Matapos ko na gamutin si Darin ay hinanda na namin ang mga gamit namin at hindi kami dadaan sa b****a dahil alam namin na nakaabang roon ang mga kalaban. "Ikinagagalak kitang makita muli kamahalan." Napatingin ako kay Tia na nakayuko. "Ikinagagalak rin kitang makilala." Nakangiti ko na turan sa kanya kaya napangiti siya. "Tayo na kailangan na natin na makaalis dito." Sabi ni Darin kaya nagsimula na laming tahakin ang pinakaloob ng kweba at hanapin ang lagusan nito. Si Tia ang naging gabay namin dito sa kweba at ilang oras na yata kaming naglalakad pero hindi pa rin namin makita ang lagusan. Nagpapasalamat ako dahil hindi alam ng mga kalaban na nandito kami sa kwebang ito at ang kabayo na dala namin ay napakawalan ni Darin at alam ng mga ito kung saan sila maghihintay. Kailangan nga l

