Nakabalik kami na maayos at naghihintay sina Lira at saka siya napatingin kay Darin na seryoso na naman ang mukha kaya napailing na lang ako. Naalala ko ang sinabi niya kanina kailangan lang talaga nila ng masinsinan na usapan para mapatawad na nila ang mga sarili nila dahil kailangan magsimula ito sa kanilang dalawa. Kung na saan man ang anak nila ay sana masaya na ito at alam ko na hindi nito gusto na manatiling nagkakasakitan ang mga magulang niya. Ngayon ko lang naintindihan na makapanyarihan ang kamatayan nakita ko kung ano ang isinakripisyo ni Lira para lang mailigtas ang kanyang anak pero nabigo siya. Ang mga magulang ko at ang dating Mia Rose na nag sakripisyo rin para sa akin. Mas pinili nila na mawala at iwan sa mundong ito ang mga mahal nila sa buhay para lang sa akin. At s

