Habang naglalakad kami palapit sa pinaka sentro marahil ay hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng kaba. May mga lycans na napapayuko sa tuwing may madadaanan kami at alam na nila kung sino ako, kahit nawala ang mga koneksyon nila sa Valle Verde ay alam nila na asawa na ako ng kanilang Alpha kaya ganun na lang ang pagbibigay galang nila. "Pamilyar ang lugar diba?" Napatingin ako kay Lira ng magsalita siya sa tabi ko kaya napatango ako. Para lang itong Valle Verde at ang similaridad ay hindi nalalayo dito pati mga bahay kahit maliliit ay ganun rin. Hindi ako makapaniwala na bahagi ng lugar na ito ang Valle Verde kagaya ng sinabi ni Darin. "Nandito na tayo sa tahanan ng pinuno nila." Napatango ako kay Darin at huminto kami. "Nandito na pala kayo pasok naghihintay si pinuno sa inyo." S

