Bernadette and Juniel - 6

1869 Words
“HINDI ka talaga mapakali.” Pumuno sa tahimik na sala ang tinig ni Frederick. Ilang minutong natulala si Roselle magmula nang iwanan ni Juniel. Nakokonsiyensiya siya sa pagpe-pressure sa anak. Batid niyang labag sa kalooban ng binata ang nais niya. Kilala niya ang panganay, hindi niya ito basta-basta napipilit kung hindi nito gusto ang isang bagay. At ngayon nga’y alam niya kung ano ang iniisip sa kanya ng asawa. Nasalubong niya ang paningin ni Frederick. Inaasahan na niyang galit ito ngunit simpatya ang nababasa niya sa mga mata nito. Napabuntong-hininga siya at saka naupo sa sofa. Saglit lang ay katabi na niya sa sofa si Frederick. Maski papaano ay gumaan ang kalooban niya dahil sa masuyong paggagap nito sa kanyang kamay. “Alam kong nasaktan ko ang kanyang kalooban. Pero sana’y maunawaan ako ng ating anak. Determinado akong sila ni Bernadette ang magkatuluyan,” mahina niyang sabi. “Sa palagay mo ba’y makabubuti ang gayon sa kanilang dalawa? Tiyak mo bang walang problema kina Mariel?” Nagliwanag ang mga mata ni Roselle. “The same old rules apply, Frederick,” makahulugan niyang tugon. Nang-aarok ang titig sa kanya ng asawa. Alam niyang sa simula pa lang ay tutol na ito sa gusto nilang mangyari ni Mariel. At pupusta siya na kung ano ang katwiran ni Benedict ay siya ring katwiran ni Frederick. Both men hated the idea of forcing their children into marriage. Bagaman hindi ang mga ito tututol sakaling magkagustuhan sina Bernadette at Juniel. Sa bagay na iyon ay naiinip na sila ni Mariel. Kung hihintayin nilang dumating ang panahong iyon ay baka mamuti na ang buhok nila. Samantalang puwede naman silang gumawa ng paraan para lalong magkalapit ang dalawa. Humilig si Roselle sa dibdib ni Frederick. Kinabig siya nito at saka inakbayan. “Maaaring kagaya natin no`n sina Bernadette at Juniel. We kept on pestering each other. Pero ang totoo ay nai-in love na pala tayo sa isa’t isa—” “Hanggang ngayon... walang kupas ang pagmamahal ko sa `yo. Tandaan mo `yan,” putol ni Frederick. Ang kamay ni Roselle ay dinala sa mga labi nito. Like old times, parang may maliliit na kuryenteng dumaloy sa kanyang likod sa ganoong gesture ng asawa. Naramdaman ni Roselle ang marahang dampi ng halik sa kanyang buhok. “Kung masisiguro lang nating mangyayari sa kanila ang kagaya sa atin, bakit ako tututol? But, Roselle, ilang bagay lang ba sa atin ang sigurado? And we are not the authority to tell what will happen in the future. Kahit na nga ba mga anak natin ang involved.” Dama niya ang concern sa tinig nito. Humarap siya rito habang ang isang kamay niya ay iniyakap dito. “Thanks for loving me, Frederick. Pati na rin kay Juniel,” maluha-luhang bulong niya. “Don’t say that,” ani Frederick at gumanti rin ng yakap sa kanya. “Alam mo kung gaano ko kamahal sina Roi at Rei ay ganoon din ang pagmamahal na ibinibigay ko kay Juniel. Hindi ba’t siya ang panganay natin? I could still remember that overwhelming feeling when he first called me ‘papa’.” Tiningala ito ni Roselle. Hindi na niya naitago ang butil ng luhang naglandas sa kanyang pisngi. “I love you, Frederick...” bulong niya. Siya na ang kusang humalik dito. He accepted her kiss. Banayad itong tumugon sa kanyang halik. Damang-dama niya ang labis na pagmamahal nito sa kanya. Sa mga haplos at halik nito ay ang unti-unting pagkapukaw ng pananabik nito sa kanya. HINDI dalawin ng antok si Bernadette. Ang akala niyang pag-iwas sa diskusyong binuksan ng ina ay matatakasan sa ginawang paliligo. Ngunit hindi akalaing maghihintay itong matapos siya. Seryoso ang kanyang mommy sa ideyang dapat siyang pakasal kay Juniel. Sa kauna-unahang pagkakataon, sumama ang loob niya sa ina. Ni hindi pa niya naiisip ang tungkol sa pag-aasawa ay doon na siya ipinagtutulakan nito. And she was not given the chance para pumili ng lalaking pakakasalan. Si Juniel ang laging bukambibig nito. Napabuntong-hininga siya. May nararamdaman siyang inis sa binata. Gusto tuloy niyang mag-isip na baka naman kasabwat ng mga magulang si Juniel. Nangilid ang kanyang mga luha. Gusto niyang makausap ang kanyang daddy. Subalit hindi niya ito nakikita. Ni hindi nila ito nakasalo sa hapunan at ang sabi ng ina ay hindi raw maiwanan ang trabaho. Naalala niya ang naging pag-uusap nila ng ina. “What’s wrong with Juniel, Princess? You knew him ever since. Bakit kailangang maghanap ka pa ng ibang lalaki? Besides, napag-usapan na namin iyan ng Ninang Roselle mo, a long time ago.” “Wala na ba akong karapatang mamili ng lalaking gusto ko?” Mababakas ang sama ng loob sa tinig niya. Ngunit hindi iyon nakaligtas sa pakiramdam ni Mariel. Somehow, nahihirapan din ang kalooban nito sa nakikitang disgusto sa mga mata niya. Paminsan-minsan ay spoiled siya sa kanyang mga magulang pero hinahayaan din siya ng mga itong magpasya para sa sarili. “Ngayon lang ako makikialam, Princess. Haven’t we given you the chance of getting along with other men? Naranasan mo nang magkaroon ng steady pero sa breakup lang nauwi.” “What do you want to say, Mommy? Na hindi ko kayang mamili ng lalaking para sa akin? Na mas tamang sundin ko kayo?” Pigil ni Bernadette ang pag-aalsa ng boses. Pinilit ni Mariel na hindi maapektuhan sa nakikitang galit niya. “Lagi mo naman akong sinusunod, Princess. Wala akong nakikitang mali kung susunod ka uli sa akin ngayon.” “I don`t think so, Mommy. Dahil nakasalalay dito ang buo kong buhay. I will be confined in a lifetime commitment. And before we all knew that abiding by you is wrong, I am already binded by that marriage. How can we be so sure that Juniel and I will have a blissful marriage? Ni hindi nga matatapos ang beinte-kuwatro oras na hindi kami nag-aaway. `Tapos, gusto pa ninyong magpakasal kami,” pahisterya niyang katwiran. Nanatiling nakikinig si Mariel. Pinag-aaralan nito ang sitwasyon. Maaaring gumawa sila ng paraan ni Roselle para maging maayos ang lahat. Expected na nila na magiging ganoon ang reaksiyon ni Bernadette. “This is absurd, Mommy. Mahirap `yang iniisip ninyo. It won’t work, lalo na sa amin ng lalaking iyon.” Napabuntong-hininga ito. “Ang parents ni Juniel ay wala ring ginawa noon kundi ang mag-asaran at mag-away. But look at them now. Happy and contented sila sa isa’t isa.” “Sila `yon, Mommy. Magkakaiba ang kapalaran natin. Hindi puwedeng mangyari sa amin ang nangyari sa kanila. How many couples had had their marriages broken when in fact they both came from a families of believers in the sanctity of marriage?” “Why don’t you try?” paghahamon ni Mariel. “I know you so much. You wouldn’t want your future children to suffer from a broken marriage, would you?” “I may consider those would-be children. But how about myself? Will I sacrifice my whole life just for the sake of the children? Why? Couldn’t I choose a man with whom I will spend the rest of my life?” “Juniel is the answer to that question, Princess. You don`t have to choose,” simpleng pahayag ni Mariel. Awang ang mga labing napatitig siya sa ina. Ngayon niya na-realize na useless ang lahat ng mga sinabi niya. Buo na sa loob ng kanyang mommy ang ideyang pakakasal siya kay Juniel. At ngayon ay nalilito siya. Nahahati ang kalooban niya. Kung pagbibigyan niya ang ina, paano naman siya? Paano ang sarili niyang kaligayahan? Oo nga’t naniniwala ang kanyang mommy na hindi niya magagawang sumuway sa kagustuhan nito. Pero titiyakin muna niya sa mga itong kailangan niyang pag-isipan nang husto. SUMIKAT ang araw nang walang ideyang pumasok sa isip ni Bernadette kung paano haharapin ang desisyon ng ina. Ibinasura na rin niya ang posibilidad na puwedeng lambingin niya ang ama para sila ang magkakampi sa pagsalungat sa nais ng ina. It would be a big disaster for both of them. Ngayon niya na-realize ang hirap ng kaisa-isang anak. Wala siyang kapatid na maaari niyang hingan ng tulong o `di kaya’y payo. Ni wala siyang makausap kundi ang sarili lang. Naisip niya ang kanyang daddy. Tiyak na hindi siya nito matitiis. Ganoon pa man ay nagtatalo ang loob niya. Kapag ginawa niya iyon, nangangahulugan lamang na ang dalawa naman ang magtatalo. Ni minsan ay hindi pa niya nakitang nag-away ang mga magulang. At kung sakali, ngayon pa lang. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng pagtatalo ng mga ito. Isa pa, malapit din ang loob ng kanyang daddy kay Juniel. Malamang sa hindi ay papaboran ni Benedict ang binata. Maganda ang relasyon ng pamilya niya sa pamilya ni Juniel. Kapag nagkataon, ngayon lang yata malalamatan iyon sakaling tumalikod siya sa kasunduan. Naipilig niya ang ulo sa pagtatangkang mawala ang maraming agam-agam. Mabilis na niyang iginayak ang sarili sa pagpasok sa opisina. Matapos ang maingat na pagpapahid ng makeup sa kanyang mukha ay hindi na mahahalata na wala pa siyang tulog. Napilit niya ang sariling ngumiti at kumilos nang normal sa harap ng mga magulang na ngayon ay magkasalong nag-aalmusal sa komedor. “I’ll have a heavy breakfast,” aniyang tinungo ang kanugnog na kusina matapos masulyapang prutas at juice ang nakahain sa ibabaw ng mesa. Ibubuhos niya sa pagkain ang sama ng loob na hindi naman niya hantarang mailabas. “Ipagluluto kita.” Inagaw sa kanya ng ina ang cooking utensils. “Marurumihan ka pa’y nakabihis ka na.” Pinagbigyan niya ito. Muli niyang hinubad ang kasusuot na apron. “Galit ka ba sa amin?” tanong ng ama nang tumabi siya rito ng upo habang hinihintay na maluto ang almusal. Lumabi siya. “Hindi ko alam ang tamang isasagot diyan.” Ibinaba ni Benedict ang diyaryong binabasa. “Sinabi na sa akin ng mommy mo kagabi ang tungkol sa inyo ni Juniel. I want to hear your side.” Saglit lang siyang sumulyap sa ama. Hindi niya nais na maging emosyonal sa mga oras na iyon. Nag-alis muna siya ng bara sa lalamunan bago nagsalita. “It’s useless na magsabi pa ako ng rason, Daddy. May palagay akong inaasahan na ninyo na magiging pabor sa inyo ang desisyon ko. Whether I like it or not, nakapagpasya na kayo.” Puno ng hinanakit ang tinig niya. “Princess...” masuyong tawag ni Benedict. “I do understand your feelings. Ayaw kong pati ako ay magdikta sa iyo. But then, I’m suggesting na pag-isipan mo ang punto ng iyong mommy. Nasa katwiran ka pero tingnan mo rin kung ano ang mga punto ng iyong mommy sa bagay na ito.” “You mean, mag-iisip muna ako?” Marahan itong tumango. “Pag-isipan mo nang husto, Princess. Pero sana, you take both sides into consideration. Hindi lang `yong sa `yo.” Na-touch naman siya sa sinabi ng ama. Nauunawaan siya nito. “Sakaling nakapagpasya ka na, ipaalam mo lang sa akin.” “P-paano kung—” “Huwag kang mag-alala,” sansala ng ama na nahulaan agad ang laman ng isip niya. “Kung anuman ang magiging pasya mo ay maluwag na tatanggapin iyon ng mommy mo at ni Ninang Roselle mo.” “T-talaga?” Napalunok siya. “Trust me,” nakangiting tugon ni Benedict.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD