mesa. "Good morning din hija mabuti naman at maaga kang nagising." Nakangiti niyang turan kaya napatango na lang ako. "Sanay po ako na gumising ng maaga lola." Sagot ko sa kanya, natawa siya sa sinabi ko hindi daw ako nagmana kay tatay. Si tatay daw ay mahirap gisingin sa umaga noong kabataan nito, ibang-iba sila ni Uncle Syle na maaga din daw kung magising bago mag-bukang liwayway ang araw ay marami ng nagawa. "Sa uncle mo ikaw nagmana, walang duda." Sabay kaming natawa ni lola sa sinabi niya, naalala ko tuloy si tatay at nanay pero ayoko na ulit malungkot lalo na at maganda ang umaga na nasimulan ko. Kinuha ko ang baso ng gatas at uminom at saka ko tiningnan ang nakahain sa mesa lahat ay paborito ko, fried meaty rice, hotdog, boiled egg, may pandesal, and kesong puti at ang paborito ko na muffins kaya napangiti ako isang bagay na hindi ko pinapalampas sa umaga ay ang heavy breakfast katulad noong kasama ko pa sina nanay at tatay. Sabay-sabay at masaya kaming kumakain ng agahan lagi. Isang bagay na hindi ko na kailanman mararanasan. "Alam ko na nami miss mo ang mga magulang mo apo pero kasama mo naman ako at ang uncle mo kaya wag ka nang malungkot." Napatingin ako kay lola at sumisinghot na tumango hindi ko namalayan na tumulo na naman pala ang luha sa pisngi ko. Hindi ko pa rin talaga napigil ang luha sa mga mata ko. "Opo lola, salamat po pinipilit ko naman po kaya lang miss na miss ko na po talaga sila." Tumayo sa upuan niya si lola at saka lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit kaya hindi ko na napigilan pa ang luha ko na naguunahang pumatak. "Tahan na apo alam kong hindi madaling kalimutan ang lahat pero kailangan mong maging matatag at malakas para sa kanila, at para sa akin apo ikaw na lang ang naiwan ni Sabrina at Silo sa akin malulungkot sila kung nakikita ka nila na nagiging mahina." Sunod-sunod akong tumango at saka siya kumalas sa pagkakayakap sa akin at hinaplos ang pisngi ko ngumiti siya sa akin ng buong suyo. Naalala ko iyong balat na nakita ko sa tagiliran ko kaya, napatingin ako kay lola. "Lola may nakita po ako na balat sa tagiliran ko." Sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Ano po kaya ito? ngayon ko lang po kasi ito nakita." Patuloy ko at tumayo ako at lumapit sa kanya. "Patingin nga apo." Nagtatakang sabi niya kaya itinaas ko ang damit ko at ipinakita sa kanya ang balat ko. Napasinghap siya sa nakita niya at hinaplos niya ito, wala naman akong naramdaman kundi ang malamig na kamay ni lola. "Napakagandang balat apo, pero hindi ako makapaniwala na ngayon mo lang ito nakita." Napatingin ako kay lola at ibinaba ko na ang damig ko at muling umupo. "Bakit po lola?" Tanong ko sa kanya nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya. "Noong sanggol ka pa ay nandyaan na iyan sa iyon hindi nga lang kasing visible ngayon." Sagot niya kaya napahawak ako sa tagiliran ko, ibig sabihin pala ay matagal na itong nasa akin pero baka hindi ko lang napapansin. Wala din naman na nabanggit sa akin si nanay tungkol dito, gusto ko pa sana nga na sabihin kay lola na mainit ito kanina pero baka mawirduhan na siya sa akin kaya sinarili ko na lang. Hindi na rin nagsalita si lola kaya nanahimik na lang din ako, pero parang mayroon siyang malalim na iniisip dahil nakikita ko iyon sa mukha niya. "May sasabihin pala ako sa iyo apo hindi ba't magsisimula ka na sa kolehiyo?" Mayamaya pa na tanong ni lola kaya napatango agad ako. "Naayos na ng Uncle Syle mo ang mga papers mo, sa Valle Verde College ka na papasok sa susunod na linggo nai-transper na niya lahat ng mga papeles mo sa dati mo na school." Oo nga pala napag-usapan na namin iyon nina lola kahapon tungkol sa paglipat ko ng eskwelahan. Wala namang problema sa akin iyon dahil para na rin malapit ako kina lola. "Opo lola excited na po akong pumasok." Naging maganda na ang mga sumunod na usapan namin ni lola hanggang sa dumating si uncle masaya kaming nag-agahan. "Nasaan na nga pala si Lulien? Syle, naku sakit talaga siya sa ulo ni Lucian at Lucas napakapasaway na bata." Napatingin ako kay Lola at saka kay uncle. "Hinatid ko na sa bahay nila ayun pinagalitan na naman ni Lucas buti nalang at wala sina Tito Luwen at Tita Aurora." Iiling-iling na tugon ni uncle, Lulien siya iyong batang lalaki kanina. Kapatid pala siya ni Lucian yung lalaking nakilala ko kahapon din. "Si Lulien yung nakilala mo kanina Mia, siya ang pinakabata sa mag-kakapatid na Del Valle." Napatango ako kay uncle at saka ako nagpatuloy ng pagkain. Mag-kakapatid pala sila may isa pang pangalan na nabangit si lola, medyo kinabahan nga ako sa pagbangit ng pangalan na iyon. Lucas, parang pangalan pa lang ay siguro kasing gwapo din siya ng mga kapatid niya napailing ako sa tumatakbo sa isip ko. Pagkatapos naming mag-agahan ay nagpaalam na si uncle na papasok na, isa pala siyang proffesor sa Valle Verde University, kaya magiging teacher ko rin siya kung sakali. Si lola naman ay bumalik sa kanyang silid, ako ay nagpaalam ako na mag-lalakad lakad sa garden. Gusto ko ulit mamasyal dito sa buong mansion para malibang ako ng kaunti, wala naman kasi akong ginagawa sa loob ng kwarto ko kundi manood ng telebsiyon kaya mamamasyal na lang muna ako. Lumabas na ako ng bahay at naglakad-lakad na habang linilibot ko ang paningin ko sa paligid, ang ganda talaga dito lalo na at maraming bulaklak sa paligid. Hindi ako dumaan sa bahagi na kung saan nakita ko yung bulaklak na nakita ko kahapon, sa kabilang bahagi naman ako dumaan. May mga rosas na gumagapang sa mga kahoy na nakaayos ng maganda, dito pumapaikot ang mga rosas na may kulay rosas at puti. Nagmumukha itong pathway kaya parang nasa isang fairy tale ka lang. Enjoy na enjoy ako sa paligid, naka mentain kasi ang hardin ni lola kaya napakalinis din. Nasisiyahan ako na tinitingnan ang mga gerberas na nakahilera sa gilid ng pathway ang gaganda din ng mga ito. Pero nakaramdam ako na parang hindi ako nag-iisa kaya napatigil ako sa paglalakad at nagpalinga-linga ako sa paligid, may narinig akong kaluskos kaya sinundan ko iyon. Nasa malapit na ako ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at inis na pinapagpag ang katawan at nagrereklamong may mga kumakagat na langam sa katawan niya. "Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya napahinto siya at dahan-dahang humarap sa akin nagulat ako dahil isang kakaibang at hindi maipaliwang na damdamin ang bumalot sa buo kong pagkatao, parang umiikot ang paningin ko kaya napahawak ako sa ulo ko. "Mate...hey! ayos ka lang?" Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil umikot na talaga ang paningin ko kasabay nito ay ang tuluyan kong pagbagsak pero isang mainit na mga bisig ang sumalo sa akin. "My Beloved." Narinig ko pa na bulong niya matapos akong tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD