Nagising ako na parang may naririnig akò na umiiyak kaya bumangon ako ng dahan-dahan nakita ko na tulog na tulog na sina Lira. Sinundan ko ang iyak nito at nasa may batis ito di-kalayuan sa kinarorooanan namin. Nakita ko ang babae na nakaupo sa may batuhan at umiiyak marahil ay naramdaman niya ang prisensya ko kaya napatingin siya sa gawi ko. "Sino ka?" Tanong ko sa kanya halata ang gulat sa mga niya kaya lumapit ako palapit sa kanya. "Ikaw sino ka bakit at paano mo ako nakikita?" Tanong niya at tumigil na siya sa pag-iyak. Kakaiba ang itsura niya at may pakpak siya na parang sa isang paro-paro. "Nagpapahinga lang kami dito at magpapalipas ng gabi mga manlalakbay kami." Paliwanag ko sa kanya kaya napatango lang siya. "Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya kaya para na naman

