Bumalik agad kami ni Lucas dito sa Valle Verde pa sa mga trabaho niya kaya naiwan pansamantala doon sina Mikael. Sumama na rin sa amin pabalik si Alistair at Thomas at si Loki at Drake na nag-desisyon na sumabay na rin. Balak nilang pulungin ang mga kapwa Alpha ni Lucas at ang ilan sa mga matataas rin na tauhan ni Alistair at Loki na nananatili pa pala dito hanggang ngayon kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Nakita ko si Lucas at Alistair na masinsinan na nag-uusap na naramdaman ko si Loki na nasa tabi ko. "Hindi pa rin sila gaanong kombinsido na kakampi ako pero alam ko naman iyon dahil iba ang naging pagkakakilala nila sa akin." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Pasensya ka na Loki." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Pero umiling lang siya at seryoso akong tinignan kaya me

