Magaan na ang pakiramdam ko kinabukasan dahil sa nangyari noong nakaraang gabi binigay ko na kay Lucas ang sarili pero hindi ako makapaniwala ganun pala kasakit. Kahit may kapangyarihan ako ay hindi ko kayang gamutin ang sarili ko kaya halos hindi ako makabangon buong araw. Wala na si Lucas sa tabi ko ng magising ako marahil ay nasa baba na siya at naghahanda na ng almusal. Bumangon na ako at maayos na rin ang paglalakad ko pumunta na ako ng banyo para maligo ng mahubad ko ang damit ko ay napansin ko na mas tumingkad ang balat ko kaya kinapa ko ito. Buhay na buhay ito nabanggit ni Lucas na may marka siya ng katulad sa akin kaya hindi ako makapaniwala na ang bagay na ito ang kumukonekta sa aming dalawa. Ngayong araw ay pupunta kami sa Encera at alam ko na excited na si Lurence dahil ma

