Napaupo ako matapos akong makaramdam ng pagod matapos ang mag-hapon na pakikipaglaban sa mga bampira at rogue. Pero sa tuwing lumalapit sa akin ang luna ko at yayakapin ako ng mahigpit ay nawawala lahat ng pagod ko. Tulad ngayon na nakaupo ako at nakayakap siya sa akin napakasarap sa pakiramdam. Hindi nga lang nagtatagal ang pagsosolo namin dahil nakabuntot lagi ang anak ni Laurence na akala mo ang luna ko ang nanay niya. "Wag ka nang magalit mahal ko." Bulong niya nabass na naman niya ang nasa isip ko kaya napailing na lang ako. "Pwede ba tayong matulog na tayong dalawa lang." Bulong ko sa kanya kaya napatango siya pero alam ko naman na imposible dahil tatabi na naman sa amin si Exel. "Kakausapin ko si Exel mamaya." Nakangiti niyang turan habang minamasahe ang noo ko kaya napatingin

