Paglabas ko sa bahay ni Loki ay napahinga ako ng malalim at napatingala sa langit at pumikit. Marami akong natuklasan at hindi ko alam kung paano ko ito ipo-proseso sa utak ko. "Aalis tayo bukas ng umaga sa ngayon magpahinga ka na muna sabi ng mahal na hari." Napatingin ako kay Drako na bigla na lang sumulpot sa tabi ko at hindi na ako magtataka dahil isa ito sa mga kakayahan ng uri nila. "Ligtas ba ang mga kasama ko?" Tanong ko sa kanya kaya napatango siya. "Wag kang mag-alala wala ng Dreyor na nakasunod sa kanila ang mga sundalo na namin ang bahala sa kanila." Nakangiti niyang turan. "Iba talaga ang pagkakalinlan niyo sa amin tama?" Bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya. "Ito kasi ang mga nakasulat sa halos libro na pinabasa sa akin ni lola." Sagot ko sa kanya kaya napai

